"Gusto ko ng pahinga. Gusto kong ipahinga 'yung mga mata kong pagod na, 'yung utak kong punong-puno ng problema, 'yung puso kong hindi na makahinga, 'yung pagkatao kong napapagod na." I sighed heavily.
I just need a break from reality.
"Everything seems so exhausting, If you get tired just rest don't ever quit. Keep holding on to things that gives you strength, someday everything will be alright." Rigel said sincerely.
"Sa totoo lang gustong-gusto ko na talagang sumuko tipong konti nalang bibitaw na 'ko, sobrang pagod na talaga 'ko. Kaso may pangarap ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko kaya hindi ako pwedeng sumuko, mapapagod lang ako pero hindi ko susukuan yung mga pangarap ko." I look at him and smiled.
Perseverance isn't easy, it is effort that you put towards accomplishing what you started out to do, inspite of difficulties, failures and oppositions.
"If you're feeling tired, lonely, or sad just look at the stars and the moon up in the sky it will help you feel better." He looks at me then he smiled back.
Ang bigat sa pakiramdam na kailangan ko pang libangin 'yung sarili ko para lang makalimutan yung mga problemang tumatakbo sa isipan ko.
Halos isang oras na kaming nakatingin sa kalangitan ng mapagpasiyahan kong bumalik na ulit kay lola dahil nakaramdam na ko ng antok.
Kinalabit ko siya, "Rigel tara na, balik na tayo sa loob."
Kahit papaano ay nabawasan 'yong bigat na nararamdaman ko dahil sakaniya. Tumayo na kami at bumalik na sa loob ng Ospital.
Natulog ako ng nakaupo habang ang ulo ko ay nakahilig sa kama. Si Rigel naman ay nakaupo lang din sa kabilang gilid pinagmamasdan si lola.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni kuya.
"Kc gising na pumasok ka na ngayon, hindi ka na nakapasok kahapon." Panggigising niya sa akin.
Minulat ko ang aking mga mata, nakita ko si lola na masayang nakahiga sa kama. Nagising akong may jacket na nakasampay sa balikat ko. Hinanap ng mga mata ko si Rigel ngunit wala siya.
"Nasa'n si Rigel kuya?" I asked him.
"Lumabas eh, 'di ko alam kung saan pupunta." He shrugged.
Dumating si Rigel na may dalang take-out na pagkain. Kumain muna kami nila lola bago ako umalis.
Hinatid ako ni Rigel pauwi sa bahay habang siya naman ay umuwi sa condo niya.
Tinignan ko muna si Jillian sa aming kapit-bahay bago ako nagluto at nag ayos para pumasok sa eskwelahan.
Bago ako umalis pinuntahan ko si Jillian para dalhan ng pagkain.
"Jillian ayos ka lang ba dito?" I asked her while patting her head.
"Oo naman ate, naglalaro lang kami tsaka nag aaral-aralan." She said enthusiastically.
"Sige Jillian alis na si ate ah? Pakabait ka dito." I kissed her on her cheek before I walk away.
Sumakay na 'ko papuntang school. Nagmadali ako dahil baka mayroon kaming gagawin o quiz ngayon, hindi man lang ako nakapagbasa o nakapag-aral kahapon.
Pagkadating ko sa school buti nalang at ando'n na si Mica.
"Kc why are you absent yesterday?" She curiously asked.
"Dinala kasi namin si lola kahapon sa Ospital, nahirapan kasi siyang huminga." I said with sadness in my voice.
"Is she okay? I called you so many times but I can't reach you." Mica asked worriedly.
"Okay naman na si lola, hindi ko nadala cellphone ko kahapon dahil nagmamadali kami. Anong ginawa niyo kahapon?"
"Good to know, can we visit her later? Btw we have graded recitation at theory of architecture, short quiz at history of architecture and we have plates needed to do in architectural design and architectural visual communication to be submitted next meeting so you better do it. I'll teach and guide you." She explained.
Namomroblema ko dahil 'di ko alam pa'no babawiin 'yong short quiz at graded recitation na nawala sa 'kin. Napakalaking hatak nun, hindi pwedeng bumaba ang grade ko dahil mawawalan ako ng scholar pag nangyari 'yun.
"Sige mamaya pagtapos ng practice sa banda didiretso ko doon, sama ka nalang. Thank you Mica." I smiled at her.
Dumating ang prof namin at walang kaming ibang ginawa dahil nag discuss lang siya, pati na rin sa ibang subject. Sa free time namin ay nag paturo ako kay Mica kung paano ang gagawin sa mga plates na ipapasa. Sinimulan ko na ito dahil sayang ang oras.
Nang maghapon na ay pumunta na kami sa music hall, para makapagpractice ako ngayong araw.
"Kc why are you absent yesterday? I went to your house but you're not there. Where have you been? Casper asked worriedly.
"Sinugod namin si lola sa Ospital bigla kasi siyang nahirapang huminga, sorry guys hindi ako nakapagsabi na 'di ako makakapagpractice naiwan ko kasi cellphone ko sa bahay." Pagpapaliwanag ko.
"Okay lang 'yon, ano ka ba? Kamusta naman lola mo? Okay na ba siya?" Dax asked.
"Can we visit her later?" Tanong naman ni Migs.
"Medyo okay naman na si lola medyo nakakarecover na siya. Mamaya pupunta kami ni Mica sa Ospital pagkatapos nating mag practice, sumama kayo kung gusto niyo." I answered them with a smile on my face.
Nagsimula na kaming mag practice para sa tutugtugin namin mamayang gabi.
Nagpractice lang kami hanggang sa maperfect namin yung i-peperform namin mamaya.
Pagkatapos namin, nagligpit lang kami at umalis na.
Sumabay ako kay Mica papunta sa Ospital, sinabi ko naman sakanila kung saan ospital dinala si lola kaya susunod nalang daw sila.
Pagkadating namin sa Ospital, nandoon ang Doctor at kinakamusta ang lagay ni lola.
"She can go home now, but you need to follow the instructions that I said yesterday." Nakangiting sabi ng doctor.
"Kuya may pangbayad ba tayo sa Ospital?" I asked him.
"Naghahanap pa ko Kc, pero hayaan mo gagawan ko 'yan ng paraan."
"Kuya uwi muna ko saglit ako ng bahala, pag may dumating na tatlong ugok mga kaibigan ko 'yun sabihin mo umuwi muna 'ko saglit." Paalam ko.
Nagpasama ko kay Mica pauwi sa bahay. Para kunin ang matagal ko ng inipong pera. 'Di na sa 'kin mahalaga ang pagpunta ko sa Barcelona mas mahalaga sa 'kin ang buhay ni lola.
Pagkadating ko sa bahay, umakyat agad ako sa taas para kunin ang ipon ko, si Mica naman ay nanatili lamang sa kotse dahil saglit lang naman ako.
Pagkakuha ko sa alkansiya ko ay bumaba na agad ako at dumiretso sa kotse ni Mica. Habang nasa biyahe doon ko binilang ang ipon ko.
"Ano 'yang binibilang mo?" Her brows furrowed.
"Pera, kita mo naman 'diba?" I answered sarcastically.
"Ayan ba 'yong ipon mo since we're in High School?"
"Oo, 'yung pang bibili ko sanang ticket papuntang Barcelona." Malungkot kong sabi.
"If you don't have enough money for your grandma just approach me, I'll help you."
"Thank you Mica you're the best." I gave her a sweet smile.
Nang matapos akong magbilang, laking tuwa ko dahil lagpas sampung libo ang perang naipon ko. Malaking tulong na din 'to para kay lola.
Pagkarating namin sa Ospital, ando'n na din sila Casper,Migs at Dax may mga dala silang bulaklak, prutas at mga pagkain. Masaya silang nagtatawanan dahil pinapatawa nila si lola.
Sobrang swerte ko dahil may mga kaibigan akong kagaya nila.
"Andito na pala sila Kc eh!" Malakas na sabi ni Dax.
"Tumahimik ka nga, 'yung bunganga mo napakaingay Dax, nasa Ospital ka pero yung boses mo pang palengke. May suki ka ba dito?" Migs asked sarcastically.
"Salamat sa mga dala niyo at sa pagpapasaya niyo kay lola pwede na daw siyang lumabas magbabayad lang ako saglit tapos pwede na kaming umuwi." Masaya kong sabi sakanila.
Nagpunta muna ko sa registration counter para mag bayad.
"7,000 lahat miss." Sabi ng babaeng nakaduty.
Buti nalang at mura lang ang bill namin dahil sa public hospital lang naman namin dinala si lola.
Inabot ko ang pera sakaniya inantay ko lamang saglit ang resibo at umalis na. Bumalik na 'ko sakanila at niligpit namin ang mga kalat.
Nag presinta na si Mica na siya na ang maghahatid sa 'min sa bahay dahil hindi kami lahat kasya kung sa sasakyan kami ni Casper sasakay.
Sumama din sila Casper sa bahay namin bumili pa sila ng Cake, pagkain, lobo at gumawa pa sila sa cartolina ng "Welcome home lola".
Natagalan kami sa pag-uwi dahil malambot ang gulong ng kotse ni Mica kaya kinailangan pa namin itong pahanginan sa Vulcanizing shop. Kaya siguradong nauna na doon sila Casper.
Pagkauwi namin, nagulat si lola sa surpresa ng mga kaibigan ko, Tuwang-tuwa siya dahil napakabuting bata daw ng mga kaibigan ko. Laking pasasalamat niya dahil kahit papaano ay nababawasan ang aming problema.
Sinundo ko muna si Jillian sa kapit bahay namin.
Nagulat din siya dahil andaming tao sa bahay at may mga lobo kaya tuwang-tuwa siya habang tumatalon-talon. Nanggigil sakaniya ang mga kaibigan ko dahil sa ka-cutan niya.
Masaya kaming kumain, nagtatawanan at nagaasaran.
Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko dahil hindi lang ako ang napasaya nila pati na rin ang pamilya ko.
Nang dumilim na ay nagdesisyon silang umuwi, dahil may gig pa kami mamaya.
"Una na po kami lola, mag pagaling ka po ah?" Pagpapaalam ni Dax.
"Alis na kami Kc!" Paalam nilang apat.
"Sige ingat kayo see you later, salamat sa inyo." Nakangiti kong sabi sakanila.
Nagligpit muna 'ko ng mga kalat sa bahay at pagkatapos ay naligo na ko. Pinatulog ko na din si Jillian at tinignan si lola sa kwarto kung ayos lang ba siya. Si kuya daw muna ang magbabantay kay lola dahil dalawang araw na siyang hindi nakapasok sa trabaho kaya nag leave na muna siya.
Matapos lahat ng dapat kong gawin ay ginagawa ko muna ang mga plates na dapat ipasa at ng mag 8:30 na ay tinabi ko na ang mga ito para umalis.
"Kuya alis muna ko ah may gig kasi kami ngayon, Ikaw na munang bahala kay lola." Paalam ko.
"La alis na po ako, magpalakas ka ah? Eto po mga prutas kainin mo. Maya-maya matulog na po kayo para mabilis na bumalik ang lakas niyo." I kissed her hand before I go.
Sasakay na sana ko sa tricycle ng makita ko si Rigel na bumaba ng kotse niya.
"Cassiopeia, Are you going to XG?" He asked me.
"Oo, may Gig kasi kami." I answered.
"How is your grandma? Is she okay?" Kita sa muka niya ang pag aalala.
"Okay na siya, na discharged na siya kanina, thank you sa tulong mo Rigel. Sobrang kong na appreciate." I sincerely said.
"Good to know, let's go?" Pag aaya niya.
"Huh?" Takang tanong ko.
"I'll take you to the bar." He said then he open the door at the shotgun seat.
Nakatitig lang ako sa kotse niya dahil nahihiya na 'ko sa kaniya, sa mga kabaitang ginagawa niya, bigla niya kong tinulak papasok sa kotse. Muntik pa 'kong masubsob.
Pumasok na din siya at umupo sa driver seat, agad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa ginawa niya. Nagsimula na siyang magmaneho.
"Nakatulog ka ba kagabi?" I curiously asked.
"No, but I sleep when I got home."
"Hindi ka nanaman pumasok?" Takang tanong ko.
"Nope." He answered so fast.
"Ba't 'di ka pumapasok? Sayang tuition."
"Because no matter how much effort I put in studying, they will never appreciate it." Rigel said seriously.
"Just do your best Rigel, and if they don't appreciate it, then it's their problem not yours." I smiled at him.
Nang makarating kami sa bar, wala pa ang mga kabanda ko kaya naman sinamahan ko muna si Rigel sa table. Nagulat ako ng umorder siya ng isang bote ng Jack Daniels.
"Hoy iinom ka nanaman mag isa? Baka sukahan mo nanaman ako ah? Asa'n ba mga kaibigan mo? May problema ka ba? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod kong tanong.
"They are on their way. I'm fine." He smile to assure me that he's okay.
Alas nuwebe na kaya naman ay nagpaalam na 'ko kay Rigel para pumunta sa backstage.
Pagkarating ko, nandoon na ang mga kaibigan ko.
Umakyat na kami sa stage para magperform.
"Good evening everyone we are the Harmonious Band. We're here in front of you to make your night wonderful." Panimula ni Casper.
Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto at nagsimula ng tumugtog at kumanta.
I know it's ugly turning on the news
There's people fighting over point of view
Sometimes it's like there's nothing left to lose
And I don't know what to do
But I know it's better with you
I was a wreck when you came along
When there was nothing left
You showed me the best
I'm still a mess but you hold on
Don't know just why you do
But I know I'm better with you
But I know I'm better with you
But I know I'm better with you
But I know I'm better with you
For every life there is a silent cry
For every day there is a darker night
Sometimes this life doesn't treat us right
And I don't know what to do
But I know it's better with you
I was a wreck when you came along
When there was nothing left
You showed me the best
I'm still a mess but you hold on
Don't know just why you do
But I know I'm better with you
But I know I'm better with you
But I know I'm better with you
Wherever you are, it's never as dark
Whenever I start slipping, you make all the difference
Been there from the start, no matter how hard
Whatever piece is missing, you know how to fix it.
Tamang-tama ako sa lyrics ng kanta. Sobrang accurate sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Para bang gumagaan lahat kapag kasama ko siya.
Tumingin ako sa gawi niya at eksakto namang nakatingin din siya sa akin kaya agad na nag tama ang paningin namin.
We're just looking at each other with the same intensity.
______________________________________________
Better with you by Jesse McCartney.