labing-isa
Eco bag
"Ano ba'ng nagustuhan mo do'n kay Vortigern?" Tanong ni Trevion habang nagmamaneho. "I mean, you're young. Madami ka pang makikilala, sixteen ka palang, right?"
"Turning seventeen," tutol ko.
Tumango-tango siya, the clicking of the turn signal replacing his silence. "Pero, bata ka pa rin. Don't waste your time on Vortigern if ayaw n'ya sa'yo." Sumulyap s'ya sa'kin saglit bago ibinalik ang tingin niya sa kalsada. "Vortigern... 'di s'ya nagseseryoso, Hekate. Madami namang nagkakagusto sa'yo, ba't kaibigan ko pa ang napagtripan mo? Ang landi kaya no'n. H'wag kang papauto. Basted-in mo ka'gad 'pag niligawan ka."
"Hindi naman sa gusto ko siyang maging boyfriend, eh." I lowered my head, "At t'yaka, bawal ba na malaman? T-tinatanong ko lang... malay mo 'di ba?" Pagkukunwari ko at bahagyang natawa sa ere. Masyado pa nga akong bata para magka-boyfriend! Tama s'ya! Tama...
Kinagat ko ang aking labi at mariing pumikit habang binabatukan ang sarili ko nang hindi nakatingin si Trevion sa'kin. Ang bobo ko, napakabobo ko! Ba't ko pa ba tinatanong? Malamang wala ang sagot! Napakaignorante mo, Hate!
After I made an attempt to explain myself, or to redeem myself from the boy-crazy girl that's probably formed in Trevion's mind, not one of us ever spoke again. A pale sort of silence fell upon us, the inaudible feeling became uncomfortable for me as I sat longer than a minute inside the car. The tension as thick as a book. Ininda ko iyon hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay kung saan naglalaro si papa at kuya ng chess sa front yard. Lumingon sa bahagi namin si kuya Ford dahilan ng paglingon din ng ama ko sa'min. 'Di naman nila ako makikita dahil mukhang heavily tinted itong car windows ni Trevion. His flashy car even captured the attention of the neighbor's nosy househelps. Kung ako 'man din ang makakakita ng isang matte black camaro sa tapat ng bahay ng kapitbahay.
"Thanks for the ride." Mahina kong bulong kay Trevion. Hindi na s'ya nagsalita pa, tumango nalang 'to as an acknowledgement to my thanks.
Unstrapping the seatbelt, I clutched the door handle open. I walked as fast as I could, 'til my legs burned like I just worked out. I sent a rushed, 'hello', to my father and brother and made my way in our humble home. Binagsak ko sa aking kama ang bag na dala ko, sinipa ko ang sapatos na suot ko sa isang tabi ng kuwarto. Mamaya ko nalang aayusin 'yon, sa ngayon, gusto kong matulog. The burning image of Vortigern and the girl sunk it's way deep in my heart and thought. The way her lips danced with hers and how he held her waist, staking his claim as he tongued her down. My toxic trait had always been talking negatively of what ever makes me sad in my mind, I've never been proud of it yet it's how I'm coping right now.
Para silang higad na nakadikit sa isa't isa, mga palakang naghahalikan. Yes, fill your mind with ill thoughts, Hate. It does help, I roll my eyes inwardly to myself. Madami rin pala akong karibal kay Vortigern. Baka abutin na ako ng graduation 'pag nilista ko pa 'yon isa-isa with the help of my gossiper friend, Maeve. Hindi naman sa jina-judge ko siya... well alright, maybe I am but that's not the point! Siguro tama nga si Trevion, dapat 'di ko nalang pinaglalaanan ng oras si Vortigern.
And so, that's what I did. I avoided him as much as I could during back to school.
I bit the inside of my cheek as I heard the shrill laughter of the girls in class, fawning over the man I was avoiding. It's been a day or so since I started my routine. Mukhang wala talagang paki si Vortigern sa'kin; he didn't even glance my way. Sinabit ko ang strap ng bag ko sa'king balikat, peaking at Vortigern through my eyelashes. May mga babaeng nakahawak sa kanyang maskuladong braso, parang mga sabik na sabik ito sa paraan ng paglamas nila sa muscles niya. Inayos ko ang uniform ko, pinagpag ang mga alikabok na naroon. Pilit na iniwasan ang nakakatunaw na tingin ng mga kaklase ko. May kumalat kasi na chismis, na nakita nila kong kasama si Vortigern at nobyo ko raw ito... 'di ko naman maitanggi ito kasi walang may gustong maniwala kundi sina Helios pati narin ang Nexus, dahil kulang nalang ay halos maghalikan na kami ni Vortigern 'cause of the stunt he pulled back at the pool party. He carried me everywhere, that bastard!
Even though I avoided Vortigern, I still slipped a few notes in his locker everyday. Anonymously, of course. Gusto kong magalit, pati na rin magwala dahil sa inaasta ko. Sabing iiwasan pero may pa-letter ka pang nalalaman?! Ga'no ka karupok, self?! Alam mo, tingin ko niloloko ko nalang sarili ko sa ginagawa ko. 'Di ko rin kasi maiwasan si Vortigern, pati na rin ang makita siya araw-araw. Sana mapunta nalang s'ya sa mars! No, sa pluto nalang para mas malayo! Para 'di na nag-iinit ang pisngi ko kada nakikita ko s'yang naglalakad sa hallway, o para tumigil na ang paghaharumando ng puso ko kada nakikita ko siya. Nakakabaliw!
"Bwisit!" Hinampas ko ang magkabilang pisngi ko nang makita ang panty kong punong-puno ng dugo.
Kung sinisuwerte ka nga naman! Ba't ngayon pa, kung keilan naiwan ko ang emergency kit ko?! Sa lahat ng araw na keilangan ko, wala! Lintik talaga! Buti nalang at makapal itong skirt uniform namin kun'di ay baka napahiya na 'ko dahil sa tagos. Nagtipa ako ng mensahe sa messenger para kay Maeve,
Gaga #1
Maeve, pasuyo naman ako. Pakibili ako
ng panty at napkin sa convenience store.
Nagkaron kasi ako, eh. Salamat, labyu 😘 :💬
After pressing on 'send' I released a blow of air and became sober to the sounds around me. Chineck ko ang cellphone ko kung mero'n na bang reply si Maeve sa'kin, bahagya akong nadismaya nang wala akong nakitang message galing sa kanya. Shet, baka nasa klase pa 'to? Hala. Pa'no na 'ko n'yan? Dito nalang ako sa loob ng cubicle hanggang sa matapos siya?! No way! I-text ko nalang kaya si Helios? Baka mag-reply iyon.
Nanlamig ako nang makarinig ako ng yapak ng mabigat na paa. The screeching noise of keys and footsteps made my heart race. Tangina. Napaka-anxious ko 'pag dating sa mga tunog lalo na 'pag mag-isa ako, hayop kasi si Helios! Pinanood ako ng horror, eh alam naman niyang takutin ako! Two knocks on the cubicle door interrupts my discord with my thoughts, I sucked in the breathe. Inhaling not only oxygen but other bacteria and feces molecules, too. But, that wasn't my main concern as of now.
My eyes languidly travel down to the open space of the door, polished shoes peeking at me. I flinched when the person pounded on the door.
"S-sino 'yan?" Nangingig ako sa takot. Tangina, wala pa naman akong dalang pepper spray o kung ano! Pa'no kung serial killer pala 'tong nasa labas?! I'm doomed!
"It's me." Vortigern's deep voice soothed my ridiculously racing heart, the pounding of anxiousness subsided. The ruffles of plastic reached my ears. He grunts.
Isang kamay ang naglahad sa ilalim ng isang transparent plastic bag na may laman na isang kulay pink na pack ng sanitary napkin. With shaking hands, I took it from him. He couldn't even see me yet my face burned with equal parts embarrassment and kilig! Bakit ka kinikilig, Hate?! Binigyan ka nga ng napkin ng tao dapat mahiya ka?!
"Sa-salamat." I fished the napkin from the plastic bag, "Buti walang nakakita sa'yo, pa'no 'pag nahuli ka?"
"Then let them see me."
Napailing ako, ngumuso upang pigilan ang ngiting sumisilay sa aking labi. "Sige na, alis na 'ko. Pinasuyo lang yan ni Maeve sa'kin. Busy kasi s'ya do'n sa group work namin."
"Salamat ulit!" Nakakahiya talaga 'tong si Maeve!
Like bubbles, he disappeared without a reply. I sighed and fixed myself. Flushing the toilet as soon as I was done. Pagkabukas ko ng pinto, agad na bumungad sa'kin ang isang paper bag na nasa loob ng eco bag na may disenyong bulaklak na iba't-ibang kulay. Kinalkal ko ang loob at nakitang punong-puno ito ng mga snacks na paborito ko, pati na rin ang isang tub ng ice cream na paniguradong tunaw na.
Comfort food. I searched this helps. - vk
I clutch the paper to my chest, sighing dreamily. Maybe, just maybe... I could let myself loose.