Chereads / Reaching For Her / Chapter 15 - fourteen

Chapter 15 - fourteen

labing-apat

see you

"P-po?" nagtataka kong tanong kay mama.

Akala ko ba ay botong-boto s'ya dito? Halos pahiyain niya na nga ako sa harap no'ng lalaking 'yon para lang makuha ang loob niya. Napatawa ako sa sinabi ni mama, ngunit naudlot din ang tawa ko nang makita ang seryoso niyang mukha.

"Pero bakit, akala ko ba'y gusto mo s'ya?"

Umiling siya. "Hekate makinig ka nalang kay mama. Promise me." She raised her pinky, I hooked my own around it. "Promise me that you'll stay away from that boy. Don't get close to him, don't engage with him anymore. Promise me, Hekate."

"Alright, I will." I crossed my fingers discreetly behind my back.

Kung ako lang si Pinocchio, siguradong mahaba na ang ilong ko sa pagsisinungaling ko kay mama. But, who can blame me? Malapit na si Vortigern sa'kin. We're sort of friend already, I didn't wanna throw that away. Akala ko pa naman tuwang-tuwa si mama kay Vortigern. Hay, I should stop thinking about it.

And I did just that, tinulog ko nalang ang pagiisip. Kinabukasan, bumungad sa'kin ang maligayang mukha ng isa sa mga freshmen pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng campus. Pupunta dapat ako sa canteen dahil do'n madalas nagiintay sina Maeve sa'kin. Malamang ay kumakain na naman si Helios at sinisita ni Maeve na h'wag magkalat dahil makalat kumain ang baboy na 'yon.

"Hello po, ate Hekate!" na-ilang ako sa pag-ate niya sa'kin. Mukhang mas matanda pa ito sa'kin.

"A-ay, hello. Please don't ate me, sixteen pa lang ako."

Her eyes widened at my sudden revelation. "Omg, ang bata mo pa pala! Anyways, gusto lang kitang imbitahan mamaya sa mini concert for senior high students. Wala ka naman sigurong gagawin mamayang gabi, 'di ba?"

"Baka may group pro—"

"Great!" isiniksik niya ang isang flyer sa kamay ko at umalis na.

"—ject ako."

My shoulders sagged when she disappeared like thunder. Masyado niyang dinamdam ang pagiging mas matanda sa'kin. Nilukot ko nalang ang papel at pinasok sa loob ng bulsa ng blazer ko bago maglakad papuntang canteen. Agad na nahagip ng mata ko ang dalawa kong kaibigan na nagtatalo na naman. I shook my head at the two before marching my way to their table.

"Ang tanga mo kasi, eh! Alam mo na nagaaral ako dito pero kinukulit mo pa rin ako, ayan tuloy!" May binato si Maeve na lukot na papel kay Helios. Tumama ito sa dibdib niya, walang ekspresyon ang mukha at hinayaan niyang murahin siya ni Maeve sa galit. "Nasira na ang reviewer ko, tangina naman Helios may exam ako mamaya!"

"Maeve, I'm so—"

"Next time, kasi! H'wag mo kong istorbohin 'pag nagaaral. Hindi man halata pero importante para sa'kin ang pagaaral ko, Helios! Ayokong matanggal sa honor roll! Naiintindihan mo ba?!"  Maeve's voice quivered as she said that. Her eyes glossed over, she wiped the traitor tear away.

Humikbi si Maeve at pinulupot ni Helios ang braso niya sa bewang nito upang yakapin. Hinampas-hampas ni Maeve ang dibdib ni Helios at sinabihan pa ng iilang mura habang ang lalaking 'to naman ay sinusuyo si Maeve. Kulang nalang talaga ay magkasagutan na 'tong dalawang 'to.

"I know, Maeve. I'm sorry, okay? I'll help you study. I'm going to ask Hekate if she has reviewers."

"Magtatanong ka pa do'n eh alam mo namang yolo lang 'yon sa mga exams niya! Bwisit ka, bitawan mo 'ko!" hagulgol ni Maeve.

Patuloy siyang pinapatahan ni Helios, napagdesisyonan ko nang lumapit sa kanila. "Alam niyo, diyan din nagsimula lolo't lola ko." pangaasar ko sa kanila nang pumagitna ako sa dalawa. "Tahan na, tutulungan na kita diyan na reviewer mo."

Hinigod ko ang likod ni Maeve. Parang nabuhayan ang kaibigan kong kaninang mangiyak-ngiyak nang makita ako, niyakap ako nito at nagpasalamat ng paulit-ulit.

"Hekate, are you going to the concert later? Maeve wants to go but I don't think I can accompany y'all. I'm so sorry." umiling ako kay Helios at sinabing hindi pa ako sigurado.

Nang tumahan na si Maeve at naturo ko na sa kanya ang mga lesson na hindi niya masyadong saulo, pumunta na kami sa building namin. Parting ways as we entered, kinabit ko ang earphones ko sa aking tainga. I fished in my blazer's pocket for my lip balm only to catch the crumpled flyer. Unfolding the paper, I scanned through the words in it.

Senior's night!

will be held at Northride's open field.

List of performers:

- Ben&Jerry

- January Avenue

- I belong in the cage

- St. Fox

- guniguni

- loud sanctuary

- Nexus

- Divine Her

Doors open at 6pm - Admission for non-Northern is 50 pesos, students from NCU get in for free! - See you there!

Nang makita ko ang Nexus na kasali sa list, 'di na 'ko nagdalawang isip pa kung pupunta ako. Nadismaya ako no'ng hindi ko makita si Vortigern sa loob ng room pagpasok ko. Siguro ay late siya, maaga-aga pa naman.

"Good morning, class." dumating na ang guro namin, wala pa rin si Vortigern. "Let's start our exam shall we?"

Pinasahan ako ng papel at agad akong nagsulat. Medyo hindi pa ako sigurado sa mga sagot ko dahil sa pagtataka kung nasa'n si Vortigern. Nauna akong matapos sa pagsagot at nagpahinga nalang muna bago i-recheck yung answers ko.

Mukhang tama naman. Pwede na 'to.

"Five more minutes." Anunsyo ng guro at lahat ay nagsi-bilisan sa pagsagot.

Meron pa nga'ng nangopya sa papel ko pero hinayaan ko nalang. Paiyak na siya eh, nakakaawa naman. Nang sabihin na ng guro ang salitang, 'pen's up." Pinasa na ng lahat ang papel nila sa harap. May iilan pang nagpasalamat sa'kin sa pangongopya, 'di ko sila pinansin dahil nakatingin sa'kin si sir. Ano kayang nangyari do'n kay Vort? He missed an exam. Baka maapektuhan ang grades niya.

"Okay class, you are now free. Test results will be announced on monday." tinaktak niya ang mga papel namin upang magpantay-pantay. "Enjoy you're senior night,"

Nang lumabas na si sir, doon na nagsimula ang ingay ng mga kaklase ko. Inayos ko na ang gamit ko. My phone vibrated, a message from an unknown number.

0956******

💬: See you at the shs night :) -vk.