Chereads / The Lady on the Well (TAGALOG) / Chapter 5 - Chapter 5: He's so Fine!

Chapter 5 - Chapter 5: He's so Fine!

Magkasama pa rin kami ni Prinsipe Icekiel at ngayon ay lantaran na kaming kumalakad sa pamilihan. Dati, may suot kaming black na robe kaya walang nakakakilala sa amin. Ano naman kayang nakain nitong si Prinsipe Icekiel at nagshoshow off ata?

Oo ako ang nag-aya sa kaniya dito sa pamilihan dahil may balak akong bilhin, pero naalala ko na wala nga pala akong pera at ayoko namang mangutang kay Prinsipe Icekiel dahil wala rin akong ipambabayad.

"Sigurado ka bang wala kang bibilhin? Hindi ba't ikaw ang nay nais na magpunta tayo rito?" Tanong niya. Magkasabay kaming naglalakad habang may ilang mga knights na nakasunod sa amin.

"Ah eh.. gusto ko lang mag window shopping— este tumingin ng mga paninda." Sagot ko naman.

"Ikaw ang bahala, ngunit kung may nais kang bilhin, maaari mong sabihin sa akin." Aniya.

Napansin kong pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao. Sa bagay, isa lang naman akong unknown person at kasama ko ang isa sa mga prinsipe ng imperyo. Malamang magtitinginan sila at makikiusyoso. Pero parang may mali sa mga ekspresyon ng mukha nila.

Ilang saglit pa ay biglang dumagsa ang mga tao. Rush hour ba? Haha.

"Prinsipe Icekiel— tingnan mo! Bagay sayo iy—" paglingon ko ay wala na pala sina Prinsipe Icekiel at ang nga knights sa likod ko. Mukhang napahiwalay yata ako dahil sa dami ng tao. Tumingin ako sa paligid, hindi ko sila nakita kaya naglakad lakad muna ako hanggang sa makarating ako sa bandang dulo. Nasaan na ba sila? Iniwan na ba nila ako? Huhu.

"AAAAAHHHHH!!!"

Nabulabog ang paligid dahil sa isang malakas na sigaw. Ang ilan sa mga tao sa pamilihan ay nagsitago na at ang ilan naman ay nagpatuloy lang sa paglalakad upang makalayo. Anong nangyayari?

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ng isang middle aged na babae. "Hija, lumayo ka na dito kung ayaw mong madamay." Anito.

"B-bakit po?" Tanong ko. "A-ano pong nangyayari?"

"Hindi mo ba alam? Laganap ang lantarang pagpatay ngayon lalo na sa mga matataas na pamilya. Alam kong isa kang noble kaya maaaring maging mainit ang mata sa iyo ng mga pumapatay lalo na't walang kang kasamang guwardya." Paliwanag nito ngunit hindi ko pa rin naintindihan.

"Bakit naman po sila pumapatay at bakit walang humuhuli sa kanila?" I asked. Hinila ako ng babae, isinama niya akong magtago sa gilid.

"Kung bahagi ka ng isang pamilyang pasikretong nagtataksil sa imperyo o kaya naman ay sangkot sa ilegal na gawain, maaaring ang buhay mo ang maging kabayaran kahit pa hindi mismong ikaw ang nagkasala. Paraan ito upang magsalita at sumuko ang iyong mga magulang o kamag-anak ukol sa kanilang kasalanan dahil kapag hindi nila ginawa ito ay tuluyan lamang lalala ang pagpatay." She explained.

"Sino po ang pumapatay? At bakit ayos lang po na pumatay sila?" Another question from me.

"Ipinag-uutos ng Mahal na Hari ang ganoong paraan at kapag nakialam kaming mga ordinaryong tao lamang ay maaari kaming madamay. Hindi kami kawalan at hindi rin kami kaaawaan ng Mahal na Prinsipe sa oras na kami ay pumagitna kaya."

Wait, what?! Ang pangit naman ng sistema ng hustisya sa mundong 'to. Natatakot rin ako. Paano kung inosente naman talaga ang taong pinatay nila? Bakt nila idadamay ang taong iyon sa kasalanan ng magulang nila o ng kung sino man?

"Maaari ko po bang malaman kung sino ang tinutukoy ninyong prin—"

"Lady Steffie!"

Napalingon ako bago pa man ako matapos sa pagtatanong sa babae.

"Nandito ako Prinsipe Icekiel!" Tinawag ko si Prinsipe Icekiel at napalingon naman siya sa kinaroroonan ko.

"Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagtungo?" Tanong niya.

"Pinagtago ako ng isang manang kanina dahil baka madamay raw ako sa pagpatay. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat." Sagot ko.

"Ganoon ba? Maaari ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mong manang?" He asked.

"Nandoon siya sa likod ng malaking dayami— wait? Nasan na siya? Nandoon lang siya kanina ah. Hindi man lang ako nakapagpasalamat." Napabuntong hininga ako.

"Kung ganoon ay tayo na."

Ano?! Ang bilis naman niya!

"T-tayo na?  B-bakit parang ang bilis, galawang breezy lang?"  Tanong ko. Hindi manlang ako niligawan! Saka, anong akala niya sa akin, marupok?

"Paumanhin ngunit hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi. Palubog na ang araw kaya tayo na't bumalik sa karwahe upang umuwi."

Waaaaah! Akala ko sinabi niya "tayo na" as in kami na! Ang assuming ko naman masyado! Hindi pa rin talaga ako sanay sa paraan ng pagsasalita nila rito.

Habang nakasakay kami sa karwahe pauwi ng Palasyo ay may bigla akong naalala.

"Prinsipe Icekiel, saan mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" Curious na tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin.

"Sinabi sa akin ni Anastasia." Ah, sinabi ko nga pala sa tatlo ang totoo kong pangalan. Teka— baka namisunderstood ni Prinsipe Icekiel? Baka akalain niya na nakaaalala naman talaga ako!?

"Tinanong kasi nila ako k-kung ano ang pangalan ko, n-nafrustrate ako dahil hindi ko maalala kaya g-gumawa na lang ako ng sarili kong pangalan..." Hindi naman sigiuro weird ang sinabi ko, hindi ba?

Hindi ako makatingin sa mata niya kaya yumuko na lang ako. Dahan dahan naman niyang hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha ko. Nagtama ang paningin naming dalawa, kahit na kinakabahan ako ay hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya. Ano 'to? Staring contest?

Una siyang napaiwas. Yes! I won!  Teka, bakit nga pala niya ginawa iyon? Come to think of it, it's embarrassing!

Pagdating namin sa palasyo, kaagad akong tumalon pababa ng karwahe. Hindi ko na inabot ang kamay ng Knight na tutulong dapat sa akin na makababa. Kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at hindi ko na pinansin si Prinsipe Icekiel. Bakit niya ba kasi ginawa 'yon?! Nakakahiya! I nearly thought he was going to kiss me!

Kinagabihan, habang naghahapunan ako kasama si Prinsipe Icekiel, sobrang awkward ng atmosphere dahil wala ni isa sa amin ang kumikibo. Kaya nang matapos kami ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Tahimik lang din ako habang tinutulungan ako nina Asta, Nina, at Bella sa pagsusuot ng pantulog. Pagkatapos ay pinagpahinga ko na sila dahil gusto ko na rin matulog. Nahiga na ako sa kama saka pinagmasdan ang magara at mataas kisame.

Damn.

Nakakainis! Hindi ako makatulog. Nagpasya ako na bumangon muna at magtimpla ng tsaa o kape o kahit anong pwede.

Dinala ko ang nag-iisang gasera na nakasindi mula sa kwarto ko. Gabing gabi na kaya ang malamang nasa barracks na ang mga gwardya at ang iba naman ay nagbabantay sa labas at nagpapatrol. Nagtungo ako sa kusina at saka kumuha ng tsaa, naalala ko tuloy si  Prinsipe Icekiel. Tulog na kaya siya? Ang sabi nila Asta, nahihirapan daw siyang makatulog. Eh kung dalhan ko rin kaya siya ng tsaa? Sana naman hindi niya na ako pagkamalang espiya tlat tutukan ng espada ulit.

Nagtimpla ako ng dalawang tsaa, ang plano ko ay ibibigay ko muna kay Prinsipe Icekiel ang isa tapos babalik na ko sa kwarto ko para inumin yung sa akin.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa tanggapan niya at kumatok, kaya lang walang sumasagot. Dahan dahan akong sumilip, at wala akong nakitang Prinsipe Icekiel. Nagpunta na lang ako sa kwarto niya, alam ko na kung saan dahil sa instructions ni Asta.

Malumanay akong kumatok sa malaking pinto.

"What is it again, Leo?!" Nagulat ako dahil parang hindi si Prinsipe Icekiel iyon. I mean, boses niya iyon pero hindi ko inakalang ang mahinahon at mabait na si Prinsipe Icekiel Romanov ay may ganoong side din pala. "What's taking you so long? Come in already and tell me the informations I told you to find."

Pumasok ako gaya ng sinabi niya. Teka, hindi naman ako si Leo! Nagulat ako nang makita ko siya na half naked. Nakaharap siya sa bintana habang tinatanggal ang bandage sa kaliwang balikat niya.

"So what's the n—" nanlaki ang mata niya nang makita niya ako sa kanyang pagharap.

"P-pasensya na, ang sabi mo kasi pumasok ako kaya..." Bungad ko.

"Fck. I thought you were Leo." He said. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Malalim na ang gabi, hindi ka dapat pumapasok sa silid ng isang lalaki." Dagdag pa niya.

"G-gusto ko lang namang dalhan ka ng tsaa, tsaka, anong nangyari sa balikat mo?" Tanong ko.

"Wala ito, hindi mo kailangang mag-alala." Aniya. Buong araw kaming magkasama, paano niya nakuha ang sugat na iyon? Mukang fresh na fresh pa yung sugat muka ring malalim dahil sa dami ng dugong nasa benda na tinanggal niya kanina.

"Ayos ka lang? Sa tingin ko kailangan mo nang magpatingin sa doktor." Sabi ko. Ibinaba ko sa lamesita sa gilid ng kama ang hawak kong tray na pinaglalagyan ng dalawang tsaa saka lumapit sa kaniya. Kinuha ko rin yung parang first aid kit na nasa kaniyang tabi and then hinila siya at iniupo sa kama. It seems like he's struggling kanina.

"What are you doing?" Tanong niya.

"Let me help you." Sagot ko naman. I've done first aid lesson noon, dahil gusto ni Dad na matuto akong ng mga ganoong bagay. Baka daw kailanganin ko balang araw. Sino namang mag-aakala na magagamit ko iyon ngayon.

Medyo iba ang mga ginagamit dito sa mundo nila kaysa sa pinanggalingan ko. Pero i can tell naman at kapag may hindi ako alam, tinatanong ko kay Prinsipe Icekiel. Pagkatapos, he thanked me for helping him. Nginitian ko na lang siya at nagpaalam na ko para bumalik sa kwarto ko. Ibinilin ko rin sa kaniya na inumin 'yung tsaa na dinala ko kanina, kaya lang baka malamig na 'yon.

Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay naramdaman ko ang pagdikit ng mainit niyang palad sa aking braso para pigilan ako.

"Why..." He asked. "Do you not see me as a man?"

Hindi ko siya maintindihan. Why would he ask something like that?

"What do you mean?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong rin ako.

"Look at me..." He said. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Omygosh oo nga pala! He's half naked! Pinigilan ko ang sarili kong magreact. "You're not even bothered seeing me like this?"

"N-no, treating your wound is more important." I answered. He's acting weird.

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi dapat makita ng isang lalaki ang isang babae sa kaniyang damit pantulog maliban na lamang kung sila ay mag-asawa?"

Oo nga pala! Bakit nakalimutan ko iyon!

"Nakalimutan ko kasi..." Pagdadahilan ko.

"Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sa iyo? Pumasok ka sa silid ng isang lalaki sa gitna ng gabi, at damit pantulog lamang ang suot, ipinapain mo ba ang sarili mo sa akin?"

"Alam ko naman na wala kang gagawing masama sa akin." Oo, tama. Kung may balak talaga siyang masama sa akin, dapat matagal na niyang ginawa. Saka hindi niya ako pwedeng patayin hanggat hindi pa niya alam ang katauhan ko, at hindi na niya malalaman dahil hindi naman ako galing sa mundong 'to.

"Hindi ka nakakasigurado." He said, then pulled me closer. Nakaupo pa rin siya sa kama at ako naman ay nasubsob sa dibdib niya. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ako makagalaw. Nakahawak ang isang kamay niya sa braso ko at ang isa naman ay nakapalibot sa waist ko.

I looked up to see his face. We're so close!

Halos mapatalon ako nang may pumasok na lamang bigla-bigla sa kwarto kung nasaan kami nang hindi man lamang kumakatok. Pinipilit kong umalis sa posisyon namin ni Prinsipe Icekiel pero huli na at nakita na kami ng lalaking nakasuot ng pangbutler na pumasok.

"Mukang naistorbo ko yata kayo, Mahal na Prinsipe." The butler said calmly.

"Just get out, Leo." Sagot naman ni Prinsipe Icekiel. Siya pala si Leo. Pagkaalis ni Leo, saka lang ako nakaalis sa posisyon namin. Kung maliwanag lamang sa kwartong ito ngayon, malamang kitang-kita na ang namumula kong mukha. Baka kung ano ang isipin ng butler na iyon!

"Ay, inaantok na 'ko. *fake yawn* Kailangan ko nang bumalik sa aking silid. Byebye, Prinsipe Icekiel!" Mabilis kong sabi saka kumaripas ng takbo palabas. Hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi niya. This is so awkward!

Pagbalik ko sa kwarto, naaalala ko na kaya nga pala ako lumabas ay para kumuha ng tsaa, pero nakalimutan ko iyon sa kwato ni Prinsipe Icekiel! Ngayon pa lang din nagsisync in sa akin yung nakita ko kanina. He's so fine! Who could resist such a handsome face and good body?!