Pagpasok ko sa eskwelahan mayroong asungot na nag-aabang sa'kin sa may gate.
Onti-onti siyang naglakad palapit sa'kin.
"Good morning miss, Can I get my ID back now?" He asked, softly.
"Naiwan ko sa bahay, Sorry." Masungit kong sabi sakaniya.
Sobrang higpit kasi sa school namin kapag wala kang ID there's no other way para makapasok ka.
"Can you come with me and so that I can get my ID?" He asked, hoping that I will say yes.
"Pa'no kung ayoko? Mamaya rape-in mo pa 'ko." I rolled my eyes.
"Miss please I'm begging you, please come with me. I'm willing to pay, just to have my ID back. We have a very important presentation in Marketing." Pagmamakaawa niya.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.
Napansin kong dumadami ang tao sa harap namin, I hate crowds but I love this scene, kaya umiisip agad ako ng kalokohan.
"Tumayo ka nga diyan! Para kang sira nahihiya na 'ko, Oo na! Tayo na!" Sigaw ko para marinig ng lahat ng taong nakapaligid sa'min.
"Miss wtf are you saying?" His brows furrowed.
Hindi ako sumagot at agad ko siyang hinila at dinala malayo sa mga tao.
"Here." I gave his ID.
"But you said a while ago you left it at your home." He said, with confusion in his face.
"So ayaw mo kunin? Sige uuwi ko ulit 'to, para 'di ka makapasok." I threatened him and acting like I'm about to walk away.
Agad niya akong hinabol at niyakap.
Nagulat naman ako dahil para kaming mag jowa dito.
Yak nakakadiri.
"Hoy hindi porket sinabi ko kanina na tayo na, may karapatan ka ng yakapin ako. Binibiro lang kita kanina hindi totoo 'yun, layuan mo nga 'ko." I said with annoyance and push him away.
"No miss, You save me." He said with a big smile on his face.
"Huh?" Takang tanong ko.
"I gotta go, I'll make it up to you. See you when I see you." Pagpapaalam niya.
Pumasok na 'ko sa loob ng school at habang naglalakad ako ay napakaraming mata ang nakatingin sa'kin.
'Di pa nakuntento ang iba at pinagtsismisan pa 'ko sa harap nila.
Being a hottie is a punishment, everyone is talking about you.
"Ayan ba 'yung girlfriend ni Rigel? Yak 'di sila bagay, 'di naman maganda, ampanget niya!" Narinig kong sabi ng isang babae.
Agad ko siyang nilapitan.
"Anong sabi mo? Pakiulit nga." tinignan ko ng masama 'yong babae.
"Wala po." Napatingin siya sa baba.
"Ulitin mo 'yong sinabi mo!" Inis na sabi ko.
"Sorry." Sagot niya.
"Ayan ba 'yong sinabi mo kanina? Ha?" I yelled at her because I was so annoyed.
Biglang dumating si Mica at inawat ako.
"Kc stop na!" Pag aawat niya sa akin.
"Siraulo kasi 'tong babaeng 'to eh." Sabi ko habang tinuturo ang babaeng nanlait sa'kin.
Pinaka ayoko kasi sa lahat 'yong nilalait at minamaliit 'yung pagkatao ko.
Hinatak ako ni Mica paalis dun, at napadpad kami sa field.
"Kc totoo bang kayo na ni Vasquez?" She curiously asked.
"Oo totoo! Totoo ngang may pak-pak ang balita." I answered then I rolled my eyes.
Napakabilis namang kumalat ng kalokohang ginawa ko, 'di naman siya artista para pag tsismisan ng lahat ng tao sa campus na 'to.
"Sino ba 'yon Mica? Tsaka bakit ang bilis naman nakarating sainyo ng balita?"
"Isa lang naman sa pinakamadaming shares sa school na 'to ang daddy ni Rigel, May-ari sila ng sikat na clothing brand, Sikat din siya dahil isa siya sa dancer ng Holy Trinity Silver Steppers Crew. Kumalat agad 'yung balita dahil may nag video sainyo at pinost agad sa social media." Mahabang sagot ni Mica.
"Huh? Eh ba't hindi ko man lang siya kilala kung sikat siya?" I asked Mica.
"Wala ka namang pakialam sa buhay ng ibang tao, so how will you know?" Mica raised her eyebrow.
"Kaya siguro madali niyang napapayag 'yong prof natin kahit na puno ng talsik ng kape 'yung mga plates ko." I said while wondering.
"Omshrimp Kc!"
"Anong omshrimp pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.
"I love shrimp." Then she chuckles.
Naglakad na kami papunta sa classroom namin.
Nang may isang estudyante na lumapit sa'kin at nagtanong.
"Kc totoo bang kayo na ni Rigel?"
"Hindi ah, pinagtripan ko lang 'yon, dahil nasa'kin 'yong ID niya." I proudly said.
"Eh bat na sa'yo ID niya?"
"Can you stop being Nosy?" Singit ni Mica, "shooo alis!" Pag tataboy niya.
"So it's not true that you, and Rigel are together?" Humarap siya sa'kin.
"Hindi nga! Paulit-ulit? Boomerang ka?" Inis na tanong ko kay Mica.
"Just answered me nicely."
"Eh pa'no kung ayoko? libre mo muna kong mogu-mogu pang mumumog ko bago ko sagutin mga tanong mo." I teased her.
Inaya niya ko sa cafeteria at binilihan nga 'ko ng Mogu-mogu. Hahaha uto-uto talaga ang baliw na gaya ni Mica.
"Oh Mogu-mogu." Binato sa'kin ni Mica.
Sinadya kong 'di saluhin para pulitin niya.
"Arrrroooouuuchhhh!"
Biglang may umaray sa likod ko.
Pagkalingon ko andoon na si Migs.
"Hala ka Mica, natamaan mo mata ni Migs." I started scaring her.
Agad namang pinuntahan ni Mica si Migs.
"Migs Sorry, hindi ko sinasadya antanga kasi ni Kc hindi sinalo, asan masakit?" Mica asked worriedly.
"Dito, kiss mo." Malokong sagot ni Migs.
"Alam mo ikaw sobrang pilyo mo! Para kang bading, may pa arouch-arouch ka pang nalalaman diyan." Inis na sabi ni Mica.
"Aray tsaka ouch kasi 'yon sa sobrang sakit pagtama nung bote sa muka ko napagsama ko." Migs explained.
"Mica namumula mata niya oh? Tapos nag start ng mag violet 'yong banda sa pisngi niya baka magpasa." Singit ko.
"Let's go to the Clinic Migs." Aya ni Mica.
"Hindi na, kaya ko na 'to 'di naman masyadong masakit, kiss mo nalang para matanggal 'yong sakit."
"Come on Migs, let's go! Mamaya isipin pa ng mga tao binubugbog kita." Mica said trying to convinced Migs.
Hinatak na namin si Migs papunta sa Clinic dahil para siyang sinapak. Ayaw pang mag padala sa clinic.
Habang inaantay namin si Migs sa labas, dumating si Casper at Dax.
"What happened to Migs?" Casper asked.
"Sabi niya sinapak daw siya, nag chat sa'min?" Takang tanong ni Dax.
"Hindi siya sinapak, hinagis kasi sa'kin ni Mica 'yong malaking bote ng Mogu-mogu, anlakas siguro ng impact, eh hindi ko sinalo 'di ko naman alam na may tao sa likod ko. Nagulat ako may umaray, pagkalingon ko nakahawak na si Migs sa muka niya tinamaan pala siya, tinamaan kay Mica." I explained.
"Ahhh akala ko sinapak na si Migs eh, sayang!" Malokong sabi ni Dax.
Bigla namang sumingit sa usapan si Casper.
"Kc totoo bang boyfriend mo na si Rigel Vasquez?" Casper asked nervously.
"Hindi 'yon totoo! Diba kahapon nakita mong madumi uniform ko?" Natapunan niya kasi ako ng kape tapos natalsikan 'yong mga pinagpuyatan kong plates dahil sakaniya. Isa pa, siya din 'yung lalaking sumuka sakin sa bar. Dahil sobrang dami niyang atraso sakin kinuha ko ID niya kahapon, kaya inabangan niya 'ko sa gate kanina nagmamakaawa at lumuhod pa nga. 'Di ko pa sana isasauli 'yong ID niya kaso naawa ko sakaniya dahil may mahalagang presentation daw sila sa Marketing, ayoko namang makunsensiya kaya pinagtripan ko nalang siya. Kung ano man yung nakita niyo sa video ayon 'yung lumuhod siya tas pinagtripan ko na." Mahaba kong kwento.
Maya-maya ay lumabas na si Migs.
"Are you okay now Migs?" Mica asked worriedly.
"Hindi pa din, hindi mo pa kasi ako kinikiss eh." Biro ni Migs.
Sinapok naman siya ni Mica.
Nagtataka ko kung bakit halos lahat ng estudyante ay naglalabasan.
"Bakit naglalabasan na mga estudyante?" I asked them.
"May urgent meeting daw lahat ng prof." Casper answered.
"Odi mag practice nalang tayo." Aya ni Migs.
"Sure kang okay ka na?" I asked him, just to make sure that he's okay.
"Oo naman, basta nasa tabi ko si Mica ayos na 'ko." Kumikindat na sabi ni Migs.
Pumunta na kami sa music hall, sumama naman si Mica dahil wala naman siyang gagawin.
Alam ko namang sisilay lang 'to kay Casper kaya sumama, gustong-gusto niyang sumasama sa practice at gig dahil narerelax daw siya pag pinapakinggan niya boses ni Casper.
Nang makarating kami sa music hall ay hindi na kami nagsayang ng oras at nagpractice na kami.
Noong mag tanghalian ay tumigil muna kami para kumain.
"Where are we going to eat?" Mica asked.
"Sa Beanlix restaurant and caffè nalang." Dax suggested.
"Masarap ba do'n?" Tanong ni Migs.
"Yes sobrang the best, sobrang delicious ng food plus may movie series pa sila so you can chil." Dax answered so proud.
Napagpasiyahan namin na doon na nga lang kumain dahil maganda daw do'n.
Pagkadating namin ay agad na umorder si Casper. Sila Mica, Migs at Dax naman ay humanap na ng magandang pwesto.
The best nga 'tong restaurant na 'to ang ganda ng ambiance, may over looking view tsaka may big screen na puro series lang ang pinapalabas.
"Kc what's yours?" Casper asked.
"Beef steak nalang."
Inaabutan ko siya ng pera pero hindi niya tinanggap.
Dumiretso nalang ako kung nasaan ang mga kaibigan ko at nanuod nalang din.
Maya-maya dumating na si Casper pero wala pa 'yong order namin.
"10 mins to serve." Casper said.
Tahimik lang kaming lahat na nanunuod ng biglang dumating ang order namin.
Ambango halatang-halata mo na agad na masarap kahit 'di mo pa nakakain.
"2 pieces bbq grilled chicken, 1 piece beef steak, 1 new york steak and 1 house special steak." The waiter said while serving our orders.
Kinuha agad ni Migs ang pagkain niya magsisimula na sana siyang sumubo ng bigla akong magsalita.
"Let's pray!" I said.
Bigla namang binaba ni Migs 'yong kutsara niya then he smiled awkwardly.
Nagkatinginan kaming lahat at tumawa.
Nagdasal muna 'ko bago kami kumain.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay ubos na agad ni Migs ang pagkain niya.
"Migs 'di ka ba pinapakain sainyo? Para kang batang ngayon lang pinakain." Dax teased him.
"Ansarap kasi eh, kulang pa nga." Natatawang sabi ni Migs.
Nagpatuloy kaming kumain ng matapos ay lumipat kami sa couch at nanuod.
Hindi na kami nakabalik pa sa music hall para magpractice dahil nawili na kaming manuod ng series.
"Guys it's getting dark, let's go home. You have gig later right?" She asked.
"Oo nga, tara na!" Pag aya ko.
Sumakay kami sa sasakyan ni Casper. Inuna muna namin ihatid sila Dax at Migs sa school dahil andun ang mga kotse nila. Sunod naman si Mica dahil inaantay na siya ng daddy niya, ako ang huling hinatid ni Casper.
"Thank you Casper." I said when the car stopped.
"You're welcome, see you later." He said while smiling at me.
Pumasok na 'ko sa loob ng bahay at nadatnan kong nag iimpake ng mga gamit niya ang nanay ko.
Iyak ng iyak si Jillian at, pinipigilan niya si mama na ilagay ang mga damit sa maleta habang si lola naman ay pinagsasabihan si mama.
"Nako Cielle, may mga anak ka tapos iiwanan mo sa'kin? Ba't nag anak ka pa kung iiwan mo lang sila?" Tanong ni lola.
"Ma sa'n ka na naman pupunta?" Kunot noong tanong ko.
Hindi umimik si mama, kaya nilapitan ko na siya, hinatak ko ang mga damit na hawak niya sakaniyang kamay.
"Ma ano ba? Sumagot ka naman, sagutin mo naman ako!" I tried so hard to tone down my voice.
"Iiwan mo kami? Ma naman!Pa'no ako? Pa'no kami? Ma kailangan namin ng ina 'wag mo namang ipagkait sa'min 'yon. Kasi simula pagkabata wala na nga kaming ama, ngayong malaki na kami pati ina ba mawawala na? Ma 'wag naman ganito. Wala na nga kaming tatay simula pagkabata, ngayong malaki na kami iiwanan mo naman kami? Ma 'wag ka namang magpakaselfish! 'Wag mo naman kaming iwan na parang hayop! Sana isipin mo din naman kami kahit minsan, 'wag puro sarili mong kasiyahan. Isipin mo naman kaming mga maiiwan mo dito." I bit my lower lip to stop my tears from falling.
My eyes became blurry.
Hindi nagpapigil si mama at patuloy lang sa pag iimpake ng mga damit niya. Ilang beses ko siyang pinigilan pero nanghina na 'ko, nauubusan na 'ko ng lakas para pigilan siya.
Naawa ako kay Jillian kaya pinuntahan ko ito, nilayo ko siya kay mama at niyakap ko nalang, ambata niya pa para maranasan 'yong mga gantong pangyayari sa buhay.
Sinubukan pigilan ni lola si mama pero ayaw niya talagang magpapigil dahil parang buo na ang kaniyang desisyon, kaya hinayaan nalang namin siyang umalis kahit mahirap at masakit.
Umiiyak na tinanaw ko nalang si mama hanggang mawala siya sa paningin ko.
Losing someone you love hurts a lot, you don't know how to explain all the pain inside.
Ilang oras din akong umiyak, hindi mag sink-in sa utak ko na kayang gawin sa'min 'yon ng nanay ko.
Sinubukan kong patahanin si Jillian pero hindi siya tumitigil. Nakatulog nalang siyang umiiyak.
Pinagmasdan ko si Jillian habang natutulog. Naawa ako sa kapatid ko, ayoko sanang makaranas siya ng ganito. Pero anong magagawa ko kung mas gusto pa ng nanay namin na iwan kami kaysa alagaan kami.
Sometimes we need to let go the people we love for the sake of their own happiness. Happiness that no longer includes us.
Bakit may mga magulang na natitiis ang mga anak nila?
Bakit may mga magulang na kayang iwanan ang mga anak nila, para sa sarili nilang kasiyahan?
Bakit may mga magulang na kayang mahalin ang ibang tao, pero kaming mga anak niya hindi niya magawang alagaan, pahalagahan at ingatan?
Bakit may mga magulang na kayang saktan ang anak nila?
Our family is the one that give our life with greatest joys and deepest sorrows.
______________________________________________