Chapter 23 - Kabanata 21

Kabanata 21

Takeoff

Una akong nagising kinabukasan. Hindi pa tuluyang nagsink-in sa akin nang makita ko ang kamay ni Alec na nakapulupot sa beywang ko.

Dahan-dahan akong bumangon at dumiritso sa banyo para makaligo. Pagkatapos kong maligo ay wala na si Alec sa kwarto paglabas ko. Nag-iwan lang ito nang sulat na pumunta na ito sa sariling kwarto para makapag-ayos na rin.

I sighed while staring at my reflection in the mirror. I am wearing my uniform now. It looks good on me and I can't help but bloom my admiration about this dangerous job.

This glamorous job took my happiness. I won't forget that. The reason why I choose to be a pilot was because of Adriel. But this past few months, hindi ko na napagtutuonan iyon. Iba na ang pinagtutuonan ko nang pansin. Hindi na ang tungkol kay Adriel, mas nangibabaw na ang kagustuhan kong maging piloto sa ibang dahilan. Dahil na kay Alec.

I sighed again bago nagpasyang lumabas na ng kwarto.

Pagbukas ng elevator ay nasa loob na noon si Alec. Katulad sa akin ay nakasuot na rin ito ng uniporme.

"Good morning," sabay halik nito sa pisngi ko. Maliit lang na tango ang nagawa ko bago dahan-dahan na pumasok sa loob. "Let's eat together," saad ulit ni Alec matapos akong halikan nito sa labi. Hindi pa man ako nakakarecover ay hinalikan na ulit ako nito nang mariin sa labi. I moaned and bit my lower lip matapos bitawan ni Alec ang labi ko.

"D*mn! Kung wala lang tayong trabaho, I will stay in bed cuddling you." Mahinang usal ni Alec bago hinalikan ang buhok ko. Di nalang ako umimik hanggang sa lumabas kami ng elevator.

Nanatiling nakahawak ang sa kamay ko si Alec hanggang sa nakapasok kami sa restaurant. Napa-ismid nalang ako dahil sa agarang paglingon ng mga nadadaanan namin. This is the reason why I don't like Alec, he can capture anyone's attention without a sweat. Nakakainis iyon lalo pa't nadadamay ako. But I can't do anything about it. Hindi rin naman kasalanan ni Alec kung marami ang hahanga sa kanya.

Alec help me to sit down beside him. Sumimangot ako dahil hinila pa nito ang upuan para madikit sa akin.

"What?" I shake my head at him at nagsimula nang kumain matapos ilapag ng waiter ang mga pagkain sa harapan namin.

Tahimik ko iyong ginawa. Habang busy naman si Alec sa kaka-asikaso sa akin at sa paglalagay nito ng pagkain sa plato ko. Tsk! He treated me like a baby.

I snorted again dahil sa naisip.

"What?" Bahagyang kumunot ang noo ni Alec dahil sa pag-ingos ko pero inilingan ko ito at pinagpatuloy na ang pagkain. He stared at me for a moment bago umiling at ginaya rin ang ginawa ko.

"Have a safe flight." Tumango ako kay Alec bago dahan-dahang humakbang palapit sa eroplano ko. Ako kasi ang may pinaka-unang flight ngayon, dahil hindi naman pweding sabay-sabay na lumipad ang mga eroplano dahil magkakaroon ng air traffic pag ganoon. Nang nasa hagdan na ako ay tumigil ako sa paglalakad at nilimingon si Alec na nanatiling nakatayo sa gitna ng Alley.

Tinitigan ko ito ng ilang sandali. Alec waved his hand at me pero hindi ako gumalaw. Nanatili lang akong nakatitig dito.

I can see him pouting because I didn't respond to him. Pero habang tumatagal ako sa pagtitig kay Alec, namumuo Rin sa dibdib ko ang hindi maipaliwanag na kaba. Bigla-bigla akong binundol nang kaba habang pinagmamasdan ko itong nakatayo sa gitna ng Alley.

Hindi ko maintidihan ang sarili ko, pero patakbo akong lumapit kay Alec at niyakap ito nang mahigpit.

I can hear his heart beating so fast, just like mine. Pero sa akin, kinakabahan kasi ako sa di malamang dahilan.

Alec chuckle, but I didn't mind him. He hugged me back and kissed my temple kaya napapikit ako ng mariin. Patuloy parin sa pagkabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

"Be safe," mahinang usal ko.

Humiwalay ako sa yakap mula kay Alec at tinitigan na naman ito ng mabuti. Alec has a smug smile on his face kaya bahagya akong napangiwi at napakamot sa ulo.

"Namis mo agad ako?" taas-kilay na saad ni Alec pero inirapan ko ito.

"Tss! I'll go ahead." Patalikod kong kinaway ang kamay kay Alec habang naglalakad na pabalik sa eroplano.

"You don't wanna kiss me?" sigaw ni Alec kaya nilingon ko ito at sinamaan nang tingin.

"Shut up!" asik ko pero nagkibit-balikat lang ito kaya tinalikuran ko na at pinagpatuloy ang paglalakad.

Napabuntong hininga nalang ako nang maka-upo ako sa cockpit. Naabutan ko si Lawrence na malawak ang ngiting nakatingin sa akin.

"What?" taas-kilay na tanong ko pero nanatili ang ngiti nito sa labi at bahagyang umiling.

"Hindi na nagdadaan sa ligaw process si Captain Lazer, Captain?" nang-aasar na tanong ni Lawrence kaya nginiwian ko ito.

"Your Tagalog is giving me a nosebleed, Renz," ngiwi ko kaya napakamot sa ulo si Lawrence at ngumuso.

"It so mahirap ei," usal nito kaya napa-iling nalang ako at natawa.

Nang lumipas ang halos kalahating oras ay agad ko nang minaniubra ang eroplano. Kahit na may kakaibang kaba parin sa dibdib ko ay ipinagsawalang bahala ko nalang muna iyo at pinagtuonan nang pansin ang ginagawa.

"Ladies and gentlemen, this is your Pilot Captain Maisha Arachne Granada, manuevering the plane A330 flight towards New Jersey Departure Area. Please put away all your electronic devices, we're ready to takeoff."

---