Chereads / The Lady on the Well (TAGALOG) / Chapter 6 - Chapter 6: His Highness, the Prince

Chapter 6 - Chapter 6: His Highness, the Prince

Sa mga sumunod na araw, pinilit kong magpanggap na walang nangyari, na parang hindi ako apektado.

"Lady Steffie, may bumabagabag po ba sa inyo?" Tanong ni Nina.

"May iniisip lang ako." Sagot ko. Napansin siguro niya na kanina pa ako nakatulala sa balkonahe ng kwarto ko. Pinagmamasdan ko ang mga tao sa ibaba na abala sa kanilang mga trabaho. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita kong mayroong karwahe na pumapasok mula sa tarangkahan. Iniluwa ng napakagarang karwaheng iyon ang isang magandang babae na nakasuot ng magarang damit. Tinulungan siyang bumaba ng isa sa halos labinlimang knights na kasama niya. Tanaw ko rin mula rito ang magsalubong ni Prinsipe Icekiel sa babae. Nang makita ko na napalingon sa kinaroroonan ko ang babaeng iyon ay dali dali akong bumalik sa loob ng kwarto.

"Bakit po, Lady Steffie?" Tanong ni Nina.

"AAAAAAHHHHHHH!" Isang malakas na sigaw ng lalaki ang umalingawngaw sa paligid. Titingnan ko sana kung anong nangyari pero dali dali namang isinara ni Nina ang balkonahe at iniharang ang sarili rito upang hindi ko mabuksan.

"Nina?! Anong nangyayari?!" Pinipilit kong hawiin ang katawan ni Nina para mabuksan ang malaking pinto na gawa sa medyo blurred na salamin. "Bakit ayaw mong buksan? Ano ba kasing nangyari sa ibaba?" Tanong ko habang nanginginig ang boses. Naalala ko ang nangyari sa pamilihan noong nakaraang linggo. Laganap ang pagpatay ngayon, paano kung si Prinsipe Icekiel ang punterya nila ngayon? No!

Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto para bumaba at tingnan kung anong nangyayari sa labas. Si Nina naman ay pilit akong hinahabol. Nang buksan ko ang malaking pintuan sa bulwagan bumungad sa akin ang nakasisilaw na liwanag mula sa sikat ng araw sa labas. At ang pinakaikinagulat ko ay nang makita ko ang isang lalaki na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo habang naghihingalo. Nakatutok pa rin sa leeg nito ang isang espada.

Espada ni Prinsipe Icekiel. Bigla akong nahilo nang makita ko siya. May dugong tumalsik sa damit at pisngi niya. Nasa likod naman niya yung babaeng sakay ng karwahe kanina. Biglang nagflashback sa utak ko ang ginawa niyang pagtutok sa akin ng espada noon. Maaari ring humantong ang buhay ko sa nangyari sa lalaking duguan... sa mga kamay ni Prinsipe Icekiel. As soon as I looked at the healing scar on my hand, nanlambot ang mga tuhod ko, dahilan para matumba ako sa sahig.

"Lady Steffie!" Sigaw ni Nina. Kaagad niya akong hinawakan sa magkabilang braso at inalalayan. "Ayos lang po ba kayo?" Bulong niya. Imbes na sagutin ang tanong ni Nina ay napatingin ako sa kinaroroonan ni Prinsipe Icekiel. Nakatingin siya sa akin at nanlalaki ang mata sa gulat. Arogante namang nakatitig sa akin ang babae sa likod niya.

This is the first time I saw someone being killed... in front of me.

"Lady Steffie, halina na po kayo..." Bulong ni Asta na nasa likod ko na pala. Si Bella naman ay tinulungan akong tumayo. Hindi ko maipaliwanag ang panginginig ko sa takot. Prince Icekiel... is he the one who killed that guy?

Hindi ko namalayan na nasa kwarto ko na pala kami.

"A-anong nangyayari... Asta?" Tanong ko. Nanginginig pa rin ang boses ko. Hindi mawala sa isip ko ang eksena kanina. Hindi sumagot si Asta, maging sina Nina at Bella.

Mayroon ba akong hindi dapat malaman?

Naguguluhan ako... gusto kong umiyak dahil sa takot pero hindi ko magawa. The Prince, could it be... that he's the one responsible for the killings? Siya ba ang prinsipeng tinutukoy ng babaeng nakilala ko sa pamilihan? Napahiwalay ako sa kanila noon at hindi ko alam kung saan sila nagpunta ng mga kabalyero. At noong araw din na iyon ay misteryong nagtamo si Prinsipe Icekiel ng sugat sa balikat na tila ba ang sanhi ay espada.

Wag naman sana.

Maghapon akong nakatulala sa kwarto. Hindi ko na rin tinanong pa sina Asta, Bella at Nina dahil kahit anong gawin ko ay ayaw naman nilang sagutin ang mga tanong ko. Parang may tinatago sila sa akin.

Marami akong gustong malaman, pero sa loob ng palasyong ito... wala akong maaasahan. They are all working for Prince Icekiel.

Bakit naman nagawang paslangin ng Prinsipe ang lalaki kanina? Base sa kasuotan nito ay muka namang commoner lang ito.

Dumating na ang gabi, hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto dahil natatakot ako. Hindi ko rin alam kung anong irereact ko kapag nakita ko si Prinsipe Icekiel.

Kinaumagahan, kaagad akong nagtungo sa hardin matapos gawin ang nakasanayan kong routine tuwing umaga sa tulong ni Bella at Nina upang makahinga naman nang maluwag. May sakit si Asta kaya kaya naroon lang siya sa kwarto niya kung saan nagsstay ang mga maid.

The Garden is the only place here na nakakapagpalimot sa akin sa problema.

Eeeeeek!

Mali pala ako! Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Prinsipe Icekiel.

"Sa wakas ay naisipan mo ring lumabas sa iyong silid." Bungad niya. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kahapon.

Automatic yata na pumihit patalikod ang katawan ko para maglakad palayo sa kaniya. Pero hinila na naman niya ako sa braso. Nanginginig na naman ako sa takot. Baka kapag may ginawa akong hindi sang ayon sa kaniya ay ako naman ang susunod na paglalamayan kaya hindi na ako pumalag.

"Mahal na Prinsipe, may gagawin pa po ako... maaari na po ba a-akong makaalis?" I said. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya iniyuko ko na lang ang ulo ko. Dahan dahan naman niyang binitiwan ang braso ko. Hindi ko na sinayang ang pagkakataong iyon upang makalayo.

"Steffie!" Napahinto ako nang tawagin niya ang pangalan ko, pero hindi ko siya nilingon. "Watch out!" Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Damn.

I should've listened to him. Right after he said 'watch out', napatid ako sa ugat na nakaangat sa lupa. Napaluhod tuloy ako. Buti na lang, mahaba ang suot kong dress (lagi naman :'> ) kaya hindi naman nasaktan 'yung tuhod ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"O-oo- este, Opo, Your Highness." Wala sa wisyong sagot ko. Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko sana into aabutin pero baka magalit siya at maassasinate pa ako nang wala sa oras.

Hawak pa rin niya ang dalawang kamay ko nang makatayo na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang niya ako titigan at bakit hindi ko magawang itulak siya palayo.

"Ehem. Ano itong nasasaksihan ko?" Said the unknown lady from yesterday.

"Ina..." Ani Prinsipe Icekiel. Ina... siya ang nanay ni Prinsipe Icekiel?

Kaagad akong kumalas sa pagkakahawak ni Prinsipe Icekiel at nagbigay galang. Kung hindi ako nagkakamali, Siya si Concubine Eliza... mula sa mga impormasyong ibinigay sa akin ni Asta.

"Laganap ang usap-usapan tungkol sa anak ko... at sa babaeng palagi niyang kasama. Ikaw ba iyon... Hija?" Tanong ni Concubine Eliza.

Hindi ako makasagot. Nakayuko lamang ako.

"Ina, ano po ang pakay ninyo rito?" Pagsingit ni Prinsipe Icekiel. Pumagitna siya sa amin at itinago ako sa likod niya.

"Kinakausap ko pa ang babaeng iyan... nais ko lamang siyang makilala. Anong mali roon?" -Concubine Eliza

"Hindi niyo siya kailangang kilalanin." -Prinsipe Icekiel

"Naninigurado lamang akong hindi mo nilalamangan ang iyong kapatid, tandaan mo, hindi mo siya maaaring kalabanin sa trono." -Concubine Eliza

"Hindi po, Ina." -Prinsipe Icekiel

"As expected from the trash of the Imperial family..." Humalakhak si Concubine Eliza, ramdam ko ang pangmamaliit niya kay Prinsipe Icekiel. Trash? Ganiyan ba ang isang Ina? "By the way, you should not hesitate to wield your sword at anyone. You did terribly yesterday."

What?! Tinutukoy ba niya ang nangyaring trahedya kahapon? Paano niya nasasabi ang mga iyon? Siya ba ang nag-uudyok sa Prinsipe na pumaslang?

"Yes, Mother."

Iba ang pakiramdam ko sa tono ng boses ni Prinsipe Icekiel.

Nagulat ako nang hawiin ni Concubine Eliza si Prinsipe Icekiel. Hinawakan niya ako sa pisngi at tinitigan ng maiigi.

"You look familiar..." Anito. "Brown eyes... that's rare."

Come to think of it, I've always been wondering... kung bakit ganoon ang kulay ng mga mata ng mga tao rito. Most of the commoners have black eyes kagaya nila Asta, Bella at Nina. Nobles have different eye colors such as green, blue, gray, and many more. Pero dahil ibang mundo naman ito, inassume ko na normal lang iyon.

Prince Icekiel's eyes... is bloodred. Malayo sa kulay ng mga ocean blue eyes ni Concubine Eliza.

Hinawakan ni Prinsipe Icekiel ang kamay ko... at inilayo ako sa Concubine. Humalakhak naman si Concubine Eliza. That's creepy.

Tama bang iwan na lang namin siya doon? Hindi ba 'yon kawalan ng galang?

"Mahal na Prinsipe..." I said.

"Kailangan kitang ilayo kay Ina."

He squeezed my hand, now I don't know what to feel. Sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko na alam.

Kinagabihan, hinintay kong maghating gabi, dahil sa ganoong oras ay wala masyadong taong pagala gala sa paligid upang gampanan ang kanilang trabaho. Madilim rin ang pakigid kaya kung mag-iingat ako ay hindi ako mahuhuli.

Tama, tatakas ako ngayong gabi. Pero babalik rin ako bago sumikat ang araw. Ayoko namang mapahamak sina Asta dahil sa akin. Siguradong sila ang mananagot kapag may nakaalam na nawawala ako.

Bago ko makasalubong si Prinsipe Icekiel kanina sa hardin ay may nakita akong butas sa pader na natatakpan ng mga dahon ng halaman. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko. Sa tingin ko ay kasya naman ako doon.

Isinuot ko rin ang damit na pang maid na ipinuslit ko mula sa mga gamit ni Asta kanina noong dinalaw ko siya sa kaniyang silid. Hihiramin ko lang naman, ibabalik ko rin.

Pinigil ko ang aking paghinga para lang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Nang makarating na ako sa hardin, may ilang mga kabalyerong napadaan kaya kaagad akong nagtago sa malaking tumpok ng halaman.

"May narinig ka ba?" Tanong ng isa.

"Wala, guni-guni mo lang siguro iyon." Sagot naman ng kasama niya.

Whew.

Nang makalayo na sila ay nagtungo na ako sa lagusan na nakita ko kanina. Dahan dahan kong tinanggal ang mga sanga ng halaman na tumatakio dito sa lumusot doon. Nang matagumpay na akong nakalabas ay ibinalik ko ang mga sangang inilihis ko kanina.

Halos wala na akong makita sa sobrang dilim, buti na lang may kaunting liwanag mula sa buwan na tumatanglaw sa paligid.

Halos mapasigaw ako nang bigla na lamang may yumakap sa akin.

"Manyak!" Bulong ko saka tinadyakan ang birdie nito. Napabaluktot ito sa sakit. Yan ang napapala mo!

Wait, sino ba 'tong lalaking 'to?

"Bakit mo naman ginawa iyon... Anastasia? Ganyan mo ba ipakita kung gaano ka nananabik sa akin?" Ang sabi ng lalaki.

"Ha?! Sino ka? Anong kinalaman mo kay Anastasia?" Mahinang sigaw ko. Jowa ba siya ni Anastasia? Kung ganoon... si Anastasia gumagamit ng lagusang iyon para makipagkita sa lalaking ito nang pasikreto?!

"T-teka... hindi ikaw si Anastasia!" Sigaw niya rin sa akin.

"Shhh! Baka may makarinig sa 'yo! Baka mahuli tayo!" Pagpapatahimik ko sa kaniya.

"Nasaan ba kasi si Anastasia? At sino ka ba?" Tanong pa nito.

"Sa tingin ko, hindi makakarating si Anastasia ngayon..." I answered.

"Bakit? May nangyari ba sa kaniya?!" Halatang nag-aalala siya kay Asta. Madilim ang paligid kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya.

"Secret! Sasabihin ko lamang sayo kapag itinuro mo na sa akin ang daan patungo sa pamilihan." Ang sabi ko.

"Bakit ka naman pupunta sa pamilihan? Siguradong sarado na ang iyon!" Usyoso niya. Tsismoso ka ghorl?

"Kung ganoon... kahit saan! Kung saan mahahanap ko ang sagot sa mga katanungan ko." I stated.

"Sige... pero sa tingin ko kailangan na nating lumayo rito." He said then pointed the knights nearing us. Sunundan ko na lang siya sa pagtakbo hanggang makalayo na kami at makarating sa madilim na gubat.

Teka? Bakit dito niya ako dinala?!

"S-saan ba tayo pupunta?" I asked. Baka manyak talaga itong lalaking ito!

"Sumunod ka na lang." May kinuha siyang gasera sa likod ng puno saka sinindihan ito. Ilang hakbang pa ay natanglawan ng gasera ang isang maliit na bahay na gawa sa bato. Mayroon palang ganitong lugar dito.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Pasok na." He said. Kanina pa pala ako nakatulala. Pumasok na ako at isinara na niya ang pinto. Pinaupo niya ako sa maliit na dining area na para lamang sa dalawang tao.

"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko.

"Kung hindi ako nagkakamali... ikaw ang babaeng kinuwento sa akin ni Anastasia, ang babaeng natagpuan ni Prinsipe Icekiel sa balon." He answered.

"T-tama... pero ikaw? Sino ka ba?"

"Ako ang kasintahan ni Anastasia... Dinala kita rito dahil marami akong alam tungkol sa Imperyo. Maaaring masagot ko ang mga tanong mo."

Dapat ba akong magtiwala sa sinasabi niya? Kung iisipin, napakahigpit ng pagkakayakap niya sa akin kanina. Akala niya ako si Asta dahil sa suot ko. Ganoon kahigpit niya gustong yakapin si Asta.

"Unang tanong..." Sabi ko. Tumango naman siya. "Mahal mo ba si Anastasia?"

Nanlaki ang mata niya... doon ko napansin na ang kulay ng mga niya... ocean blue. Wow.

"S-sobra." He answered. Napangiti ako. Sanaol, Asta, sanaol.

"Ang lalandi..." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, pwede na ba akong magtanong ulit?" Pagsisinungaling ko.

"Oo naman."

"Tungkol sa laganap na pagpatay... si Prinsipe Icekiel ba ang may gawa no'n?"

Napahinto siya. Parang sumagi ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Batid kong hindi mo dapat sa akin ito tinatanong ngunit sasagutin na rin kita... Oo, tama ka."

---