Chapter 8 - Chapter 7

It's already six in the morning when I wake up, bumaba na 'ko para magluto ng almusal at magtimpla ng kape at gatas.

Matapos kong magluto ay nag handa na 'ko ng pagkain namin. Umakyat muna 'ko sa taas para gisingin si kuya at Jillian.

"Kuya gising na, tanghali na." I tapped his shoulders trying to wake him up.

"Saglit lang Kc, five minutes." Nakapikit niyang sabi.

Pagkapunta ko sa kwarto namin ni Jillian ay nakita kong gising na siya. Inaya ko na siyang tumayo upang kumain sa baba.

Sunod ko naman sanang gigisingin si lola ng makita kong nahihirapan siya at hinahabol na lamang niya ang bawat paghinga.

Hindi ko alam ang aking gagawin, agad akong nataranta. Sumigaw ako ng malakas dahil natatakot ako para kay lola.

"Kuya si Lola!" I yelled, my lips started to shake in nervous.

"La wag mo muna kaming iiwan please, hindi ko kaya kung pati ikaw mawawala sa 'min." I said while crying.

My lola is my sword and my shield since I was a little. I don't know what to do if she will leave us too.

Bumaba agad si kuya at nagpunta sa kwarto ni lola.

Nagulat siya ng makita ang kalagayan ni lola.

"K-kuya dalhin na natin sa ospital si lola." I said worriedly.

Agad niyang binuhat si lola palabas ng bahay sumakay kami ng tricycle papunta sa ospital.

Iniwan muna namin si Jillian sa kapit-bahay namin, dahil walang magbabantay sakaniya.

Pagkadating namin sa ospital ay agad naming dinala si lola sa emergency room.

Nilagyan agad siya ng oxygen ng nurse dahil kinakapos na ng hininga si lola.

Maya-maya pa ay dumating na ang Doctor na mag susuri sakaniya.

Kinakabahan kaming nag-aantay sa resulta kung anong nangyari kay lola.

Hindi ako handa, hindi ako handa para sa mga ganitong pangyayari.

Nagdasal muna ako, nakiusap ako na 'wag sana munang kunin ang lola ko. Dahil hindi ko kakayanin kung pati si lola ay kukunin din sa amin.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos ng suriin ng Doctor si lola.

"Kayo po ba ang kamag-anak ni lola?" The Doctor asked.

"Opo Doc, kami po." Agad na sagot ni kuya.

"Your grandma has Chronic obstructive pulmonary disease or what we called (COPD). It is a chronic inflammatory lung disease that causes obstructed airflow from the lungs. These are the symptoms include breathing difficulty, cough, mucus (sputum) production and wheezing. It's typically caused by long-term exposure to irritating gases or particulate matter, most often from cigarette smoke." Mahabang paliwanag ng Doctor.

"Is your grandmother smoking?" The Doctor asked.

"Hindi po Doc." Sabay naming sagot ni kuya.

"Well between 10 to 20 percent of people with COPD, have never been smoked."

"Doc gagaling naman po si lola 'diba?" I asked him with a hopeful voice.

"Unlike some diseases, COPD typically has a clear cause and a clear path of prevention, and there are ways to slow the progression of the disease. But sad to say there's no cure for COPD, but treatment can help to ease symptoms, lower the chance of the complications and generally improved the quality of life. Medications, supplemental oxygen therapy and surgery are some forms of treatment.

Untreated COPD can lead to a faster progression of disease, heart problems and worsening respiratory infections.

Since your grandmother doesn't smoke it's a good thing. She only needs to get an annual flu vaccination and regular vaccination against pneumococcal pneumonia to reduce risk or prevent some infections." Mahabang paliwanag ng doctor.

"Do you have any questions?" Tanong pa ng Doctor.

"Wala na po Doc, Salamat po." Sagot ni kuya.

Umalis na 'yong Doctor sa harapan namin, agad akong nanlumo sa nalaman ko.

Para 'kong sasabog, Gusto kong umiyak! Gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas lahat ng hirap at sakit na nararamdaman ko.

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng makaranas nito bakit kami pa? Bakit si lola pa? Sobrang hirap hindi ko alam kung sa'n kami kukuha ng pera. Ang hirap pag wala kang magulang sa tabi mo, lalo na sa oras ng pangangailangan wala kang masandalan.

Hindi ko naramdaman na umiiyak na pala 'ko, hanggang sa pinunasan nalang ni kuya ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.

"Kuya pa'no na tayo?" I asked him.

"Magtiwala lang tayo kay God, 'di niya naman tayo pababayaan Kc. Tumahan ka na ayokong nakikitang umiiyak kayo, dahil nanghihina ako." Kuya said.

Alam ko na nagpapakatatag lang siya para sa 'min, pero alam kong gusto niya na din umiyak dahil sa sunod-sunod na problemang dumadating sa amin.

Pinunasan ko ulit ang mga luhang tumulo sa mga mata kong pagod na sa kakaiyak dahil sa problema.

Pagkatapos ay pinuntahan na namin si lola.

Pinagmasdan kong natutulog ang maganda kong lola. Hinalikan ko ang mga kamay niya gaya ng lagi kong ginagawa sakaniya.

"La 'wag mo muna kaming iiwan, gagawin ko lahat para sa'yo. Para mabuhay ka pa ng matagal. Kung kinakailangan kong magtrabaho habang nag-aaral gagawin ko para sa'yo." Sabi ko kay lola kahit na alam kong hindi niya naman maririnig.

"Hindi ka magtatrabaho Kc, gagawa ako ng paraan, magfocus ka lang sa pag aaral mo." Nakatulalang sabi ni kuya.

"Kuya uwi muna 'ko, titignan ko muna si Jillian. Kukuha na din akong pagkain." Paalam ko sakaniya habang nakatingin pa din siya sa kawalan.

Habang pauwi ako hindi ko maiwasang isipin ang mga problema. Para bang naglalakad akong wala sa aking sarili.

May na bunggo akong lalaki dahil hindi ko napansing tumatakbo siya papunta sa gawi ko.

"Sorry." He looks at me. "Oh it's you again, Cassiopeia. Are you okay? You look so tired." Rigel said.

Bumalik lang ako sa katinuan ng kausapin niya 'ko.

"Okay lang ako." I tried to gave him a smile.

"I know you're not, you're just faking smiles." He said.

"Una na ko, kailangan ko pang umuwi." Pagpapaalam ko sakaniya.

"I'll bring you home." He insisted.

He held my hand through his car, he opened the shotgun door for me. I didn't talk I just stared at it.

"What are you waiting for? Get in."

Pumasok nalang ako sa loob dahil 'di ko na alam ang dapat kong gawin. Sinabi ko sakaniya ang address ng bahay namin at habang nasa biyahe kami nakatingin lang ako sa bintana ng kotse.

'Di ko namalayan na umiiyak nanaman ako ng biglang may tumulo sa binti ko. Agad na pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking kamay, para hindi na makita pa ni Rigel.

Pagkadating namin sa bahay, inaya ko siyang pumasok sa loob.

"Gusto mong pumasok?" I asked him.

Tumango naman siya.

"Pasensiya ka na makalat nagmamadali kasi kami kaninang dalhin si lola sa Ospital. Saglit lang ah? Sunduin ko lang kapatid ko sa kapit-bahay namin, umupo ka muna." Paalam ko sakaniya.

Pinuntahan ko muna si Jillian para pakainin, dahil hindi kami nakakain kanina ng almusal.

"Ate asan si lola? Ayos lang ba siya?" Halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Nasa Ospital si lola nagpapahinga pa. Okay lang si lola Jillian." Pagsisinungaling ko sakaniya, dahil ayokong umiyak nanaman siya gaya ng pag iyak niya noong umalis si mama.

Pagkarating namin sa bahay, nagulat siya dahil may ibang tao.

"Hi cutiepie!" Rigel greeted her.

"Hi po kuya." Nahihiyang sabi ni Jillian.

"Jillian kumain ka na ba? Magluluto lang si ate ah? Dito muna kayo sa sala."

"Ate sino siya?"Jillian asked.

"Kaibigan ko Jillian."

"Ayyyyy! sayang ate, akala ko boyfriend mo." Maloko niyang sabi.

"Ikaw ang bata-bata mo pa ah? Kanino mo natutunan 'yan?" Tanong ko sakaniya.

"Wala po, sige na ate magluto ka na." Pag tataboy niya sa 'kin habang tinutulak ako papuntang kusina.

Iniwan ko muna silang dalawa sa sala at nagtungo na sa kusina para magluto ng dadalhin ko sa Ospital. Pagkatapos, nag ligpit at naglinis muna 'ko, nilinis kong maigi ang kwarto ni lola.

Tatawagin ko na sana sila para kumain ng makitang ansaya-saya nilang dalawa. Ambilis nilang napakisamahan ang isa't-isa.

"Kain na tayo." aya ko sakanilang dalawa.

Pumunta na kami sa kusina, pinagsandok ni Rigel si Jillian ng kanin, ipagsasandok niya din sana ako ng pigilan ko siya.

"Huwag na ako na, kaya ko naman."

Kaya nilagay niya nalang ang kanin sa plato niya.

"Pasensiya ka na, ito lang pagkain namin. Itlog, tuyo at kanin."

"It's okay I'm willing to eat what's on the table." He smiled to assured me.

Maya-maya ay nag dasal na siya kaya yumuko kami ni Jillian.

Habang kumakain kami ay nagkukulitan pa din silang dalawa. Ang cute nilang tignan.

"Sana nakakatawa din ako ng ganyan." Sabi ko sa sarili ko.

Matapos naming kumain ay nag lagay ako sa tupperware ng pagkain para kila kuya at lola.

Binihisan ko din si Jillian.

"Where are you going?" Rigel asked me.

"Sa Ospital dadalhan kong pagkain si lola at kuya."

"I can drive you to the hospital. Can we take Jillian?"

"Huwag na delikado, baka mahawa pa ng sakit 'yan sa Ospital," Pagtutol ko, "Tsaka wala ka bang gagawin, 'diba may pasok kanina?" I asked him.

"I ditched the class. We'll stay in the car. Is that okay?" He asked me.

Pumayag na 'ko at umalis na kami. Huminto kami sa palengke dahil bibili daw siya ng prutas para kay lola.

Pagkabalik niya andami niyang binili parang binili niya na buong palengke sa dami ng hawak niya.

Dumaan din kami sa drive through para daw pag nagutom si Jillian may kakainin siya.

Pagkarating namin sa Ospital, binuhat ko na ang sandamakmak na prutas na binili niya. Hindi ko kayang dalhin lahat kaya naman tinulungan niya 'ko, iniwan muna namin si Jillian sa loob ng kotse.

Pagkapasok namin sa Emergency room, nagulat si kuya dahil may kasama na 'ko.

"La, gising ka na pala! Kamusta po ang pakiramdam mo?" I asked her, then I smiled.

"Okay lang ako apo, nahihirapan lang akong huminga kanina." Malumanay na sabi niya.

"Sino 'yang kasama mo Kc? Boyfriend mo?" Masungit na tanong ni kuya.

"Hindi kuya kaibigan ko lang 'yan, siya bumili lahat ng prutas na 'yan. Akala mo magtitinda dito sa ospital ng prutas sa dami ng binili."

"Hello po, get well soon po." Bati ni Rigel, lumapit siya at nagmano kay lola.

"Salamat apo, salamat sa mga prutas na binili mo." lola said while smilling at him.

"You're welcome po." He said, then he smiled back.

Humarap naman siya kay kuya para magpakilala. "Rigel Kienne Vasquez." He offered his hand.

Nagulat ako sa inasta niya dahil napakagalang at napakabait niya, hindi ko inaasahan na gano'n ang attitude niya dahil mayaman siya ngunit marunong siyang makisama at napakagalang pa.

Kinamayan naman siya ni kuya. At nagpaalam na siya dahil walang kasama si Jillian sa kotse.

Pinakain ko si lola ng dala naming pagkain. Pagkatapos ay pinagpahinga ko na ulit siya para mabilis siyang makarecover.

Maya-maya dumating ang doctor at chineck ulit ang lagay ni lola.

"Doc kelan po makakalabas si lola?" Tanong ko, dahil sa takot na baka lumaki ang hospital bill namin.

"When she gets better, you can finally go home but you need to follow these instructions.

If she's having a hard time in breathing, she needs to take quick relief inhaler to help her. She also needs to take her long term medicine everyday.

She need to stay away from infections because having COPD makes it easier for her to get infections. She only needs to get an annual flu vaccination and regular vaccination against pneumococcal pneumonia to reduce risk or prevent some infections."

She also needs to stay away from crowds. And make a follow check-up visit. She needs to take to the hospital if her breathing is getting harder." Mahabang paliwanag ng Doctor.

Nang umalis na ang doctor, pinauwi ko muna si kuya para makapagpahinga naman siya. Pinasama ko na si Jillian pauwi sakaniya.

Akala ko ay uuwi na din si Rigel ngunit sinamahan niya 'ko sa Ospital magbantay kay lola. Hindi niya ko iniwan

Gabi na, kaya umalis muna siya akala ko ay uuwi na at hindi na babalik pa, bumili lang pala ng pagkain.

Pinakain ko muna si lola, bago ako kumain.

Matapos kumain ay minasahe ko ang mga kamay ni lola. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya.

"Rigel hindi ka pa ba uuwi? I asked him with too much curiosity.

"No, I'll stay by your side. Because I know that no one's here for you right now."

"Thank you pero kaya ko naman mag-isa, hindi ka ba hahanapin sainyo?"

"No, I don't go home always. I'm staying at my condo."

"Eh saan ka matutulog dito? Wala kang tutulugan dito."

"I'll stay awake for you and for lola. I will take care both of you." He sincerely said.

Inaantok na ako kaso iniisip ko si Rigel kung papaano.

"Umuwi ka nalang kaya. Kaya ko naman eh." Pangungulit ko sakaniya dahil wala siyang matutulugan dito.

"No, I'll stay and that's my decision." He seriously said.

Hindi ko na siya kinulit pa. Bigla niya 'kong hinatak, hindi ko alam kung sa'n niya ko dadalhin.

"Rigel sa'n mo ba 'ko dadalhin? Walang kasama si lola do'n." Inis na sabi ko.

"Roof top, I want to make you feel better." He wink at me.

"Anong gagawin natin do'n?" My brows furrowed.

"We will gaze at the beautiful sky and you will forget all your problems for a while."

Pagkarating namin sa rooftop, naghanap muna siya ng ipanglalatag sa sahig. Nakakita naman siya ng tuwalyang maliit, sapat na para makahiga ang likod namin at hindi madumihan ang mga damit namin.

"Come here, lie down in my arms." He said while tapping his arms.

Humiga ako sa tabi niya gaya ng sabi niya, ngunit hindi ko pinatong ang ulo ko sa mga bisig niya dahil nakakahiya.

Nakatingin lang kami sa langit, tama nga siya nakakatanggal ng problema panandalian, kapag nakatingin ka sa mga bituin sa kalangitan.

The Stars are alive and breath taking.

"Did you know that your name Cassiopeia is one of the constellation?" He seriously asked.

"Hindi ko alam 'yon, totoo ba?" 'Di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah, Cassiopeia was one of the 48 constellations, It is easily recognizable due to its distinctive 'W' shape, formed by five bright stars."

Napanganga 'ko dahil sa pagkamangha sa sinabi niya, hindi ko alam na napakaganda pala ng pangalan ko dahil isa ito sa mga constellation sa kalangitan.

"Eh 'yung pangalan mo Rigel? Alam ko isa 'yan sa mga star. napag-aralan namin 'yon dati noong elementary, nalimutan ko nga lang." Napakamot ako sa aking ulo.

"Rigel is a blue supergiant star. It is typically the seventh-brightest star in the celestial sphere." He said still looking at the sky.

"Ayon ka ba?" Turo ko sa isang bluish white na star.

"No, I'm here. I'm always here by your side." He said while looking at me.

______________________________________________