Chereads / The Lady on the Well (TAGALOG) / Chapter 4 - Chapter 4: Violets are blue

Chapter 4 - Chapter 4: Violets are blue

Kinabukasan, pinilit kong umiwas sa kay Ishid— este kay Prinsipe Icekiel pala. Syempre kailangan kong mag-ingat, baka tutukan na naman ako ng espada non.

Nalaman ko kay Bella at Nina kahapon na kaya ipinatawag si Asta ay dahil siya ang binilinan ni Prinsipe Icekiel para obserbahan ang mga kilos ko. At dahil wala naman siyang nakitang dapat ipagduda sa akin ay naniwala na ang Prinsipe sa sinasabi ko. Kahit ang iba pang mga tagapagsilbi ay pinagreport din niya.

Wala akong ginawa kundi makipagdaldalan sa mga tagapagsilbi kahapon, hindi naman siguro kadudaduda yun diba?

Magtatanghalian na. Nakahiga pa rin ako sa kama at nakatalukbong sa kumot. Ayokong lumabas dahil aminado akong medyo natatakot ako sa sinungaling na si Prinsipe Icekiel. Nahihiya rin ako dahil sa pag-iyak ko sa harap niya. Huhu.

Kanina pa siya pabalik-balik dito, para tingnan kung gising na ba ako pero ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang ako. Kahit na pinagpapawisan na ako sa sobrang init ay titiisin ko, wag ko lang siya makita!

Binabawi ko na. Hindi ko na kaya ang init. Ibinaba ko ang kumot ko hanggang sa baywang saka nagpaypay gamit ang kamay.

"I see, you're just pretending huh." Halos mapatalon ako dahil sa gulat. Nasa gilid pala si Prinsipe Icekiel at nakaupo sa isang upuan. When did he—? Kanina pa ba siya dito?!

"You're sweating too much." He said. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang panyo niya. Nang  magsink in sa akin ang ginawa niya ay napaiwas ako. "I know you're avoiding me. You're starting to be cautious of me."

"You lied to me. Akala ko totoo ka." I said. Bakit ko ba sinabi 'yon? This damn mouth of mine!

"Yes, I lied. But I can assure you, Ishid... is a real person. The Ishid i have shown you, is real."

"Then... can you at least talk like Ishid?" Sabi ko. The way he does now, is more like a Prince. Nanlaki ang mga mata niya. Huy! Hindi ibig sabihin nito na napatawad na kita!

"Masusunod." He smiled at me. Yung ngiti ni Ishid.

"Wala ka bang paperworks ngayon? Bakit mo sinasayang ang oras mo sakin?" Walang preno kong sambit.

"Tinapos ko na ang lahat ng mga gawain ko kagabi. Gusto ko sanang pumasyal kasama ka ngayong araw."

What's with that? Parang hindi nangyari ang kahapon. Parang hindi niya ako ginustong paslangin.

"Then, promise not to kill me."

Nginitian lang niya ako. What does that mean? May balak pa rin siyang patayin ako? Waaaah!

...

Sa karwahe kami sumakay at buong biyahe ay nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Agaw pansin kami ngayon dahil napakagara ng sinakyan namin. Is he showing off?

Bakit kaya naisipan niyang pumasyal? At bakit naman niya ako isinama? Sa hitsura niya, pakiramdam ko marami siyang chix.

Nang makarating na kami sa pupuntahan namin, tinulungan pa niya akong bumaba sa karwahe. Inilahad niya ang kamay niya, at syempre, inabot ko iyon para di naman siya mapahiya.

I guess magpapasama lang talaga siya. Siya na rin kasi ang nagsabi na ang paboritong lugar ng Prinsipe (na siya pala) ay ang hardin. Nandito kasi kami ngayon sa isang malaking garden, a botanical garden. Napakaraming bulaklak, iba't ibang klase. Mas marami pa nga kaysa sa hardin ni Prinsipe Icekiel.

"Ngayon lamang ako nakapamasyal dito muli." Panimula niya.

"Mahilig ka talaga sa mga bulaklak no?" Tanong ko habang inaamoy ang rosas sa tabi ko.

Nginitian niya lang ako. Nagtatanong ako e.

Ilang sandali pa ay may isang babae na lumapit sa amin. Sa pananamit niya, halatang galing din siya sa mayamang pamilya. Yumuko ito sa harap ng Prinsipe para magbigay galang. Huh? Ganon ba dapat kapag nakakakita ng mahaharlika? "Nagkita tayong muli, Prinsipe Icekiel."  Anito. So, magkakilala sila?

"Magandang araw." Sagot naman ni Prinsipe Icekiel. Sus, what a simp. Porket maganda tong si ate gurl.

"Bakit ngayon ka lamang muling nakadalaw?" Tanong pa ng babae.

"Alam mo na rin siguro ang sagot diyan, Lady Violet." Nakangiti si Prinsipe Icekiel pero nararamdaman ko na there's something bothering him. "Magagalit ang aking kapatid kapag nakita niya ako rito."

Why tho? May something ba sa dalawang 'to?

"Ehem." Umubo ako nang mahina para makuha ang attention nila. Hellooo? Nandito kay ako.

"Maaari ko bang malaman kung sino ang kasama mo ngayon, Prinsipe Icekiel?" Tanong pa ni Lady Violet. Sa wakas, napansin na rin nila ako.

Pero— anong sasabihin ko? Nagpapanggap ako na nawala ang alaala ko, and, come to think of it... Hindi alam ni Prinsipe Icekiel ang pangalan ko!

"Ah—"

Hindi na nakapagsalita si Prinsipe Icekiel nang biglang pumagitna sa kanilang dalawa ni Lady Violet ang isang lalaki.

"Naparito ka ba upang bawiin si Violet?" He arrogantly asked.

Wow. He's calling Lady Violet without honorifics. Asta already taught me about honorifics so alam ko na.

"Naparito lamang ako upang mamasyal, Kuya Clydel." Paliwanag ni Prinsipe Icekiel. Clydel... Parang pamilyar ang pangalan niya. Ah! Tama! Siya ang second prince! Naalala ko lang sa sinabi ni Asta.

"Nakakapanibago naman, datirati lamang ay pumupunta ka rito para lamang makita si Violet..." -Prinsipe Clydel

"Clydel, tama na 'yan—" -Lady Violet

Mukhang tama nga ako. May something nga si Prinsipe Icekiel at si Lady violet, it seems may nakaraan sila.

"It seems likes this Lady doesn't know me." Ani Prinsipe Clydel. "How disrespectful." Ang attitude naman.

Oo nga pala! Kailangan kong magbigay galang!

Yumuko na rin ako kagaya ng ginawa ni Lady Violet kanina.

"Pasensya ka na, Prinsipe Clydel sapagkat ngayon lamang kita nakita, at sadyang nabighani ako. Hindi ko mapigilang matulala at titigan ang maganda mong mukha." Palusot ko. Thank you, theater club for teaching me how to act like this!

Kumunot ang noo ni Prinsipe Clydel. Kinabahan tuloy ako bigla. Masyado bang OA ang ginawa ko? Ilang sandali pa ay lumiwanag ang ekspresyon ng mukha niya. "Naiintindihan ko. Tama ka. Sino nga ba namang hindi matutulala sa gandang lalaki kong ito." He said.

Nanlaki ang mata ko. Yes! Effective! Btw, is he a narcissist?!

"Mukhang magkakasundo tayo, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong ni Prinsipe Clydel. Akala ko ligtas na ako pero hindi pa pala. Anong idadahilan ko?!

"Why are you asking for her name? Are you going to steal another woman from me?" Asked Prince Icekiel.

Oh, I smell something fishy. Kung tama ako, si Lady Violet, at si Prinsipe Icekiel ay magjowa dati, tapos inagaw ni Prinsipe Clydel si Lady Violet. Parang teleserye lang, haha. Hmm, I think I should avenge Prince Icekiel.

Napansin ko ang init ng eksena. I suddenly thought of something.

"I apologize, Prince Clyde. I think Prince Icekiel doesn't want you to know my name..." I said, linking my arms on Prince Icekiel's right arm. I noticed na nagflinch si Prinsipe Icekiel dahil sa ginawa ko so i squeezed his arm. Tumingin naman ako sa reaksyon ni Prinsipe Clydel at Lady Violet na halatang nagulat din. "I told you not to be jealous over trivial matters, didn't I?" Sabi ko habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Prinsipe Icekiel. Kahit ako, nahihiya na dahil aa ginagawa ko pero hindi ko 'yon dapat ipahalata.

"It's your fault, you even called him handsome in front of my face." Nag- aalanganing sagot ni Prinsipe Icekiel, salamat naman at nagets niya ako.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa. Napansin ko ang mapait na ekspresyon sa mukha ni Lady Violet. Bakit? Are you jealous?

"So you and that lady are... Ah— that's great. Anyway, let's go, Violet, we should not disturb their date." Tugon ni Prinsipe Clydel. Salamat naman at kinagat nila ang acting namin. Sa wakas umalis na rin yung dalawa.

Phew. Nakahinga ako ng maluwag.  Napatingin ako sa braso naming dalawa. Shucks! Oo nga pala! Kaagad akong bumitaw at umiwas ng tingin.

"P-patawad." I said.

"Wala kang dapat ipaghingi ng tawad. Ako ang dapat magpasalamat..." Aniya.

"Maaari ko bang itanong kung anong nangyari sa inyong tatlo? I mean— kung ayaw mong sagutin okay lang."

Napabuntong hininga siya. Ilang segundo rin ang nagdaan bago siya magsalita.

"She was my fiance, but the day before our engagement is supposed to be announced, she broke it off, she said she loves my brother. He likes her too. I think that explains it all." Paliwanag niya. So that's the reason. That must've hurt. Kasi kapatid niya yun eh. Hindi naman kasi lahat ng bagay e pwedeng hating kapatid.

Hindi na ako nagtanong pa. Ipinagpatuloy na lang namin ang pamamasyal.

Habang pinagmamasdan ni Prinsipe Icekiel ang mga bulaklak ay pinagmamasdan ko naman siya. Whenever he's with flowers, he's dashing. If I were Lady Violet, mas pipiliin ko siya.

May iba pang mga tao sa dito sa malaking botanical garden. I guess they were also nobles dahil sa magagara nilang damit. I also saw some servant na nag aalaga samga bulaklak. Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan kami. Well, I am walking beside a prince so maybe naiingit lang sila?

Napahinto sa paglalakad si Prinsipe Icekiel kaya ganoon din ako. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Violets. Nakatingin siya sa maraming violets. Come to think of it, Lady Violet's name is similar to that flower.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Prinsipe Icekiel, kung nalulungkot ba siya o ewan.

"Bakit mo ba ako tinititigan ng ganiyan?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa violets.

"Pasensya ka na, Prinsipe Icekiel, sapagkat ngayon ko lamang kita napagmasdan, at sadyang nabighani ako. Hindi ko mapigilang matulala at titigan ang maganda mong mukha." I said, exactly the same way how I said it to Prince Clydel. Natawa naman siya nang bahagya.

Sometimes, this person makes me feel intimidated, and there are also times na nagkakasundo kami.