Chereads / Gaze at the Empyrean and say, Hi! / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Author's note:

Please play Daddy by coldplay while reading this chapter. Enjoy reading everyone.

__________________________________

Makalipas ang isang linggo, masyado akong naging busy sa trabaho.

Papasok na dapat ako sa loob ng kotse, ng mayroon akong mapansing nakasulat sa bintana ng shotgun door. Medyo maalikabok ang bintana ng kotse ko, kaya masusulatan gamit ang kamay.

May nakasulat dito na 'I love you'. Lumingon ako sa aking paligid dahil baka napag-tripan lang ako, bigla kong nakita si Rigel.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" Lumapit ako sa gawi niya ngunit tinuro niya ang kotse ko.

Pagkatingin ko laking gulat ko ng makita ang napakaraming star na sticky notes sa hood. May mga nakasulat na I love you bawat isa. Hindi ko man lang napansin kanina 'to pagkalabas ko.

Agad na nag-init ang ulo ko dahil anong oras na, magtatanggal pa 'ko ng mga 'yon. Alangan namang  umalis akong ando'n ang mga 'yon.

"Ano bang trip mo sa buhay mo? Nahiya ka pa 'di mo pa nilagyan buong kotse ko?"

"I just want you to know that I'm still in love with you Cass, I love you."

"Napakaharot mo!" I rolled my eyes.

Tinalikuran ko siya at pinuntahan ko ang aking kotse upang tanggalin ang mga nakadikit do'n.

"Ano? Tatayo ka lang dyan? Tulungan mo 'ko, tutuktukan kita pag 'di mo ko tinulungan!" I yelled at him.

"Just say I love you too, and I will help you." He playfully raised his eyebrow.

"Huwag na pala, kaya ko na 'to! 'Di ko kailangan ng tulong mo, Umalis ka na nga." Pagtataboy ko.

Lumapit siya sa sa 'kin para tulungan ako.

"Hindi ba sabi ko umalis ka na? 'Di ko kailangan ng tulong mo."

"I don't want you to be late, that's why I'm helping you."

"Ayaw mo pala 'kong malate tapos inabala mo 'ko? Ano ka siraulo? Umalis ka na dyan!"

Umalis siya saglit upang magtungo sa kotse niya, pagkabalik niya may dala na siyang starbucks coffee.

"Coffee, for the beautiful lady."

"I don't need that." I rolled my eyes.

"Starbucks macchiato is the best, I swear." He said, like promoting a product.

"Who cares?"

"Are you sure you don't want it? Okay I'll throw it."

"Amina nga! Salamat ha? Salamat sa pangongonsensiya. Panalo ka na, pwede ka ng umalis!" Inis na sabi ko.

"Bye Cass have a great day ahead."

I didn't talk after that.

Matapos kong tanggalin lahat ng sticky notes sa hood ng kotse, pumasok na 'ko sa loob at nilagay ko ang mga sticky notes sa compartment ng kotse. Binuksan ko 'yung paper bag na binigay niya na may lamang coffee.

Ininom ko muna 'yong kape kaso mainit pa kaya napaso ako at natuluan ng onti ang aking damit. Kinuha ko ang tissue sa loob ngunitmay nakita nanaman akong nakasulat sa tissue.

'Can we have a dinner later? I just want you to meet someone. Take care always.'

"Huh?" My brows furrowed, "Sino naman?" I asked myself.

I started the engine then I went away.

Papunta ko sa site ngayon dahil kailangan kong i-check kung tapos na ba ang project do'n.

Pagkadating ko, nagsuot muna ako ng hard hat bago umikot at mag check. Onti nalang at nagpifinishing nalang sila. Sinigurado ko ding maayos, pulido at matibay ang gawa nila. Dahil kasiraan ko at ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko kapag pumalpak ako.

Dumaan muna 'ko sa pinapagawa naming bahay para tingnan saglit kung may progress ba kahit na kakasimula pa lamang nila noong nakaraang araw.

Pagkarating ko ay agad na bumati sa 'kin ang mga construction worker.

"Good morning Ma'am!"

"Good morning din sainyo. Kamusta kayo?"

Mataas ang tingin ko sa mga construction worker dahil kung wala ang mga gaya nila, walang gagawa ng mga gusaling dinesenyo ko.

"Mam okay naman po kakatapos lang po naming mag buhos ng foundation kahapon." Sagot ng isang construction worker.

"Sige pagbutihan niyo, mag pahinga kayo kung kinakailangan, una na 'ko may trabaho pa kasi ako." Pagpapaalam ko sakanila.

Pumunta na 'ko sa kotse at sumakay, nagmaneho ako patungo sa office.

Pagkarating ko inabala ko ang aking sarili sa paggawa ng mga bagong projects.

Makalipas ang ilang oras, lunch na kaya naman bumaba muna 'ko para kumain. Matapos kong kumain, nagmaneho ako patungo sa sementeryo para dalawin si lola kahit saglit lang dahil sobrang miss ko na siya.

Pagkababa ko ng kotse nagmadali akong magtungo sa puntod niya.

"Lola kamusta ka diyan? Kami dito okay lang, nakikita mo naman kami dyan sa langit 'diba? Lola lumago na 'yong grocery store, nakabili na din ako ng kotse, tapos 'yong bagong bahay sinisimulan na ding itayo. Sayang lola wala ka na, 'di mo man lang naabutan 'yung mga achievements ko sa buhay, andaya mo kasi iniwan mo agad kami. Lola bumalik na nga pala si Rigel, sobrang nakakainis dahil walang araw na hindi ako kinukulit. La bigyan ko ba ng pagkakataon 'yong relasyon naming dalawa kahit matagal ng tapos?"

Bigla akong nilamig at tumayo ang aking mga balahibo.

"Lola talaga! Hahaha una na po ako. May trabaho pa kasi ako, pasensiya na la, ngayon lang ako nakadalaw masyado kasing busy, balik nalang po ako sa susunod."

Matapos kong dalawin si lola nagtungo na 'ko sa kotse at nagmaneho pabalik sa opisina. Pinagpatuloy ko lang mga ginagawa ko kanina.

"Girl kayod na kayod ah? Daming projects!" Niña said.

Si Niña ay isa sa mga architect sa kumpanyang ito. Naging kaibigan ko siya simula ng pumasok ako dito.

"Kailangan eh, may mga trabahador akong pinapasweldo."

"Ay taray nagpapagawa na ng bahay."

"Hindi naman bahay pinapagawa ko."

"Eh ano?"

"Mansyon, charot." I chuckles.

"Hahaha loka ka, una na ko may gagawin pa pala 'ko, mas inuna ko pang makipag kwentuhan sa'yo hahaha."

"Sige Niña." Paalam ko.

Inabala ko ang aking sarili para mayroob akong matapos sa araw na ito. Nang mag alas-singko na, nag out na 'ko sa trabaho.

Dumiretso ako sa bahay namin, pagkadating ko ando'n na sila mama.

"Ate pasyal naman tayo." Sabi ni bunso.

"Bunso pasensiya na 'di pa pwede si ate eh, masyado pang busy. Kayo nalang muna nila mama at ate Jillian mo ang mamasyal."

"Okay po ate." Malungkot niyang sabi.

"Hayaan mo babawi si ate, 'wag ka ng malungkot Xyrius love ka naman ni ate eh. Jillian laruin mo nga muna 'to!"

"Sige ate wait lang."

"Ano bang ginagawa mo diyan sa taas?" Sigaw ko.

"Eto na pababa na ate."

Pagkababa ni Jillian mukha siyang clown dahil sa make up niya.

"Oh ano 'yang nasa mukha mo?"

"Kagandahang hindi inaasahan."

"Nako Jillian! Alisin mo 'yang nasa mukha mo, masisira lang  mukha mo diyan."

"Anong makakasira? nakakaganda nga 'to ate, try mo."

"Nakakaganda? Eh muka ka ngang clown. Ikaw talagang bata ka!" Kukurutin ko sana siya kaso tumakbo siya sa taas at sinarado agad ang pintuan sa kwarto.

Biglang may nagtext sa 'kin tinignan ko kung sino, akala ko isa sa mga kliyente ko si Rigel pala.

Nung nakaraan ko pa iniisip kung kanino niya nakuha ang number ko.

From Rigel:

Cass, Saltie Restaurant later at 7 PM just say my name for reservation. I'm hoping you'll come.

Hindi ako nagreply dahil nagdadalawang isip pa 'ko, kung pupunta ba 'ko o hindi.

Naligo muna 'ko at humiga muna sa kwarto. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip.

Napagpasiyahan kong pumunta dahil nacucurious ako kung sino ba ang ipapakilala niya. Agad akong nagtungo sa closet upang magbihis.

I'm just wearing a black off shoulder dress, white dress leather belt and white sandals. I let my straight hair down.

Nag-drive ako patungo sa Saltie Restaurant. Wala pang seven o'clock nakarating na 'ko. Pumasok ako sa loob, inikot ko muna ang aking paningin ko ngunit hindi ko sila makita dahil malaki ang Restaurant.

"Good evening ma'am do you have reservation?" The waiter asked.

"Yeah, for Rigel Vasquez."

"This way ma'am." The waiter gestured me to follow him.

Nang makarating kami sa table, ando'n na si Rigel.

"Ano nanaman 'to Rigel? Mga palusot mo! Gusto mo lang ata 'kong i-date." I rolled my eyes.

"No, Cass you'll meet someone later. But he's still in the comfort room, take a sit."

Umupo muna ko bago magsalita.

"He's? So lalaki? Irereto mo ba 'ko? Kung irereto mo lang ako uuwi na ko."

"No, I love you Cass. Why would I do that?"

I didn't talk, I just shrugged.

"Oh he's here."

Nagulat ako dahil nakita ko nanaman ang tatay ko sa pangalawang pagkakataon.

"Take a sit dad." Rigel said.

"Oh your girlfriend is here." His mouth form an 'O'.

"She's not 'yet' my girlfriend dad."

Inapakan ko ang paa ni Rigel sa ilalim ng upuan dahil sa inis ko.

"Why you're inviting me for a dinner all of a sudden Rigel?"

"Dad I would like you to meet your daughter Kelphie Cassiopeia Fernandez."

"What? My Daughter?" He couldn't believe.

"Can I excuse myself? I need to go." Tumayo na 'ko sa upuan, ng pigilan niya 'ko.

"No, no, Hija don't go. Is that true that you're my daughter? I'm sorry if you got offended by my question earlier, I just can't believe."

Bumalik ako sa aking upuan at umupong muli.

"Yes, anak niyo po 'ko kay Gracielle Fernandez."

"Really? Your mother is Cielle Fernandez?"

I nodded.

"I had made the biggest mistake with your mom, I cheated on Rigel's mom just to be with her but believe me or not? Minahal ko ng totoo si Cielle. Noong panahong hindi siya nagparamdam, pinahanap at pinaimbestigahan ko siya at doon ko nalaman na may anak kaming dalawa. Pero makalipas ang ilang buwan hindi ko na siya nakitang muli. I can't believe, that destiny would lead my daughter in front of me now."

"Bakit hindi niyo po ako hinanap kahit matagal nang panahon ang nakalipas? Bakit hinayaan niyo po akong lumaki ng walang ama? Paano mo naatim na lumaki ang isang bata na walang ama?" I bit my lower lip to stop my tears from falling.

"I'm really sorry, I don't have any choice that time. No'ng panahong 'yon sinumbong ako ng asawa ko sa parents ko kaya wala 'kong nagawa kundi sundin ang magulang ko. Gustohin ko man na hanapin kayo ni Cielle ng mag tagal, ngunit wala 'kong magawa dahil pag hinanap ko kayo, mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko."

"Kahit minsan po ba naisip mo kami noong mga panahong nasa sinapupunan pa lang ako ni mama? Naisip mo ba kung gaano siya naghirap na itaguyod ako s-samantalang ikaw nasa tunay mo'ng asawa? Alam mo po bang  sobrang n-nadudurog 'yong puso ko sa tuwing may nakikita akong mga bata na kasama ang tatay nila sa birthday, graduation, father's day at sa mga importanteng pangyayari sa buhay nila. Lumaki akong parang may hinahanap sa s-sarili ko, lumaki akong kulang sa pag mamahal at kalinga ng isang ama at pati na rin ng isang ina,  minsan iniisip ko nalang na sana hindi na lang ako sinilang sa mundong 'to, kasi bakit kailangan ko pang maranasan 'yong sobrang sakit na pakiramdam dito sa puso ko?" I pointed my heart, "Tapos ano? babalik kayo na parang walang nangyari? hihingi kayo ng t-tawad kung kailan kaya ko ng mabuhay kahit wala kayo? Ako naman 'tong anak niyo, siyempre mahal ko kayo, kahit nagawa niyo kong iwanan o 'di panagutan mapapatawad ko pa din kayo. Pero hindi porket matagal nang nangyari, hindi na masakit para sa 'kin, oo magagawa kong magpatawad,  pero hindi ko magagawang makalimot." My tears started to fall.

Crying while you're explaining hurts the most.

Unforgiveness, bitterness, anger, offense and hurt can have damaging effect on yourself, thats why you need to let go all of that, enable to have a healthy and happy life. I need to remain forgiving and compassionate because that's the thing that lola taught me since when I was a little.

"I'm sorry anak." His tears started to fall.

"People like you, think that sorry is a magic eraser. You can't break me into million pieces and expect me to be okay just because you say 'I'm sorry'. Do you think it can changed what I feel? Do you think it can heal a broken heart? You're such a selfish soul who chooses to  delete me from your life."

"I know the word I'm sorry is not enough, and how can I ask for your forgiveness when I know that I can't forgive myself for what I did years ago? I'm so worthless dahil hindi ko man lang kayo nagawang ipagtanggol ng taong mahal ko."

"Sana po maramdaman mo din 'yong sakit na naramramdaman ko, hindi para saktan ka. Para maintindihan mo kung gaano kasakit yung pinaramdam mo sa 'kin na mabuhay ng walang ama habang ikaw nag papakasasa sa yaman na iniingatan mo."

I walk away while I'm crying, I don't care about the people who stares at me, because all I can feel is pain.

I want to scream and shout. I want to take away all the pain that I feel inside.

__________________________________