Pagkadating ko sa classroom namin agad akong inaya ni Mica sa Auditorium. Tinatanong ko siya kung anong gagawin namin do'n sabi niya sa 'kin manunuod lang daw kami. Akala ko naman kaya niya 'ko pinapasok ng maaga dahil may group project kaming gagawin, nagtataka 'ko dahil walang tao sa classroom.
Pagkadating namin sa auditorium andaming tao at mayroong nakaset-up sa stage. Iniisip ko na baka may event ngayon. Hinatak ako ni Mica para maupo sa harapan, dahil mayroong dalawang bakanteng upuan doon, nakita kong nakaupo malapit do'n ang mga kaibigan ni Rigel.
"Mica required bang manuod nito? Tsaka sabi mo may gagawin tayong group project?" I asked with so much confusion.
"Just wait and watch, it's worth it. I swear." She said.
Maya-maya ay lumabas si Rigel sa stage na may dalang gitara. Nagulat ako ng makita siya, hindi ko ineexpect 'to. Tsk mga pakulo netong mga 'to.
"Good morning everyone I just want you to know that I'm willing to do everything for, Kelphie Cassiopeia Fernandez." He's looking at me while saying those words.
Agad na nagtinginan ang mga tao sa 'kin, kilala nila 'ko dahil lagi akong pangbato ng section namin kapag may mga activities sa school.
Aalis na sana 'ko dahil nahihiya ako, andaming taong nakatingin sa 'kin. Ayoko ng atensyon nila pero pinigilan ako ni Mica at Misty na tumayo.
"Just stay and relax Kc, enjoy every moment." Misty said trying to convince me.
Hindi ako binitawan ni Mica at Misty kaya wala akong nagawa kung 'di umupo nalang kahit hiyang-hiya na 'ko.
Ang gwapo ni Rigel sa suot niya ang hot niyang tingnan. He's wearing a white long sleeves and it is folded until his elbows, black pants with brown belt and brown top sider shoes.
Nagsimula siyang mag strum ng gitara. Andaming babae ang nagtitilian at kilig na kilig dahil sa kaniya.
Hindi ko alam na marunong pala siyang mag gitara.
Bago siya mag simulang kumanta ay tumingin muna siya sa gawi ko.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.
Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti ng napakalapad, sobrang genuine talaga ng mga ngiti niya.
Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.
Habang kumakanta siya ay nakatingin lang siya sa 'kin, 'yung tingin na nakakatunaw.
Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)
Matapos niyang kumanta ay bumaba siyang may dala-dalang boquet ng bulaklak, hindi ko alam kung anong uri ng bulaklak ang hawak niya pero napakaganda nito.
"Stargazer flower for you Cassiopeia." He gently says and wink at me.
'Di ko pa din kinukuha 'yung bulaklak na inaabot ni Rigel dahil napanganga 'ko sa kagwapuhan niya nung lumapit siya.
Kinurot ako ni Mica kaya agad akong natauhan at kinuha ang boquet ng stargazer.
"Thank you Rigel." I gave him my sweetest smile.
"Sana all!"
"Rigel gave me flower too."
"Marry me Rigel."
"Akin ka nalang please." Naririnig kong sabi ng mga babaeng estudyante.
Pagkatapos niyang ibigay sa 'kin ang bulaklak ay bumalik siya sa stage. Hindi ko alam kung ano pang pakulo ang gagawin netong asungot na 'to andami tuloy nagkakagusto at kinikilig dahil sakaniya.
Hinawakan niya ang mic at nagsimula siyang magsalita. Nagulat ako ng bigla siyang mag tagalog, dahil bihira lang naman niyang gawin 'yon.
Kapag tayo'y may mabigat na pinagdadaanan,
Tayong dalawa'y tumitingin lamang sa kalangitan.
Napakagandang pagmasdan ng mga bituin at buwan,
Kapag kapiling kitang tumitig sa kawalan.
Napapawi ang lahat ng aking nararamdaman,
Lungkot, pagod, pighati ay naglalaho sa puso't isipan.
Pananatilihin kong magkahawak ang ating mga kamay upang maging palatandaan,
Na naging saksi ang mga bituin at buwan sa kalangitan, kung paano nag simula ang ating pagmamahalan.
Ang kinang ng bituin at buwan ay hindi magbabago kailanman,
Parang pag-ibig ko sayong labis na makabuluhan.
Sapagkat sa kawalan? Ika'y aking natagpuan,
At para sayo'y handa akong makipagsagupaan.
Nagandahan ako sa tulang ginawa niya atsaka sobrang nakakataba ng puso.
"I revise this poem so many times, and I asked help for my friends because I don't know if ny grammar is right.
I just want this to be perfect and magical for Cassiopeia." He stares the way he looks at the stars and the moon at the sky.
Napangiti ako sa mga ginagawa ni Rigel, He has a big heart and pure intentions.
Akala ko tapos na siya sa mga pakulo niya, kaso biglang tumugtog ang kanta ni Justin Bieber na 'boyfriend', tumayo naman si Nicolo at Clyde, at agad na pumunta sa stage.
Nagsimula silang sumayaw, ang galing nila dahil bawat galaw nila ay sobrang swabe at makikitaan mo ng swag, halatang praktisadong-praktisado nila ang bawat galaw nila dahil sabay-sabay sila. Ang hot at ang sexy nilang tingnan, anlakas ng dating nilang talo habang sumasayaw.
Kaya naman agad na nagtayuan ang mga babae sa upuan nila at tumili.
Matapos nilang sumayaw kinuha ni Rigel ang Mic.
"Cassiopeia I just want you to know that I'm willing to do everything that will makes you happy, I want to make you smile and I'm willing to wait because I know you're, worth waiting for." He gave me a killer smile.
"Rigel I'm here for you!"
"Ako nalang kasi!"
"Marry me Rigel."
"Ang hot n'yo."
"Nicolo sayo nalang ako."
"Clyde take me home."
Sigaw nanaman ng mga babae.
"Sorry guys, but I'm already taken even though I'm still courting her, she already have my heart." He looks at me with sincerity in his eyes.
Bumaba si Rigel sa stage at pinuntahan ako.
"Hi! Did you like it?" He asked me, while smiling.
"Oo naman I appreciated all your efforts Rigel, thank you but we need to go, we have class to attend." I smiled at him before walking away.
Matapos nilang magperform, nagpaalam na kaming umalis ni Mica dahil baka ando'n na ang prof namin sa 1st subject.
"Alam mo kinikilig ako sa inyong dalawa, sobrang effort ni Rigel sayo bagay talaga kayo." Mica said, she's blushing.
"Tssss parang sa 'yo nag effort ah? Mas kinikilig ka pa sa 'kin." I smiled sarcastically. "Tara na nga sa classroom."
Namomroblema 'ko sa dala kong bulaklak dahil hindi ko alam kung saan ko ilalagay. Baka pag nilagay ko sa locker ay malanta, kaya dinala ko nalang sa classroom namin.
Ngiting-ngiti ang iba naming kaklase pagkapasok namin, mga tingin nila parang nang aasar. Yung ibang babae naman ay iniirapan ako. Akala naman nila may pakealam ako sakanila? Mamatay sila sa inis at inggit, mga insekyora!
Nagdiscuss lang ang professor namin at nagparecitation kung ano bang pinagkaiba nung dalawang building model na dala niya.
Nang matapos mag dismissed ang aming prof, pumunta agad kaming cafeteria ni Mica dahil nagugutom na kaming dalawa.
Binilisan na namin ang lakad dahil kumakalam na talaga ang tiyan ko, hindi kasi ako nakapag almusal kanina dahil sa pagmamadali, bwiset kasi 'to si Mica kala ko may group project talaga.
Nang makarating kami sa cafeteria, mayroong babaeng maganda na humarang sa 'kin.
"Is it you? The one, that Rigel's courting right now?" She asked then she raised her eyebrow.
"Yes, she is." Mica answered boldly.
"I'm not talking to you." She said.
Agad ko namang pinapunta sa likuran ko si Mica para hindi siya madamay.
"Yes, I am. What do you want?" I asked her then I raised my eyebrow.
"You're so ugly, grrrr so much hate." She rolled her eyes then crossed her arms.
"Oh really huh? You know what? You're so ridiculous, I get called beautiful every single day. Do you think It will affect me? And one more thing, I know you're pretty, but you're attitude really stinks. A pretty face is nothing if you have an ugly heart." I proudly said.
Tatalikod na sana 'ko ng bigla niya kong sabunatan. Gagantihan ko sana siya ng may marinig akong sigaw.
"Maurielle! Stop it! Don't you dare touch my girl again." Rigel said while walking towards us.
Agad naman akong binitawan nung bitch na Maurielle na 'yun. Buti nalang 'di sinabunutan ni Mica 'yon kung hindi tanggal anit nung babaeng 'yun.
"What do you want Maurielle?" Rigel asked seriously.
"I want you back Rigel." She said, sadly.
"Can you please stop Maurielle? It's been 2 years since we broke up! You're the one who cheated on me and I hope you finally move on, because I'm done with you." Rigel said with intensity.
So ex niya pala 'tong magandang species ng animal na 'to, hahahahaha paepal manloloko naman pala, tapos ngayon manggugulo sa buhay ng ibang tao.
Umalis na sa harap namin 'yung Maurielle, napahiya sa mga pinag-gagagawa niya sa buhay.
"Cassiopeia are you okay?" Rigel asked sounded concerned.
"Okay lang ako, sige na una na kami ni Mica nagugutom na kami." Paalam ko kay Rigel.
"Can I join you?"
"Baka tumahol naman 'yung ex mo." Inis na sabi ko.
"I'm here I can protect you Cassiopeia."
"Oo na! Sige na!" I yelled at him.
Umupo na kami ni Mica, si Rigel na daw ang oorder.
Pagkadating niya, andami nanamang inorder na pagkain. Kala mo laging gutom.
"Ba't naman andami mong inorder?" My brows furrowed.
"I don't want to starve you, I just want to spoil you."
I didn't talk after that I just rolled my eyes.
Kumain na kami dahil kanina pa ko nagugutom. Pagkatapos ay nagpasalamat ako kay Rigel at bumalik na kami sa classroom.
Wala 'yung last prof namin kaya umalis na kami ni Mica. Dumiretso kami sa Music hall dahil may practice kami.
Nakita naming wala 'yung boys do'n.
"Asa'n kaya ang mga 'yun?" I whispered to myself.
Tumambay lang kami sa loob at nagpahinga. Maya-maya dumating na sila.
"Ambaho niyo naman! Amoy sigarilyo kayo! Nag yosi ba kayo?" I asked, then I crossed my arms over my chest.
"Hindi ah, nangamoy usok lang." Dax answered back while smiling.
Binatukan naman siya nung dalawa.
"Magsisinungaling ka na lang halatang-halata pa, ang shunga mo pre. Alam mo ba yun?" Migs said while laughing.
"Tara na, start na tayo." Casper said seriously.
Nagsimula na kaming mag rehearse, sobrang seryoso ng practice namin ngayon, hindi ako sanay na ganto kami, nakakapanibago. Galit ata si Casper sa 'kin, pati tuloy ibang tao nadadamay.
Saglit lang kaming nagpractice, dahil nga seryoso kaming lahat ngayon, madali naming na perfect ang ipeperform namin mamayang gabi.
Nang matapos kami ay pina-una ko na 'yung dalawa dahil balak kong kausapin muna si Casper hindi pwedeng lagi kaming ganito. Ayokong maapektuhan ang banda namin.
"Casper galit ka ba sa 'kin? I asked softly.
"I'm not mad at you, galit ako sa pagkakataon, sa panahon. Sana hindi nalang tayo mag kabanda baka sakaling pinayagan mo din akong manligaw sa 'yo. Akala ko kasi pag naging mag kabanda tayo mas malaki 'yung chance na maging tayo." I can see the sadness in his eyes.
"Sorry Casper kung nasasaktan ka. 'Di ko naman gustong masaktan ka pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa 'yo. Sana maintindihan mo. 'Wag ka sanang magalit kay Rigel dahil wala naman siyang alam. Hindi kita gustong saktan Casper pero sorry talaga." I finally said, then I gave him an apologetic smile.
"Sorry nag iba 'yung way ng pakikitungo ko sa 'yo, It was just too painful for me. Pero hayaan mo na, 'wag mo kong intindihin okay lang ako. Basta pag sinaktan ka nung asungot na 'yun andito lang kaming tatlo para sa 'yo." Casper said while smiling but I can see the pain in his eyes.
"Thank you Casper, una na 'ko." Pagpapaalam ko.
Pagkalabas ko ng Music hall nagulat ako ng makita ko si Rigel, he's standing in front of me, leaning against the wall and his hands are inside his pocket.
"Are you done? Can I take you home now?" Rigel asked.
"Thank you Rigel pero kaya ko namang umuwi." Pagtanggi ko.
"But I want to take you home Cass."
"Malaki na 'ko Rigel, kaya ko ang sarili ko."
Bigla siyang naglakad palapit sa 'kin at binuhat niya kong parang bagong kasal.
"Ano ba Rigel? Ibaba mo nga 'ko!" Pagpupumiglas ko pero hindi niya ginawa.
Binaba niya lang ako ng maiupo niya na 'ko sa loob ng kotse niya. Agad niyang sinarado ang pinto ng kotse at mabilis siyang umikot sa driver seat para pumasok sa loob.
'Di na 'ko nakaangal pa ng mag drive na siya pauwi sa bahay. Buong biyahe ay hindi ako umimik, I was just looking outside because I'm so annoyed.
When the car stop I walked so fast heading to our house. Pero hinabol niya 'ko at hinatak ang kamay ko, pagkaharap ko ay muntik ng maglapat ang mga labi namin, we stared at each other kaya naman tinulak ko agad siya.
"Layuan mo nga ko naiirita ko sa 'yo." I rolled my eyes.
"I'm sorry, I just want to give you this." He said while handing me a letter and chocolates.
"Thank you." Agad akong umalis at pumasok ng bahay.
Sumandal ako sa likod ng pintuan at nilagay ko sa aking dibdib ang aking mga kamay.
Nahuhulog na ba 'ko sa 'yo? Handa na ba 'ko? Kaya ba kitang mahalin ng buo? I asked myself.
______________________________________________
With a smile by eraserheads