walo
day off
"Kuya," humarap sa'min ang isang magandang lalaki.
He looked exactly like Helios, except with more mature features. A smirk on his face as his eyes shift to mine. Napahawak ako sa damit ni Helios at tinago ang sarili ko sa likod niya. Grey eyes, exactly like Helios'. Namana ata nila 'to sa ama nilang amerikano. Sa pagkakaalam ko'y hindi nagkakasundo ang mag kuyang Costales, tanging bunsong kapatid lang nila ang nagiging dahilan ng pagtiis nila sa isa't-isa 'pag na sa iisang kuwarto.
"Nakauwi ka na pala," he offered him a kind smile but his eyes glints with mischievousness. "Who's the girl with you?" He pertains to me. I inched closer to Helios' back.
I took a mental note of the fact that he could understand and speak tagalog, si Helios kasi ay lumaki sa States. Nakakaintindi ito ng tagalog pero hirap siyang bumigkas ng mga salita.
"I want you gone by one." Inignora niya ang tanong ng kuya niya at nagpatuloy na papunta sa labas kung nasaan ang pool at ang shed nila.
"C'mon, Helios. Is this how you treat your older brother?"
"I know no brother."
The level of tension was high and thick, I remind myself once more to keep shut. Hence why I bit my tongue the entire encounter of the Costales brothers. Hinigit na ako ni Helios paalis do'n, Maeve was already outside with Manang Luz. Kasama rin nila ang iba pang katulong na naglalapag ng mga snacks sa isang malaking lamesa na nasa gazebo. Ang pool rin ay nakahanda na. Maaliwalas ang iba't ibang kulay na sumasayaw sa gilid.
"Oh, ba't natagalan kayo?" tanong ni Maeve na may yakap na isang bote ng The Bar Pink Gin. Hinablot iyon ni Helios dahilan ng pag simangot niya.
"May gina—"
"We just prepared some snacks." putol ni Helios sa sasabihin ko. He turned on his heel, walking away from us to the mini bar area.
Maeve and I turned to each other with questioning eyes. She raised a brow at me but I just shrugged my shoulders in response. Deciding to just roam around the area, Maeve trailing behind me. An elegant gazebo stood at the corner of the wall, there's also a mini bar area and a fountain. I noticed some of the new structures built; a pool slide and the dive board being one of them. Nakalabas rin ang floating net nila, pati narin ang isang floating basketball hoop. Malawak itong pool nila Helios. Mero'n ding circular jacuzzi na naka-attach dito.
Inaya kami ni Manang Luzviminda na kumain muna habang hindi pa nagsisipuntahan ang mga kaklase namin. Pagkatapos kumain ay naghubad na si Maeve ng kanyang outer wear, leaving her only in her sexy red bikini. Maganda ang pangangatawan ni Maeve, she's really suited for the runaway. Mala-Kendall Jenner.
"Hi, welcome!" bati namin sa mga unang dumating. We greeted and catered a large number of people considering the fact that our grade had a maximum number of six thousand students.
Madaming bumati sa'kin, which is unusual. My heart warmed. Pakiramdam ko ay 'di sila naiintimidate at gusto nilang makipagkaibigan sa'kin. Maybe it's because this is our last year as senior high school students. Magkakahiwa-hiwalay na kami 'pag tapos nito.
Maingay sa gazebo pati na rin sa pool. Girls and boys in their swim wear, some of them were sat on the boys' shoulders as they playfully fought. Si Helios ay kasama ang kanyang mga kaibigan na lalaki, lahat sila'y nakaupo sa gilid ng jacuzzi. A can of beer in hand and foots submerged in the boiling hot water. Si Maeve rin ay nakikihalubilo sa mga kaklase namin, showing off her newest bikini and her new designer sunglasses.
Habang ako? I'm sitting on the pool's wide stairs. Observing the smiles on the people's faces. Inaasahan ko pa rin na pupunta sina Vortigern. It's only five p.m., surely he'll come. Sinandal ko ang baba ko sa tuhod kong yakap ko. Pinikit muna ang aking mga mata, nakakapagod din pala itong ginagawa namin. Nakakaantok din. A lot of the males complimented my body, while some of the females raised a brow at me. Sinabihan pa nga ata ako ng malandi dahil sa suot ko, hindi ito nagustuhan ni Maeve. Agad niyang pinaalis ito at nagpatuloy ang lahat na parang walang nangyari.
Noise erupted from the group of friends in front of me.
"Oh my Gosh, 'di ba hindi s'ya pupunta?"
"Shit man, tago mo na 'yan!"
"Andito na sila, ahh!"
"Maayos pa ba itsura ko? Nabura na ata 'yong mascara ko!"
The hushed chatters irritated my half-asleep state. I peeked open, discreetly observing my surroundings.
"Bhaltair, man, glad you're here!" rinig ko ang malakas na boses ni Helios.
Bhlatair's here? If he is, then Vortigern must be here as well. I abruptly open my eyes, halos lahat ay nakatingin sa banda nila Bhaltair. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang lalaking kanina ko pa inaasahang pumunta. Vortigern Zacarìas stood in all his glory, wearing a pair of black swim trunks. His mouthwatering abs on display for everyone to see.
Pati rin sina Bhaltair, parehong topless at pinagbubulungan ng kababaihan. May bitbit din silang dufflebag at iilang pool floaties.
Mukhang tuwang-tuwa naman si Yce sa atensyon na binibigay sa kanila at lumapit ito sa grupo ng babae na naghihikhikan. Samantalang si Zemex ay dumiretso sa kung saan nakalatag ang mga pagkain. Si Trevion naman ay seryosong kausap si Vortigern. Si Bhaltair, kausap parin si Helios. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa.
Mga babaeng kanina ay parang nasa loob ng palengke ay biglang umaktong Maria Clara nang makita ang Nexus.
Plastic, amputa.
Nasa gilid pa rin ako ng pool, 'di na 'ko nagtangkang lumapit kay Vortigern kahit na gustuhin ko. Pagod ako. Inaantok. Wala ako sa mood para magpapansin sa kanya. Kung gusto niya kong kausapin, puntahan niya nalang ako.
Day off ko ngayon. Bahala na sa kung ano mangyari, bukas na 'ko lalandi ulit. O 'di kaya'y mamaya. Ewan. Basta hindi ngayon.
My fingertips started to wrinkle up, so I decided to get out of the pool and eat along with Zemex who's still stuffing his face with the lumpiang shanghai. Nang tumayo ako ay napunta naman sa'kin ang atensyon ng lahat na para bang hindi nila ako napansin na nakaupo lang sa dulo ng pool.
Inis-snob ko ang mga lalaking naga-attempt to start a conversation with me. Tinatamad akong magsalita. I sauntered my way to the food area. The heavenly smell of lasagna calling out to me. Binati ko si Zemex na ngumiti sa'kin at in-offeran pa ako ng lumpia. Tahimik kaming kumain dito, nahagip ng mata ko ang tingin ni Vortigern.
Tinapik nito ang balikat ni Trevion at umakmang maglalakad papunta dito. I don't know why but I'm suddenly nervous. Pilit kong ibinalik ang tingin ko kay Zemex na kumakain. Sinubukan kong daldalin ito kahit na nahihirapan siyang magsalita dahil puno ng shanghai ang bibig niya.
A hand firmly clasps on my exposed shoulder. "Zemex." Vortigern's deep voice said as his breath fanned on my ear.