"Gwardya ka lang pero nakakapasok ka sa palasyo ng prinsipe?" Tanong ko. Nakalagpas kasi kami sa mga gwardyang nagpapatrol sa paligid, at di kami pinapansin ng mga ito na para bang hindi nila kami nakikita.
"Ako ang kanang kamay ng prinsipe, at parte ako ng royal knights kaya mayroon akong awtoridad na gawin ang mga ito." Paliwanag niya.
Nasa loob na kami ng palasyo. Kahit ang mga maids at servants ay hindi kami pinapansin. Wala ni isang napapatingin sa direksyon namin.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang kwarto. Bumungad kaagad ang isang napakalaking kama at syempre, chandelier na kulay gold. Karamihan sa kulay na makikita sa loob ng palasyong ito ay gold.
Dahan dahan akong ibinaba ng lalaking nagligtas sa akin. Pumasok naman ang ilan sa mga babaeng servant at lumapit sa akin.
"Kayo na ang bahala sa kaniya." Aniya and then tumalikod na para umalis. Iiwan niya akooo?!
"Teka saan ka pupunta?!" Pahiyaw kong tanong. Nagtinginan naman ang mga servants. Ang weird.
"Kailangan kong ipaalam sa prinsipe ang kaganapan ngayong gabi, huwag kang mag-alala, susubukan ko siyang kumbinsihin na huwag kang paslangin." Ngumisi siya. Bakit ganon? Nagiging kamukha na niya si Joker!
"Babalik ka ba?"
Ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ang ibig sabihin ba non ay oo o hindi. Naglakad na siya palabas ng kwarto, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Even though he's nice to me, hindi ko pa rin alam kung anong totoong balak niya. Kung tinutulungan ba niya ako o ganito lamang ang paraan nila ng panghuhuli ng bandido?
Hinayaan ko na lamang ang servants sa ginagawa nila sa akin. Nilinisan nila ako at binihisan ng puting kasuotan na abot hanggang talampakan. Manipis lamang ito at preskong suotin. Itinirintas din nila ang ang buhok ko.
Matapos nila akong ayusan ay iniharap na nila ako sa salamin. Ako pa rin naman ito. Pero napansin ko na kuminis ang balat ko at medyo naging fit ang katawan ko. I wonder if it's part of my transmigration?
"Ah- excuse me, bakit niyo nga pala ito ginagawa? Para saan?" I asked the servants.
"Normal lamang naman po na tulungan namin kayong isuot ang inyong damit pantulog, dahil kami po ay tagapagsilbi." Sagot ng isa sa kanila na nagtrintas sa akin kanina.
"Pero- hindi ba't isa lamang akong estranghero?" Ayan nilaliman ko ng bagya ang pananalita ko dahil naalala ko ang sinabi ng lalaki kanina na mga noble families lang nakakapagsalita ng english.
"Sumusunod lamang kami sa utos ng prinsipe." Sagot ng isa pa sa kanila.
Huh. Ang weird. Alam na agad ng prinsipe na nandito ako?
"Mawalang galang na, ngunit maaari ko bang itanong ang inyong pangalan?" Tanong ng nagbraid sa 'kin.
"Steffie." I answered. "Nais ko ring malaman ang pangalan ninyong tatlo."
"Ang pangalan ko po ay Anastasia."
"Ako naman si Anabella."
"Ako po si Antonina."
Yey. Ngayon, kilala ko na silang tatlo!
"Lady Steffie, tunay pong napakaganda ninyo." Ani Anabella.
"Nasisigurado kong interesado ang prinsipe sa inyo." Dagdag ni Anastasia.
"Paumanhin, Lady Steffie sa iniaasal ng aking mga kapatid. Anastasia! Anabella!" Saway naman ni Antonina. So magkakapatid pala sila? Kaya pala parang magkakahawig sila. Sa tantsa ko ay mas matanda sila sakin ng ilang taon. "O siya, magpapaalam na po kami upang kayo ay makapagpahinga."
"Teka... may nasabi ba ang lalaking nagdala sa akin dito kanina kung babalik siya ngayong gabi?" Tanong ko. Kailangan ko kasi siyang makausap tungkol sa maraming bagay.
"Hindi ko po sigurado, ngunit nakatitiyak ako na baka bukas niyo na po siya makakausap dahil malalim na po ang gabi at kailangan niyo na rin pong magpahinga, Lady Steffie." Sagot ni Anabella.
Hay, sa bagay. Pero sa tingin ko, hindi naman din ako makakatulog. This place is unfamiliar to me at baka habang natutulog ako ay baka iassasinate nila ako ng walang kamalay malay!
Umalis na sina Anabella, Anastasia, at Antonina pagkatapos nilang ihanda ang kama. Sobrang weird dahil ang ganda ng pakikitungo nila sa akin. Takot na takot ako kanina dahil sa mga sinabi ng lalaking 'yon pero paramg nakampante ako ngayon.
Naglakad ako patungo sa malaking pinto para sana lumabas at hanapin ang royal knight na nagligtas sa akin. Ano ka ba naman wishing well! Prince charming ang hiniling ko, hindi knight in shining armor!
Hinawakan ko ang gintong doorknob para pihitin ito ngunit napagtanto ko na nakalock pala ito. Wait! Hindi pala dapat ako makampante! Ikinulong nila ako sa isang napakagandang selda!
Bigla tuloy sumakit ang ulo ko, nauntog nga pala ako kanina. Malaking palaisipan parin kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Base sa kwento ni Anya, tumutupad ng kahilingan ang wishing well kung saan ako nahulog. Naalala ko rin ang mga sinabi ni Sophia bago niya ako hayaang mahulog ng tuluyan. Ang sabi niya, yun ang wish niya. Hindi man malinaw, pero... i think she wants me to disappear.
To think about it, sa tingin ko nagkatotoo rin ang wish ko. Hindi ipaprioritize ni Dad ang kasal nila ni Tita Margaret dahil sa pagkawala ko. Isang bagay lang ang hindi nagkatotoo, yun ay ang prince charming ko.
Nagkataon na magkatulad ang wishing well na nasa munisipyo at ang well na nandito sa palasyo ng prinsipe. Kung iisipin, sakto rin na naroon si Mr. Knight. Hindi kaya may hiniling rin siya? Something like... Sana may babaeng lumabas sa balon na ito, ganoon ba? Parang nagmukha naman akong si Sadako.
Nahiga na lamang ako sa kama at nilanghap ang mabangong incense na sinindihan ng tatlong magkakapatid kanina hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
May pampatulog ang insenso! Mautak talaga ang mga tao dito. Ikinulong nila ako at ngayon, ganito?! I got completely lured!
_________________________
Sikat na ang araw ng magising ako. Argh! Sobrang sakit ng ulo ko at naghihina ang katawan ko. Kahit na ganoon ay pinilit ko pa ring makatayo para subukang lumabas.
Sa wakas. Hindi na nakalock ang pinto! Lalabas na sana ako pero napansin kong mayroong dalawang gwardya na nakasuot ng armor na nasa magkabilang gilid ng malaking pintuan. Napansin din yata nila ako kaya napatingin ang dalawa sa akin. I noticed that their face turned red nung lumakad ako palabas ng kwarto, nag iwas naman sila kaagad ng tingin. Weird. Hindi nila ako binawal kaya nagpatuloy akong lumakad para hanapin si Mr. Knight.
Lahat ng gwardyang nadaraanan ko ay nag-iiwas ng tingin sa akin. Something feels weird here.
Ilang sandali pa ay nakita na ko si Mr. Knight. Naglalakad siya pababa ng malaking hagdan habang may nakasunod sa kaniyang anim na gwardya na nakasuot din ng armor. Nakapagtataka, hindi ba isa siyang knight? Dapat nakasuot din siya ng armor pero ang suot niya ay isang magarang coat at pants. Ang mga nadaraanan din nilang mga gwardya at tagapagsilbi ay yumuyuko sa kaniya. Ganoon ba talaga kataas ang rango niya?
Tumakbo ako para mahabol siya na ngayon ay papalabas na ng malaking palasyo.
"Mr. Knight!" Sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdan. Halos lahat ng nakarinig ay napalingon din sa akin. At lahat sila ay napaiwas rin ng tingin matapos ang ilang segundo. Si Mr. Knight naman ay parang nagulat pa nang makita ako. Agad niyang hinubad ang coat niya saka sinalubong ako. Nang tuluyan na kaming magkalalit ay bigla niyang itinakip ito sa katawan ko.
"Mukhang totoo ngang nawala ang iyong alaala." Bulong niya habang hinihila ako pabalik sa taas.
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Hindi maaaring makita ng isang lalaki ang isang babae sa kaniyang damit pantulog kung hindi sila kasal."
"A-anooo?!" Malay ko ba na bawal pala 'yon?!
"Huwag kang mag-alala sapagkat mananatiling sikreto at walang makakalabas sa mga nangyari ngayon. Pwera na lang kung gusto mong pakasalan ang lahat ng nakakita sayo."
May inner kaharutan ako sa katawan pero hindi ako malandi!
"Sayang... wala ang prinsipe dito. Sa kaniya na lang ako magpapakita." Bulong ko. Sinadya ko talagang iparinig sa kaniya ang sinabi ko. Natawa naman siya. Kahit ang pagtawa niya ay may poise. Kaunti na lang mapagkakamalan ko na rin siyang prinsipe.
"Bakit? Gusto mo ba ang prinsipe?" Tanong niya. Nakangisi na naman siya.
"Hmm. Hindi ko alam, hindi ko naman kasi siya kilala." I answered.
"Kapag bumalik na ang iyong alaala, sabihin mo kaagad sa akin." Aniya. Tumango naman ako.
Nang makabalik na kami sa kwarto kung saan nila ako ikinulong, sinenyasan niya ang mga tagapagsilbi.
"Maghihintay ako sa labas." Sabi ni Mr. Knight. Matapos niyang makalabas ay kaagad naman akong hinila nina Anastasia, Anabella, at Antonia upang ayusan.
"Saan nanggaling ang mga damit na 'to?" Tanong ko. Napakarami kasing damit sa walk in closet, kwarto ba 'to ng ibang babae?
"Binili iyan ng prinsipe kahapon para sa iyo." Sagot ni Antonina. Paano? Wala pa ako dito kahapon. Nakapagtataka.
"Bakit naman ang dami? At saka bakit niya ako ibinili ng mga damit? Mukhang ang mahal nito ah." Totoo naman kasi. Ganito ba nila itrato ang mga nagtetrespass sa palasyo?
"Mukhang nabighani ang prinsipe sa inyong kagandahan, Lady Steffie!" Biro ni Anastasia.
"Wag mo nga akong bolahin, Anastasia." Sabi ko sabay tawa. Hahaha. Wala akong pambayad kay Anastasia.
"Hindi ako nagbibiro, Milady!" Dagdag ni Anastasia.
"Tama po si Anastasia, para sa akin, kayo ang pinakamaganda sa buong Imperyo." Pagsang-ayon ni Anabella.
"Tiyak na kapag nakita kayo ni Lady Violet, mapapa-"
"Anastasia, baka may makarinig sa iyo." Saway ni Antonina.
"Paumanhin, ate."
"Handa na po kayo." Ani Antonina matapos niya akong bihisan. Sobrang hassle pala magdamit dito kaya kailangan talaga ng mga tagapagsilbi. Ang dami kasing layer ng damit na kaylangang isuot, idagdag pa ang mahigpit na corset. Sobrang fancy ko talagang tingnan, pakiramdam ko tuloy, I'm a princess!
Lumabas na silang tatlo at si Mr. Knight naman ang pumasok.
"Mabuti naman at hindi niyo ako naisipang ikulong ulit." Bungad ko.
"Masama ba ang loob mo sa akin dahil doon? Inaasahan ko na iyan. Hindi mo ba nagustuhan ang mga biniling damit ng prinsipe para sa iyo?" Hay. Napapansin ko lang na palaging nakangiti ang lalaking ito.
"Ha? Paano? Hindi ba't kagabi lang mo lang ako dinala dito? Ang sabi ng mga tagapagsilbi, kahapon pa raw binili ang mga damit na 'to?" I asked.
"Hindi mo ba alam na tatlong araw kang walang malay?"
Whaaaat?!
"H-hindi ko alam."
"Nakausap ko na ang prinsipe, ang sabi niya ay ituturing ka muna bilang panauhin hanggat hindi pa natutukoy ang iyong katauhan." He paused. "Ipinag-utos rin niya na hayaan kang pumasyal."
"Wait. Bakit parang ang bait naman ng prinsipe sa akin?" Well mukhang effective ang sinabi ko noong gabing 'yon- na baka anak ako ng isang makapangyarihang pamilya.
"Marahil ay interesado siya sa iyo?" Patanong na sagot niya. Wow.
Hindi na lang ako sumagot. Well, alam ko naman na maganda ako, duh, kaya dapat lang na makuha ko ang interest niya, chaaaaaar!
____________________
Nakasuot kami ng black na hood habang nakasakay sa kabayo. Hindi kami sumakay sa karwahe dahil agaw pansin daw masyado dahil kilala ng mga mamamayan ang karwahe ng prinsipe dahil may simbolo ito ng royal family. Ang awkward habang nakasakay kami sa iisang kabayo. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil baka mahulog ako.
Una kaming nagpunta sa pamilihan, ito na yata ang pinakamall nila dito. Sumunod naman ay sa isang simbahan. Nakausap ko pa ang ilan sa mga madre doon bago ako makaalis. Masarap kausap si Mr. Knight, talagang magiging komportable ka sa kaniya. There is something in him na makukuha ang tiwala mo.
"Saan ang susunod nating pupuntahan?" Tanong ko. Malapit na rin kasing magdapithapon.
"Sa Talong langit (Sky Falls)."
"Talong?"
Natawa siya. Nagtaka naman ako.
"Talon. Sky Falls sa ingles." Sagot niya. Pinipigilan pa rin niyang matawa. Natawa na rin ako dahil sa sinabi ko. Haha.
"Sorry na tao lang." Sabi ko.
"Narito na tayo." He said. Napanganga ako dahil sa sobrang ganda ng nakikita ko. Waaaaah. Hindi ko agad namalayan na nasa baba na pala siya at hinihintay ako bumaba. Hinawakan naman niya ako sa waist ko para tulungan akong bumaba.
Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako. Sobrang gentleman talaga nitong si Mr. Knight!
Nagtataka ako. Sky Falls nga diba? Pero nasaan ang talon?
"Ang sabi mo may talon?" I asked.
"Mayroon nga, pero may mga panahon na tumitigil ang pagbagsak ng tubig nito kapag madalang ang pag-ulan." He explained. "Kaya ito tinawag na talong langit ay dahil sa tuwing tumitigil ang ang pagbagsak ng tubig dito ay nagtitila salamin ang lawang nasa ibaba nito at ang repleksyon ng langit ay makikita sa tubig."
Tama nga siya. Nakasteady lang yung tubig at walang agos kaya parang nagiging salamin. Malapit nang lumubog ang araw kaya kulay orange na ang langit, waaaah, this is so refreshing!
"Nais mo bang sumakay sa bangka?" Tanong ni Mr. Knight. Nginitian ko na lang siya. Hinila naman niya ako kaagad palapit sa bangka. Nauna siyang sumakay pa alalayan akong makasampa.
Humawak ako sa nakalahad niyang kamay para makasakay na ako pero nang mapatingin ako sa tubig ay parang biglang yumanig ang paligid. Napatigil ako. I suddenly remembered what happened on the well. I almost drowned. Yung pakiramdam ng pagkaubos ng hininga ko at pagpasok ng tubig sa airways ko... it's painful and scary.
"Ayos ka lang ba?" Kaagad akong napatingin kay Mr. Knight. Parang nakahinga ako bigla ng maayos nang marinig ko ang boses niya. Dahil na rin siguro siya ang nagligtas sa akin.
Bumitaw ako sa kamay niya saka lumayo sa tubig. "H-hindi na ko sasakay. Dito na lang ako." I said while slightly stuttering.
"Sigurado ka?" Tanong pa niya. Tumango naman ako. "Kung ganoon, panoorin mo na lang akong mamangka." Aniya.
Nginitian ko siya.
Nagsimula na siyang magsagwan patungo sa pinakagitna ng lawa habang ako naman ay naupo na lang sa isang malaking bato malapit sa pampang.
Huminto siya nang makarating na siya sa pinakagitna. Tumingin siya sa kinaroroonan ko saka sumenyas na babalik na raw siya. Ilang sandali pa ay malapit na siya sa pampang. Hahanga na sana ako sa kaniya kaya lang nalaglag ang isang sagwan. Sinubukan niya itong abutin pero hindi niya nagawa.
"Aww." May kumagat na langgam sa paa ko kaya bigla akong napaalis sa kinauupuan ko.
May narinig akong tunog mula sa lawa, parang may nahulog.
Wait?
Ibinalik ko ang tingin ko kung nasaan ang bankang sinasakyan ni Mr. Knight pero hindi ko siya nakita doon. Tanging ang bangka na lang ang natitira. Gosh! Ano kayang nagyari sa kaniya?
"Mr. Knight! Uy! Nasaan ka na ba?" Sigaw ko pero hindi siya sumasagot. Nagsimula na akong magpanic. "Nasaan ka na ba? Hoyyyyy!" Wait?! Baka nahulog siya tapos nalunod?! Waaaaaah!
Kaagad akong lumusong sa tubig para hanapin siya habang sumisigaw, tinatanong kung nasaan ba siya. Pero walang sumasagot.
Palalim na nang palalim ang napupuntahan ko pero at umabot na ito sa dibdib ko. Sobrang natatakot ako na baka maulit na naman yung dati, ayoko nang malunod! Pero mas natatakot ako na baka may mapahamak dahil sa kaduwagan ko.
Huhu! Naiiyak na ko. "Hoyyyy! Bakit ba kasi sumakay ka pa ng bangka!" Sigaw ko kahit di ko siya nakikita. "Kapag nalunod ka hindi ko alam kung paano tayo makakauwi! Huhu." This time totoong naluluha na ako. Paano kung hindi ko na siya makita? Paano ako makakabalik sa palasyo? Waaaaaah!
"Huh?-"
"Ay potakte!"
Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumitaw mula sa harapan ko. Hinampas ko naman siya sa dibdib ng paulit ulit. "Ano bang ginagawa mo sa i-ilalim ng tubig? Ha? Hindi ka n-naman isda ah?!"
"Huh? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. "Paumanhin, nahulog kasi ang ito." Itinaas niya ang kwintas na hawak niya. Mayroon itong pendant na singsing. Kung ganon, hinahanap lang pala niya yon? Tumalikod ako sa kaniya dahil sa hiya. Nag-alala ako ng sobra para sa wala?!
"Hindi ka na ba natatakot sa tubig?" He asked.
Woah. Nasa tubig pa nga pala kami! Ngayon na sinabi niya iyon, biglang nanghina ang tuhod ko at muntik na akong lumubog! Buti na lang nahawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Napasandal tuloy ako sa dibdib niya!
"Teka? Anong ginagawa mo?!"
Binuhat na naman niya ako na parang prinsesa paahon ng lawa.
"Paumanhin kung natakot kita." Sabi niya. Why is he always being nice?
"Paano mo nga pala nalaman na takot ako sa tubig?" Tanong ko.
"Nakita ko sa ekspresyon ng iyong mukha kanina bago ako sumakay sa bangka."
Oh. Ganoon ba ako kabilis basahin?
Kaagad din niya akong ibinaba nang makaahon na kami. Pareho kaming basang basa. Sakto ring dumidilim na kaya medyo malamig na ang paligid. Tinulungan niya akong sumakay sa kabayo bago siya sumakay.
Ang lamig huhu. Ang bilis ng takbo ng kabayo at ang lakas din ng pagtama ng hangin sa amin.
"Maaari ko bang itanong kung bakit ka umiiyak kanina?" Tanong niya. Natakot ako, duh!
"Bigla ka na lang kasing nawala. Natakot ako." Sagot ko. Ang embarrassing naman ng sinabi koooo! Bahagya siyang natawa. Ano kayang nakakataw doon?! "Ang totoo niyan... nung bigla kang nawala, hindi ko alam kung paano kita hahanapin. D-dahil hindi ko manlang alam ang pangalan mo."
"Ishid." Ilang segundo yata ang dumaan bago siya sumagot. Bakit natagalan? "You can call me Ishid."
"Huh? Nakakapagsalita ka ng english? Galing ka sa noble family?" Pagtataka ko. Hmm, something's fishy.
"Upang makapagsilbi sa imperyo, kailangan naming matuto upang maunawaan namin ang aming mga pinagsisilbihan, bilang isang pinagkakatiwalaang myembro ng royal knights." Paliwanag niya.
"Sa susunod... pwede bang wag kang maglaho ng bigla bigla?"
"Say my name."
"What?" Baka mali ang naririnig ko.
"I will not disappear... in one condition, I wanna hear you say my name." Buti na lang nasa likod ko siya. Ayokong makita niya ang reaksyon ko ngayon.
"I-ishid."