Chereads / Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 7 - Kabanata 4

Chapter 7 - Kabanata 4

KASALUKUYAN naglalagay ng mga dadalhing gamit si Carrieline sa kaniyang lagguage nang marinig niya ang malakas na katok sa may pintuan ng kaniyang silid. Iniwan niya saglit ang ginagawa at agad na binuksan ang pintuan, ang best friend niyang si Jared ang nabungaran niya. Hindi na siya magtataka na basta na lamang itong nakapasok, dahil iniwan niya sa may sala si Toushiro. Napatingin ito sa mga gamit niyang nagkalat sa kaniyang kama.

"Wow! Milagro sa imposible Carrie, gagala ka?"nakakunot-noong sabi nito sa dalaga na nag-umpisang maglakad papasok sa kaniyang silid, mataman nitong tinitignan ang ginagawa niya. 

Alam niyang mang-aasar lang ito, tulad ng nakagawian nitong gawin. Highschool mate niya ito, na naging best of friends na rin. Kaya lahat ng sekreto nito ay alam nito, maski ang pananaginip niya sa misteryusong lalaki ay alam din nito.

"Oo naman, tao lang ako Red kaya manahimik ka diyan. Ang mabuti mong gawin ay mag-order ka ng makakain, nakakahiya kay Toushiro  na nasa sala, kanina pa naghihintay,"utos niya rito, habang patuloy siyang nagtutupi.

"Huh, ano bang sinasabi mo? Sinong Toushiro? Wala kayang tao sa sala."naguguluhang sabi nito kay Carrieline. Agad na naglakad ito at pumunta sa sala para icheck kung magsasabi ito ng totoo, sa pagkamangha niya'y wala roon ang binata. Muli, nagtataka siyang napabalik sa pag-aayos. Ewan niya basta-basta na lamang itong nawawala, iniwan na lamang basta nito ang pintuan ng condominium niyang hindi nakalock. Paano kung may masamang tao ang pumasok, 'di napahamak pa siya. Mamaya sesermunan niya ito, kung may balak pa itong bumalik. Baka pinagtritripan na naman siya nito.

"Oh natulala ka na diyan?"Takang tanong ni Jared.

"Wala, ano bang kailangan mo at bigla kang dumaan dito?"Iritang saad niya, ipinagpatuloy na lang niya ang pag-aayos baka kasi bumili lang ito ng pagkain sa labas kaya wala ito sa sala. Ayaw siguro nitong maisturbo siya. 

"Huh? Nagtext ka kaya. Ano ba 'yan Carrie ang layo ng Novaliches dito sa inyo tapos gaganiyan mo ako. Nangpa-prank ka na naman ba?"Naniningkit nitong sabi, ipinagsalikop nito ang dalawang kamay at mataman lamang siyang tinitigan nito.

"Halla! Wala akong itenetext sa iyong hudyo ka. Ang kapal nito!"Inis niyang irap habang isinasarado na niya ang kaniyang laguage.

Inilabas na niya ito sa kuwarto, agad namang sumunod si Jared sa kaniya. Busy itong kinakalikot ang hawak na touch screen phone. Lukot pa ang mukha ni Jared habang panay ang swipe ng daliri niya sa hawak-hawak nitong cellphone. Umaliwalas ang mukha nito ng tila may nabasa ito.

"Ito kaya oh, kanina mo lang itenext 'yan." Kumibot-dili ang mga labi ni Carrieline, habang minamasdan niya ang screen ng cellphone nito. Tama nga ito, mga bandang alas-nueve ng umaga nito narecieve ang naturang mensahe na galing mismo sa cell number niya. Agad niyang hinagilap ang kaniyang cellphone, actually kanina pa iyon nakapatay. Kadalasan kasi niyang pinapatay ang kaniyang aparato kapag nagcha-charge, para mas mabilis ang pagfull ng battery niyon. Agad niyang in-open ito, sunod-sunod ang pagpasok ng iba't-ibang mensahe sa kaniyang cellphone.

Isa sa nakaagaw ng pansin sa kaniya ay ang text nga ni Jared. Agad niyang ini-open ang nakacapslock na name na Demonyo sa phone message niya. Demonyo ang iniligay niyang name nito roon, kasi ubod ng demonyo ito sa kaniya. Habang siya Angel ang nakasave na pangalan naman niya sa phone book nito, dahil anghel siya sa kabaitan dito. Kahit lagi nalang siyang binubully nito, natiis niya ito. Kaya walang tumatagal na babae rito. Bukod sa playboy na nga ubod pa ng pilyo. Gwapo sana  kaso, mongoloid ang utak.

"Nabasa mo Carrie? Itenext kong sasaamahan kita. Kaya naisip kong agad kang puntahan, nacorious kasi ako. Tama pala ang hinala ko, nagbabalak kang magbakasyon sa inyo." Nangingiti nitong sabi, muli nangunot-noo ang noo niya.

"Wala akong sinasabing sa amin tayo pupunta ano, wait hintayin ko lang si Toushiro, "agad niyang agap sa mga sasabihin pa nito.

Kasalukuyan siyang nagtetext sa Papa niya ng biglang may nagpop-in na message sa messenger niya. Galing iyon kay Tosh, hindi niya aakaling buhay pa ang messenger nito. Nakita niya pa roon ang huling mensahe nila sa isa't-isa may sampung taon na ang nakararaan. 

"Carrie, mag-iingat ka."basa niya sa pm nito. Labis siyang nagtaka kong para saan ang babala nitong mag-iingat siya. Lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari, agad siyang nagreply dito. 

"Nasaan ka ba?"Agad niyang type at sabay send. Mabilis din itong nagreply sa kaniya.

"Makikita mo sa likod ng larawan kung nasaan ako Carrieline, please mag-iingat ka. Alam ko ikaw ang magiging susi."

Kahit nalilito, agad niyang kinuha sa bag ang larawan na napulot niya kani-kanina lamang sa parking lot.

Patingin-tingin lang naman si Jared na animo'y takang-taka ito sa kaniyang ikinikilos.

Muli niyang pinagmasdan ang mga batang nasa larawan, ngayon niya lang napagmasdan ng maayos ang mga itsura ng mga ito. Nakita niya sa gilid ang Buwan, Araw at Taon na nakalagay sa larawan...

August 13, 2010 ika-sampung taon ngayon kung susumain.  Mabilis niyang hinanap ang sinasabi ni Toushiro. Makikita niya raw mismo sa larawan kung saan siya naroroon, mabilis na gumana ang utak niya. Tila pamilyar sa kaniya ang lugar kung saan nakuhan ang larawan. Mabilis niyang inikot iyon, mula sa likuran ng  kupas na larawan ay may nakasulat roon. 

"St. Benidecio Liqueñsello School Y.R 2006-2007."

Biglang napaawang ang kaniyang labi habang nanlalaki ang kaniyang mga mata ng mapagtantong lumang eskuwelahan iyon sa kanilang lugar. Binalak niyang mag-aral doon dati, ngunit mas pinili ng kaniyang Daddy na dito siya sa Manila mag-aral. Hanggang sa nakapagtapos at nakapagtrabaho na nga siya. 

"Uy! namatanda ka na diyan."tinapik-tapik pa ni Jared ang pisngi niya. Agad niyang itinikom ang bibig pagkatapos.

"Tama ka nga Red sa amin nga tayo pupunta, tara mahaba-haba pang ibiya-biyahe natin." yakag nito sa kaniya, sabay hawak at hatak dito.

Kakamot-kamot nalang sa ulo si Jared, napagdesisyunan niyang siya na muna ang unang magmamaneho. Mahigit sampung oras kasi ang tagal ng magiging byahe nila.

Nasa biyahe na sila ng  mula sa pagkakasandal sa upuan ay unti-unti siyang napapikit. Hanggang sa tuluyan siyang hilahin ng antok. Hindi niya aakalain na muli na naman siyang dadalawin ng misteryusong panaginip na patuloy sa paghabol sa kaniya  hanggang sa kasalukuyan...