Chereads / Gaze at the Empyrean and say, Hi! / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

"La kumain ka na ba?" Tanong ko kay lola pagkababa ko ng hagdanan.

Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sakaniya. Kaya agad akong nagtungo sakaniyang kwarto.

"La!" Agad na gumapang sa katawan ko ang takot, ng makita kong hirap na hirap na si lola sa paghinga.

"Ma, Si lola nahihirapang huminga!" Malakas kong sigaw.

"Anong nangyari anak?" Naguguluhang tanong ni mama.

"Ma, dalhin na natin sa ospital si lola."

Agad akong lumabas at tumawag ng tricycle. Mabuti nalang at mabait 'yung driver dahil tinulungan niya kaming buhatin si lola palabas, nang maisakay na namin siya labis na takot ang nararamdaman ko. Natatakot ako para kay lola.

"La, lumaban ka 'wag mo muna kaming iwan please. Lola enhale, exhale." Naiiyak kong sabi.

"Kuya pakibilisan naman oh?" Nag aalalang sabi ni mama.

"La kumapit ka lang, malapit na tayo." My tears started to fall, when I realized that lola is unconscious.

Nang makarating kami sa Ospital, agad na binuhat ng driver si lola papuntang emergency room.

"What happened?" Tanong ng nurse.

"Nahirapan siyang huminga at bigla siyang nawalan ng malay." Umiiyak na sabi ni mama.

"Miss please gawin niyo lahat ng makakaya niyo para kay lola, please." I begged her.

Habang nag-aantay kami ay umiiyak na si mama kaya kailangan kong maging matatag para sakaniya. Hindi mawawala si lola, 'yan ang tinatak ko sa aking isipan.

"Ma, magiging okay din si lola, gagaling siya." I said with a hopeful voice.

Gustong-gusto ko ng umiyak dahil unti-unti akong nalalason, sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan, habang pinapanuod si lola na i-revived ng doctor.

"Doc anong nangyayari kay lola? Doc tulungan niyo siya please, Doc please." Pagmamakaawa ko sa Doctor.

Ngunit biglang tumunog ang life monitor machine hudyat na hindi na kinaya ni lola at sumuko na talaga ang katawan niya.

"Time of death 7:45 A.M. I'm sorry we tried are best to revive her, but there's no response."

"Doc hindi totoo 'yan, hindi totoo 'yan." I shook my head, "Doc bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi totoo 'yon 'diba?" I asked with a hopeful voice. "Doc tulungan mo si lola please, lola ko 'yan doc tulungan mo siya! hindi totoong patay na si Lola!" Lumuhod ako sa harap ng doctor upang magmakaawa.

"I'm sorry, but we did everything we can do."

Lumapit ako kay lola para tingnan siya. "Lola! Gumising ka na, 'wag mo naman kaming iwan." Umiiyak kong sabi habang hawak ko ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo diyan? Bakit nakatayo ka lang? Bakit hindi ka kumikilos para gamutin si lola? Gamutin mo siya!" Sigaw ko sa Doctor.

"I'm sorry we tried our best to save the patient." The doctor said before she leaved.

"Kung ginawa niyo 'yung best niyo bakit namatay ang lola ko? Doctor ba talaga kayo? Bakit hindi niyo nagawang iligtas ang lola ko?" I sobbed.

"Kc tama na. Wala na tayong magagawa, wala na ang lola mo. Masakit man pero kailangan nating tanggapin ang pagkawala niya." Umiiyak na sabi ni mama.

"Ma hindi totoo 'to, panaginip lang 'to 'diba?" Patuloy ang luhang umaagos sa aking mga mata.

"Lola gumising ka na diyan please! La 'diba sabay nating titingnan 'yung bar exam results? Bakit nakahiga ka lang diyan? La tumayo ka na please, 'wag ka namang mag biro ng ganiyan. La andaya-daya mo naman. 'Di ko pa naabot pangarap ko iniwan mo na 'ko." Niyakap ko si lola ng napakahigpit.

"Kc tama na anak, isipin mo nalang 'di na nahihirapan ang lola mo ngayon." Umiiyak na sabi ni mama habang hinahagod ang likod ko.

"La bakit mo naman kami iniwan? Pa'no na kami ngayon? Paano na 'ko kapag may problema 'ko? Wala ng mag che-cheer up sa 'kin. Wala na yung lolang nag aruga sa 'min simula pagkabata. Wala na 'yung lola naming mapagmahal, 'yung lola naming suportado kami sa lahat ng bagay, 'yung lola kong loko-loko at bolera. Lola hindi ako sanay na hindi ka nakikita sa araw-araw. Lola bakit naman ganito? Hindi na kita muling matatabihan sa pag tulog mo. Mamimiss kita ng sobra la. Mahal na mahal kita." Hinalikan ko si lola sa noo at kamay niya sa huling pagkakataon, gaya ng palagi kong ginagawa sakaniya noong nabubuhay pa siya.

Umuwi muna kami ni mama para kumuha ng pera. Inayos namin ang bahay dahil dito nalang namin pinlanong iburol si lola, dahil wala kaming sapat na pera para bigyan siya ng magandang burol. Alam ko namang maiintindihan kami ni lola.

Tinext ko din si kuya na wala na si lola. Pagkadating ni Jillian galing eskwelahan ay ang saya-saya niya ngunit agad na nawala ang mga ngiti sa labi niya ng malaman niyang wala na si lola, 'yung bunsong kapatid naman namin ay dinala muna ni mama sa tatay niya upang maayos niya ang burol ni lola.

Iyak nang iyak si Jillian at halos mag lupasay na. Habang ako ay tulala at hindi pa din makapaniwalang wala na talaga si lola.

"Sana Rigel andito ka sa tabi ko sa mga panahong nahihirapan ako, para mayroong taong nag papagaan ng loob ko." I said to myself.

Dumating si kuya na naguguluhan, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Katulad ko din siyang, hindi makapaniwala sa nangyari. Nag kulong lang siya sa kwarto niya buong mag hapon.

Kinabukasan, dumating na si lola ngunit isang malamig na bangkay na. Marami kaming mga kamag-anak ang nagpunta upang makiramay sa pagkawala ni lola. Kaya wala akong panahon para umiyak at magmukmok dahil kailangan ko silang asikasuhin.

Mabuti nalang at tinulungan kami nung tatay, ng bunso naming kapatid sa mga gastusin para kay lola dahil may kaya siya sa buhay.

Nang ikalawang gabi ng burol ni lola, dumating ang mga kaibigan ko upang makiramay. Ngunit nagulat ako ng makita kong malaki na ang tiyan ni Mica.

"Condolence Kc." Malungkot na sabi ni Mica. Nginitian ko lang siya dahil hindi naman ako maaring magpasalamat. Gano'n din ang ginawa ko kila Dax, Migs at Casper.

Pinaupo ko muna sila at binigyan ng maiinom at makakain. Pagkatapos ay umupo din ako para tabihan sila.

"Buntis ka Mica?" My brows furrowed.

"Hindi shunga, nakalunok lang ako ng bola." She said sarcastically.

"Ilang buwan na 'yan? Sinong ama? May jowa ka ba?" I asked curiously.

"Ano to te? Interview? Mag boy Abunda ka na kaya, bagay sa 'yo! Lights off or lights on.

"Ano nga? Ito tinatanong kang maayos eh." I rolled my eyes.

"6 months na, si Migs ang ama." She calmly said.

My eyes widened in shocked, "Hindi nga? Punyemas ka!" 'Di makapaniwalang tanong ko.

"Ikaw sumagot, ako maniniwala!" Sarkastikong sabi ni Mica.

"Paano? Hindi nagalit daddy mo? nakapagtake ka ba ng bar exams?" Sunod-sunod kong tanong.

"Malamang ginawa namin ni Migs 'yung ano, 'yung alam mo na 'yun! Kaso sobrang bobo niya kaya may nabuo. Siyempre nagalit si Daddy, g na g nga sa 'kin kulang nalang itakwil ako buti nalang ando'n si Migs nung sinabi naming buntis ako. Nag take ako ng bar exams, sana pumasa para dalawa 'yung blessings ngayong taon."

"Animal ka Migs ba't mo naman binuntis yung best friend ko? Kaya pala kayod na kayod ka kasi magkakaanak ka na!" Binatukan ko siya.

"Wala eh, first time namin pareho kaya may nabuo. Kaya ikaw! 'Wag mong subukan."

"Asa ka namang gawin ko 'yun." I rolled my eyes. "Siguraduhin mong magandang bata ilalabas niyan ni Mica kung hindi, 'di ako mag nininang diyan pag mukhang tiyanak 'yan, Joke."

"Surebol na maganda ang lahi ng anak namin. Aso ba naman 'yung nanay eh." Migs said, teasing Mica.

Agad naman siyang hinampas ni Mica.

"Congrats nga pala, kailan pala kasal niyo?" Tanong ko.

"Actually today sis, bihis ka na punta kang simbahan, pakasal ka mag-isa." Birong sabi ni Mica.

"Baka pagkalabas na ni Baby." Nakangiting sabi ni Migs.

"Sige diyan muna kayo asikasuhin ko muna mga bisita. Andiyan din pala sila Misty 'yung kaibigan ni Rigel." Paalam ko sakanila.

Nagtungo muna ko sa lamesa para kumuha ng ibibigay sa mga bisita. Si kuya naman ay patuloy na nagtatrabaho dahil kailangan naming makaipon ng pang palibing kay lola.

Lumapit ako kila Misty at binigyan sila ng tubig at pagkain.

"Condolence Kc, be strong." She hugged me, I hugged her back.

"Condolence Kc." Sabay na sabi ni Nicolo at Clyde.

Nginitian ko lang sila at sinabihang maupo.

"Kc kamusta ka daw?" Nicolo asked.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong, "Ba't may daw?"

"Kinakamusta ka ni Rigel. Condolence daw, bilin niya nga sa 'min 'wag ka daw pabayaang mag-isa at pasayahin ka. Gusto mo bang lumigaya?" Malokong tanong ni Nicolo.

"Bakit hindi siya umuwi dito para siya 'yung mangamusta? Tsk." I smirked.

"Kc next year uuwi na si Rigel." Singit ni Mica.

"Ano namang gagawin ko sa pag babalik niya? Magpahanda ba 'ko ng party para masaya? Hahaha" Pagbibiro ko.

Nang mag hating gabi na ay umuwi na sila. Habang kami ni mama ay puyat na nag bantay kay lola.

Naging ganoon ang routine namin sa walong araw na burol ni lola. Gabi-gabi din akong umiiyak at kinakausap si lola kapag wala ng tao. Araw-araw namang dumadalaw dito ang mga kaibigan ko para. siguraduhing hindi ako malulungkot ng todo. Pero kahit anong gawin nila hindi mawala sa 'kin ang lungkot na nadarama ko. Ngingiti lang ako pero nasasaktan pa din ako.

Every night im always sad and lonely.

Dumating ang araw ng libing ni lola. Gusto ko siyang alayan ng kanta sa huling pagkakataon.

Habang dinadasalan si lola ay hindi ko maiwasang umiyak lalo na nang hulugan na namin siya ng puting rosas. Hindi ako umalis sa tabi ni lola at nag lupasay ako sa harap ng kabaong niya dahil hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na wala na siya. Umiyak lang ako ng umiyak dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si lola.

"Lola gising ka na diyan, tama na pag tulog. Tumayo ka na diyan. Sana panaginip lang lahat ng 'to, kasi ang hirap, hindi ko kaya ng wala ka lola."

Paano na kami? Simula bata si lola na ang kaagapay namin sa buhay, paano na kami ngayong wala na siya?

Agad naman akong niyakap ni kuya para pagaanin ang loob ko.

"Kc tama na, 'diba gusto mong kantahan si lola?" Tanong niya.

Hindi ako nagsalita at tumango na lamang.

Matapos mag-alay ng bulaklak kay lola, kinuha ko ang microphone at ang gitarang dala ni Dax.

Hindi pa 'ko nagsisimulang kumanta ay umiiyak na 'ko.

Sinimulan kong mag strum kahit na patuloy pa din ang pag agos ng mga luha ko.

Nagsimula akong kumanta kahit na garalgal na ang boses ko.

Na, na, na, na, na, na, na

I miss you, miss you so bad

I don't forget you, oh, it's so sad

I hope you can hear me

I remember it clearly

The day you slipped away

Was the day I found it won't be the same, oh

Pumikit ako at dinama ang bawat lyrics ng aking kinakanta.

Na, na, na, na, na, na, na

I didn't get around to kiss you

Goodbye on the hand

I wish that I could see you again

I know that I can't

Oh, I hope you can hear me, 'cause I remember it clearly

The day you slipped away

Was the day I found it won't be the same, oh

I've had my wake up

Won't you wake up

I keep asking why (I keep asking why)

And I can't take it

It wasn't fake

It happened, you passed by

Now you're gone, now you're gone

There you go, there you go

Somewhere I can't bring you back

Now you're gone, now you're gone

There you go, there you go

Somewhere, you're not coming back

Matapos kong kumanta, tumingin ako sa langit at nag paalam kay lola.

"Hi lola, sana masaya ka na ngayon diyan sa langit. Mahal na mahal ka namin. Andaya mo lang dahil hindi mo man lang ako inantay na maging arkitekto bago mo kami iwanan. La pinapangako ko sa'yo magiging sucesfull ako, mamimiss kita ng sobra. Huwag mo kaming alalahanin lola, kahit masakit kakayanin namin. Pahinga ka na po, magkikita pa tayo." I smiled while I'm crying and staring at the blue sky.

Naglakad ako patungo sa kabaong ni lola na unti-unti ng binababa. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa maibaba na ang kabaong niya.

Matapos ilibing ni lola, hindi muna 'ko umuwi. Nanatili lang ako sa tabi niya hanggang sa mag dilim.

Makalipas ang ilang buwan, araw-araw ko pa ding naiisip si lola. Hindi lumilipas ang araw na hindi ko man lang siya naisip at namimiss. Hindi ko maiwasang mag-isip ng ikakasakit ko.

It sucks when you really miss someone you love but you can't do anything, because she already passed away. It still hurts and pain is inevitable.

I hate getting so sad to the point where my body shuts down, I just lay down on my bed, And stare at the ceiling for hours.

Uncontrollably pain is within me, a glimpse of sadness and grief surrounds my soul.

But I need to move on, just like the wind I need to keep moving forward. Because the past cannot be changed, forgotten or edited and all we can do is accept it.

Dumating ang araw na malalaman ko na ang result ng ilang taon kong paghihirap.

Kinakabahan akong tingnan ang result, kaya naman si kuya nalang ang pinatingin ko sa laptop niya. Dahil natatakot ako sa resulta, baka bagsak ako, at baka hindi ako bagay maging arkitekto.

But if I fail this time, it will be my greatest lesson. And it's okay to fail because a great sucess consist of failure.

"Kuya ano? Pasado ba 'ko?" I asked nervously.

Nilapit sa 'kin ni kuya 'yung laptop niya at pinakita 'yung result.

2451 Fernandez, Kelphie Cassiopeia

"Ahhhhhhhhhhhhh!" sigaw ko, "Arkitekto na 'ko!"

Agad akong niyakap ni kuya at inikot.

"Congrats arkitekto kong prinsesa!" Masayang sabi ni kuya.

"Ano anak? Tama ba ang narinig ko? Arkitekto ka na?" Gulat na tanong ni mama.

"Oo ma, Si Kc ay isa ng ganap na arkitekto!" sagot ko.

"Congrats anak!" Tuwang-tuwa sabi ni mama.

"Para 'to lahat kay lola." I whispered to myself.

"Kc tara kain tayo sa labas, treat ko." Sabi ni kuya.

"Talaga kuya?"

Nagbihis kaming lahat at umalis. Masaya kaming nag celebrate. Kumain kami sa mall At pagkatapos namasyal kami.

Pagkauwi namin, pagod na pagod ako kaya nakatulog agad ako.

Nagising ako agad dahil sa panaginip ko. Napanaginipan ko si lola siguro kaya ko siya napanaginipan dahil miss na miss ko na talaga siya.

There are moments in life, when we miss someone so much and we can't do anything about it even though we badly want to pick them up from our dreams just to hug and kissed them.

__________________________________

Slipped away by Avril Lavigne