Chereads / Minsan Pa / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

"Go Cali!" dinig ni Cali ang nakabibinging tilian ng kanyang mga kaklase sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo mula sa tubig upang sumagap ng hangin.

"Cali! Cali! Cali!" the crowd chanted in unison.

It was a hot summer day in March, at ngayong araw na ito ang inter-university swimming competition na taunang ginaganap. This year, it was their university's turn to host the said event, at siya ang isa sa mga representatives ng kanilang unibersidad.

The inter-university swimming competition is one of the major events in the university that everyone's excited about. She won't lie, marami sa mga mag-aaral ang excited para sa araw na iyon hindi lamang para sa event, kundi dahil sa maraming mga dayong estudyante mula sa iba't ibang unibersidad na kalahok ang malaya ngayong nakakapag lakad sa campus. Maraming mga kalalakihan ang maligayang makakita ng mga "prospect" na liligawan, at mga babae naman ay madalas kinikilig lalo na sa mga mag-aaral ng St. Vincent University, ang all male school na tanyag dahil sa marami sa populasyon nito ay magagandang lalaki.

Isinikad ni Cali ang dalawang paa sa dingding ng pool upang makabuwelo pabalik sa kabilang dulo, mabilis siyang lumangoy at walang hirap na nakaungos laban sa mga katunggali. Lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga kamag-aral niya sa St. Bernadette University.

Calista has always loved swimming. Growing up from a town near the sea, bata pa lamang siya ng una siyang turuan ng amang lumangoy. Their tiny house in San Antonio was directly next to the beach, kaya naman lumaki si Cali na palaruan ang karagatan. She's loved San Antonio, at kung siya lamang ang tatanungin ay hindi niya nais malayo sa lugar na kinalakihan, kaya nga lamang ay pangarap ng mga magulang na magkaroon ng anak na nakapagtapos mula sa isang magandang unibersidad sa Maynila.

Mahirap lamang ang kanilang pamilya. Ang ama niyang si Arnaldo ay mangingisda habang ang ina namang si Lilian ay isang guro sa pampublikong eskuwelahan ng San Antonio. Nag iisa lamang siyang anak ng mga magulang dahil medyo may edad na ang mga ito ng magkapangasawahan. Sa kabila ng hindi marangyang pamumuhay ay lumaki si Calista na puno ng pagmamahal mula sa mga magulang, kaya naman hindi rin niya nais biguin ang mga ito sa pangarap na mapagtapos siya sa Maynila.

Sa tulong ng matalik na kaibigan ng kanyang ina na si Tiya Lupe ay natupad ang kahilingan ng mga magulang niyang mapag-aral siya sa siyudad. Libre board and lodging na kasi siya sa bahay ni Tiya Lupe, ganoon pa man ay alam niyang pinipilit lamang igapang ng ama't ina ang kanyang matrikula at baon kaya naman sinunggaban niya ang pagkakataong makakuha ng scholarship through swimming. Sa nakalipas na tatlong taon ay nagawa niyang magpatuloy ng pag-aaral sa Saint Bernadette dahil sa scholarship.

"Cali! Cali! Cali!" patuloy ang masayang hiyawan ng mga tao sa paligid.

Lalong pinaghusay ni Cali ang paglangoy, isinikad niyang maigi ang mga binti at paa upang lalong mabilis marating ang kabilang dulo ng pool, ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya ay naramdaman niya ang pananakit ng kaliwang binti.

Oh no...Oh God no! Please! piping dalangin niya habang pinipilit na muling ikilos ang mga paa. Sa kasamaang palad ay sumidhi ang sakit na halos hindi na niya maigalaw iyon.

The crowd gasped at maririnig ang magkahalong pagkabigla at pagkabahala ng mga tao sa nangyari! Para siyang isang mabigat na piraso ng bloke na unti-unting lumubog sa tubig!

Cali strived to keep herself afloat, using her arms and her other leg, ngunit dahil sa pulikat ay patuloy siya sa paglubog! Nakainom na rin siya ng bahagyang tubig! She tried not to panic dahil alam niyang mayroon at mayroong darating na sasaklolo sa kanya lalo pa at maraming tao at nasa kalagitnaan sila ng kompetisyon.

Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman niya ang pagsikmat sa baywang niya ng isang pares ng mga braso. Hindi nagtagal ay tila balewala siya nitong tinangay paalis ng swimming pool.

Maingat siya nitong binuhat at inilapag sa gilid ng palanguyan.

"Are you alright?" tanong ng sumagip sa kanya.

Sunod sunod na ubo ang kanyang pinakawalan bago nakasagot. She nodded as she raised her eyes to meet her savior's eyes. "S-salama-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapagmasdan ang lalaki sa kanyang harapan.

For crying out loud! The guy is hypnotically good looking! Para itong isang modelong iniluwa ng magasin!

Para siyang isang tuod na nanatili lamang nakatunganga sa harapan ng binata. She watched him as he combed his wet hair back. Pakiramdam ni Cali ay para siyang nabatobalani! Alam niyang nakakahiya ngunit hindi niya magawang alisin ang paningin sa lalaki.

"Okay ka lang ba?" pag uulit na tanong nito, nasa mga mata ang concern, ganoon din ang amusement dahil hindi pa rin siya makasagot.

"Y-yes" nauutal niyang sagot kasabay ng pamumula ng pisngi.

She lowered her gaze in embarassment and wanted to kick herself! Ano ba ang nangyayari sa kanya at daig pa niya ang nakakita ng multo? Hindi naman ito ang first time niyang makaharap ng isang guwapong lalaki pero bakit ba ganito na lamang ang epekto ng isang ito sa kanya?

Napapitlag pa siya ng walang paalam nitong abutin ang binti niya at marahang minasahe iyon. She wanted to protest, but again, her stupid tongue seemed to have been cut off! Sa halip na tumutol ay napatanga na naman siyang nakatingin dito.

"Did you make sure to warm up bago ka sumabak lumangoy?" tanong nito sa kanya at bahagya siyang sinulyapan. Cali's face was burning red, pati tenga yata niya ay baka matanggal na dahil para ring nagbabaga ang mga iyon.

"S-syempre..."

"Sayang, you would have beat all of us there, you know" anito.

Noon lamang napansin ni Cali na naka suot ito ng unipormeng panglangoy. Isa ito sa mga kalahok? Then why would he do this? Bakit nito iiwan ang kompetisyon upang iligtas siya? Shouldn't he have taken the opportunity to win?

"You're one of the con-contestants?" halos nauutal pa ring tanong niya.

He sweelty smiled at her, lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi. Cali couldn't help sucking in a breath. Kung guwapo ito kanina ay parang x10 ang kaguwapuhan nito pag nakangiti.

He nodded and extended his hand to hers "Drake. Drake Lustre".

Alanganing tinanggap ni Cali ang kamay ng binata "C-Cali...I... I mean Calista. Calista Rodriguez"

"Nice meeting you, Calista Rodriguez" anitong malapad ang ngiti.