πΎππππππ‘π 08
Sorry
"Sandali lang, Cadu!" sabay pabalik na takbo ni Kerarah. Napalingon ako rito at nakita kong may kasagutan itong lalaki, kaya agad akong naglakad palapit sa mga ito.
"Hindi nga sayo yan eh!" gigil na sigaw ni Kera sa lalaki habang inaagaw ang wallet na hawak nito.
"Ako nga ang nakapulot na nito eh. Wag mong agawin sa akin ang grasya!" sagot naman ng lalaki at kinuha ulit ang wallet na hawak ni Kera.
"Hindi nga s------"
"Akin na nga yan," sabay agaw ko sa wallet na hawak ng lalaki. Aayaw pa sana to pero nanahimik nang tumingin ako ng masama rito.
"Sabi sayo hindi ka dapat nangunguha ng di sayo!" patuloy na daldal ni Kera sa lalaki. I scan the wallet to see if who's the owner if this, pero namuo lang ang galit ko nang makita ang mga ID at ATM Cards nito. It has even had a cash inside, but I really don't care about it, and so the owner.
"Sayo na yan!" I gave back the wallet to the boy and walk. Humiyaw pa ito sa saya at nag pasalamat sa akin pero nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad.
"Hindi yan sayo!" rinig kong sigaw na naman ni Kera kaya nilingon ko ulit ito. Nakita kong lumapit si Kera sa isang SUV at binigay ang wallet sa taong kilalang kilala at kinamumuhian ko.
"Cadu! Cadu wait! Cadu!" Kera's voice irritates him more. "I said wait---"
"Ano ba Kera! Shut up!" galit na sigaw ko. Di ko na napigilan ang inis at galit na nararamdaman ko. Kitang kita ko ang gulat na nakarehistro sa mukha ni Kera pero hindi ko napigilang wag ipakita ang iritasyong naramdaman.
"Cad---"
"I said shut up! Get lost!" tsaka ko ito iniwan sa gilid ng kalsada.
I was so mad to think about what I am saying. I was mad to see that man. I was mad, to the point na muntik ng maputol ang tali nang pinagsusuntok ko ang punching bag ng malakas nang makarating ako sa apartment. Doon ko nilalabas ang galit na meron ako.
Alas dos na ng madaling araw at kakatapos ko lang maligo mula sa pag exercise. Agad akong kumuha ng Jack Daniels na nasa mesa at agad na ininum ito. I'm in the middle of sipping my drink when my phone rang, kaya agad kong kinuha ito sa kwarto sa tiningnan ang I.d caller. Napakunot nalang ang nuo ko nang makitang ang guard sa building ng apartment ni Kera ang tumatawag.
"Yes?" kunot nuong bungad ko.
"Good morning sir, pasensya na kung napatawag ako ng madaling araw. Si Ms. Kera po kasi, di pa umuuwi sa apartment niya."
Agad binundol ng kaba ang dibdib ko sa narinig, kaya dali dali akong nagdamit at lumabas ng apartment. Agad na pinaandar ang isang itim na Brabus 800 na nasa parking lot, isa ito sa mga sasakyan kong minsan ko lang gamitin dahil mas ginagamit ko ang big bikes ko.
Kanina pa ako paikot ikot sa plaza malapit sa lugar kung saan kl iniwan si Kera kanina, pero di ko ito makita. Napasuklay nalang ako sa buhok ko at napabuga ng hangin dahil sa sobrang pag aalalang naramdaman.
Naglakad na naman ako pabalik sa may puno ng kahoy sa unahan, malapit sa fountain. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang makita si Kera na naka upo sa isang bench. Agad ko itong nilapitan, only to see that she was damn crying!
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit di ka umuwi sa apartment, Kera?" nag aalalang tanong ko rito. I irritatedly blew a loud breath dahil sa sobrang pag aalala ko kanina. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nito nang mag angat ito ng tingin. But I remain serious yet worried.
"S-sinabihan mo ako ng get lost, sa tingin mo..... may kapal pa ako ng mukhang babalik sa apartment na pag mamay-ari mo?" nakayukong saad nito. I close my eyes when I realized what I have said. A pang of pain lingers on my heart, seeing how miserable she is right now.
Hindi ko iyon sinasadya at nadala lang ako sa galit ko kanina. And now, seeing Kera's crying, I regrett what I have said. Mas lalo ko lang dinagdagan ang sakit na nararamdaman nito sa pamilya.
"I'm sorry," mahinang saad ko rito at di na napigilang niyakap ito.
She didn't say anything, pero naririnig ko parin ang mahinang hikbi nito, and it crushed my heart.
Inalalayan ko itong sumakay at hinatid sa apartment. She look so sleepy and tired, pero pilit nitong binubuksan ang mga mata. Ilang sandali pa, mahimbing na itong nakatulog sa passenger's seat. Halata sa mukha nito na kanina pa umiiyak dahil sa pamumugto ng mata nito.
I sigh and feel sorry for her. I didn't intended to hurt and leave her there. I was just carried away by my anger.
---