Chereads / My Amazing Girl / Chapter 8 - CHAPTER 8 - THE NOTEBOOK

Chapter 8 - CHAPTER 8 - THE NOTEBOOK

DALE POV

Natawa sya ng makita itong mag-make face sa daddy nya na nakaalis na ilang minuto rin ang nakakalipas.

Naupo ito sa tabi nya at napahingang malalim.

"Nakaka-intimidate talaga si Daddy kahit sino makaharap nya ganun sya. Bilib ako sayo. Ikaw lang ang malakas ang loob na humarap sa kanya." Hangang saad nya rito.

"Well, well. Actually, nakaka-intinmidate talaga ang daddy mo pero dahil part naman ito ng job ko kaya dapat panindigan ko at mukha namang napaniwala ko syang tayo." Inipit nito ang buhok sa tenga nito.

Nadisappoint sya kasi akala nya ginawa talaga yun ng dalaga para sa kanya hindi pala. Part pa rin pala ng trabaho nito ang iniisip at hindi sya.

Inaamin nyang may nararamdaman na sya para sa dalaga ngunit hindi nya pedeng sabihin dahil kasama yun sa rules na ginawa nya. Pero anu namang masama kung i-break nya ang rules.

Napatayo sya at aakyat na para magmukmok sa kanyang kwarto o pupunta na lang sya sa kanyang office para magtrabaho kahit wala naman talaga syang pasok ngayon.

"Where are you going?" Pigil nito sa kanya.

"Why? Do you want to join?" Pang-aasar nya rito. Dahil alam nyang mahihiya ito.

"I'm your body guard, thats why. You need me to stay with you." Namangha sya sa sinabi nito.

Nalaglag ang panga nya sa sinabi nito. Lakas nga ng loob nito. Napatango-tango na lang sya.

"Okey if that's what you want. Body guard." At tumalikod na sya rito.

Nararamdaman nyang sumusunod ito sa kanya. Kaya napapangiti na lang sya papunta ng kanyang office.

Naisip nyang maglinis na lang ng kanyang office kahit alam nyang may taga-linis naman sya. Nainip lang sya na walang ginagawa at tutal nandito naman ang kanyang 'Bodyguard' why not help him with this chores.

May naisip na syang pang-ganti nito. Tumaas ang kilay nya at pangisi ngisi.

"Ang weird ng smile mo, Dale" napangiwi sya ng marinig ang sinabi nito.

Did she see him like that. Parang bigla syang tinakasan ng kulay sa kanyang mukha. Tumalikod sya at kumuha ng malalim na hininga.

Nang humarap sya ay tumikhim sya at pumamulsa sa kanyang trouser.

"You really want to stay by my side?" Tumaas ang kilay nya at pinaglapat ang kanyang labi para pigilan ang tawa na gusto ng kumawala sa kanya.

Tumango tango naman ito.

"Anung gagawin natin boss?" At inosenteng lumibot ang mga mata sa paligid.

"Well, its been a while since I'm doing this kind of thing. Siguradong pagpapawisan tayo dito at marami tayong magagawa sa haba ba naman ng oras natin dito." Nakita nyang napayakap ito sa sarili.

Hindi na nya napigilan at natawa na sya.

"Come on, Keira. I would not do anything against your will. Unless if you allow me to----" napansin nyang tumalikod ito.

"We're doing general cleaning here in my office." Nang lumingon ito ay may nakita syang kumislap sa mga mata nito.

"Okey! Magpapalit lang ako ng damit." Patakbo itong lumabas at halatang excited sa sinabi nyang gagawin nila.

Napangiti naman sya habang nagsisimula ng alisin ang mga libro sa kanyang bookshelves.

"Im here" napalunok sya ng makita ang suot nito. Naka-Maiksing short ito at malaking tshirt na naka-tuck in ng magulo. Habang ang mga buhok naman nito ay naka-messy look. Napapansin nya ang batok nito at ang makinis nito balat.

Sunod sunod ang lunok nya ng lumapit ito at nagsimula ng tumulong sa kanya magtanggal ng mga libro.

Naaamoy pa nya ang mabango nitong perfume na nakakahalina.

Napakagat labi sya. Sinimulan mo kasi Dale eh. Ayan ikaw pa ata ang nahamon.

"Ang init." Pinaypay nya ang kanyang damit at sinimulang hubarin.

Nanghamon ito kaya gaganti lang sya.

"Anung ginagawa mo?" Napatigil naman ito ng humarap sa kanya. Nakita nyang napalunok ito nang maghubad sya ng kanyang pang-itaas.

"Ang init kasi. Pinagpapawisan na ako at wala namang ibang tao dito at maglilinis lang naman tayo". Napatango ito habang napapakagat labi.

"Okey!" Lumayo ito sa kanya at ibang lugar naman ang sinimulang linisin nito.

Napapangiti sya dahil mukhang mananalo sya sa kanyang pang-aasar dito.

Matatapos na rin sila sa paglilinis ng may kumatok sa kanyang kwarto. Lumapit sya rito at binuksan ang pinto.

"Sir. Lunch na po" napatango naman sya sa sinabi nito.

"Keira, are you hungry na?" Nang lumingon ito ay may binubutingting ito patalikod sa kanya.

Nilapitan nya ito at nakita nyang may binabasa ito.

Isang notebook ang tumawag pansin dito kaya hindi agad sya napansin nito.

Inagaw nya ito at agad na tiningnan.

"Wait! Nagbabasa ako eh." Agaw nito sa itinaas nyang notebook.

May nalaglag mula sa notebook at dinampot nito yun. Isa iyong litrato.

"Anu to? Ikaw to?" Nanlaki ang mata nya ng makita ang hubot hubad nyang batang litrato. Bakit nakaipit sa notebook yun. Bigla syang nahiya.

Akma nyang aagawin ng gumanti ito at inilayo sa kanya ang litrato. Inilagay nito ang picture sa likuran nito.

"Palit tayo." Para silang mga bata na naglalaro.

"Okey. On a count of three" tumango sya.

"One..... two..." nang akma ng ibibigay nito ang picture ay agad nyang kinuha yun mula sa kamay nito.

"Ang daya mo." Nang tumalikod ito ay naramdaman nya ang malambot nitong katawan na kumarga sa likod nya habang inaagaw ang picture nya.

"Bumaba ka nga jan" naiilang na sya sa ginagawa nito. Mas lalo nyang nararamdaman ang lambot ng upper body nito. Pigil hininga sya dito.

"Okey, okey ibibigay ko na bumaba ka na jan." Para pa rin silang mga bata na naglalaro.

"Alam mo parang ang familiar ng ganitong scene na to sakin." Napatitig sya sa sinabi nito.

"What do you mean?" Umiling naman ito saka inagaw ang picture nya at nagtatakbo sa labas.

Narinig pa nitong napasigaw ang kanyang katulong sa hallway. Narinig rin nyang humingi ito ng tawad.

Napailing na lang sya at natawa sa ginawad nito. Napatigil sya at umupo sa kanyang swivel chair ng maging interesado sa naiwan nitong notebook.

Nang buksan nya ito ay napansin nya ang penmanship. Hindi nya sulat iyon. Kundi sulat ng kanyang ina.

Nanlaki ang mata nya habang binubuklat ang mga pahina ng notebook. May mga dates at parang diary ata ito ng kanyang ina.

Bakit nandito ito. Tanung nya sa sarili hanggang sa nabasa nya ang dulong bahagi ng notebook.

December 25, 2020

Dear Diary,

Napakasakit sa akin na iwan ko ang aking anak na si Dale at ang kanyang Ama. Hindi ko gusto na umalis ng ibang bansa at doon na tumira.

4th year wedding anniversary namin ni Drake pero andun sya sa kanyang mistress. Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang kanilang pinaggagagawa.

Hindi ko alam kung bakit ganito nya ako tratuhin. Si Dale, ang anak ko. Sampung taon pa lang sya. Mahirap para sakin na hindi ko nasusubaybayan ang kanyang paglaki.

Pero hindi ko na kaya lalo lang sumasakit ang damdamin ko sa tuwing titingnan ko ang kanyang daddy. Gustuhin ko man syang isama sa kung saan ako pero hindi maaari.

Mahal na mahal kita Dale, anak ko. Kapag kaya ko na. Magpapakita ako sayo at magsasama na tayo.

Padabog nyang sinara ang notebook at hinagis ito kung saan. May mumunting basa ng luha ang kanyang mga mata at nagtatagis din ang kanyang bagang dahil sa galit sa kanyang ama.

All this time pinaniwala nitong patay na ang kanyang ina at nagawa pa nyang magalit sa kanyang ina dahil nagpakamatay daw ito dahil hindi kinaya na nagloko ito. At sino yung babaeng pinatitira nito sa kanilang bahay. Yun ba ang matagal ng mistress na pinakasalan ng kanyang ama.

Nanggagalaiti sya sa galit. Parang gusto nyang magwala sa nalaman. Huminga sya ng malalim.

May bahagi sa kanyang puso na kagalakan dahil nalaman nyang buhay pa pala ang kanyang ina. Nagkaroon sya ng relief and this time hahanapin nya ito kahit anung mangyare. Pero paano? Anung itsura nito?

Isinuot nya ang kanyang tshirt at bumaba nakasalubong pa nya ang dalaga na nagbukas ng pinto. Ngumiti ito sa kanya pero hindi nya ito pinansin at agad na bumaba para dumerecho sa dining table.

Napansin nyang tahimik itong sumunod sa kanya. Naupo sya at naupo rin ito sa harapan nya.

Nagsimula na silang kumain. Tahimik at tanging kubyertos lamang ang maririnig.

"Nay Ling, pakisabihan na lang po ang ibang katulong na ituloy ang naiwan naming paglilinis sa aking office room." Utos nya sa matandang naglalagay ng tubig sa kanila.

Nagpunas na sya ng kanyang bibig hudyat na tapos na syang kumain. Napansin nyang nagmamadali ito at halos mabilaukan nang uminom ng tubig.

Nang papasok na sya sa kwarto nya ay pinigilan sya nito.

"May problema ba tayo Boss? kanina ka pa kasi tahimik. Hindi ako sanay. Kasalanan ko ba? Sorry." Napakagat ito sa labi at mukhang mangingilid na ang luha.

Binuksan nya ang pinto at pinapasok ito.

"Ssshhh don't cry baby. Bothered lang ako. May gusto akong malaman. Gusto mo bang sumama?" Tumango naman ito at nagpunas ng mga mata.

Lumambot ang puso nya ng makita itong iiyak para sa kanya.

Nang tumalikod ito ay hindi na nya napigilan ang sarili at yumakap mula sa likod nito. Napasinghap ang dalaga. Halatang nabigla sa ginawa nya.

"Dale---" mahina nitong banggit.

"Don't move." Pakiusap nya rito.

Naramdaman nyang kumalma ang dalaga. Inilapat nya ang kanyang ulo sa balikat nito at pumikit.

Ilang minuto rin ang lumipas ng humiwalay syang yumakap dito.

"Magbihis ka na aalis tayo." Tumango ito at pumasok na sa kwarto.

Malalim pa rin ang isip nya at bumalik lang sa kanyang ulirat ng tumikhim ito.

"Lets go" nakasunod lang ito sa kanya. Naupo sya sa driver seat at napatigil ito.

"Wait boss ako ang driver mo di ba?" Umiling sya.

"Ako muna ang driver ngayon. I want to drive para makalma ako." Napataas ang kilay nito.

May sasabihin pa sana ito ngunit nakita nyang huminga ito ng malalim at naupo na sa passenger seat.

Ilang oras din ang kanilang binyahe at narating nila ang isang mansyon sa batangas.

Nagising ang dalaga nang huminto ang kanilang sasakyan.

"We're here." Pinatay na nya ang makina ng makapagpark na sya na parang parking lot sa dami ng sasaktan na nakahilera sa kanilang mansyon.

Oo. Nagpunta syang mansyon para sugurin ang kanyang ama at harapin ito at linawin ang lahat ng bagay patungkol sa kanyang ina.

Nilibot nito ang paligid at nanlaki ang mata.

"Nasaan tayo?" Tanung nito ng makalabas na sila ng sasakyan.

"Bahay namin dito sa San Luis Batangas"

"Whaaaaaaaat????? You mean nandito tayo sa Batangas????" Napalunok ito.

Naging reckless sya. Hindi nya naisip na dito rin pala yung lugar na ayaw nitong puntahan. Pero hindi naman sila lilibot at dito lang naman sila sa loob ng mansyon nila at wala naman talaga syang balak pumunta dito kung hindi nya lang nabasa ang notebook na yun.

"Don't worry! Hindi tayo lilibot. May lilinawin lang ako. If you want dun ka muna sa kwarto ko habang kinakausap ko si Daddy sa kanyang office."

Tumango na lamang ito. Hinawakan nya ang kamay nito at magkapanabay nilang pinasok ang mansyon.

"Iho, napadalaw ka." Isang ginang ang bumulaga sa kanila ng pumasok sya ng pinto. Nakita nyang pababa ito ng hagdan. Mas lalong humigpit ang hawak nya sa dalagang kasama.

"Hi tita, nandyan ba si Daddy?" Seryoso nyang tanung. Ito nga ang babaeng pinakasalan ni papa.

Malinaw pa sa kanyang alaala kung paano ito sya ligawan para lang makuha ang pagpayag nya na maikasal ito daddy nya. May namuo na namang pagkulo ng dugo sa kanyang loob dahil sa galit.

"And whose that girl beside you? Is she the one? Nakita mo na pala sya?" Kumunot ang kanyang noo.

Nang makababa ito at makalapit ay nakipagbeso sya ganun din ang ginawa nito kay Keira.

"He's in his room, may I lend your girl?" Masuyo nito lng pakiusap sa kanya.

Tumango sya at tumingin kay Keira. Nakangiti itong nakaharap sa kanyang madrasta.

"Keira this is tita Pamela, my second mom. Tita Pamela, this is Keira, my girlfriend" pagpapakilala nya sa dalawa.

Tumango naman si Keira at inilahad ang kamay nito sa kanyang tita.

"Puntahan ko lang si daddy." Madali nyang tinunton ang kwarto nito. Hindi na nya nilingon pa ang dalawa.

Narinig lang nyang bumati si Keira dito.

Kumatok sya ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

"Oh, iho. Nandito ka pala. Tamang tama at nandito rin ang parents ng fiancee mo." Napakunot ang noo nya ng pumasok sa kwarto nito at tinitigan ang mga panauhin nito.

"Napakagwapo pala ng anak mo Drake, siguradong magugustuhan din niya ang anak natin." Banggit ng ginang na pansin na pansin ang mga borloloy sa katawan.

"Yes. Alam nyo na kung kanino nagmana." Tumikhim sya na ikinatanggal ng mga ngiti nito.

Hindi nya gustong maging bastos sa harapan ng mga kausap nito pero ayaw nyang palampasin ang pagkakataon na ito. Gusto na nyang kausapin ang kanyang ama.

"Dad, can I talk to you?, if you'll excuse us." Napatahimik naman ang mga ito at napansin nyang may sinabi ang kanyang daddy at tumayo na ang mga ito.

"Well pag-usapan na lang natin ulit ito kapag natagpuan na namin si Marie."

Nawawala pa pala ang sinasabing fiancee niya. Sige lang hanapin nyo. Sana nga wag na syang magpakita. Napangisi sya sa narinig.

Napangiti na lang sya na binuksan ang pinto para makalabas ang mga ito.

"Napaka-gentleman ng anak mo. Salamat iho ah. Sana makita na namin ang anak namin para maipakilala na namin sayo." Tumango na lang sya.

At nang makalabas ang mga ito ay agad nyang sinara ang pinto at huminga ng malalim.

"Dad, can you please tell me the truth? And nothing but the truth this time." Gusto man nyang magpigil ng damdamin ngunit hindi na nya mapigilan at narinig nya ang sariling napalakas ang boses.

"About what???" Habang nag-aayos ito ng mga papeles sa lamesa nito.

"About what real happened to my mom"

Natigil ang pagsasalansan nito ng gamit at napatingin sa kanya.

This time he will make sure na magsasabi na ito ng totoo. Hindi sya aalis ng bahay na ito ng hindi nalalaman kung nasaan ang kanyang ina. Galit man sya pero kailangan nyang maging kalmado. Pero mas nagiging kalmado lang sya pag nandito sa tabi niya si Keira.