Chereads / Faking Pleasures [FILIPINO, TAGALOG] / Chapter 19 - Chapter Eighteen - Tempting

Chapter 19 - Chapter Eighteen - Tempting

"Done!" Warren said as he put the last plate on the tray. He sounded like a 5 year old kid who was able to finish his task.

I gave him a towel and we both wiped our hands. Ang tigas talaga ng ulo niya, hindi man lang nagpahinga. Tinulungan pa ako sa paghugas ng mga pinggan.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tiningnan ko ang orasan at pasado alas nuebe na ng umaga.

"Pinapauwi mo na ba ako?" He pouted.

I rolled my eyes. Kinuha ko ang towel mula sa kaniya nang mapansin kong natuyo na ang mga kamay niya at isinampay ko ulit kasama na yung akin.

"What I mean is, wala kabang gagawin ngayon?" I asked and went to to the sala. Sumunod din naman siya sa akin.

"Wala." He replied. "Tatambay lang ako dito."

Kumunot ang noo ko. "Hoy! Hindi sari-sari store itong unit ko para dito ka tumambay. May gagawin pa ako ngayon, kaya kung gusto mo ng umuwi at magpahinga, umuwi kana."

"Tinataboy mo na ba ako?" He suddenly hugged my waist. "After we slept together?"

After hearing those words, uminit kaagad ang pisngi ko. Is he for real? When did he learn saying those lines?

"Chosero mo din e, no?" I cupped his face. "May pupuntahan ako ngayon. Kaya please, magpahinga ka. Abot na sa baba yung eyebags mo!"

It was joke but he definitely looks tired. Nagiging mapungay na yung mga mata niya. Did they overwork him?

He pulled me closer and buried my face on his chest. Damn! Nahawakan ko pa yung tyan niya na may mga pandesal!

"Where are you going? Pwede ba akong sumama?" He pleaded.

"Huh?" Kumawala ako at tumingala sa kaniya. "Hindi pwede. Mapapagod ka lang."

"Bakit nakakapagod?" Kumunot ang noo niya. "Saan ka ba kasi pupunta at kailangan pang mapagod?"

Tumaas ang tono ng pananalita niya. Lumayo ako sa kaniya ng konti.

"I'm doing a volunteer work. Schedule ko today."

"I see." Kumalma siya. "Kung mapapagod ka lang din naman, you should stop."

"You don't get me." I took a deep breath. "My point is, hindi ka sanay sa mga ganung bagay kaya baka mapagod ka. I've been doing it for years. Well, nakakapagod ng konti pero napakarewarding naman kapag nakikita mo yung mga ngiti ng mga bata."

Tinungo ko na ang kwarto ko at binuksan ang cabinet para pumili na ng susuotin habang si Warren naman ay sumandal sa pinto.

"I'm going to the orphanage." Dagdag ko. "You still want to come?"

"Of course! I'm just waiting for your approval."

"Great." Nilapitan ko siya at hinawakan ang door knob. "Wait outside and I'll be ready at 5."

"Can I just sit on the bed and watch you?" He wiggled his brows. "I promise, I'll sit like a statue."

Huminga ako ng malalim. "Tigilan mo ako, Warren. Lumabas kana at malelate na tayo."

Nang matapos ko siyang itulak ay ini-lock ko kaagad ang pinto. I tapped my cheeks. My heart was abnormally beating after hearing those tempting words! I shook the thought away. I need to get a hold of myself!