Chapter 17 - Kabanata 15

Kabanata 15

Kiss

I couldn't imagine I can be this wasted in my entire life. Yes, I've been wasted and messed when Adriel died. I lost my world when he left me. I almost lost myself when my mother told me about it.

But this, this is different from everything . How could I feel so secure when he's far from me? How could I give my trust to him fully?

"Another shot of Sex on the beach!" Lasing na kinawayan ko ang bartender na nagmi-mix ng ladies drink para sa kaharap nitong babae.

Inirapan ako ng babae nang maglakad palapit sa gawi ko ang bartender. I smirked because of the irritated expression of the girl.

"Another shot of Sex on the beach for a beautiful lady," agad kong ininum ang kakalapag pa lang na inumin 'saka senenyas ulit ang baso sa bartender. Napailing ito pero hindi naman nagreklamo at binigay lang ang alak na gusto ko.

Ilang sandali ko ring nilunod ang sarili sa pag-inum. Hindi ko man lang magawang lingunin ang nagkakasiyahan na mga tao sa dance floor. Kahit ang magandang tutog ay hindi ko magawang pagtuonan ng pansin. Tanging nakapako ang mga mata ko sa inumin na hawak ko. Ang isipan ko ay paulit-ulit na ini-isip ang nakita kong files kanina. Hindi iyon mawala-wala sa isip ko.

Napatitig ako bigla kay Alec nang umupo ito sa isang bakanteng upuan. Tanging isang bakanteng upuan lang din ang pumagitna mula sa akin. Kahit madilim ang parting inu-upuan ko, sigurado akong si Alec iyon dahil sa amoy palang nitong nanunuot sa ilong ko. Naging paboritong amoy ko na rin ang Millisime Imperial dahil ito ang laging na-aamoy ko kay Alec.

Alec twirl his finger to get the bartender's attention. He ordered Scotch on the rock nang lumapit ang bartender dito at agad rin namang binigay ang alak.

Umismid ako. Ininum ko ulit ang bagong order na inumin. Paglingon ko ay nakatingin na pala sa akin si Alec. Matamang nakapako ang asul na mga mata nito. Pumikit ako dahil sa pagkahilo. Lasing na ako, alam ko 'yon. I surpassed my level of alcohol tolerance.

"Why do people c-cheat?" wala sa sariling usal ko. Nilingon ko si Alec when he shifted his weight.

Alec shallow hard kaya napatingin ako sa paggalaw ng Adam's Apple nito. Ang mapupungay na mga mata ni Alec ay matamang nakatitig sa mukha ko. I whimped because of it.

"Did... he cheated on you?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong ako nito pabalik.

Iniwas ko ang tingin kay Alec dahil sa pagbalik ng tanong sa akin. Napayuko ako, not planning to answer his question. But I know that Alec knows it, just by seeing my expression, I know he is. Hindi ko man sagutin ang tanong nito.

"Are you... mad at him?" tanong ulit ni Alec, kaya gumilid ako ng kaunti para maharap ito.

Mahina akong umiling dahil namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Kakatigil ko lang sa pag-iyak, tapos, eto na naman yung mga luha ko, handa na naman sa walang katapusang pag-agos.

"N-no..." mahinang sagot ko kay Alec. My voice is shaking while my tears were ready to fall. Isang kalabit lang sa akin at bibitaw na sa pagkakakapit ang mga luha ko.

"I-I don't hate him... I'm just disappointed." Humina ang boses ko at nag-iwas ng tingin kay Alec. "Because he turned into everything he said he'd never be."

I love Adriel so much. I don't hate him. I can't even get mad at him. I'm just disappointed and... so hurt at the same time. Hindi ko kasi kayang tanggapin na niloko niya ako. He lied to me. He fooled me. And... he cheated on me.

Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luha. Nanginginig ang mga labi ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

Yes, I am so disappointed to Adriel. I really, really do. Who wouldn't be right? He promised me, yet, he broke it. He broke everything he said. He lied to me. Ang mga litratong nakita ko sa flash drive ni Adriel kanina ay mga sweet pictures nito kasama ang isang babae. Though, 'di ito nakaharap sa camera, I know it wasn't me. Only the silhouette of the woman he's with. They're so sweet that it made my heart filled with bitterness.

"I... didn't... I can't imagine myself hating him. Hindi ko lang maintidihan kung bakit? Why he lied?" tuluyan na ngang bumitaw ang mga luha ko. Halos humagulhol na ako.

I'd never thought that confessing what I really feel would hurt me this bad.

I don't care if Alec will see me like these! I don't really care at all if he'll call me weak. All I ever want to do now is to cry, get wasted, and drunk all night.

I may be so hurt at this moment, pero hindi ko alam na sa oras na ito, gagaan ang pakiramdam ko dahil lang sa yakap ni Alec. Alec hugged me so tight, not minding my sobs. Mas lalo akong na-iyak dahil sa ginawa ni Alec.

He even wiped my tears using his thumb. But what I didn't expect was Alec's sincerely kiss my forehead, making me stop from sobbing, but my tears continues from falling.

I was shocked. Or it is just my imagination bunga ng alak na ininum ko? All I could feel now is the heat from Alec's body na nanatiling nakayakap sa akin. Sending millions of voltage to my body.

"To be honest with you. I don't have a words to make you feel better." Bumuntong hininga ito. Hindi ako umimik. Hindi naman ako nag-e-expect na maiintidihan niya ako.

"But I do have the arms to give you a hug… ears to listen to whatever you want to talk about, and I have a heart..." nag-angat ako nang tingin dahil sa sinabi ni Alec.

"A heart that's aching to see your smile... again."

---