KINABUKASAN, maaga pa rin nagising si Carrieline. Kahit puyat nang nagdaang gabi ay hindi iyon naging hadlang sa dalaga para bumangon ng maaga. Mabilis siyang kumilos para maghanda sa pagpasok, dali-dali niyang inayos ang higaan. Naglabas narin siya ng mga susuotin ngayong araw, agad siyang pumunta sa banyo para maligo.
Habang nakababad siya sa dutsa ng shower, matama niyang tinitigan ang repleksiyon niya sa salamin ng banyo. Pinapalibutan ng salamin ang kabuuan ng kaniyang banyo, kaya kitang-kita niya ang buo niyang katawan.
Nilapitan niya ang salamin at marahang pinunasan ito, gamit ang basang kamay. Patuloy na bumabagsak sa kaniya ang maligagam na tubig, actually marami ang naghahangad sa kaniya.
Sa dalawampu't-limang taon niya sa mundo. Never pa siyang nagkakanobyo, hindi dahil sa physical appearance niya. Hindi rin siya mapili, nakikipagdate rin siya. Ngunit ni isa walang nakakuha ng atensyon niya.
Maganda siya sa totoo lang, mahaba ang buhok niyang umaabot sa kaniyang beywang. Kulay chokolate na natural ang pagkakawavy nito, kulay luntian at bilugan ang kaniyang mga mata . Mahaba ang kaniyang pilikmata. Matangos ang ilong, nagtataglay din siya ng cheek bone na lalong nagempasize sa kabuuan ng kaniyang mukha. Mamula-mula ang kaniyang labi. Umaabot sa 5'4 ft. ang tangkad niya, may balingkinitan siyang katawan.
Kapag nasa matao siyang lugar, hindi naiiwasan na titigan siya ng mga nakakasalubong. May katangian siyang wala sa iba, tila may magneto ang angkin niyang kagandahan. Mapalalaki man o babae ang kaharap.
Napakurap siyang muli nang maalala ang dahilan, kung bakit napuyat siya. Muli nanariwa sa kaniyang balintataw ang mukha ng lalaking nasa panaginip niya. Ito ang dahilan, kung bakit hindi maarok-arok ng kung sino man ang kaniyang damdamin. Ang lalaking laging laman ng panaginip niya, ang tila nagsisilbing basehan niya sa pagpili ng lalaking mamahalin. Napakurap siya ng marinig ang malakas na pagtunog ng ringing tone ng kaniyang cell phone sa silid.
Mabilis niyang pinatay ang patayan ng shower, agad na pinatuyo ang sarili at sunod na isinuot na niya ang roba.
Mabilis niyang dinampot ang ear pod niya, saka isinuksok sa magkabila niyang tainga. Agad niyang pinindot ang answer button pagkatapos.
Kahit hindi niya tignan kung sino ang caller ID, maliwanag na ang ama niya ang nasa kabilang linya. Natitiyak niyang may sasabihin itong napakaimportanteng bagay sa kaniya.
"Hola, cómo estás? Buenos días, Carrie" panimula ng kaniyang Daddy na nasa kabilang linya. Salitang espanyol ang lenguwahe nito na ang katumbas sa Salitang tagalog ay "Hello, kamusta ka. Magandang umaga Carrie."
"Hola papi buenos dias Estoy bien, ¿por qué estás llamando?"(Hai Daddy, good morning. Im okay, bakit ka nga pala napatawag?)Sagot niya rito.
"¿Por qué no te llamo, siempre tienes un motivo infantil?"(Bakit hindi ba ako puweding tumawag, palagi bang dapat may dahilan anak?)Amuse nitong sabi mula sa kabilang linya. Natitiyak kong naiiling pa siya habang sinabi iyon. Natuto itong magsalita ng salitang espanyol, dahil matagal itong na nanirahan sa Italy. Doon nito nakilala ang Mommy niya, ang ina niya ay purong espanyol kaya ang iba niyang features ay nakuha niya mula rito. Ang kaniyang kulay ng buhok, kulay ng mata at kutis.
"That's right, I just want to ask my favorite child. if you've wondered what I'm saying?"
Dahil sa sinabi niyang iyon, bigla siyang nawalan ng ganang makipagusap rito.
"Hindi kana umimik, Carrie?" Tanong nito sa kabilang linya, matapos ang mahabang patlang.
"Pwedi Daddy sa ibang araw nalang natin pag-usapan iyan," patuloy ni Carrieline, nagsimula na siyang maglagay ng make up pagkatapos maisuot ang damit niya.
"Pe-pero anak, hanggang kailan mo iiwasan ang topic na 'to. Tumatanda na ako. Alam mo namang ikaw lamang ang maasahan ko sa pagpapatakbo ng negosyo natin," patuloy nito.
Mataman siyang nag-isip, mabusising inaalisa niya ang dapat niyang sabihin sa ama. Bumuntong-hininga siya, bago muling magsalita.
"Okay Daddy, kukuha lamang ako ng vacation leave sa opisina. Uuwi ako, kaya please Daddy change topic. Umaga ng-Umaga, "sabi niya rito, upang kahit paano maiiwas niya ang pagkakaroon nila ng ama nang hindi pagkakaunawaan.
"Mabuti naman Carrie, sana nga matuloy na iyan. Inaasahan ng Mommy mong makakauwi ka bago matapos ang taong ito. Saka may ibinilin pa ang Mommy mo na dapat kong sabihin sa'yo."
Ewan niya, pero pakiramdam niya. Tila natatawa ang ama sa huling pangungusap nito, mula sa kabilang linya.
"Ano iyon Daddy, please spill it up. Mahuhuli na ako sa trabaho. Napakatraffic pa naman ngayon dahil Lunes. I need to end this call now Daddy." Sabi niya rito, mabilis na niyang dinampot ang itim na prada shoulder bag niya. Agad niyang hinablot ang car key niya na nakapatong sa ibabaw ng side table niya.
Dali-dali siyang lumabas ng condo, papasok na siya sa loob ng kotse ng muli niyang marinig ang boses ng ama sa kabilang linya.
"Pinapasabi ng Mommy mo na sa pagbabakasyon mo rito. Kasama mo na ang nobyo mo," tatawa-tawang sabi ng ama niya sa kaniya.
"Hay naku Daddy, iyan na naman kayo. Dati, ayaw niyong magbo-boyfriend ako. Ngayon halos ipinagtutulakan niyo na akong mag-asawa." Naiiling at naiiritang sabi niya sa kanyang Daddy.
"Malay namin Carrie meron kang maiuwi rito sakali." Pang-aalaska pa ng ama niya sa kaniya. Bago tuluyan nitong pinatay ang tawag.
Ini-start na niya ang engine ng kotse, para makaalis na siya papuntang opisina. Tila nariring pa niya mula sa isipan ang naging biro ng ama sa kaniya, napapailing nalang siya pagkatapos. Latelty ay bukambibig ng Daddy at Mommy niya iyon. Atat na atat na ang dalawang magkaroon siya ng boyfriend at makapag-asawa na rin sakali. Ngunit, tila mailap sa kaniya iyon, dahil patuloy parin kasi siya sa paghahanap ng kasagutan sa lahat. Kung sino ang lalaking lagi niyang napapaginipan, halos laging masakit ang ulo niya sa tuwina dahil sa puyat ng kakaisip sa lalaking nasa panaginip niya. Kailangan na niya sigurong kumuha ng vacation leave. Limang taon na din na lagi siyang subsob sa trabaho, maybe it's time her to unwind.
Napatingin siya sa cell phone na nasa dash board ng kaniyang kotse. Isang message iyon galing sa kaibigan niya sa isang GC dati. Hindi niya aakalaing, maaalala pa siya nito. Napakatagal ng panahon nang huli silang magka-usap nito. Ang huling usap nila ay sampung taon na ang nakararaan, noong panahon kung saan active pa siya sa group chat nila. Kung saan sa batang edad na kinse naranasan niyang magkaroon ng ka-MU. Fifteen palang siya noon at napakabata pa niya talaga. Muling nagbalik sa daan ang pansin niya magpalit ang ilaw ng traffic light sa kulay green.
Agad niyang pinatakbo ang kotse, naalala niya 'yung mga panahong kung kailan siya unang umiyak nang dahil sa lalaki. Hanggang ngayon palaisipan parin kay Carrieline, kung nasaan na ang unang lalaking nagustuhan niya.
Naalala pa niya ang huling pag-uusap nila nito. Kung saan napagkasunduan nilang magmemeet up sila rito sa Maynila. Ngunit bigla nalang itong nagsabi sa kaniyang hindi na ito makakapunta. Dahil nagkaroon ng emergency sa mga kapatid nito. Napahigpit ang hawak niya sa manibela pagkatapos.
Dahil magmula sa araw na iyon, wala na siyang naging balita rito. Bigla itong nawala na parang bula.
"Bakit, anong nangyari sa iyo at nasaan ka na Toushiro..." salitang ibinulong ni Carrieline sa sarili habang nakatingin sa kawalan.