Paggising ko kinaumagahan, kaagad akong sinabihan ni Anastasia na wala si Ishid ngayong araw dahil nagpunta ito sa Palasyo ng Hari kasama ng Prinsipe, sa pinakamain palace talaga nila.
Kakatapos ko lang mag-almusal at nandito ako ngayon sa hardin. Nagvolunteer ako na magdilig ng halaman nang makita ko yung hardinero na mukhang stressed na stressed. Ayaw pa nga nitong pumayag noong una dahil mapaparusahan daw siya. Ang sabi ko na lang, ako na ang bahalang kumausap sa Prinsipe. Saka baka mahawa pa ang mga halaman sa mood niya no.
Ang sabi kasi sa akin ni Mommy noong bata pa ako, dapat masaya ka kapag nag-aalaga ng mga halaman para maging maganda ang paglaki nito. Kapag negative ka, ganoon din ang kalalabasan sa mga halaman mo. Nakikita ko pa nga si Mommy dati na kinakausap ang mga halaman. Noong una, nawirduhan ako pero nang maranasan kong kausapin ang mga ito, trust me, nakakagaan ng pakiramdam. Hindi nga lang sila sumasagot.
"Naaalagaan ba kayo nang mabuti ng Prinsipe? Balita ko, busy siya nitong mga nakaraang araw. Ako muna ang mag-aalaga sa inyo ah." I whispered habang dinidiligan ang mga halaman.
Nang makatapos na akong magdilig, napansin ko sa di kalayuan ang hardinero kanina. Kausap niya ang kaniyang anak na babae at mababakas ang saya nila. Kaya siguro mukhang stressed na stressed si kuyang hardinero kanina ay dahil masyado siyang maraming trabaho at di na sila nakakapagbonding ng anak niya.
Naalala ko tuloy si Dad. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap kaya niya ako? Nalaman kaya niya ang ginawa ni Sophia? Hiniwalayan na kaya niya si Tita Margaret? Nalulungkot ba siya dahil wala ako?
Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako. Ugh, this isn't the time to be a crybaby! I need to find a way para makabalik sa mundo ko! Hindi ako dapat magpadala sa kung gaano kaganda ang pagtrato sa akin sa lugar na ito. Baka nag-aalala na si Dad sa akin!
Tumama ang paningin ko sa well na nasa gitna ng hardin. Lumapit ako rito at sumilip sa balon. Bago ako mapunta sa lugar na ito, nahulog ako sa well na nasa munisipyo. Ano kaya kung magpahulog rin ako sa well na 'to?
Isinampa ko ang mga paa ko upang maghanda sa pagtalon. Bago ko pa man tuluyang ihulog ang sarili ko ay naisip ko na hindi pa ako nakakapagpaalam kay Ishid at sa tatlong magkakapatid. I hesitated a bit. Pero what if Dad is lonely right now? I know na baka mali ako at ikamatay ko ito pero... bahala na.
Huminga ako ng malalim, at nagsimulang bumilang hanggang tatlo.
One.
Im scared! I don't want to die!
Two.
What about Dad?
What about Ishid? Anastasia, Anabella and Antonina? Hindi pa ako nakakapagpaalam ng maayos.
Thre—
"Lady Steffie!? Anong ginagawa niyo?!" Napatigil ako dahil narinig ko ang boses ni Anastasia. Hindi ko siya nilingon. "Waaag!" Niyakap niya ako mula sa likod at hinila upang makababa ako. Inilayo niya ako sa well.
"Ano ba ang nasaisip niyo Lady Steffie?! Gusto ninyo po bang kitilin ang sarili niyong buhay?!" Nagpapanic na tanong ni Anastasia.
"H-hindi naman sa ganoon." Sagot ko. Hindi ko masabi sa kaniya na galing ako sa ibang mundo...
"Ngunit ano ang dahilan?!" Pasigaw pa rin ang boses niya.
"Hindi ba't d-dito ako natagpuan ng prinsipe? Gusto ko lang naman subukan kung maibabalik ko ang alaala ko kapag ginawa ko 'to." Palusot ko. Kahit papaano ay magagamit ko rin pala ang skills na natutunan ko sa theater club dahil sa acting ko.
"Marami pa naman pong ibang paraan! Maaari naman kayong magpatingin sa doktor, bakit pipiliin pa ninyo ang ganito kapanganib at di naman sigurado?!" Wah. It feels good to be scolded. Natawa tuloy ako. I was scared kanina, na baka magfail ako pero ngayon ay gumaan na ang pakiramdam ko.
"Alright, hindi ko na uulitin Asta." I said.
"A-asta?" Nagulat yata siya sa sinabi ko.
"Bakit? Ayaw mo bang tawagin kitang Asta?" I asked. Mahilig kasi akong magbigay ng nickname sa mga taong kaclose ko e.
"Hindi po. Pero bakit niyo po ako binigyan ng palayaw?"
"Dahil kaibigan kita?" Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya. "A-ako? T-tayo? Magkaibigan?"
"Oo naman." Sagot ko. "Saka pwede bang kausapin mo ako ng kaswal lamang gaya ng ibang mgakakaibigan?"
"Ngunit... mapaparusahan po ako kapag kinausap ko kayo nang walang paggalang." Paliwanag niya. Hmm.
"Edi kapag tayo lang dalawa, at walang ibang nakakarinig, maaari ba?"
"S-sa tingin ko..."
Nginitian ko siya.
"S-salamat." Aniya. "Dahil hindi kayo nagdalawang isip na kaibiganin ang isang tulad kong tagapagsilbi."
"Salamat din sa pagpigil sa akin kanina." I answered. "Siya nga pala, Saan ba ang tanggapan ng prinsipe? Gusto ko kasi siyang kausapin."
***
I spent the whole day on the garden. Tapos nakipag-usap din ako sa mga tagapagsilbi at sa mga knights. Noong una ay umiiwas pa sila sa akin pero ngayon, masasabi ko na nakaclose ko na sila nang slight. Kahit papaano ay naging komportable ako sa lugar na ito. Mabuti na rin siguro 'to, hanggang nandito ako sa kung saang dimension man ito, mas mabuting subukan ko na lang na mabuhay ng normal at lumayo sa ikapapahamak ko.
Gabi na, nakadungaw lang ako sa bintana at inaabangan ang pagdating ng Prinsipe. Naghihikab na nga ako dahil sa antok.
Nalaman ko kay Asta na kaunting oras lang nakakatulog ang Prinsipe dahil sa mga gawain nito. At dahil doon nagbago na rin ang body clock niya. May mga oras na hindi na talaga siya nakakatulog. I wonder, does he have a sleeping disorder?
Naalala ko tuloy si Dad. Mahilig si Dad sa tsaa, at simula nang mawala si Mommy, ako na ang nagtitimpla ng tsaa para sa kaniya. Umiinom siya ng tsaa lalo na kapg hindi siya makatulog sa gabi, what if itry rin yunng Prinsipe? I think it can make him feel better.
Tumakbo ako papunta sa kusina at kaagad na tinanong kay Asta kung nasaan ang mga tsaa. Sinabi ko rin sa kaniya na gusto kong ipagtimpla ng tsaa ang Prinsipe. Kaagad naman niya itong itinuro sa akin.
Matapos kong magtimpla ng tsaa ay kaagad akong dumiretso sa tanggapan ng Prinsipe. Nandoon na rin siguro siya sa mga oras na to. Gabing gabi na kasi.
Kumatok ako nang tatlong beses saka dahan dahang binuksan ang pinto at pumasok. Wala pa siya? Napakabusy naman ng Prinsipe na 'yon. Naglakad ako patungo sa table niya, maraming nagtambak na papel dito. Tinitingnan ko lang pero nahihilo na ako. Ganito ba kahirap maging Prinsipe? Ang daming paperworks! Akala ko dati puro pasarap lang ang nga nasa Royal families dahil sa sobrang yaman at tinitingala sila ng tao. Nakalimutan ko na sila nga pala ang namumuno sa lugar nila.
Ibababa ko na sana ang tsaa sa lamesa pero nagulat ako nang bigla akong makarinig ng isang nakakatakot na tunog, ang tunog ng espada na hinugot mula sa scabbard sa likod ko. Naibagsak ko tuloy ang tasa, at umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag nito sa paligid.
"You finally revealed your true intentions." Napaharap ako dahil sa narinig kong boses. Ishid's voice. Natahimik ako, hindi ako makapgsalita. I was right. Si Ishid nga. Is he... suspicious of me?
Lalapitan ko pa sana kaya lang nakatutok nga pala sa leeg ko ang espada niya. Nanlamig ang buong katawan ko, one wrong move, I'll surely die.
"A-ano bang sinasabi m-mo?" I said, stuttering. Hinawi ko ang espada niya palayo sa leeg ko gamit ang kamay ko pero hindi ko kinaya. Ni hindi ko nga ito napagalaw. Nakaramdam na lang ako ng matinding sakit sa palad ko. May dugo. Sa maliit na pwersang pinakawalan ko ay nahiwa kaagad ako.
"What are you doing here?" He asked. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya mula sa dumudugo kong palad. I looked directly into his eyes.
"I just wanted to see t-the... P-prince." Nauutal pa rin ako. Bakit ba kasi niya ako tinutukan ng espada?
"For what purpose? Here you are again, in the middle of the night, doing suspicious things. Just like that night, when you suddenly appeared. You entered my palace without permission, and now my office?"
'my'? I thought... ito ang tanggapan ng Prinsipe? And what is he implying? Na spy ako?
"I am n-not a spy..." Buong tapang na sabi ko. Ano bang ikinatatakot ko? Totoo naman ang sinasabi ko.
"Then what are you? Surely, there is someone behind you. Spill the beans or you'll be killed." He's fuming mad. Ano bang nagawa kong mali? Ishid, where did Ishid go? This is not Ishid!
"Gusto ko lang bigyan ng tsaa ang Prinsipe d-dahil narinig ko s-sa isang tagapagsilbi na nagkakaroon s-siya ng problema sa pagtulog." Sagot ko.
"Lies."
"Kahit tanungin mo pa ang mga tagapagsilbi..." Huminga ako ng malalim, "You are the liar! Akala ko naniniwala ka sa akin na nawala ng alaala ko pero pinagsususpetsahan mo pala ako. Lahat ba ng pinakita mo sa akin... were all just a show?"
Nakatingin pa rin siya sa akin na parang naghahanap ng sasabihin.
"Kung di ka pa rin naniniwala, then just kill me!" Lumapit ako lalo sa dulo ng espada niya pero bigla niya itong inilayo bago pa man ito bumaon sa balat ko. Ibinalik na niya ito sa scabbard niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Parang nawalan ng lakas ang tuhod ko dahil bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Akala ko mamamatay na ako! Lahat ng tapang ko kanina ay bigla na lang naglaho.
Lumapit sa akin si Ishid saka hinawakan ako sa magkabilang braso. Nakayuko lang ako sa sahig dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. You jerk!
"Don't cry." He said. Kaagad naman akong napahawak sa pisngi ko. Tama siya, dahil basa ang mga ito. Kailan ba ako nagsimulang umiyak? Hindi ko namalayan! But now that he said it, naiyak ako lalo. I started crying like a kid. "Sorry..." Dagdag pa niya.
Is he crazy? May split personality ba siya? I can't understand! "You jerk! I thought I was gonna die! Huhu. Ang sakit ng kamay ko, bakit mo naman ako tinutukan ng espada, huhu muka ba akong may masamang balak?!"
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nagagawa pa niyang tumawa ha?
"Gusto ko lang naman bigyan ng tsaa ang Prinsipe eh... tapos paghihinalaan mo ako?!"
"There, there. Don't cry anymore. I believe you." He said while petting my head.
"Tingnan mo maniniwala ka rin naman pala! Isusumbong kita sa Prinsipe, hindi makatarungan ang ginagawa mo!" I uttered. He's insane!
"Do you know who the Prince is?" Tanong niya. Bakit ako tinatanong niya e amo niya yun, edi dapat alam na niya! Tsk. But he's right, pangalan lang ng Prinsipe ang alam ko na nalaman ko lang kay Asta kanina.
Hindi na lang ako sumagot.
Bigla niya akong binuhat at isinampay sa balikat niya. Waaaaah! Dati, binuhat niya ako na parang prinsesa pero ngayon anyare?! This is how Shrek carried Fiona sa gubat. So... is this still princess carry?
"Saan mo ba ako dadalhin?!" I asked.
"Sa kwarto." Sagot naman niya. Whaaaaaat?!
"You pervert!" Sigaw ko. "Ibaba mo ako!"
"Ano ba ang iniisip mo? Ibabalik lamang kita sa iyong silid."
Sus. Teka, bakit nagbago ang pananalita niya? Kanina lang, english siya ng english tas ngayon tagalog naman.
Nang makarating na kami sa kwarto ay dahan dahan niya akong ibinaba. Nakasunod na pala sa amin sina Asta, Anabella, at Antonina.
"Treat her wound." He commanded.
"Opo, mahal na Prinsipe." Sagot naman ng tatlo.
Wait?! Nagkamali lang ba ako ng dinig o...
"Prinsipe?!" Mahinang sigaw ko. "You're the 4th Prince?!"
"You finally noticed? I've been speaking like a noble this whole time." He said, grinning. "I'll take my leave." Tumalikod na siya para umalis.
Kaya pala ganoon na lang siya magsalita kanina!
"Ishi— no, Prinsipe Icekiel!" Sigaw ko. Kaagad naman siyang lumingon.
"What is it?" Mabilis na sagot niya.
"I swear I'm not a spy." Sabi ko.
"Hmm," tumalikod na ulit siya at naglakad palabas. Isinama niya si Anastasia.
"Lady Steffie... pasensya na dahil nagsinungaling kami sa iyo." Ani Anabella. "Iyon kasi ang utos ng Prinsipe."
"Nag-ingat lamang siya dahil maraming gustong sumira sa kaniya bilang Prinsipe." Dagdag naman ni Antonina.
"Gayumpaman, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ka na lamang itrato ng Prinsipe. Kung ibang tao ka ay siguradong ipinabitay ka na noon pa man." -Anabella.
"Bakit isinama ng Prinsipe si Asta?" Tanong ko.
"Asta?" Sabay pa silang dalawa.
"I mean, si Anastasia." Paliwanag ko.
"Nakakaingit naman si Anastasia." -Antonina
"Parang hindi naman patas, Lady Steffie." -Anabella
Are they jealous?! Ang cuuuute.
"Kung ganoon, Bella na lang ang itatawag ko sayo, Anabella. Nina naman kay Antonina. Okay baaa?"
Nagliwanag ang mga mukha nila. Hay. For a moment, I forgot what happened.