labingdalawa
period
I curled myself into a ball, thinking that somehow would help reduce the stabbing in my lower abdomen. Pinatungan ako ni Mama ng kumot at sinuklay ang kanyang mga daliri sa buhok 'ko, hindi na niya 'ko pinapasok sa school dahil sobrang sakit talaga ng puson 'ko. Although my mom thought it was okay, the school won't be as lenient to my absence.
Dysmenorrhea should be a valid reason of absence. Women are strong to be able to work while being on their period. Kaya naiinis talaga ako pag kino-compare ng mga lalaki ang nararanasan namin kada buwan, "But, have you ever been kicked in the balls?" Oh come on Jose, are you kicked in the balls every day? No? Then shut the fuck up.
I blow out air from my mouth as tears pooled in my eyes. "Mama, ang sakit talaga." Iyak ko sa nanay ko.
"Hay naku, Niamh Hekate. Sabi ko sa'yo h'wag kang uminom ng malamig na tubig, tignan mo lumala tuloy lalo ang sakit ng puson mo." She unscrewed a tub of vicks, scooping out a glob. I watch her warm it in her hands, "Sa'n masakit, dito?" She massaged around my belly button.
Alam kong 'di ko dapat sinuway ang utos niyang 'wag uminom ng malalamig na likido pero hindi 'ko na ata kakayanin ang init ng bansang 'to. After massaging the vapor rub into my skin for a minute or so, iniwan niya na ako with a small hot compress resting on top of my belly. Minsan lang kaming magkita ni mama dito sa loob ng bahay, madalas kasi siyang abala sa kompanya namin. Sila ni daddy.
I'm fortunate enough to have my period cramps during her day-off, I liked being taken cared of by her. Pumikit ako ng mariin at bahagyang humikab nang makaramdam ako ng pagod. Gusto kong matulog ngunit pinipigilan ko ang sarili ko, sabi kasi ni mama nagpadeliver s'ya ng KFC. Hinilom ko ang aking tiyan na kumikirot pa rin. Para akong sinisipsipan ng dugo ng isang bampira sa sobrang dami. Naka-ilang palit na ko ng napkin pati bedsheets dahil tinatagos ako, kahit na may nakapatong na na tuwalya sa ilalim ko ay wala pa ring epekto. Gustuhin ko man uminom ng pain killers ay hindi naman pumapayag si mama kesyo hihina daw immune system ko and so on. Kaya 'eto, nagtitiis ako sa sakit.
Text ko kaya si mama na dalhan ako ng green tea?
Gumulong ako sa kama ko upang maabot ko ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng nigh stand. Kinapkap ko pa ang surface dahil hindi ko mahanap ito. Nasilaw ako sa liwanag ng screen nang buksan ko ito, nagtipa ako ng isang mensahe kay mama na nasa living room o 'di kaya'y sa kusina. Nang na-send ko na 'to, ibinaba ko na ang phone sa ibabaw ulit ng night stand. Tinaklob ko ang sarili ko sa comforter, malamig dahil binuksan ni mama 'yong air conditioner kanina, para akong nasa loob ng ref.
"Hijo, buti naman at napadalaw ka. Kaklase ka ni Hekate, sabi mo?" ang malambing na boses ni mama ang nagtanong.
"Opo, kakamustahin ko lang po sana kasi wala po s'ya sa klase kanina. Ba't po s'ya um-absent?" magalang na kinausap ni Vortigern si mama.
Nagising ako nang may marinig akong boses sa labas ng kuwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. I yawned loudly as I stretched my limbs. My abdomen felt better and I was no longer feeling needles pricking my insides. My eyes widened at a sudden recognition. Napasinghap ako at gumulong pababa sa kama nang bumukas ang pinto sa sobrang kaba.
Gago, anong ginagawa n'yan dito?!
"Hekate! Susmaryosep santa maria bulacan, anong pinaggagawa mo?!" Inangat ko ang sarili habang hawak ang ulo kong nauntog sa sahig. Ngumuso ako nang pagalitan ako ni mama; ako na nga 'tong nahulog at nauntog, pinagalitan pa 'ko.
"Ayos ka lang?" Vortigern's deep voice made my heart flutter as he stepped forward to help me.
Tumango na lang ako with a hand clamped down my mouth, bilang sagot dahil hindi ko alam kung mabaho ba ang hininga ko. Ba't ba kasi s'ya nandito, 'di ba may pasok 'yan?! I raised a hand in between us, halting his steps. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang dalawang kamay na akmang tutulungan ako.
"Oh s'ya, maiwan ko muna kayo dito. I'll go prepare the food. Vortigern, hijo." Lumingon s'ya nang tawagin siya ni mama, nginitian nito ang lalaki. "Please do stay for lunch, we're having chicken." sinarado na ni mama ang pinto, iniwan kaming dalawa dito.
Binagsak ako ang kamay kong nakalahad, my eyes travel down to his outfit. Tama nga ang hinala ko, nag-cutting 'to. Tinanggal n'ya lang ang blazer ng school uniform namin pati na rin ang I.D.; naiwan nalang ang neck tie na wala namang logo ng eskuwelahan, ang white long-sleeved button down, at ang slacks na kulay itim. Pati na rin ang leather shoes niya. Mukha siyang business man na galing sa meeting. Nakakapagtaka nga lang, ba't siya pinapasok ni mama? Taksil ang sarili kong ina, pinapasok niya ang hindi naman siya sure kung schoolmate or classmate ko nga! Hay naku, ito talagang si mama basta guwapo o feeling niya magiging asawa ko sa future hinahayaan niya!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nakatakip parin ng kamay ko ang bibig ko. "Ba't ka napadayo? 'Di ba hindi pa uwian? Hindi ka ba papagalitan? Umuwi ka na lang!"
Niluwagan niya ang kanyang necktie gamit ang isang kamay, may inilapag siyang paper bag sa ibabaw ng kama ko. "Papagalitan." 'yon lamang ang naging sagot niya.
"Oh papagalitan ka pala, eh. Bakit ka pa nandito, bumalik ka na sa campus hoy! Baka madamay pa 'ko sa kalokohan mo. Masisira good moral ko nang dahil sa'yo!"
He clicked his tongue. "Hindi 'yan. Don't be so stressed about it."
Aba, ang kapal talaga ng mukha nito at humiga pa s'ya sa kama ko! Pumunta lang ba s'ya dito para matulog?! Hindi ako na-inform na hotel na pala 'tong bahay namin!
My irritation peeked as he shut his eyes, crossing his arms above his chest. I bit the inside of my cheek and snatched the brown paper bag beside him. Glancing at him before opening it, he still had his eyes closed. Ano ba'ng ginawa nito at mukhang pagod na pagod? I unrolled the bag and fished my hand in it. Retrieving a black— what must've been— costly hoodie. Unfolding it, I sized it up to my body. Napakalaki nito para sa'kin. Pero, hindi naman 'to para sa'kin. Siguro.
"Suotin mo 'yan." Napatili ako sa gulat at nabitawan ko ang hoodie na hawak ko.
Nakakagulat naman 'to, bigla-biglang nagsasalita akala ko tulog!
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Ha?" bakas ang iritasyon sa kanyang mukha nang sabihin ko iyon, kunot-noo na ang kaninang niyang maamong mukha.
"Are you deaf?" a frown marred his lips. "I brought it for you. My brother's girlfriend said it would help with lessening your menstruational cramps if you're warm enough."
I was so shocked of what he said that I couldn't feel my lips twinge upwards. Sinuot ko ang hoodie at halos magmukha na itong dress sa'kin sa sobrang laki. It reached mid-thigh. Tinakpan nito ang suot kong spaghetti strap top at shorts. Ang bango din no'ng hoodie, amoy Vortigern. Nagpasalamat ako sa lalaking natutulog ngunit wala akong nakuhang response. Napagpasya kong magsipilyo nalang muli. Pagbalik ko sa kuwarto ko ay totoong tulog na yata si Vortigern dahil rinig na rinig ko ang soft snores niya.
Dahan-dahan akong lumakad patungo sa kanya. The bed creaked a bit when I sat down next to him. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha.
He didn't look masungit when he's asleep, he should stay this way. I hovered my hand above his hair, contemplating whether or not should I comb through his soft locks. Deciding to take the risk, pinasadahan ko ng aking daliri ang malambot niyang buhok. Uulitin ko sana ngunit napigilan ako nang bigla niyang hablutin ang wrist ko. He opened one eye to scan me down. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.
The small action made my heart race. He shifts his head to get a better look at me, with the small smile still on his lips.
"You wore it better than I did."