Chereads / Minsan Pa / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

"Hello?! Earth calling Cali!" ipinitik pa ni Mat ang daliri sa kanyang harap.

"H-huh?" noon lamang naputol ang pagtakbo ng kanyang isipan sa nakaraan. Bahagya niyang ipinilig ang ulo at muling humigop ng beer mula sa kanyang baso.

"Let me guess, travelling down memory lane again, are we?"

Cali didn't pay attention to what Mat said, at sa halip ay tumayo sa kinauupuan kasabay ng pagdampot sa bag niyang nakasabit sa upuan "I'll get going, maaga pa ako bukas"

"Ihahatid na kita" ani Mat.

"No, no. You go ahead and enjoy, Maaga pa naman, pagod lang ako" pagdadahilan niya. Ang totoo ay nawalan na siya ng gana ng maalala ang isinusumpang lalaki!

Damn that man! After 5 years, heto siya at ampalaya pa rin!

Nakaka ilang hakbang pa lamang siya ng isang lalaki ang humarang sa kanyang daraanan. She tried avoiding the man but he kept blocking her way.

"Miss, maaga pa, why don't you join us?" anitong nakangisi, halatang marami na itong nainom.

"No thanks." supladang sagot niya at muli itong iniwasan ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso niya.

"Ang suplada mo naman! Sandali lang naman eh! Bakit ang sungit mo?" anito sa kanya, nakakalolo ang ngiti nito habang hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Matapang niyang binawi ang braso mula rito "I don't have time for people like you!"

Narinig niya ang malakas na tawanan at kantiywanan ng tatlong lalaking kasama nito sa mesa. "Wala pare, hindi ka uubra sa isang yan!" hiyaw ng isang kasama nito.

"The fuck?! Pinapahiya mo ako?!" muli nitong sinunggaban ang braso niya.

"A-ano ba?! l-let me go!"

At the corner of her eye, she saw Mat finally took notice at what's happening and stood up from his seat upang saklolohan siya.

"I believe she said no, didn't she?" anang isang baritonong tinig na hindi napansin ni Cali kung saan nagmula. The man's voice radiated danger, but moe than that, it was a voice so familiar to her that she wished she was only hallucinating.

She turned around to see the tall man twisted and grabbed her attacker's hand. Nabitawan ng lalaki ang pagkakahawak sa kanya.

"Puta huwag kang makialam! Bakit, type mo rin ba?" hiyaw ng lasing na lalaki.

Patulak itong binitawan ng lalaki at dahil marahil sa kalasingan ay pasuray na halos nasakay sa lamesang nasa likod nito ang lalaking lasing.

"Aba't!" mabilis itong nakabangon at nagtangkang undayan ng suntok ang binata na mabilis naman nitong nailagan.

Cali was horrified to see the three other men rose from their seats upang saklolohan ang kasama.

She heard the guy chuckle. Isang mahinang tawa na nagbigay ng pangingilabot kay Cali.

There's one person from her past that instantly came to mind... Pinilit niyang aninagin mula sa malamlam na ilaw ang mukha ng estranghero ngunit hindi niya iyon lubusang makita.

Bago pa siya nakahuma ay namalayan na lamang niyang bagsak na ang apat na lalaking gustong mambastos sa kanya. Tila marunong sa martial arts ang tagapag ligtas niya at marahil dahil sa lango sa alak ang apat ay walang hirap nito iyong napabagsak.

The guy then cooly walked towards her at walang paalam siyang hinawakan sa kamay at hinila palabas sa bar na iyon.

"L-let me go!" aniya, pinipilit pakalawan ang bisig mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.

The guy is tall, probably about 6'2" dahil halos hanggang kili-kili lamang siya nito. Malapad ang balikat nito at halatang maganda ang pangangatawan.

"A-ano ba! Pakawalan mo nga ako!" sigaw niya na muling pinilit baltakin ang kamay.

He abruptly stopped walking at hinarap siya, at dahil hindi niya inaasahan ang biglaang paghinto nito ay halos nauntog siya sa malapad na dibdib ng estranghero. He let go of her hand but started to slowly walk nearer her, not respecting any distance between them whatsoever. Napaurong si Calista hanggang sa maramdaman ang pader sa kanyang likuran. Padabog na idinantay ng binata ang makabilang kamao sa pader, trapping her.

"Is this how you behave now, sweetheart?..."

Cali stood frozen.

Sweetheart...

Agad niyang tiningala ang lalaking nasa kanyang harapan. From the dim light, unti-unting lumiwanag sa kanyang panigin kung sino ang kanyang kaharap.

Drake Lustre.