Chapter 21 - Kabanata 19

Kabanata 19

Responsibility

There's a difference between a girlfriend and a mere past time. But this time, I can't figure what am I. Dahil maayos na ang pakiramdam ko, maayos na rin akong nakakapag-isip. Realizing everything happens last night. I'm not a girlfriend, so surely, it's the latter one.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko dahil sa narealized. Alec is a type of man who's not interested in a serious relationship, I guess. Dahil kung seryoso ito, edi sana walang nangyari sa amin dahil usap-usapan sa QIA na in a relationship ito with Officer Meyer.

Oh! Isa pa yan sa mga problema ko!

Naihilamos ko nalang ang dalawang kamay ko sa mukha dahil sa problema. Pero hindi lang din naman si Alec ang may kasalanan sa nangyari. I am at fault too. I let myself get into a problem where I don't know if I can resolve it without bringing more damage to someone.

Maaga akong nagising dahil may biyahe na ako. Agad akong naghanda para sa routine ko kung saan didiritso ako ngayon sa fitness gym.

Bitbit ang gym bag, lumabas ako sa unit at sumakay ng elevator. Not minding the people inside na makakasabay ko.

Napatuwid lang ako ng tayo nang makita ko ang repleksiyon ni Alec sa wall ng elevator. Nakatitig ito sa likod ko, dahilan ng sunod-sunod na paglunok ko ng laway. Feeling tensed, I manage to stand there like nothing's happened. But Alec stares sent millions of voltage in my system.

Nagmamadali akong lumabas ng elevator pagkabukas palang nito. Not giving a glimpse on Alec's direction. Afraid that he might confront me. Muntik ko pang mabangga ang isang lalaking galing rin sa kung saan. A loud sigh escaped in my mouth nang bigla akong hilahin ni Alec at nabangga pa ako sa matigas na dibdib nito.

"Aw! What the hell do you think you're doing!" asik ko kay Alec at napalingon sa paligid. Salubong ang kilay nito na nakatitig sa akin.

"We need to talk," I almost roll my eyes because of the authority in his voice.

"Talk about what? And you don't need to pull me if you wanna talk to me! You can just simply ask me if you want to!" Inirapan ko pa ito dahil sa inis. May mga ibang employees na lumilingon sa gawi namin nang makita kaming dalawa pero 'di ko na iyon pinansin.

"I can ask you? When the fact is you're avoiding me?" This time I really rolled my eyes to Alec dahil sa sinabi nito.

"Excuse me, I am not avoiding you--"

"Really? What do you call in avoiding my gazes awhile ago, then?" putol ni Alec sa akin, may panunuya sa boses nito.

"Alangan namang makipagtitigan ako sayo inside the elevator. My goodness! Just because of that gesture you've concluded that I am avoiding you. Tsk! How lame excuse, ei?" naiinis parin na saad ko.

Alec relaxed and sighed. This time, he looked at me with gentleness in his eyes dahilan para mapa-iwas ako.

Damn! Kakasabi ko lang diba na 'di ako umiiwas. But I can't stand and stare at him too!

"Can we have a breakfast after in gym?" pag-iiba ng usapan ni Alec. Tinapunan ko ito ng tingin bago tumango.

"Okay," maikling sagot ko nalang pero agad rin namang tumango si Alec at niyaya na akong pumasok sa fitness gym.

Mag bo-boxing ako today. Kaunting stretching lang ang ginawa ko at nagsimula na akong magpa-ulan nang suntok sa punching bag. I focused myself on what I'm doing pero nahahagip parin ng peripheral vision ko si Alec na nag pu-pull-up.

"Want someone to sparring. Blowing some steam off?" Ngumisi si George sa akin at itinaas nito ang kamay na may gloves na. Tinarayan ko ito. Hindi ko man lang napansin ang presensya nito.

"I'm not interested." I dismissed George and took a glimpse on Alec's direction again.

Alec's muscles in his arms flexes every time na binubuhat nito ang sarili pataas. Nakasuot lang ito ng itim na sleeveless shirt na sinadyang punitin ang magkabilang gilid nito pababa sa hem ng damit. Kaya kitang-kita ko ang ganda ng mga braso nito at namamataan ang tiyan nitong alam kong matigas. Tagaktak na ang pawis ni Alec na mas nagpadagdag sa lakas ng appeal nito.

Bumaba ang tingin ko sa katawan ni Alec. Even his still in his clothes, it doesn't matter to show up his to-die-for body. I bit my lower lip when my eyes landed on Alec's abdomen.

Oh shit! Its illegal, Maisha!

Para akong tanga na pinapagalitan ang sarili.

"Hmm… seems like your interest was for someone else, huh."

Ibinalik ko ang tingin kay George at pinagkunotan ko ito ng noo. Naiinis sa presensya nito.

"You can just do whatever you want to do, Officer. Stop minding someone else's presence, coz I won't mind yours." Diritsahan kong saad dahilan para bahagya itong matawa. Inirapan ko si George at nagpatuloy nalang sa balak kong gawin kanina pa.

"What a bad'ass." Narinig ko pang mahinang usal ni George na parang tuwang-tuwa pa.

Pag-angat ulit nang tingin ko kay Alec ay muntikan na akong masamid dahil masama na itong nakatingin sa akin. Para tuloy umakyat lahat ng dugo ko patungo sa mukha dahil sa pagkapahiya.

Alas siete na at nasa Italian restaurant kaming dalawa ni Alec. Just like what we had talked. Wala sa mood na tinutusok ko ang pasta na nasa harapan ko. Paano ba naman kasi, bago paman ako tuluyang makalabas ng gym kanina ay nakita ko nang hinalikan ni Amya si Alec! At ang isang to naman, di man lang umiwas! Hmp!

"How are you?"

Nag-angat ako nang tingin kay Alec. I sharpened my gaze and my chartreuse eyes mets his arctic blue eyes that made me gulped. Alec's stares moved to my lips, bago ito bahagyang napa-awang ang labi.

"Uhm... I'm good... so far," 'saka ako yumuko at itinuon ang pansin sa plato. Napangiwi nalang ako dahil sa hitsura ng pasta.

Kawawa naman ito at parang sinabunutan ng demonyo!

"Enjoying Officer Stan's company earlier huh."

"Excuse me?" Naiinis na aski ko. Alec snorted and not saying anything kaya sinamaan ko ito nang tingin. "Do I looked like I enjoyed his company earlier?" dagdag ko.

"Okay, you're not," napipilitan na saad ni Alec. "So, shall we talk about us now?" agad napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Anong about us?

"What about us?" nagtatakang tanong ko. Alec's jaw clenched because of my question.

Teka nga! Don't tell me we're going to talk about what happened to us nang nagsusungit siya? Ganda ka gurl?!

"About what happened between us," madiin na usal nito. Alec eyes narrowed at me. Sabi ko na ei!

"Don't worry about it. I know where to stand. And I know the rules of one night stand," baliwalang sagot ko at nagkibit-balikat pa.

Trying so hard not to act like my ego was stomp! Alam na alam ko na ang tungkol sa mga one night stand. I am not a high school girl not to know about everything. Yes, I'm virgin when we did it, but that doesn't mean that I'm innocent. Dude, I'm 27 already.

"It's not just a one night stand for me, Maisha." Natigil ang pagnguya ko dahil sa narinig. Pairap kong sinipat si Alec. "I'll take my responsibility to you," dagdag nito. Di makapaniwalang tiningnan ko si Alec dahil sa sinabi. Responsibility?

"You don't need to do that, Captain. In the first place, I don't need someone to take their responsibility just because he's my first. Mostly, if that man has already a woman," bahagya akong nasaktan dahil sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng pait dahil sa napagtanto ko.

Hindi ko man aminin sa sarili, pero mahalaga rin sa akin ang bagay na nawala na. Matagal kong iningatan iyon, para sana kay Adriel.

"I don't have a woman, yet. And I want to take res---" I waived my hand in the air, agad kong pinutol ang iba pang sasabihin ni Alec.

"So what do you call to Officer Meyer then, Captain? Your fling? Tss! Pero sa bagay, a man like you seems like you don't do serious relationship. I do---"

"Jesus! She's not my woman nor a fling, Maisha. Hindi ko pinapatulan si Amya--"

"Oh! Kaya pala 'di ka umiwas nang halikan ka niya kasi nga dika pumapatol," mapanuyang saad ko, naiinis na. Huli na nang ma-realize ko ang mga sinabi.

Medyo napataas na ang boses ko dahil sa inis. Why would he deny it when almost all of the employees here in QIA's knows everything about them.

"I didn't expected it, Maisha," igting ang pangang paliwanag nito.

"So, you were surprised, huh?" Naiinis pa rin ako dahil sa nakita ko kanina!

"She's not my woman, okay?"

"If you say so..." sagot ko nalang at uminum na ng tubig. "I'll go ahead. I still need to prepare for the flight."

Nauna na akong umalis kay Alec. Agad akong napabuntong hininga pagpasok sa kwarto. It feels like energy-draining, imbes na nag-exercise ako para hindi ako lalampa-lampa! Tsk!

---