Sam's POV
"By the way, I'm Lucia Martinelli." Pakilala niya habang hindi pa rin tinatanggal ang ngiti sa mga labi niya. Napakaganda rin ng pangalan niya pang imported din. Iginiya ko siya upang maupo.
"È vero che la tua caffetteria è molto carina." Natigilan ako at napatitig sa kanya. Sinipat ko rin ang ilong ko, chinecheck kung may dugo na bang tumutulo. Humalukipkip siya at nahawa na rin ako. Ano ba kasing sinasabi niya? Alien ba siya?
"Ow, I'm sorry. Nasanay lang kasi ako sa Italya. What I mean is, napaka ganda pala talaga ng coffee shop mo." Bakas sa kanyang mga mata ang pagka mangha sa lugar. At patuloy pa rin niyang inililibot ang mata niya sa kabuuan ng Mugs Coffee kahit nakaupo na siya.
"Ahhh. Hehehe." I scratched the back of my head. So, galing pala siya ng Italy. "Thank you."
"By the way, I'm here to ask you a favor." Umayos ako ng upo at kinabahan ng kaunti. "Gusto ko sanang kuhain ang coffee shop mo, to cater my mom's birthday. Alam mo na, kape nalang ang kinahihiligan ng mga matatanda ngayon. Actually nakita ko kasi na inirecommend ito ng kakilala ko. And nabasa ko rin yung feedbacks and reviews sa social media page niyo, masarap daw ang coffee dito." Dire-diretsyo niyang sambit. Kahit tagalog na ang ginagamit niyang salita ay slang pa rin siya.
"Ha?" Tila hindi nag sink in sa akin ang sinabi niya. Paano ba naman kasi ay nakatitig ako sa mukha niya. Hindi ko kasi mapigilang magandahan sa kanya. Pang out of this world kasi ang gandang meron siya.
"Ahh. Sure!" Yun nalang ang tanging naisagot ko. Umurong na yata ang dila ko.
"Really?" Tumango ako bilang tugon. Sa palagay ko ay hindi napapagod ang labi niya sa kakangiti. Napaka genuine.
"And also your desserts gusto rin namin ma-try. What's your best dessert here?" Kinuha niya ang menu na nasa ibabaw ng mesa at matamang tinignan iyon.
"We have blueberry cheesecake, tiramisu, and cinnamon-honey creme brulee. That's our top three best desserts here." Paliwanag ko. Nakangiti siyang tumango habang nakikinig sa akin.
"Okay." Ibinaba niya ang menu na tumakip sa mukha niya. "I think magugustuhan naman iyon ng mga kids sa party no? Hihi." Mahinhin niyang tawa.
"Here's my calling card." Iniabot niya sa akin ang kapirasong papel. Inilabas naman niya ang mamahaling cellphone niya at kinuhaan ng litrato ang menu. "Good thing, may contact number ka dito."
Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa kanya. Maybe because she's too rich para kami ang mag cater sa birthday party na binabanggit niya.
"I'll call you Ms. Lucia, once nagawa na namin ang contract for the cater." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Tila nakaramdam ako ng kuryente sa katawan nang gawin niya iyon.
"Lucia nalang, okay?" Hindi lang pala siya maganda, mukhang mabait din. "By the way, I need to go. Maghahanap pa kasi ako ng photographer e." Mahinhin siyang tumayo at muli akong kinamayan.
"Photographer? Hmm, baka makatulong din ako dyan." Proud kong sambit. Lalayo pa ba ako?
"Ow, it's alright. Wala na akong choice kung hindi yung kakilala ko nalang ang contakin ko." Si Allison sana ang isa-suggest ko para kahit papaano ay kasama ko rin siya sa birthday party na iyon. Pero mukhang marami din namang kakilala si Lucia na photographer.
"Grazie, Samantha" Nabigla ako nang bumeso siya sa akin. At parang model na lumabas na ng coffee shop. Naiwan kaming tulala lahat dahil na starstruck talaga kami sa kanya.
"Grabe ang ganda niya." Kumento ni Cheska na nasa tabi ko na pala. Sinusundan rin niya ng tingin si Lucia na kasalukuyan ng sumakay sa sasakyan niya. "Kung lalaki lang ako, niligawan ko na yun!"
"Hindi ka papatulan nun. Hindi bagay sayo maging lalaki." Kumento ko at sinuntok ako ni Cheska sa braso.
"Halika na nga, mag kwentuhan na ulit tayo." Kinuha niya ang kamay ko at hinila na papasok sa loob ng office. Ngunit natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang notification sound sa cellphone ko. Naexcite akong buksan iyon dahil baka kay Allison galing ang message.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" Hindi ko alam kung bakit naging irregular ang tibok ng puso ko. Binalot ako ng nerbyos nang tumambad sa akin ang litrato ng bahay ng parents ko. At ang ilan ay litrato ni mommy at daddy. Galing iyon sa isang dummy account. Sinubukan kong replyan iyon ngunit naka block na agad ako.
Sino naman kaya ang gagawa nito? At bakit kailangang isend ang mga pictures na ito? Anong kailangan niya sa mga magulang ko?
"Hi anak!" Masayang bati ni mommy mula sa kabilang linya. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses niya. Mabilis ko siyang tinawagan dahil ayaw talagang tumigil sa pagkabog ang dibdib ko.
"Kamusta mommy?" Pero hindi pa rin maiiwasan na mag alala ako dahil sa mga litratong natanggap ko mula sa taong hindi ko kakilala.
"Ayos lang naman anak. Nandito ang mga ate at kuya mo." Napangiti ako sa balita niya. Bakas sa boses niya ang kaligayahan.
"Si daddy po kamusta?" We're still not in good terms. Nag stay nga ako sa bahay ng parents ko ng halos dalawang buwan pero naging mailap pa rin sa akin si daddy. Palagi niya akong iniiwasan kahit ako na ang lumalapit sa kanya. Hindi rin siya sumasabay sa amin kapag kakain na. Lalo na't alam niyang nasa hapag kainan ako.
"Nandito anak, nakikipag laro sa mga pamangkin mo. Gusto mo bang kausapin?" That hurts me a lot. Nakaramdam ako ng selos. Namimiss ko na ang daddy ko.
"Ahm, wag na mom. May. . May gagawin pa po ako. Kinamusta ko lang kayo." Malungkot kong sambit ngunit hindi ko iyon ipinahalata kay mommy. Dahil alam kong mag aalala na naman siya sa akin.
"Okay sige. Kapag may time ka, bumisita ka lang dito ha? Love you anak!" Nagdulot iyon ng pag ngiti sa aking mga labi.
"Love you mommy, bye!" At ibinaba ko na ang tawag. Muli kong pinaka titigan ang litrato na sinend sa akin ng kung sino mang gumagamit ng dummy account na iyon. Anong kinalaman ng mga pictures na iyon sa buhay ko? Hindi kaya may mangyayaring masama sa parents ko? O kaya sa akin?
Napahawak ako sa sintido ko nang maramdaman ang pagsakit nito. Ano bang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko ay mayroong naka masid sakin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala naman akong nakikitang ibang tao rito bukod sa mga regular customers.
"Ouch." Napaupo ako sa sahig nang may bumangga sa balikat ko. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nagmamadali siyang lumabas ng coffee shop.
"Samantha!" Mabilis akong nilapitan ni Cheska. "Ayos ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala at inalalayan akong makatayo.
"Sumasakit lang yung ulo ko."
"Naku baka buntis ka na ha! Dapat panindigan yan ni Allison ah!" Pagbibiro niya. Nahampas ko tuloy siya sa balikat kahit pakiramdam ko ay nanghihina ako. Nagagawa niya pa talagang mag biro, nakikita na nga niya ang kalagayan ko.
"Alam mo ang mabuti pa, ihahatid na kita sa condo mo." Nagiging paranoid lang yata ako sa hindi ko alam na dahilan.
Sinubukan kong tanggihan si Cheska ngunit naging mapilit siya. Kaya hinayaan ko nalang siyang ihatid ako sa condo.
***
Allison's POV
"Ibig sabihin ba nito nandito ka na ulit sa Pinas?" Naiimagine ko kung gaano kasaya si Samantha mula sa kabilang linya. Dahil bakas naman iyon sa boses niya. Pinadalhan ko kasi siya ng mga bulaklak na paborito niya.
"Bakit hindi ka nagsabi? Edi sana sinundo kita."
"I really want to surprise you. Kaya lang hindi ko kasi mapigilan ang mamiss ka e." Paglalambing ko sa kanya habang palabas ng airport.
"Pwede na ba kitang makita?" Bakas sa boses niya ang excitement. Ilang araw palang kaming hindi nagkikita ay miss na miss ko na siya. Lalo na ang lambingan naming dalawa.
"I'll see you tonight, okay? May aasikasuhin lang ako sa studio."
"So maybe, daanan nalang kita sa studio mamaya. See you later baby!" Nagpaalam na rin ako sa kanya at tuluyan ng nakalabas ng airport. Agad kong nakita si Kim dahil sa kanya ko iniwan ang sasakyan ko.
"How's your trip?" Salubong niya sa akin. Naka shades pa, aakalain na isa siyang balikbayan. Kaya ibinigay ko sa kanya ang maleta ko, para ganap na ganap ang porma niya ngayon.
"Ayos lang." Tipid kong sagot. Kim was my bestfriend. Bago ko pa man makilala ang ex girlfriend ko ay magkaibigan na kami. Siya lang ang tanging nakakaalam kung bakit kami naghiwalay ng dati kong nobya.
Ang alam ng mga taong kakilala namin ay niloko ko si Lucia. Na ako yung nagloko sa relasyon namin. At alam ni Kim na malayong ipagpalit ko si Lucia noon. Lahat ng mga kaibigan namin at mga pamilya namin ay iyon ang pagkaka alam.
Kaya noong tuluyan na kaming naghiwalay ni Lucia, pinatunayan ko sa kanilang babaero nga ako. Kaliwa't kanan ang mga naging babae ko. Pagkatapos ng dalawang araw ay ibang chix naman ang kasama ko. Ni hindi ko nga alam ang mga pangalan nila.
Kung nakakabuntis lang ang daliri, madami na siguro akong panganay.
"I have a bad news and a good news for you." Sambit ni Kim habang ikinakabit ko ang seat belt. Sa passenger's seat ako naupo at hinayaan kong si Kim ang humawak ng manubela.
"Ano yun?" Bored kong tanong.
"Anong gusto mong mauna?" Anak ng! Pag iisipin pa talaga ako e.
"Bad news."
"Hmm. ." Pinaandar na niya ang makina ng kotse ko. "Lucia is here."
Natigilan ako. Para bang naestatwa ako sa balita niyang iyon. Bad news nga iyon.
"Then what's the good news?" Gusto kong maiba ang topic. Ayoko na siyang pag usapan pa. Dahil pakiramdam ko ay mapuputulan ako ng hininga sa tuwing nababanggit ang pangalan niya.
"Hmm. ." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Finally! Lucia is here!" Binigkas niya iyon sa napaka taas na energy. Animo'y host sa isang noon time show.
"Pinag lololoko mo ba ako ha?" Aambahan ko sana siya ng suntok pero agad siyang nakaiwas.
"Hey, I'm serious!" Natatawa niyang sambit.
"Gago ka Kim! Wag kang magbiro ngayon dahil baka ipahila kita sa eroplano!" Giit ko. I know her. Palabiro at gago talaga si Kim. Kaya madalas hindi ko siya pinaniniwalaan sa mga sinasabi niya. Unless lasing siya. Kapag nakakainom kasi siya ay doon lang siya nag sasabi ng totoo. At nakakapag labas ng sama ng loob.
"Sa maniwala ka o hindi nagsasabi ako ng totoo." Paano ako maniniwala, nakangisi siya habang nag dadrive.
"Aray!" Binatukan ko siya. Nakakainis ang mapang asar niyang ngiti.
"Hindi ako interesado." Seryoso kong sambit. Diretsyo akong napasandal sa passenger's seat. Ano namang gagawin dito ni Lucia sa Pilipinas. Bakit pa siya bumalik?
"Weh?" Tinignan ko siya ng masama. Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko pa ang isang 'to e. "Kahit mas maganda na siya ngayon?"
"Wala akong pakialam..Si Samantha pa rin ang gusto ko." Her mouth formed an O. Parang hindi pa naniniwala sa sinasabi ko.
"Kahit single na siya, at wala na sila ng kuya mo?"
"Si Samantha pa rin ang gusto ko." Mariin kong sambit. Tumango tango siya.
"Kahit--"
"Kahit ano pang sabihin mo dyan, si Samantha lang. Okay?" Itinaas niya ang dalawang kamay na tila sumu-surrender.
I'm totally moved on. Kahit pa anong sabihin o itanong niya ay hindi na ako maaapektuhan pa kay Lucia. Because I know who owns my heart now. And that was Samantha, nothing else.
***
"Ms. Allison, uuwi na po ako." Paalam sa akin ni Elise, ang assistant ko dito sa studio. May mga kailangan din akong asikasuhin kaya dito ako dumiretsyo.
"Mag ingat ka." Tipid kong ngiti sa kanya.
"Hindi pa po kayo uuwi?" Inililigpit niya ang kalat sa table niya. At kinuha na niya ang bag niya.
"Uuwi na din ako maya-maya." Tumango siya at kinawayan ako.
"Ahm, Elise. Pakipatay na muna ang ilaw, sumasakit kasi ang mata ko e." Nakangiti niyang sinunod ang utos ko. Hindi ko alam kung bakit ako pagod na pagod ngayong araw na ito.
Hindi naman masyadong madilim dahil tumatagos naman ang ilaw mula sa labas. Perfect for some alone time. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng swivel chair. At ipinikit ang mga mata ko.
"Elise? Akala ko ba umuwi ka na?" Mahina kong sambit habang hindi ko iminumulat ang mata ko. Ngunit nakarinig lang ako ng tunog ng takong. Humahakbang ito papalapit sa akin. Napangisi tuloy ako, I knew it. Kung hindi ito si Elise, ay malamang si Samantha iyon.
Pumwesto siya sa likuran ko at hinimas ang dibdib ko pababa sa tiyan ko. Hindi naman ako ganun katagal sa Japan, para maging naughty si Samantha ng ganito. Dinampian rin niya ako ng maliliit na halik sa leeg na nagbigay ng kakaibang sensasyon.
"Sa--"
"You miss me?" Bulong nito sa tainga ko. Tila nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakasiksik pa rin siya sa leeg ko at sinisinghot ang amoy ko. Iniikot niya swivel chair para mapaharap ako sa kanya.
"Surprise!" Kahit pa medyo madilim ay naaaninag ko pa rin kung sino ang nasa harapan ko.
"Lu. . Lucia?" Hindi ako makahinga habang nakatingin ako sa kaniya. Naniniwala na nga ako kay Kim. Nagising nalang ako sa katotohanan nang bigla siyang kumandong sa akin habang nakayakap sa leeg ko.
"A-Anong ginagawa mo?" Mas lalo akong nanigas. Magkadikit ang mga katawan namin. At ultimo ata hangin ay hindi makakasingit sa pagitan naming dalawa.
"Hindi ka kasi nag ooffer ng upuan e, kaya dito nalang ako uupo." Malanding sambit niya at pilit na isinisiksik ang mukha niya sa leeg ko. Napapikit ako ng mariin. Shit! Ano bang gusto niyang mangyari?
"I missed you." Bulong niya sa akin.
"Lucia." Bulong ko rin sa pagitan namin. Pakiramdam ko ay bumaluktot na ang dila ko, at hindi ko mahanap ang sasabihin ko. Muli akong napapikit nang maramdamang ilalapit na niya ang mukha sa akin.
Shit! Nagiging marupok na naman ba ako sa kanya?
Ngunit parehas kaming natigilan nang bumagsak pasara ang pinto.
"Hahahahahaha!" Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang para siyang baliw na tumatawang mag isa. Naitulak ko tuloy siya paalis mula sa lap ko at sa sahig siya napaupo. Hindi naman nasabi sa akin ni Kim, na baliw na pala si Lucia.
"Anong tinatawa tawa mo?" Mabilis akong tumayo at tinungo ang switch ng ilaw.
"Akala ko nastroke ka na e. Hindi ka na kasi gumagalaw kanina." Patuloy pa rin siya sa pagtawa. Ang pagtawang iyon ang pinaka magandang tawa na narinig ko noon. Pero hindi na ngayon.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Hindi ko alam kung bakit ako pinag papawisan. Gayung bukas naman ang aircon at palaging nakatodo iyon.
"Hmmm. ." Siya naman ang pumalit sa akin sa swivel chair at parang batang pinaikot iyon.
"Alam ko naman kasi ikaw ang makakatulong sa akin." Pinagmamasdan ko siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Isip bata pa rin.
"Birthday ni mommy next week. And I badly needed a photographer. Lalayo pa ba ako? E nandyan ka na sa harapan ko?" Ani niya. At ang computer ko naman ang pinakailaman niya.
"Yun lang ba?" Seryoso ang mukha kong tanong sa kanya. Kailan ba siya aalis? Baka maabutan pa siya ni Samantha.
"Bakit may gusto ka pa ba? Comeback, you want?" Nginitian niya ako ng nakakaloko. Saan niya nakuha ang lakas ng loob na tanungin ako ng ganun matapos niya akong lokohin. Parang wala lang sa kanya ang nangyari five years ago. Parang hindi ko siya nahuling nakikipag sex sa kuya ko, sa ibabaw mismo ng kama namin!
Ngumiti ako ng mapait.
"Really? How can you manage to say that?" Pakiramdam ko ay muling bumalik ang sakit na ipinaranas niya sa akin noon. Matapos niya akong ipagpalit sa kuya ko, heto siya ngayon at patawa tawa lang sa harap ko. Walang puso!
Porket ba wala na sila ng kuya ko, ay para siyang kabute na bigla nalang susulpot?
"Oh take it easy. Joke lang e!" Sana nga joke lang ang lahat ng iniwan niyang sakit sa akin. Wala siyang ideya kung ano ang mga pinagdaanan ko dahil sa kanya. Halos tapusin ko na ang buhay ko, sa pagbabasakaling balikan niya ako.
"Here." Iniabot niya ang invitation card para sa 65th birthday ng mommy niya.
"Aasahan kita dun ha!" Tumingkayad siya at dumampi ang malambot niyang labi sa pisngi ko. Tahimik siyang lumabas sa office ko, at naiwan akong tulala.
Plano niya bang saktan ako ulit? Kung ganun ang gusto niyang mangyari ay hindi ko na hahayaang mangyari iyon. Ayoko na muling maramdaman ang sakit na akala ko ay wala ng katapusan.
Kailangan kong mag focus sa totoong taong pinapahalagahan ako ngayon.
The woman I really like.
At ang babaeng hindi ko hahayaang mawala sa akin.
At si Samantha iyon.