πΎππππππ‘π 05
Bleeding
Natataranta ako habang maingat na tinanggal ang basag na bote na tumama sa likod ni Cadu. My hand is shaking because of panic. Pano ba naman kasi, dumudugo ito at kinakabahan ako baka maimpeksyon yon, kasalanan ko pa!
I did not expect na may mga bubog na tumama sa likod nito kanina.
"That's enough," malamig na sita ni Cadu sa akin, pero hindi ko ito pinakinggan. This is my fault.
"Pumunta na tayong hospital, dumudugo parin kasi ang sugat mo," ulit ko nang maglakad ito palapit sa ref at kumuha ng tubig. I follow him, at patuloy na kinukulit.
"I said I'm fine, you can go back to your apartment, its getting late."
"Please, let's go to the hospital. It's my fault why you bleed. Please," ulit ko na naman. Malakas na bumuntong hininga si Cadu at naunang naglakad palabas ng apartment. Dali dali naman akong sumunod dito palabas.
Pero imbis na sa hospital, sa malapit na drug store ito nagpunta. Sumunod nalang ako dahil sobrang nag aalala talaga ako sa sugat nito, patuloy parin kasi sa pagdugo. Paglabas namin ng drug store, may police mobile na tumigil sa harap namin. Abot abot ang tahip ng dibdib ko dahil sa kaba. I didn't remember the curfew!
"Bakit nasa labas parin kayo? At bakit sugatan ka Mr. Cavalcante?" halata sa boses ng police ang pagdududa nito nang sinabi ko ang dahilan kung bakit nasugatan si Cadu.
"Dalhin sa presento yan," utos nito sa kasama nitong pulis, dahilan para mataranta ako.
"Sir, please, nagsasabi ako ng totoo. Kailangan po siyang magamot sa hospital. Please sir, malaki po ang sugat ni Cadu sa likod, baka po maimpeksyon. Please sir, I'm sorry for violating the rules . Please," paulit ulit na makaawa ko. Halos maiyak na ako sa pagmamakaawa dito. Sobra sobra ang pag aalala ko kay Cadu dahil ako rin naman ang dahilan kaya ito nasugatan.
"Sige, dalhin yan sa hospital," a sigh of relief escape in my lips, laking pasalamat ko sa pagpayag ng pulis.
Wala silang imikan ni Cadu sa loob ng police mobile. Naiilang ako rito at nagsisisi kung bakit nagpunta pa ako sa apartment kahit na sobrang lalim na ng gabi. But I did it for my sister.
Pagkatapos gamutin ni Cadu sa hospital ay hinatid rin sila ng pulis sa apartment, sakay ng police mobile. Nagpasalamat muna ako sa mga pulis bago sumunod kay Cadu na nauna na sa elevator. Sinamahan ko pa itong pumasok sa kwarto para ilagay ang mga gamot sa loob.
Cadu heading towards his room, habang nililinis ko muna ang mga basag na bote kanina.
"Cad, san ko ilalagay ang gamot mo?" pasigaw na tanong ko habang lumilingon sa paligid, pero di ito sumagot.
I decided to go to his room, para magpaalam sana na uuwi na ako, pero pagpasok ko, nakita ko itong walang pang itaas na damit na nakatiya sa kama at tulog na. Dali dali ko itong ginising, dahil bawal dito ang nakatihaya itong matulog dahil sa sugat nito sa likod.
"Cadu, wake up. Dumapa ka nalang, wag kang tumihaya, ang sugat mo," panay ang yugyug ko pero ayaw gumising. Pilit ko nalang itong itinagilid kahit na nahihirapan ako sa bigat nito.
Gulat at takot ang naramdaman kk nang makita ang likod nitong dumudugo na naman ang sugat. With a shaking hands, nagmamadali akong pumunta sa closet nito at naghalungkat ng towel na pweding gamitin sa sugat dumudugong. Nalalagyan na rin kasi ng dugo ang bedsheet nito.
Pero imbis na towel ang makita ako, isang baril ang naroon sa isang bahagi ng closet nito. Dali dali kong sinara ang closet dahil sa sobrang kaba at binalikan si Cadu, na tulog na tulog pa rin.
Napagpasyahan ko nalang na punasan ang dugo na nasa likod nito gamit ang wet wipes na nakita ko sa may medicine kit. After cleaning Cadu's wounds, naupo muna ako sa single sofa na nasa tabi ng kama nito at humikab. I am tired and so sleepy.
------