Chereads / Their Cursed Love / Chapter 8 - Kabanata 07

Chapter 8 - Kabanata 07

πΎπ‘Žπ‘π‘Žπ‘›π‘Žπ‘‘π‘Ž 07

'Cadu'

Maaga akong gumising para pumunta sa apartment kung saan ko pinatira si Kerarah. Napag usapan kasi namin kagabi na maaga kaming mamimili ng mga gamit at groceries nito. I didn't expected the hug from her last night.

Pagdating ko sa apartment ay nakabihis na ito, at halatang ako nalang ang hinihintay.

Halos maikot na namin ang buong palengke para sa mga stock nito sa apartment. Dumaan rin kami sa isang bangketa na may mga inumin na binibenta. Dito ako laging umiinum ng alak na mag isa.

Bahagya akong natawa nang napangiwi si Kera matapos nitong inumin ang dapat na inumin ko. Kinukulit siya nitong sumubok ng isang shot lang, but it seems like she remembers how she ended up in this situation right now, kaya sunod sunod ang inum nito, di nagpapa awat.

I chuckle a bit dahil sa hitsura nitong parang nahihilo at pasuraysuray sa paglalakad. Hinayaan ko nalang ito sa gustong gawin dahil alam ko naman ang bigat na dinadamdam nito ngayon.

Agad ko itong sinundan nang maglakad ito patungo sa fish section at pasuray suray na naglakad, nangingiti habang tinitingnan ang mga isdang nakahilera. Nasapo ko nalang ang nuo nang makitang inagaw nito ang isdang hawak ng isang tindero. Kinakaliskisan nito iyon, pero kinuha ito ni Kerarah at niyakap.

"Kawawa ka naman, tinanggalan ka nila ng kaliskis. Mga walang puso sila.....huhuhu," I scatch my nape and massage my temple habang tinitingnan ang mga taong nawiwirdohang nakatingin kay Kera.

"But don't worry, mabubuhay kapa! Yehey!!"Β  I groan when Kera put back the fish in a glass of water, pero masaya lang ito sa ginawa.

Agad ko nalang na inabutan ng pera ang tindero ng isda para masundan na naman si Kera na nasa vegetable's section na. Nakapangalumbaba itong nakatingin sa ale na naghihiwa ng sibuyas. Umiiyak.

"Bakit mo ako pinapaiyak, di naman Kita inaano?" humihikbi na saad nito sa sibuyas, dahilan para matawa sa kanya ang Ale. I shake my head bago hinawakan sa kamay at hinila na palabas ng palengke. I'll take note next time, that this woman was damn weird if she's drunk!

Habang naglalakad sila ay kinuha ni Kera ang cellphone niya habang kausap niya ang pinsan na si Green, at agad na nilagay sa tenga.

"Who you? eshtap calling my baby," lasing na kausap nito kay Green. I twists my lips after she ended the call and take a selfies.

Panay ang picture nito sa sarili. At minsan ay hinihila ako para mag twofie. Ang ingay pa nito at panay ang reklamo kaya pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

Tulog na tulog na si Kera habang nakasakay sila sa Taxi kanina, kaya binuhat ko nalang ito paakyat sa apartment. Nagpatulong na rin ako sa guard na iakyat ang mga pinamili namin.

Pagpasok sa kwarto ay maingat ko itong nilapag sa kama. Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan mapayapa nitong mukha habang mahimbing na natutulog.

You don't deserve the hate of your father, Kera.

Kinabukasan, agad na akong naghanda ng pagkain. Sa kabilang kwarto na ako natulog kagabi at di nalang umuwi. Green called me last night at kinulit ako tungkol sa kung sino yung kausap daw niya kahapon

"May pamalit kana pala sa maldita mong girlfriend, mabuti yan," Green with his words.

"Shut up, Asshole!" asik ko kay Green at pinatayan ng tawag.

-------