Anim
Preparing
"That's your reward."
"That's your reward."
"That's your reward."
Napatili ako sa kawalan at hinampas-hampas ang unan ko nang maalala ko na naman ang ginawa ni Vortigern kahapon. I could hear my heart beat... every single pound in my chest as it weighed on me. Madaling araw na ngunit gising pa rin ako kakaisip sa lalaking 'yon. He invaded my thoughts, his words, his eyes and his smile. Nang matapos na ang programme ay pinaulanan kami ng puri ng mga guro at estudyante, pati na rin ang staff.
Maganda daw ang chemistry namin ni Vortigern. It boasted my battered heart, tangang umaasa na naman porke hindi umangal si Vortigern. Tuwang-tuwa naman sina Zemex sa kinalabasan ng performance namin. 'Di daw nila inaasahan na gano'n kaganda, para daw kaming totoong in love.
Gumulong-gulong ako sa kama ko habang nakasubsob ang mukha ko sa unan ko, pinipigilan sumigaw dahil baka marinig na naman ako ni Demeter. I lift my head up from my pillow, my vision searched for the clock.
Three o' clock. It said in bright bold numbers.
I huffed and rolled on to my back, spreading my arms and legs. Indulging in a staring contest with the ceiling. The morning cries of chickens came to life, the crickets chirped. Grabe na talaga, ganto ba talaga 'pag may crush? Ba't 'yung past crushes ko, 'di ko naman binibigyan pansin masyado at hinahangaan ko lang. Siguro dahil masungit si Vortigern. 'Di niya 'ko gusto. It's thrilling. Unlike my pasts, lagi nila kong nagugustuhan pabalik. Kaya nawawalan ako ng interes sa kanila.
'Di tulad ng iba na natutuwa pagkina-crushback sila, ako ayokong nirereciprocate ang feelings ko. Dagdag na rin siguro na takot ako sa commitment at 'di na 'ko gaanong nagse-seryoso sa mga nagugustuhan ko. I wasn't that affected when my first boyfriend broke up with me, well, dapat nga ay galit ako kasi nagloko ito. Pero 'di ko talaga kayang magalit sa taong minsan rin akong naging masaya sa piling niya.
Unconciously, my arm rose up and touched the air. I spread my fingers apart like I was reaching for something. 'Di ko alam ba't ko ginagawa 'to, madalas ay 'di ko nalang namamalayan nakataas na pala ang kamay ko. Napatalon ako sa kama ko nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock ko. Napagulong ako pababa ng kama sa sobrang antok at gulat. Nauntog pa nga ang ulo ko sa wooden floors. Dumaing ako sa hapdi. Lumuhod ako at kinapkapan ang kama ko upang mahanap ang cellphone kong nag-iingay.
"Aha!" sigaw ko nang mahawakan ko na ito.
Party time! woot woot!
6:30 a.m.
<< snooze dismiss >>
Holy Shit. Time pasts by quickly, 'di ko namalayan na tatlong oras na pala ang nakalipas kaka-munimuni ko. Ngayon na pala 'yong binabalak namin! Nagmadali akong tumayo at inayos ang kama ko bago tumakbo papunta sa banyo para magsipilyo muna. Naghilamos lang ako at 'di na pinaliguan ang buhok ko dahil maliligo rin naman ako mamaya pag uwi o 'di kaya do'n sa kuwarto ni Maeve.
I wrapped myself in a soft towel, I absolutely despise the ones with rough material. They irritated my skin. Dumiretso na 'ko sa closet ko at naghalungkat ng susuotin. I know I should've done this earlier but I didn't have the will to do so, I felt too lazy and Vortigern's words flooded my senses. I found a navy blue swimsuit that's been gifted to me by Demeter last year on my sixteenth birthday. I liked the cuts on the side, it suited my feminine body. Sexy one piece's definitely an eye-catcher. I chucked it inside my small duffle bag along with my spare clothes and other necessities.
Nag-spray rin ako ng pabango sa sarili ko matapos kong magbihis. I checked my outfit in the body length mirror beside my study desk. Just a pair of shorts and black cropped top, matching it with a pair of platformed sandals that had straps around it.
"Good morning," bati ko kay kuya nang makita ko siyang kumakain sa may kitchen island. Kunot-noo siyang tumingin sa suot ko at sa nakasabit na bag sa balikat ko.
"Sa'n ka pupunta?"
"Sa bahay lang ni Maeve. Mag swi-swimming lang kami."
"Pumayag sina mama?" I rolled my eyes at his question. Malamang pumayag sina mama. Sipsip si Maeve sa magulang namin, kaya madalas pag sinasabi kong sa bahay lang ako ni Maeve o 'di kaya'y kasama siya sa gala at hatid-sundo niya ako ay pinapayagan na agad ako.
"Opo, 'tay." ngisi ko sa kuya ko.
I spun my heel after snatching an apple from his tray, taking a huge bite on it. Maglalakad na sana 'ko patungo sa pinto ngunit pinigilan na naman ako ni kuya.
"Hoy!" sigaw niya. "Sino maghahatid sa'yo?"
"Si Maeve susunduin ako! Sige na, ba-bye. Love you!" tumakbo na 'ko sa pinto at lumabas na ng bahay upang 'di na niya 'ko mapigilan pa.
Habang naglalakad, I couldn't help my thoughts travelling to Vortigern. Pupunta kaya siya? I prepared just for him, sayang naman ang effort ko 'pag 'di siya nagpakita. Isang harurot ng kotse ang nakakuha ng atensyon ko. A black montero parked in front of me as I open the gate of our house. The tinted window at the passenger's seat slid down, revealing the girl I was waiting for.
Malaki ang ngiting nakasilay sa labi ni Maeve habang sinigawan ako na pumasok na sa loob. Hawak ko na ang door handle ng backseat ngunit natigilan ako ng boses ng kuya ko.
"Hoy, Maeve!— Ay, Riot!" lumingon ang kapatid ni Maeve na si Kuya Riot, mula sa driver's seat sa kuya kong sumisigaw nang nakapasok na 'ko sa loob. "Ingatan mo 'yang bunso namin ah, papatayin kita kapag 'di 'yan bumalik ng isang buo!"
Kuya Riot smirked before saluting his middle finger to Kuya Ford, humalaklak ito ng malakas bago siya nag-drive palayo sa bahay. Binalutan kami ng maingay na katahimikan, minsan lang nagsasalita si Maeve. May pagka-anghel kasi 'to sa harap ng kuya n'ya. Maeve pulled me out of the backseat along with all my stuff, we march our way to their colossal mansion. Mamayang two p.m. ang start ng party, I shift my gaze to their father clock.
Nine-thirty a.m., I read it through roman numerals.
"Kuya, sa taas lang kami ni Hate. 'Pag dating ni Helios paakyatin mo na lang. Thanks!" She rushed her words and ushered me up their stairs. Kumaway-kaway pa 'ko sa iilang kasambahay na nandito na kilala ako o 'di kaya'y madalas kong nakikita 'pag pupunta ako dito sa mansyon nila.
Maeve twisted the doorknob and pushed the door open, agad akong pumasok. Humilata muna 'ko sa malaki at malambot niyang kama. Binagsak niya ang bag na dala ko sa sofa niya dito. A chesire cat-like grin spreads her lips before pouncing on me like a feral lion.