Chereads / Their Cursed Love / Chapter 5 - Kabanata 04

Chapter 5 - Kabanata 04

Kabanata 4

Recommendation

Kinabukasan di ako pinansin ni Aila. Tahimik lang itong nakaupo sa sofa habang nakatanaw sa bintana. I blew a loud breathe and decide to go out. Sabay kami ni Dad na umalis.

The elevator is about to close, pero bumukas ulit ito at pumasok ang galit na galit na babaeng kahalikan ni Cadu. How could I forget this woman? Tsk! Nagmumura ito at minumura si Cadu. Halos dumikit na ako sa dingding ng elevator sa takot na baka bigla nalang iyon manghablot.

"Go to hell, Thiago! Go to hell! Urrrghhh!! Fuck you!" patuloy na mura nito. Nagkatinginan nalang kami ni Dad na naiiling.

Pagdating ko sa trabaho, agad kong nakita si Sir Raven habang kausap nito ang isa sa mga kasamahan namin. Napakagat labi nalang ako nang bigla itong tumingin at ngumiti sa akin. Napayuko nalang ako bago dahan dahang naglakad palapit sa counter.

Malapit ng matapos ang duty ko nang namataan ko si Cadu na papasok sa bookstore. Bitbit nito ang librong hiniram nito noong nakaraan. Seryoso lang ang itsura nitong lumapit sa pwesto ko at nilapag sa harap ko ang libro.

"I'll borrow a new one," he huskily said. Unti- unti lang akong tumango at binigay ang librong gusto nito.

I haven't seen him yesterday, but he looks more handsome today.

Pag uwi ko walang katao tao sa sala. Ngayon kasi ang biyahe nina Mom and Dan patungo sa States para e-meet ang pamilya ni Oden. Isang IT expert na siyang papakasalan ko raw. Daddy wants us to marry an IT experts or an architect. But architect is the second option. Bumuga nalang ako ng hangin bago naglakad patungong kwarto.

Alas dose y medya nang magising ako dahil nauuhaw ako. Paglabas ko palang sa kwarto narinig ko na si Aila na umiiyak habang may kausap sa telepono, nakaupo ito sa may bintana sa sala.

"Dee, please let's talk. Please... Dee....H-hello, ..Dee!" umiiyak na pakiusap nito habang paulit ulit na denial ang number ng kasintahan. I felt a pang of pain while seeing my sister crying like this. I feel pity on her.

Aila look at my direction, making me sad as her tears continuously streaming down on her chubby cheeks.

"This is all your fault! Iiwan ako ni Dee dahil hanggang ngayon, hindi kami makasal kasal dahil sayo!" galit na sigaw ni Aila sa akin at umiyak na naman. Napayuko nalang ako dahil sa sinabi nito. I know.

Its hurting me too, seeing my sister hurt and suffer because of me. "I'm s-sorry," umiiyak na hingi ko ng paumanhin. I know it's my fault.

"I don't need your sorry! I need you to get married, para makasal na kami ni Dee!"

I felt guilty for what happened to her sister. Yes, it's really my fault kung bakit hanggang ngayon di pa ito nakakasal sa kasintahan. Dahil hindi pa ako kinasal, and that is the most important culture our dad's believed since then.

"Magkano po ito, Ate?" sabay turo ko sa isang magazine na nakita sa estante.

It's about beauty and fashion. At ang model non ay ang girlfriend ni Cadu. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa desisyon na pumasok sa isip ko. I need to do this.

"185.00 pesos lang po Ma'am," nakangiting sagot ng tindera sa akin kaya agad ko itong binayaran, bago dumiritso sa trabaho.

Halos buong araw akong nag isip kung paano i-aaproach ang girlfriend ni Cadu. Base kasi sa huling kita ko rito, badtrip ito. I blew a loud breath once more before dialing my phone. After a few rings, agad namang may sumagot.

"Good afternoon, this is Ms. Jamaila's secretary, what can I do for you?" panimula ng nasa kabilang linya.

"Good afternoon Ma'am, I just want to ask if Ms. Jamaila is available right now?" my heart is thudding so fast, just by saying her name.

"I'm sorry ma'am, but Ms. Jamaila is busy at this moment," hingi nito ng paumanhin.

"How can I get an appointment for her Ma'am?" tanong ko ulit, desidido sa gagawin.

"Ma'am, Ms. Jamaila strictly rule that you need to have a recommendation for you to get an appointment for her," nanlumo ako sa sinabi ng secretary ni Ms. Jamaila. Saan naman ako hahanap ng taong mag rerekomenda sa akin?

"Okay, thank you," nanghihina kong ibinaba ang tawag. Dinampot ko nalang ang bag at napagpasyahang umuwi nalang.

Pano naman ako magkakaroon ng recommendation? Saan ako hahanap non?

Pagdating sa bahay, naabutan ko na naman si Aila na umiiyak habang hawak nito ang cellphone. Halata sa mukha nito na wala itong maayos na tulog at panay lang ang iyak, dahil sa namumugto nitong mata.

Hating gabi na, at dahan dahan akong lumabas ng apartment bitbit ang magazine na binili ko kanina. Panalangin ko nalang na sana this time, may magagawa na ako para sa kapatid ko.

I'm tiptoeing while walking, para di malaman ni Aila na lumabas ako ng ganitong oras. If dad know about this, I'm so sure that he'll get mad at me!

Pagdating ko palang sa pintuan ng apartment ni Cadu ay napabuga na ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. I need to do this, for Aila.

Dalawang katok lang ay bumukas na agad ang pinto sa harap ko. Tumambad sa harapan ko ang topless at pinapawisan na si Cadu, nakakunot ang nuo nitong nakatingin sa kanya. I swallow hard and stiffed.

"U-hm.. .Uhmm... pwede pumasok?" nag aalangang tanong ko rito.

Cadu open the door wider and gesture me to enter kaya dali dali akong pumasok, takot na baka may makakita sa akin.

Dumiritso agad si Cadu sa mesa nito at uminum ng tubig. I gulp hard as I take a peek at Cadu's sweating body. Damn! He looks so hot. Lord, sorry po.

"U-hmm.. . I-I didn't expect you're exercising in the middle of the night," I awkwardly commented. Tinapunan lang ako nito ng isang tingin at naglakad palapit sa pull ups area.

"I didn't expect too, that you'll come here in the middle of the night," balik saad nito sa akin na may halong sarkasmo ang boses, kaya nag aalanga akong ngumiti dito.

Cadu continues what he's doing Ilang pull ups pa ang ginawa nito bago bumaba at nag push up na naman. Di ko tuloy naiwasang di mapatingin sa katawan nitong nag f-flexed tuwing gumagalaw.

"Anong kailangan mo?" I was snap by Cadu's sudden question, dahilan ng mahinang tikhim ko bago nagpasyang sabihin ang talagang sadya ko.

"Uhm.. . I know that you are not in a good terms with your girlfriend...." kinakabahang panimula ko. I feel my body's burning in so much nervous. Cadu's just boringly stare at me, kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Please... I need your help. . .Please recommend me to your girlfriend. I really need to have a change in my self. Please, your girlfriend is the best artist for beauty and fashion..... and I really want to have an appointment for her," halos magkandarapang sabi ko.  Naasiwa tuloy ako sa tingin nito dahil nakatopless parin ito.

"I'll---- " naputol ang sasabihin sana ni Cadu nang biglang bumukas ang pintoan ng apartment nito.

My heart is rapidly beating nang makitang ang girlfriend nito ang pumasok. Lasing at may bitbit na wine. Oh sh*t!

"Baby, I'm sorry for what I have said yesterday. It's just that..... What the hell! " halos mahigit ko na ang hininga ko dahil sa lakas ng boses nito nang makitang di nag iisa ang boyfriend. "What's the meaning of this, Thiago!"  galit sigaw ulit nito, halos di na ako humihinga dahil sa sobrang kaba ko. I almost feel my heart on my throat!

"Lessen your voice Jami!" saway ni Cadu sa girlfriend. Halos sumiksik na ako sa may aparador dahil sa talas ng tingin ni Ms. Jamaila sa akin.

"So, this is the exercise you're saying huh? Exercising in the middle of the night, with a bitch, huh?" mapanuyang saad nito pero halata ang galit sa boses.

"Shut up Jami, Kera's here to ask for the recommendation for you. Its not what you think!" saway ni Cadu sa kasintahan pero di ito nakinig. Tahimik lang ako sa gilid, takot na baka sakmalin bigla bigla.

"And you really think that I'll believe in you, Thiago? In the middle of the night, she's here for the recommendation? Huh! I am not stupid to believe it! This bitch came here to have sex with you!" napapikit ako dahil sa narinig. Halos manindig rin ang balahibo ko dahil sa sinabi nito. I am not used it that..... word!

Sa inis ay kinuha ni Cadu ang hawak kong magazine at pinakita iyon sa girlfriend para maniwala.

"Now, say sorry to her!" utos nito sa kasintahan. Ms. Jamaila throws a death glare to me, kaya napayuko ako, takot sa kung ano na namang sabihin nito.

"And you think I'll do that! Go to hell, Thiago together with this bitch!" tumalikod ito sa kanila at naglakad palapit sa pinto.

Nakahinga na sana ako ng maluwag kung di lang ito lumingon sa gawi nila at binato ang wine na hawak nito sa direksyon ko. I hold my breath and stiffened where I am standing, not able to move because of shock. Buti nalang at agad akong nahila payakap ni Cadu bago pa iyon tumama sa akin, kaya dumiritso iyon sa pader at nabasag. Habol ko ang hininga nang bitawan ako ni Cadu.

"Serve you bitch!" sigaw ulit ni Ms. Jamaila bago pabagsak na sinara ang pinto.

-------