Chapter 5 - Chapter 4

Nagising ako dahil sa liwanag na nakakasilaw, hindi ko alam na bumukas pala ang bintana sa aking kwarto.

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. Nagulat ako ng makitang 8:20 na ng umaga.

Nalimutan ko ding i-alarm ang cellphone ko kagabi dahil sa sobrang pagod.

Tumayo agad ako at bumaba para maligo. Nagmadali ako, at wala pang sampong minuto  natapos na agad ako dahil ayokong malate.

Nagsuot ako ng uniporme at hindi na 'ko nag-abala pang kumain dahil sa takot na malate.

Inayos ko na ang gamit ko at handa ng umalis.

"Lola alis na po ako, kumain nalang po kayo ni Jillian may niluto po si kuya dyan."

Nagmamadali akong tumakbo papuntang terminal ng maalala kong wala akong suot na ID, pati ang mga plates ko ay naiwan ko sa bahay. Kaya wala akong ibang choice kung hindi bumalik.

Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa bahay para kunin ang mga bagay na aking naiwan.

Tumakbo ulit ako papunta sa sakayan, sa takot kong malate at hindi maipasa ang aking mga pinaghirapan at pinagpuyatan.

Nang makarating ako sa school nagmamadali ako para makaabot sa klase.

Ngunit bigla kaming nagkabungguan nung lalaki, nalaglag ang mga dala-dala ko.

Natapon ang kape niya sa aking uniporme at natalsikan din ang mga plates ko.

"Pag minamalas ka nga naman!" Inis na sabi ko.

"Sorry miss." He picked up the plates that been dropped.

Pag-angat niya ay namukhaan ko siya.

"Ito 'yung lalaking sumuka sa'kin sa bar ah?" I asked myself.

"Ikaw nanaman?" Kunot noong tanong ko.

"Huh?" He asked, with so much confusion in his face.

"Nuisance!" I yelled at him.

"Why? Is there any problem?" His brows furrowed.

"Ikaw! Ikaw yung problema ko! Anlaki mong perwisyo sa buhay ko. Una sinukahan mo 'ko sa bar, pangalawa tinapunan mo 'ko ng kape pati mga pinagpuyatan kong plates nadamay!" Inis na sabi ko sakanya.

Kinuha ko sakaniya 'yong mga plates na hawak niya, at hinatak ko ang kaniyang ID lace para tiningnan ang pangalan niya.

"Rigel Kienne Vasquez, sumama ka nga sa'kin!" Pinang dilatan ko siya ng mata.

"But I also have a class." Apila niya.

"Wala akong pake kung may klase ka, ako nga naperwisyo mo na ng sobra!" I said, angrily.

Binabalak ko siyang dalin sa classroom at siya na ang bahalang mag explain sa professor namin kung anong nangyare sa plates ko. Dahil alam kong hindi niya tatanggapin ang mga 'to.

Hinatak ko siya, wala 'kong pake kung nahihirapan o nasasakal ba siya.

"Miss wait a minute, I can't breath." He complaint.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.

Nadatnan kong pinapasa na ng mga kaklase ko ang mga gawa nila.

"Pumasok ka sa loob at ikaw magpaliwanag sa prof ko kung bakit nagkaganiyan 'yang mga plates ko, dahil hindi niya tatanggapin 'yang mga plates kong nadumihan." I glared at him.

Tinulak ko siya sa loob ng classroom, habang nakasunod ako sakanya para hindi siya makatakas.

Nagulat ang mga kaklase ko dahil sa lalaking kasama ko, kahit ang professor namin ay nagulat din.

Nagbulong-bulungan ang mga kaklase ko na para bang kilig na kilig.

"Fernandez bakit kasama mo si Mr. Vasquez?" Our professor asked.

"Hoy magsalita ka Vasquez!" I yelled at him.

"Why me?" His gaze turned to me.

"Sino bang nakatapon ng kape sa damit at mga plates ko? Ako ba?" I raised my eyebrow.

Akala ko sasagot pa siya ng bigla siyang magsalita at humarap sa prof namin.

"Good morning Ms. I'm sorry to say this, but miss Fernandez works had coffee stains and it's my fault. I accidentally bumped her a while ago, I'm hoping that you'll still accept her work." He explained.

Tumango naman ang professor ko.

Nagtataka ko dahil napakabilis niyang napapayag ang professor namin.

Nilapag ko na ang mga plates na gawa ko sa lamesa.

"Please excuse me I have to leave now, I'm sorry for the inconvenience Ms." Pagpapaalam niya sa professor namin.

Agad na nanlumo ang mga kaklase ko ng nalaman nilang aalis na ang asungot na 'to.

Aalis na sana siya ng habulin ko siya sa labas ng pintuan, kinuha ko sa leeg ang ID niya.

"Lintek lang walang ganti!" Singhal ko sakaniya at ambang sasapakin siya.

"Not my ID please, 'wag mo naman akong pag nasaan ng gan'to." Pag-arte niya sa harap ko.

"Ikaw? Pagnanasaan ko? In your dreams! 'Kala mo naman kung sinong gwapo." I rolled my eyes.

"Tskkkkkk!" He said before walking away.

Bumalik na ko sa loob at tumabi kay Mica.

"Andumi ng damit mo Kc!" Mica said trying to wipe my uniform.

"Oo nga eh, bwiset kasi 'yong asungot na 'yon! Siya din yung sumuka sa'kin noong naghanap kami ng bar nung isang araw kasama mga kabanda ko." Inis na sabi ko.

"Oh my ghad, really?" her eyes widened in shock.

"Oo nga, buti na nga lang tinanggap pa ng prof natin 'yong gawa ko."

"Come on, let's go to locker room, and change your clothes."

"Hindi ba magdi-discuss si Ms?" Tanong ko dahil nga late ako.

"No, she will just collect the plates then we're free to go." She said, then she held my hand.

Nang papunta kami sa locker room, nakasalubong namin si Casper.

"Kc what happened to you?" He asked, worriedly.

"Natapunan lang ng kape ng asungot."

"Do you have extra uniforms?" He asked, sounded so concerned.

"Meron si Mica, una na kami." I smiled at him before we walk away.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa locker room, dumiretso na din kami sa Rest room para makapagpalit ako.

"Kc I think Casper likes you talaga." Mica said with sadness in her voice.

"Ako? Sa'kin? Tsk imposible."

"It's not imposible Kc! You're morena but you're beautiful, talented, kind, you have so many dreams and you are determined to achieve your goals in life. Kung lalaki lang ako mai-in love din ako sayo, lalo na pag nagdadrums ka anlakas ng dating mo."

"Hindi tayo talo Mica." I gave her a sarcastic smile.

Pagkatapos kong magpalit, bumalik na kami sa classroom.

Nang matapos ang klase namin sa lahat ng subjects, dumiretso ako sa music hall dahil may practice kami dahil tutog-tog kami sa bar mamaya. Si Mica naman ay nauna nang umuwi.

"Where's Migs?" Casper asked.

"Ewan ko, baka ng chix pa." Dax answered.

Inantay muna namin si Migs bago kami magpractice.

After 30 minutes ay dumating din siya.

"Ikaw na gago ka! sa'n ka galing? Alam mong may practice tayo!" Kunyaring sermon ni Dax, tutuktukan niya pa dapat si Migs.

"Inaya ko lang si Mica kumain." He answered proudly.

"San kayo nag kainan? Masarap ba?" Dax asked, teasing Migs.

"Tarantado!" Natatawang sabi ni Migs, at biglang binato ang sapatos niya kay Dax.

"Hahahaha ang baho ng sapatos mo pre! Ilang taon na nakatira daga diyan?"

Nagtawanan kami.

Naglabas naman ng middle finger si Migs dahil sa inis.

"Tama na 'yan, Let's start." Aya ni Casper.

Nagsimula na kaming mag practice.

"Mali 'yung pasok mo Dax." Sabi ni Casper.

"Sa'n ba dapat ako papasok?" Seryosong tanong ni Dax.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Biglang tumawa ng malakas si Migs.

Pinukpok ko siya gamit drum stick.

"Tigilan mo nga, masyado kang green minded Migs." Saway ko sakaniya.

"Tumawa lang naman ako, napupok pa." Reklamong sabi niya.

"Pag practice kasi 'wag niyong ginagawang biro." Casper suddenly glared at Migs.

"Sorry boss." He gave Casper an apologetic smile.

Nagpractice na ulit kami at nagfocus hanggang sa mag alas-kwatro.

Nang mag 4:00 o'clock na ay napagpasiyahan na naming umuwi dahil gagawa pa daw sila ng mga projects.

Nauna na si Migs sa'min dahil madami pa daw siyang gagawin.

Tatlo nalang kaming natira.

"Kc uuwi ka na ba?" Casper asked.

"Oo." I answered back.

"Sabay ka na!" Aya niya.

Bigla namang sumingit si Dax.

"Ako din pasabay wala kong dalang kotse pre." Birong sabi niya, kahit mayroon naman.

"Hindi na, maaga pa naman." Pag tanggi ko.

"Sige na Kc, para 'di ka na mag aantay ng tricycle." Pag pupumilit ni Casper.

"Una na ko love birds." Dax yelled.

"Ingat." I said while waving my hands.

Ngumiti naman siya.

Maglalakad na sana ko paalis nang hatakin ni Casper ang kamay ko.

"Sabay ka na sa'kin." Casper said trying to convince me.

Binuksan niya na ang pintuan sa shotgun seat. Wala na 'kong nagawa kaya sumakay nalang ako.

Tahimik kaming dalawa habang nasa byahe. Pilit kong inabala ang aking sarili sa cellphone na hawak ko para hindi maramdaman ang awkwardness na bumabalot sa aming dalawa.

"Kc!" Pag tawag niya sa'kin.

"Bakit?"

"Ang tahimik mo, 'di ako sanay."

"Anong gusto mo? Pumutak ako nang pumutak, na parang nanay?" I said, sarcastically.

"That's not what I mean hahaha." Casper smiled awkwardly.

Nagpatuloy nalang siyang mag maneho hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Gusto mong pumasok?" I asked him.

"Hindi na, may gagawin pa kasi ako eh." Pag tanggi niya.

"Sige salamat sa paghatid." I gave him a smile.

Pumasok na 'ko sa loob. Nagmano ako kay lola na nanunuod ng tv sa sala, hinalikan ko naman sa pisngi si Jillian habang siya ay naglalaro.

"Ano ba naman 'yan ate may laway." She glared at me.

Tinawanan ko nalang siya at umakyat na ko sa taas para mag bihis at magreview.

Umidlip muna 'ko saglit.

Pagkagising ko ay nag luto na 'ko ng hapunan namin. Dumating na din si kuya kaya sabay-sabay kaming kumain habang nagkekwentuhan at nagtatawanan.

Matapos namin kumain ay naligo na 'ko at nagbihis para sa gig namin.

Nag pantalon lang ulit ako at nag sando ngunit pinatungan ko ito ng checkered na women's polo, dahil ayaw ni kuya na nag sho-short o nag sasando ako pag pupuntang bar dahil baka mabastos daw ako ng mga lasing do'n.

Nagsuot na 'ko ng black na converse at handa ng umalis.

Nagpaalam ako kila kuya at lola na aalis na ko.

Pagkalabas ko, nagulat ako dahil ando'n si Casper at inaantay ako.

"Ba't andito ka?" I asked him.

"Sinusundo ka, tara na." Aya niya.

"Kaya ko naman pumunta sa bar mag-isa, 'di mo na ko kailangan pang sunduin." I remain calm.

"I just want to make sure that you're safe, let's go?" Pag pupumilit niya.

Sumakay na 'ko dahil sobrang kulit niya, naririndi 'yong mga tutuli ko sa tenga.

Habang papunta kami sa bar, bigla siyang nag salita.

"Kc what will you do if someone likes you?" Casper asked nervously.

"Hmmm 'di ko alam." I shrugged then I looked away.

"Kc since the audition day, the first day that I saw you, my heartbeat gets faster and while you were performing I was so impressed. I never knew that a girl like you can be this beautiful and almost perfect. When I asked you if you're going to audition? and you said yes. I do my best to passed because I'm willing to do everything for you, because I like you." Casper confessed.

My lips parted in shocked, I was speechless. Trying to processed all the words that Casper said.

"Kc I like you, I really do and you don't have to like me back just keep your heart open for me." He continued talking.

"Sorry Casper pero kaibigan lang ang tingin ko sa'yo, atsaka ayokong isakripisyo 'yong banda natin para sa'tin. Pwede bang maging mag kaibigan nalang tayo?" I finally said, then I gave him an apologetic smile.

"Oo naman Kc okay lang, 'wag ka lang lumayo at umiwas sa'kin dahil hindi ko kaya. Hayaan mo lang akong gustuhin ka." He gave me a faked smile.

Dahil sa pag amin ni Casper parang tumagal ang byahe namin papunta sa Bar.

Pagkadating namin ay pumunta agad kami sa back stage, at ilang minuto lang ay nagsimula na kaming magperform.

"Good evening everyone, we are the Harmonious Band." Casper said.

Nagsimula ng mag strum sila Migs at Dax, sinimulan ko na ding hampasin ang drums.

I got you stuck in my mind

Can't get out

Can't get out

Please get out

I didn't expect you to like me back

I'm a mess, I'm a fool don't know how to act

With you

When I'm with you

I'm sorry if it took so long

To realize that we belong

You and I, it ain't a lie?

I just can't, can't get you out of head

You're the reason now wakeup in my bed .

Habang kumakanta si Casper, ramdam na ramdam ko ang pinagdadaanan niya.

Hindi ko naman ginustong saktan siya ayoko din namang paasahin siya kaya maaga palang ay sinabi ko na ang katotohanabg, kaibigan lang ang turing ko sakaniya. Isa pa ayokong isakripisyo ang banda para sa aming dalawa, ayoko ding masira ang pagkakaibigan namin ni Mica dahil lang sa isang lalaki.

______________________________________________