Chapter 14 - Chapter 13

Allison's POV

"Babe!!" Masaya akong sinalubong ni Rita nang dalawin ko siya sa bahay niya. Agad niya akong hinila papunta sa kwarto niya. Hindi naman ako nagpunta rito para makipag sex sa kanya. Nagpunta ako para tuluyan ng tapusin ang dom-sub relationship naming dalawa. Kailangan kong ipaintindi na ayaw ko na sa kanya. Na hindi ko na siya kailangan.

Niyakap niya ako ng mahigpit. At pilit niyang inaabot ang mukha ko upang siilin ng halik. Ngunit iniwas ko ang sarili ko.

"Mabuti naman at dinalaw mo ako." Malandi siyang nakangiti sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa batok ko. "Sabi ko na nga ba at mamimiss mo rin ako e."

"I told you, let's end this." Mariin kong sambit. At tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa akin.

"Bakit? Ayaw mo na ba sa akin?" She pout her lips. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Kung dati ay nahuhumaling pa ako sa kanya, ngayon ay hindi na. Wala na akong maramdaman na kahit anong libog pa sa kanya mag mula nang maging submissive ko si Samantha.

Kung alam niya lang kung gaano ko pinangarap na maging akin si Samantha. At ngayon nga'y ayokong mawalay siya sa akin. Matagal kong hinintay na maging akin siya, kaya't hindi ko hahayaang masayang lang ang pagkakataon na ito.

"Yeah. That's right." Diretsyo ko siyang sinagot. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Nagsimulang mag ulap ang mga mata niya at nagbabadya ng bumagsak ang mga luha niya.

"You can't do this to me Allison!" Sigaw niya sa mukha ko at bigla nalang akong itinulak paupo ng kama niya.

"Akala mo ba makakatakas ka sa akin ha?" Nanlilisik ang mga mata niyang pumatong sa kandungan ko at walang habas na siniil ang labi ko.

"Ano ba!" Para siyang ligaw na hayop na sabik na sabik kumain ng sariwang karne. Itinulak ko siya na naging dahilan para malaglag siya mula sa pagkakaupo niya sa hita ko. At bumagsak siya sa sahig ng kwarto niya.

"Kung ayaw mo na sa akin, mas mabuti pa sigurong mamatay nalang ako!" Agad siyang tumayo at tinungo ang isang malaking cabinet. Napatayo ako nang makaramdam ako ng kaba. Dahil nakita ko kung paano niya ikalat ang mga damit niya at tila may hinahanap sa cabinet niya.

"O kaya naman isasama kita sa pagkamatay ko!" Galit niyang itinutok ang isang baril sa akin. Para siyang baliw na umiiyak habang tumatawa pa.

"Mamumuhay tayo ng masaya sa impyerno Allison. At hindi ko hahayaang maging masaya ka sa iba!" Pagbabanta niya. Halos basag na ang tinig niya dahil patuloy pa rin siya sa pag iyak. Binalot ako ng takot dahil baka bigla nalang niyang iputok ang baril sa akin.

"Rita, ibaba mo yan." Kalmado kong utos sa kanya. Itinaas ko ang dalawa kong kamay para subukan na pigilan siya. Pero hindi siya nagpapigil at dahan dahang inihakbang ang mga paa niya papalapit sa akin. Nakangisi siyang umiling bilang sagot.

"Ayaw mo na ba sa akin Allison?" Sambit niya kasabay ng mga paghakbang niya. Mukhang ito na yata ang katapusan ko. Baka kapag sinabi kong ayoko na sa kanya, matagpuan nalang akong naliligo sa sarili kong dugo. Kaya nanatili akong tahimik.

"Sagot!!" Napatalon ako sa gulat nang muli siyang sumigaw. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang nakatutok sa akin ang baril.

"Rita, pag usapan natin to ng maayos." Itinabingi niya ang ulo niya at muli niyang inginisi ang labi niya. Katapusan ko na!

"Nag uusap naman tayo ng maayos diba?" Mahina niyang tanong. Baliw na ba talaga ang babaeng ito?

"Yes Rita. Pero mas mabuting ibaba mo nalang yang baril na hawak mo." Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. At inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko tuloy ang amoy alak niyang hininga. Kaya pala ganito ang ikinikilos niya dahil lasing siya.

"Ayaw mo ba ng ganito?" Itinapat niya sa dibdib ko ang baril, sa may bandang puso. Habang hindi pa rin tinatanggal ang mga titig niya sa akin.

"Para may thrill." She even pressed her body into mine, kaya lumapat ang dibdib niya sa akin.

"Pag usapan nalang natin 'to ng mabuti, Rita." She even started to trace the gun into my jaw. Shit! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong nerbyos. Daig ko pa ang uminom ng maraming kape dahil talagang nag papalpitate ako ngayon.

"Ako pa rin naman diba?" Napalunok ako ng dumaan na sa leeg ko ang baril. Dinampian niya ng maliliit na halik ang labi ko. Her kiss was very teasing. Pero pinigilan kong hindi madala sa mga halik niyang iyon.

"Sagot!" Muli niyang sigaw at tinulak ako paupo sa malaki niyang kama. Sa noo ko naman ngayon idinikit ang nguso ng baril na hawak niya.

"Rita." Banggit ko sa pangalan niya at tinitigan siya sa mata. Kung ito na nga ang katapusan ko, sana man lang hayaan niya akong mamaalam muna sa mga mahal ko sa buhay.

"Akin ka lang Allison. You are fucking mine!" Muli kong narinig ang paghikbi niya.

"Rita." Sinubukan kong hawakan ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa baril. "You deserve someone better. Hindi ako ang tamang tao para sa--"

"But I want you!" Pagputol niya sa sinasabi ko. Napalunok ako ng idiin niya ang baril sa noo ko. "I only want you!" Hinila ko siya paupo sa kandungan ko at saka isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Iyon ang naging dahilan para mabitawan niya ang baril. At ito lang naman ang alam kong kahinaan niya.

"Don't worry, I'm all yours." Pagsisinungaling ko. At agad na sinipa pailalim ng kama ang nahulog niyang baril.

"Really?" Naging mapungay ang mata niya nang tumingin sa akin. Tumango lang ako bilang tugon. Wala na akong nagawa pa nang sakupin niya ang mga labi ko.

"I think you should punish me, for being naughty." Tumawa siya ng malandi at saka dumapa sa kama. "Spank me babe." Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa pisngi ng puwet niya. Ngayon ko lang nalaman na ang bilis palang magbago ng mood ni Rita.

Katulad ng gusto niya ay pinalo ko ng mahina ang puwetan niya. At napaungol siya. Kung hindi lang siguro sa pag babanta niyang papatayin niya ako, ay hindi ako magiging sunod sunuran sa kanya ng ganito. Ayoko pang matapos ang buhay ko. Lalo na ngayon na nagsisimula na ulit akong maging masaya.

Masaya kay Samantha.

"Harder babe! Spank me hard!" Sinilip niya ako mula sa likuran niya. Kagat pa niya ang pang ibabang labi niya. Tinaas ko ang dulo ng palda niya at tumambad sa akin ang panty lace niyang pula.

Bumwelo ako upang masiguradong babakat ang kamay ko sa pisngi ng kanyang puwetan.

"Ahhhh!!" She screamed when I started to spank her ass. Mabilis na namula iyon at ang mga sumunod kong palo ay mas malakas na. Tuluyan ng bumagsak ang katawan niya sa kama pero hindi ko pa rin tinigilan ang pwet niya. She deserve it for being naughty.

"That's right! That's right babe!" Iniangat kong muli ang balakang niya habang ang dibdib at mukha niya ay nakadikit na sa kama niya. At talagang hindi pa niya sinasabi ang safe word kahit na namimilipit na siya sa sakit.

Nang sumakit na ang kamay ko ay agad ko namang tinanggal ang sinturon ko. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay iyon sa likod niya. At sinimulan ko na muling hagupitin ang namumulang pisngi ng kanyang puwetan. She cried, as the belt landed squarely between her ass cheeks, reddening them both. She's crying not because of pain, but because of pleasure.

When she suddenly reached her climax, Rita's back arched, and all her muscles clenched. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang bumagsak sa higaan niya at itinigil ko na ang pagpalo sa kanya.

"Lick it babe. ." Nanghihinang utos niya habang hinuhubad ang basa niyang undies. Ngunit hindi ako tumalima sa hinihiling niya.

"Lick it or I kill you." Mariin niyang sambit. Inilagay niya sa ilalim ng unan ang kamay niya at tila may kinakapa roon. Hindi na ako nagdalawang isip na pumwesto sa gitna ng mga hita niya. Nang makita kong may hawak na naman siyang baril. Shit! Ilan ba ang baril ng babaeng ito.

Wala na akong nagawa kung hindi simutin ang katas niya, I heard her moan. At maya maya'y napalitan na iyon ng hilik.

Nakahinga na ako ng maluwag at sa wakas ay makakaalis na rin ako sa lugar na ito. Agad kong kinuha ang baril na hawak niya pati na rin ang baril na nasa ilalim ng kama.

Natatakot akong baka may iba pang madamay dahil sa kabaliwan niya. Hindi naman maaalis sa isip ko ang mag alala para kay Samantha. Lalo na kapag nalaman ni Rita kung sino na ba ang bago kong submissive. At ang ipinalit ko sa kanya. Baka kung ano pa ang gawin ni Rita kay Samantha.

***

Sam's POV

"Aba may napapansin ako sayo ah!" Sinalubong ako ng nakakalokong ngiti ni Cheska nang bisitahin ko ang Mugs Coffee. It's been a week nung huli akong bumisita rito. Yung huli pa nga ay yung nangyaring kababalaghan sa amin ni Allison.

"Ano na naman ba yun Cheska?" Inis kong sambit nang paikutan niya ako at sinipat mula ulo hanggang paa. Siguro ay napansin niya ang bago kong kwintas na bigay ni Ali.

"ASG." Nasa harapan ko na siya ulit at patuloy pa rin sa pang aasar sa akin.

"ASG?" Nagtatakang tanong ko at bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Mabuti nalang at wala pang customer dahil kakabukas lang ng shop.

"After sex glow!" Naibuga ko ang iniinom kong tubig sa mukha niya. Dahilan upang magtitili siya sa pandidiri niya sa laway ko. Kasalanan din naman niya dahil kung anu ano na namang pinag sasabi niya.

"Nag sex na kayo no?" Hampas naman sa braso ang ginawa ko sa kanya at sinisenyasan siya na huwag maingay. "Ayieeee. So nag sex na nga kayo?" Pangangantyaw niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa pang aasar niya.

"Tigilan mo ko Cheska." Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi nakikisama ang labi ko sa pag ngiti. Lalo na kapag naaalala ko ang mga haplos ni Allison sa akin. Ang nakaka adik niyang mga paghimas sa katawan ko.

"Sabi ko naman sayo e, one hundred percent achieved ang satisfaction mo sa lesbian pag dating sa sex." Tama nga siya. Hindi katulad ng experience ko noon kay Janus. Na kapag tapos na siya at naabot na niya ang sukdulan ay hahayaan niya nalang akong sumakit ang puson.

Unlike kay Allison, na kulang nalang ay maubos ang lahat ng likido ko sa katawan.

"Ano ba Cheska, hinaan mo nga yang boses mo!" Nahihiyang bulong ko sa kanya. Ito talagang babaeng 'to, walang kahihiyan sa katawan e. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy pa rin siya sa pangangantiyaw.

"Hi po welcome!" Masayang bati ng staff ko nang may pumasok sa loob ng coffee shop. Mukhang delivery man dahil may dala siyang malaking box.

"Kay Ms. Samantha Torres po?" Agad akong nagtaka dahil wala naman akong inaasahang delivery sa ngayon.

"Siya po yun!" Histerikal na turo sa akin ni Cheska. Inilapag ng delivery man ang isang malaking box sa counter top.

"Naku kuya, baka nagkakamali lang kayo. Wala naman po akong inorder online." Mahina kong inusog pabalik sa kanya ang malaking box. Nakakatakot buksan dahil baka bomba ang laman.

"Ma'am dito po yan naka address e at nakapangalan po sa inyo. Pakipirmahan nalang po dito." Iniabot niya sa akin ang resibo, at pinirmahan ko nga iyon. Matapos niyang magpasalamat ay umalis na siya. Sino namang magpapadala ng ganito kalaking kahon?

"Buksan mo na." Nagmamadaling inabot sa akin ni Cheska ang laman ng box. Bakit ba mas excited pa siya.

Dahan dahan kong binuksan iyon at may tumambad sa akin na card at may nakasulat na:

'I want you to wear this tonight, baby. -Ali'

"Baby!!!" Nagtititili si Cheska nang agawin niya ang sulat at basahin iyon. Itinulak rin niya ako dahilan para mapa atras ako. Hindi ko rin naman mapigilan ang kilig nang mabasa ko iyon. Wala talagang humpay sa pagpapakilig si Allison.

Tuluyan ko ng inilabas ang laman ng box at tumambad sa akin ang satin black dress. Mahaba iyon at may mahabang slit na makikita ang legs ko. Magkano na naman kaya ito?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Allison.

"Hi baby. I think nareceive mo na ang ipinadala ko?" How I miss her voice. Dalawang araw pa lamang kaming hindi nagkikita ay namimiss ko na siya. Palagi ko kasi siyang hindi naaabutan sa condo niya. Palagi siyang wala doon. Siguro ay marami lang siyang clients.

"Yes Ali. Saka para saan ba ito?" Muli kong sinipat ang dress. Halatang mamahalin.

"There will be an awards night later." Malambing niyang sambit. "At gusto kong kasama kita kapag kinuha ko ang award ko."

"Ha?" Idinikit ni Cheska ang tainga niya sa likod ng cellphone ko at nakinig sa pinag uusapan namin ni Ali.

"I'll see you tonight my baby." She also makes a sound na parang hinalikan niya ako. At ibinaba niya na ang tawag. Muling tumili si Cheska at nagtatatalon. Mas nauna pa siyang kiligin kaysa sa akin.

"Ang lakas maka teenager!" Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil naramdaman ko ang biglang pag init nito. "I'll see you tonight my baby." Ginaya niya pa ang boses ni Allison at saka ako sinundot sa tagiliran.

"Cheska!" Tili ko at sabay pa kaming nagtawanan.

"Mukhang naka move on na ang kaibigan ko ah!" Kumento ni Cheska habang itinatapat ang dress sa katawan niya. Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. Basta ang alam ko lang masaya ako kay Allison.

***

"Oh ayan, mukha ka na namang dyosa!" Napangiti ako nang makita ang hitsura ko sa salamin. Kasalukuyan akong inaayusan ni Cheska para sa awards night na dadaluhan namin ni Allison. Dito na rin niya ako susunduin sa Mugs Coffee, base sa napag kasunduan namin.

"Mukhang makaka score na naman sayo si Allison ah!" Pang aasar niya kaya hinampas ko siya sa kamay. Puro kamanyakan nalang palagi ang nasa isip niya.

"Alam mo may napapansin ako sayo." Kinausap ko siya mula sa salamin na kaharap ko. Natigilan siya at napangiti. Isinabit niya rin ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga niya.

"Ano yun?" Pagpapa cute niya.

"Nagiging losyang ka na!" Sumeryoso ang mukha niya at kulang nalang ay umusok na ang ilong sa inis. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa reaksyon niya.

"Nakikita mo 'to?" Pinakita niya ang kamao niya sa salamin. "Bumabasag ng nguso to!" Pagbabanta niya.

"Joke lang e!" At sabay pa kaming natawa sa kalokohan niya. Sobrang saya ko dahil sa simpleng ganito lang ay nakakapag bonding pa rin kami ni Cheska. Kahit na alam kong sila na ni Kim, tapos inililihim niya lang sa akin.

"Ma'am nandiyan na po si Ms. Allison." Nakangiting dumating si Arlene at nakasilip pa sa pinto ng office. Kita sa mga mata niya ang saya at mangha. Kinakabahan tuloy akong lumabas. Baka kung anong sabihin ni Ali, baka hindi siya magandahan sa akin.

Tanaw ko mula sa labas ng glass wall si Allison. Nakasandal siya sa pinto ng kotse niya habang humihithit ng sigarilyo. Nakasuot siya ng tuxedo na bumagay sa kanya. Mas lalo siyang nagmukhang lalaki sa pananamit niya. Kung ikukumpara nga siya kay Janus ay mas guwapo si Allison.

Narinig ko ang malalanding tawa ni Cheska at Arlene habang naglalakad ako palabas ng Mugs Coffee. Para bang nag slow motion ang lahat habang nakatatitig ako kay Ali. Dahil wala akong ibang nakikita sa paligid ko kung hindi siya.

Nang matapos niyang hithitin ang sigarilyo niya ay nilingon niya na ako mula sa kinatatayuan niya. Lihim akong napangiti nang makita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Umayos siya ng tayo at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang bulsa.

Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng saya nang muli ko siyang makita. Parang napaka habang panahon ng dalawang araw para mamiss ko siya ng ganito.

"Pwede ka ng magsalita." Nakangiti kong sambit nang lapitan ko na siya. Ginantihan niya lang ako ng ngiti at tila di alam kung anong salita ang lalabas mula sa bibig niya.

"Words can't describe how beautiful you are." Sambit niya na nagpatibok ng puso ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko, chinicheck kung nasa loob pa ba ang puso ko. Kung wala, ay baka na kay Allison iyon.

"Did I ever tell you that you're the most handsome lesbian I've ever seen?" Malambing kong tanong sa kanya.

Tumingala siya habang tumatawa. Para bang ayaw maniwala sa sinasabi ko.

"Hindi ko alam na bolera ka pala." Mahina ko siyang hinampas sa dibdib.

"Baka gusto niyo ng umalis, huwag kayo mag landian dito!" Sigaw ni Cheska mula sa pinto ng coffee shop. Nakita ko rin ang ibang staffs na nanunuod mula sa loob. Parehas kaming natawa kaya naman pinagbuksan na ako ni Ali ng pinto ng kotse niya. Sabay sabay namang nag wave sa akin ang mga tao mula sa loob ng coffee shop, at ginantihan ko rin naman sila ng kaway.

"I missed you baby." Nagulat ako sa biglang paghalik sa akin ni Allison sa labi. Sinubukan ko namang habulin ang matamis niyang halik pero umiwas siya.

"I dont want to ruin your lipstick." She winked at me. Saka niya pinaandar ang makina ng kotse niya. Pinapasabik niya ako masyado.

"Don't worry, may award ka rin na matatanggap sa akin mamaya." Hindi ko tuloy mapigilang hindi maexcite sa sinabi niya.

Nang marating namin ang lugar kung saan idadaos ang awards night, ay tila nakaramdam muli ako ng kaba. Paano ba naman kasi, mukhang mayayaman ang mga narito. Kung simpleng dress lang siguro ang isinuot ko, ay baka basahan lang iyon para sa kanila. Thanks to Allison, hindi niya ako pinagmukhang alalay niya.

Pagkababa ni Allison mula sa driver's seat, ay napukaw niya ang atensyon ng mga taong naroon. Marahil dahil sikat talaga siya, tapos ang guwapo niya pa. Parang gusto ko yatang tusukin ang mata ng mga babaeng tumitingin sa kanya.

Nang buksan niya ang pinto ay inilahad niya kaagad ang kamay niya sa akin. Parang ayokong lumabas, at pag usapan ng mga taong narito. Pero awtomatikong ipinatong ko ang kamay ko sa nakalahad niyang palad. Saka dahan dahang lumabas ng kotse niya.

Narinig ko pa ang pag singhap ng mga kababaihan. First time yata nila makakita ng isang dyosa. Nawala ang kaba ko nang ilagay ni Allison ang kamay ko sa braso niya at nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng event's place.

"Hi Allison." Sinalubong siya ng bati ng iba't ibang babaeng nadaraanan namin. Ngunit hindi niya iyon pinansin, sa halip ay tumingin siya sa akin at nginitian ako. As if I am the most beautiful lady tonight.

Iginiya niya ako sa isang VIP table kung saan naroon ang pangalan niya. Marahan rin niyang hinila ang upuan, at inalalayan akong maupo. Hindi naman nakatakas sa mata ko ang mga nakataas na kilay ng mga babaeng narito. Mga inggitera!

Nagsimula na ang program at ipinakita ang magagandang litrato sa malaking screen. Na ayon kay Allison ay kuha ng mga sikat na photographer na narito rin sa awards night.

Nabigla nga ako nang makita ang litrato ko sa presentation na iyon. Stolen picture ko iyon sa coffee shop. Marahan kong pinalo ang hita ni Ali dahil wala akong ideya na isasama niya sa slideshow na iyon ang picture ko. Nahuli niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

"I think I need to go to the restroom." Bulong ko kay Ali nang maramdamang sasabog na ang pantog ko. Naparami kasi ang pag inom ko ng juice na ibinigay sa amin ng waiter.

"Samahan kita?"

"Huwag na. Baka tawagin na yung pangalan mo e." I smiled at her at hinalikan ang likod ng palad ko, bago iyon tuluyang bitawan.

Mabilis ko namang natunton ang banyo dahil sa pagtatanong ko. Hindi na ako nag atubili at pumasok na sa isang cubicle na nasa bandang dulo.

Ang tagal kong pinigilan 'to. Nakatingala pa ako habang umiihi.

"Nakita mo ba yung kasama ni Allison Mendez?" Natigilan ako. Ako ba yung tinutukoy ng babaeng nasa labas ng cubicle na ito?

"Yeah. Wala man lang sa kalingkingan ng ex ni Allison." Maarteng sagot nung isa. "Saka hindi mo ba nakita, hindi pantay yung kulay ng mukha niya sa leeg niya." Napatayo tuloy ako at agad na isinuot ang panty ko. Kung nandito lang siguro si Cheska ay baka inilublob niya na ang mukha ng mga ito sa inidoro.

"Malaki lang naman yung dede niya. Tapos wala na siyang ibang kayang ipagmalaki." Parehas silang nagtawanan at doon na ako lumabas ng cubicle. Nagulat pa sila nang makita nila ang reflection ko sa malaking salamin na kaharap nila. Kung ano yung pag kakadescribe nila sa akin ay ganun na ganun sila.

Ang isa ay halos pumutok na ang suot niyang gown, na animo'y prom ang pinuntahan. At yung isa naman ay tila nahuhulas na ang kanyang make up dahil sa sobrang kapal. Tapos mas maputi yung mukha niya kaysa sa leeg niya. Hindi ko tuloy mapigilang tignan sila mula ulo hanggang paa.

Para silang nakakita ng multo at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan nila nang lumabas ako. Titig ko palang ay mukhang takot na sila. Kaya naman nagmadali na silang lumabas sa banyo.

At kasunod naman ng paglabas nila ay ang pagpasok ng babaeng naka gray na jacket habang nakasukbit ang hood sa ulo niya. Tumapat ito sa salamin at tila tinititigan ako.

"So I guess, you're her new submissive." Napatingin ako sa paligid nang magsalita siya. Ako ba ang kausap niya? "Ipagpapalit nalang ako ni Allison, sa isang katulad mo pa." Awtomatikong kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Excuse me?" She slowly removed her hood at tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na mukha ng babae. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, lubog ang panga, at naka pulang lipstick.

"Akala mo ba ay ikaw na ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa, dahil ikaw ngayon ang kasama ni Allison?" Napaatras ako nang magsimulang ihakbang niya ang mga paa niya palapit sa akin.

"S-Sino ka ba?" Malakas na loob kong tanong. Tumawa siya ng malakas at nag echo pa dito sa loob ng cr ang boses niya.

"You don't know me?" Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. "I'm Allison's favorite submissive. Rita Enriquez." Proud niyang pakilala habang tinaasan ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit kinamayan ko siya. Na dapat ay hindi ko na lang ginawa, dahil pinisil niya ang kamay ko.

"Aw!" Agad kong nabawi ang kamay ko. Pakiramdam ko ay mababali iyon dahil sa paraan ng paghawak niya.

"It hurts right? Pero mas masakit dyan yung biglang pag iwan sa akin ni Allison nang dahil sayo." Hindi ko siya maintindihan.

"I'm leaving. Nice to meet you." Akmang lalagpasan ko na siya nang pigilan niya ako.

"Your necklace." Mahinang sambit niya. At muli ko siyang hinarap.

"And my necklace are almost the same." Nabigla ako nang ilabas niya ang kwintas niya na natakpan ng suot niyang jacket. Parehas na parehas kami.

"It means she still owns me." Nakaramdam ako ng pagbabara sa lalamunan ko. Parang gusto kong maiyak pero hindi ko alam ang dahilan.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, at marahas na tinanggal iyon.

"Balang araw, pagsisisihan mo rin na nakilala mo si Allison. At makasisigurado rin ako na iiwanan ka rin niya na parang isang basura. Kagaya ng ginawa niya sa akin." Muli siyang humalakhak at mabilis akong lumabas ng cr.

"Samantha!" Napatalon ako sa gulat nang makasalubong ko si Allison paglabas ko ng pinto ng cr. Kasunod ko rin na lumabas din mula sa loob si Rita na nakasuot na ulit ang hood. She glared at me habang naglalakad palayo.

"Hey are you okay?" Natauhan ako dahil sa ginawang pag alog sa akin ni Ali. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.

"But you look pale." Bakit ganun ang pakiramdam ko? Bakit parang kinakapos ako ng paghinga?

"Let's give a round of applause to our best photographer of the year, Ms. Allison Mendez." Nakarinig kami ng palakpakan mula sa mga taong naroon. Iginiya niya na ako muli sa upuan namin bago siya umakyat ng stage.

Ni hindi ko nga naintindihan ang speech niya dahil walang ibang tumakbo sa utak ko kundi ang pagmumukha ng Rita na iyon. Pati na rin ang mga sinabi niya sa akin. Nagulat nalang ako ng umupo sa tabi ko si Ali habang nakangiti. Nakabalik na pala siya sa pwesto namin.

Hindi ko tuloy napigilang halikan siya sa labi na ikinagulat niya pati ng mga taong nakapaligid sa amin. Pero wala akong pakialam sa mga bulungan nila.

Bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang ipagdamot sa lahat?

"Congratulations." Bati ko sa kanya at sinakop niya rin ang labi ko.