Alas-siyete palang ng gabi nag punta na 'ko sa XG noble bar. Dahil kapag nasa bahay ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip. Unti-unti lang akong mababalot ng kalungkutan, kapag pinagpatuloy ko.
Umupo muna 'ko sa table malapit sa entrance, habang nag aantay akong mag nine o'clock.
Nagulat ako ng may umupo sa harapan ko.
"Hi!" Bati ng asungot.
"Hello." I try to give him a smile.
"Are you okay? You look sad. What happened?" He asked worriedly.
"Sabihin ko ba? Wala namang mawawala. Tsaka 'di naman kami close nito ni Rigel, sabi nga nila mas okay mag open up ng problema sa 'di mo kilala kasi no judgement." I said to myself.
"Iniwan kasi kami ng nanay namin." Panimula ko.
"What? Really?" His brows furrowed.
"What happened? He asked with curiosity.
"Pwede bang lumabas muna tayo? Maingay kasi dito, 'di tayo magkakaintindihan." Sabi ko sakaniya.
Lumabas kami, at umupo sa bench sa labas ng XG.
"What happened?" He asked sounded so concerned.
"Sa totoo lang hindi ko din alam." I look at the sky and bit my lower lip trying my tears to stop from falling.
Napangiti ako ng makita kong napakaganda ng kalangitan, punong-puno ito ng mga bituin at ang nag iisang napakagandang buwan.
"Hindi ko alam kung bakit niya kami iniwan, hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa'min 'yon. Alam mo andaming tanong sa isipan ko. Ayaw niya ba sa'min? Hindi niya ba kami mahal? Bakit niya kami iniwan? Bakit niya nagawa sa'min to? Anong dahilan? Bakit umalis siyang wala man lang sinabi at paalam? Bakit umalis siya at iniwan kami ng tuluyan?" Nakatingin pa din ako sa langit, tila para bang ang langit ang tinatanong ko.
"It's a different type of hurt, when your mom is the one who hurts your feelings. I know it hurts a lot, and I wish I can answer all those questions inside your head." He sincerely said while looking at the sky.
"Thank you, but I know everything happens for a reason, but I wished I know the reasons." I said.
"If you're going through a storm in your home, just stay in God house."
Nagkatinginan naman kami, at ngumiti kami sa isa't-isa.
"Do you drink?" He asked.
"Tubig oo, alak hindi. Never pa kong nag inom." I answered back.
"Do you want to eat? I'll treat you." He winked, "Do you remember what I said earlier?"
"Oo sabi mo babawi ka. Pero 'di naman na kailangan, tsaka tutugtog kami mamayang 9 'di na ko pwedeng umalis."
Nagulat nalang ako dahil hinatak niya 'ko papunta sa harap ng isang Chevrolet Corvette. Namangha ako sa ganda ng kotse.
He opened the shotgun door for me.
"Get in." He said, gesturing.
"Mag peperform pa nga kami mamayang 9." Inis na sabi ko.
"I know, we'll be back before 9." He assured me.
I went inside his car.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito, kinakabahan tuloy ako.
"Hoy sa'n mo 'ko dadalhin? Mamaya dalhin mo 'ko sa hide out niyo ah? Tapos pag piyestahan ako ng mga lalaki do'n." I said nervously.
"Relax, I'll bring you back safely." He said trying to calm me down.
Maya-maya ay huminto na ang sasakyan niya.
"We're here." Nakangiting sabi niya.
Bumaba na kami, namangha ako sa napakagandang City lights na bumungad sa'min, para bang nakalimutan ko ang mga problema ko. Tila nakawala ako, panandalian sa mga iniisip ko.
Nasa isang mamahaling seafood restaurant niya 'ko dinala. Napakaganda dito, hindi ko alam na gan'to pala kamahal 'yung pagbawi niya sa mga perwisyong nagawa niya sa'kin.
Umorder siya ng napakaraming pagkain.
"Double decker seafood pizza, sautèed Scallops, shrimp soup, crab meat, grilled tuna, salmon steak, red velvet, banana split, blueberry cheesecake apple pie ala mode, pineapple cucumber juice, and Pomegranate fruit juice" Orders are complete sir.
Nung umalis na 'yong waiter ay agad kong sinimangutan si Rigel.
"Andami mo namang inorder, gutom na gutom ka ba?" I asked, then I rolled my eyes.
"No, I just want to make sure that you're tummy will be full." He gave me a smile.
"Hindi ko naman kayang ubusin 'yan, sayang lang kung may matitira." Malungkot kong sabi.
"We'll take it out, let's eat." He casually said.
"No, let's pray first." Pangongontra ko.
Siya na 'yong nag pray dahil gutom na gutom na ata siya. Infairness marunong siyang magdasal hindi kagaya ni Migs.
Nagenjoy akong kumain dahil ansasarap ng seafoods na inorder niya, inubos ko 'yong scallops dahil isa 'yon sa mga favorite ko.
Nang matapos ako, pinagmasdan ko siyang kumakain. Habang sinusuri ko ang muka niya.
I was staring at him, Ang gwapo niya pala, kaya siguro kilig na kilig sakaniya 'yong mga babae sa school. Maputi at sobrang kinis ng balat niya, ang ganda ng mga mata niyang medyo singkit at kulay hazel green, makakapal ang kaniyang kilay, matangos ang kaniyang ilong, his jaw is so perfect, mapuputi ang kaniyang ngipin at ang mapupula niyang bow shaped lips. He looks so attractive.
"Stop staring at me." Ilang na sabi niya.
"May dumi ka kasi sa gilid ng labi mo, Assuming! punasan mo! Huwag kang umasang pupunasan ko." Palusot ko.
"I don't even ask you to do it." Pangbabara niya.
"Barado ko do'n ah?" I said to myself.
Matapos niyang kumain ay hindi muna siya tumayo dahil sa sobrang kabusogan. Kaya naman tumambay muna 'ko sa side kung saan kitang-kita ang mga City lights dahil alas-otso palang naman.
Tahimik ko itong pinagmamasdan ng may maramdaman akong lumapit sa'kin.
"Don't worry soon you'll get better, just trust God he has a great plan for you. He's there ready to help you, to comfort you and off course to heal you." Rigel said.
"I hope that I'll feel better soon. Yeah, I know God will never forsake me." I gave him a sweet smile.
Nung mag 8:30 na ay umalis na kami para bumalik sa XG noble bar.
"Rigel, thank you ha? kahit papaano nakalimutan ko ang mga problema ko at mga tanong sa aking isipan." I playfully tapped his shoulders.
"You're welcome miss?"
"Kelphie Cassiopeia, Kc for short."
"You're welcome Cassiopeia."
"Kc nalang 'di ako sanay tawagin ng ganyan."
"Get used to it, from now on I will call you Cassiopeia." Then he winked at me.
"Una na 'ko." Paalam ko.
"Wait, this is yours Cassiopeia." Inabot niya 'yung paper bag na tinake-out niya.
Kinuha ko nalang at pumasok na 'ko sa loob para pumunta sa back stage.
Maya-maya lang ay dumating na ang mga kabanda ko.
"Kc are you okay? You look anxious." Casper asked worriedly.
"Okay naman kahit papa'no." I gave him a smile to assured him.
"Are you sure?" Pangungulit niya.
"Okay lang ako promise." Tinaas ko pa ang kamay ko na parang bata.
"Okay ba 'yang ganyan Kc? Halatang-halata nga sayong may problema ka." Dax said.
"Andito lang kami Kc kung kailangan mo ng kausap." Migs said.
"We're always here for you, no matter what happen we got your back and you don't need to pretend that you're okay all the time Kc." Casper said sincerely.
"Thank you guys pero okay lang talaga ko." Pangungumbinsi ko sakanila.
Ilang minuto lang, ay sinabihan na kami na ang magpeperform.
"Good evening everyone we are the Harmonious band." Panimula ni Casper.
Umakyat na kami sa stage at nagsimulang tumugtog.
How could you leave us so unexpected?
We were waiting, we were waiting
For you but you just left us
We needed you, I needed you.
Why would you leave us? Why would you leave us here?
How could you leave us here?
How would you leave us? Why would you leave us?
Oh, Hey.
Hindi pa kami tapos mag perform tumayo na agad ako, at tumakbo palabas ng bar dahil hindi ko na kinakaya pa 'yung sakit na nararamdaman ko.
Nagpatuloy naman ang mga kabanda ko sa pag tugtog kahit wala ako.
May lumapit sa'king lalaki. Pagkalingon ko si Rigel lang pala tumalikod ulit ako para hindi niya mapansin na umiiyak ako.
"Why did you leave them?" He asked.
"Hindi ko na kinaya, sobrang sakit, sobrang hirap, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman." Humihikbing sabi ko.
Inabot niya ang kaniyang panyo.
"Here, wipe your tears. I don't like to see girls crying in front of me."
"Ba't ba kasi 'di ako nagdadala lagi ng panyo?" I ask myself in between sobs.
Kinuha ko naman ang inabot niya at pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.
He tapped my shoulders and my back, trying to console me.
"Did you know that this is my first time I watched a girl who can play drums?"
"I didn't know." Pambabara ko.
"While you we're performing I was so shocked, I didn't expect that a girl like you can play drums I was so impressed."
"Nainlove ka?" Pang iinis ko, at natatawa kong sabi.
"N-no!" He answered so fast.
"Eh bat nag stutter ka bigla?"
"Nothing."
Biglang dumating ang mga kabanda kong hinihingal.
"Kc sabi mo kanina okay ka lang, ba't nag walk out ka bigla?" Dax asked.
"Nagtatae kasi ako kanina pa, 'di ko na napigilan kaya tumakbo na 'ko agad alangan namang sa stage pa 'ko magkalat? Nakakahiya 'yon pre." Palusot ko.
"Eh anong ginagawa mo dito sa labas?" He asked me again.
"Nag pahangin lang tapos nakita ko 'tong asungot na 'to dito sa labas." I pointed at Rigel, then I glared at him.
"Kc are you sure that you're okay?" Casper asked again, he wants to make sure that I'm always okay.
"Oo nga, paulit-ulit kayo kung ayaw niyong maniwala puntahan niyo pa jerbaks ko do'n sa banyo." Pagbibiro ko.
"Naniniwala na kami, kala kasi namin hindi ka okay." Sabi ni Migs.
"Kala niyo lang 'yon!" Natatawa kong sabi.
Sometimes it's okay, not to be okay.
"Sorry nga pala, iniwan ko kaagad kayo kahit 'di pa tapos, 'di ko na talaga kasi kaya pang pigilan eh." I explained.
"Okay lang 'yon, buti nga 'di nagalit 'yong manager ng bar eh." Casper said.
"Uwi na ba tayo?" Tanong ni Migs.
"Hindi pa, kung gusto mo tumambling-tumbling ka pa dito." Dax said, trying to teased Migs.
"Let's go!" Aya ni Casper.
"Thank you Rigel! Una na kami." Paalam ko.
"Do you want me to drive you home Cassiopeia?" Rigel asked with a smile on his face.
"Hindi na, nakakahiya naman alis na kami." Paalam ko.
"Okay take care! See you, when I see you."
Sinabay ako ni Casper sakaniya dahil nga gusto niyang makauwi ako lagi ng ligtas nag-iisang babae lang daw ako sa banda kaya dapat na ingatan nila, dahil prinsesa daw ako ng grupo.
"Kc 'di mo ba talaga boyfriend si Vasquez?" Tanong ni Casper habang nagmamaneho.
"Hindi nga paulit-ulit kayo kanina pa, coincidence lang na naandun din 'yung asungot na 'yon." Pagpapalusot ko dahil ang kulit niya.
Ewan ko ba nasanay na kong tawagin siyang asungot kahit na sobrang bait naman pala niya, lapitin lang talaga ng disgrasya.
"Good to know." Ngiting aso niyang sabi.
Natraffic pa kami pauwi dahil may aksidente. Buti nalang at may alam si Casper na short-cut kaya mas napadali 'yong biyahe namin pauwi.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
"Salamat sa paghatid Casper."
"Basta ikaw Kc!" He winked at me.
Pumasok na 'ko sa loob. Nadatnan ko si kuya'ng nasa sala at halatang problemado din gaya ko.
"Kuys kumain ka na ba?" I asked him.
"Wala kong gana." Malungkot niyang sabi.
"Kuya kailangan mong kumain, pa'no ka makakapagtrabaho kung wala kang lakas? Kung may sakit ka? Saglit lang kuya pag hahanda kita ng pagkain, may dala ko dito masarap 'to." I said, trying to convinced him.
Pumunta na 'ko ng kusina at nag handa ng pagkain ni kuya. Matapos ay bumalik ako sa sala para ibigay sakaniya ang pagkain.
"Kuya kumain ka na, baka nalipasan ka na ng gutom niyan." Pangungumbinsi ko.
"Kc bat umalis bigla si mama?" Biglang tanong ni kuya.
"Hindi ko din alam kuya, tinatanong ko siya kung sa'n siya pupunta, kung bakit niya tayo iiwan pero wala 'kong nakuhang sagot ni isa galing sakaniya." Nululuha kong sabi, pinipigilan ko lamang ang aking sarili.
"Tangina naman! 'Di ko na nga siya inobliga na magtrabaho para sa atin, ako na nga 'tong nagtataguyod sa pamilya natin, wala na siyang ginagawang iba kun'di umalis at manlalaki gabi-gabi. Tapos may gana pa siyang iwan tayo? Anong akala niya sa'tin tuta? Iiwan nalang ng ganon-ganon kapag lumaki na?" Inis na sabi ni kuya.
"Kuya 'wag kang sumigaw baka magising si Jillian, baka hindi nanaman tumigil sa pag iyak 'yon. Wala naman na tayong magagawa umalis na si mama ni hindi man lang nga namin napigilan ni lola'ng umalis siya.
Para bang buong-buo na 'yong desisyon niyang iwan tayo. Wala na tayong ibang choice kung hindi tanggapin nalang. Kumain ka na diyan kuya akyat muna 'ko sa taas para magpalit ng damit." Paalam ko sakaniya.
Pagkaakyat ko sa taas, doon ko palang binuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit para sa'kin iwan ng isang ina, sobrang sakit 'di ko alam kung pa'no ko ba 'to malalampasan. Nasanay kasi ako na kahit papaano umuuwi pa si mama, pero ngayon? Kahit anino niya siguro hindi na namin makikita pa.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin sa likod.
Being hugged when I'm crying, makes me cry even more.
"Ate huwag ka ng umiyak, babalik naman si mama 'diba?" Tanong ni Jillian habang hinihimas niya ang likod ko.
"Oo Jillian babalik si mama, babalikan niya tayo kasi mahal niya tayong mga anak niya." Paliwanag ko sa nakababata kong kapatid kahit na, hindi ko alam kung babalik pa nga ba si mama.
Naawa 'ko sa kapatid ko, pinapaasa ko siyang babalikan pa kami ni mama kahit mukang malabo na.
Pinunasan ko ang mga luha ko dahil ayokong makita nila 'kong mahina. Gusto kong maging matatag para sakanila.
Pretending to be strong is exhausting. But acting like you're okay is draining.
But as long as I can handle my sadness, I'm willing to fight for them.
If I can take away all the pain they felt inside, I will do it just to make them happy again.
______________________________________________