Chapter 24 - Kabanata 22

Kabanata 22

Technical Problem

Halos hindi ako makahinga ng maayos at nangiginig ang kamay ko habang dahan-dahang nila-line up ang eroplano sa Alley. Kakarating lang namin galing sa New Jersey at ang sumalubong na balita sa amin ay ang pagland ng eroplanong pinapalipad ni Alec sa dulo ng Alley, malapit na sa mismong gate ng airport.

Ayon sa personnel ng Tower Controllers ay nagkaroon daw ng technical problem ang eroplano kaya nagka ganoon.

My heart was beating so fast while the bad scenarios keeps on playing in my mind. Halos maghabol na ako ng hininga dahil sa nangyari.

"Captain, here's a water." Gamit ang nanginginig na kamay, tinanggap ko ang tubig na binigay ni Lawrence sa akin. Sa sobrang kaba ko ni hindi ko na magawang magpasalamat.

"W-Where is Captain Lazer?" agad na salubong ko sa isang mechanical engineer na naglalakad palapit sa pwesto ko.

"He's in the clinic, Captain."

Pagkasabi ng engineer noon ay agad akong patakbong naglakad papunta sa clinic ng airline. Tinawag pa ako ni Lawrence pero hindi ko na ito nilingon. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay makita si Alec at sigurohing okay lang ito.

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari at ang mga posibilidad na mangyari. Takot ako. Takot na takot na baka may hindi magandang nangyari kay Alec, and worst, baka…

Ipinilig ko ang ulo ko at bumuga ng hangin habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Alec. May mga kunting galos ito sa mukha at braso, pero nilagyan na rin ang mga iyon ng bandage.

Hindi ko alam kung ano pa ang mangyari sa akin kung mas malala pa ang nangyari kay Alec. Sigurado akong hindi ko iyon matatanggap. Ito siguro ang dahilan ng hindi ko maipaliwanag na kaba kanina bago bumiyahe.

Parang kinurot ang puso ko habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Alec. It pained me a lot to see him with his bruises. Pero nagpapasalamat din ako na 'yon lang ang natamo niya.

You made damn worried, Alec! You scare me!

I sigh again bago lumabas ng clinic para makapagbihis rin.

Matapos ang aksidenting nangyari ay hindi muna pinabyahe si Alec. Pinagpahinga ito ng isang linggo at hinayaan na munang maging co-pilot. I'm thankful though. Parang nabawasan ang takot ko ng kaunti. My fear will never vanish, unless we're not going to do this job anymore. But I'm also a hundred sure that that won't happen.

I know how he loves aviating. We both know how it gives us a happiness that only aviators will understand. I fell in love aviation, and no one can take that away in my veins.

Palabas ako ng building nang makasalubong ko si Grant. Bahagya pa akong nagulat dahil may bitbit na naman itong bulaklak na agad binigay sa akin.

"Thank you, Grant," I sincerely said matapos tanggapin ang bouquet ng red roses.

"Your welcome, Captain." Ngumuso ako dahil sa tinawag ni Grant sa akin. He never call me by my name dahil mas komportable daw siya na tawagin ako sa posisyon ko. Kahit na dapat ay ganoon din ang itatawag ko sa kanya, but he always insist to call him by his name.

"Uhm… I know should take it slowly… but I don't want to waste this opportunity to tell you what I feel for, Captain."

Bahagya akong kinakabahan dahil sa sinabi ni Grant. I know what he meant, and I don't want to hurt him.

"I like you, Captain."

Tanging tipid na ngiti ang naigawad ko kay Grant. Hindi ako heart breaker at lalong hindi ako paasa kaya ayaw kong masaktan si Grant dahil umasa siya sa akin. I don't want him to expect anything from me.

"I like you too, Grant… but just a friend, not the other way." Diritsahan kong saad. Ayaw kong magpaligoy-ligoy pa. Mahinang natawa si Grant, pero may lungkot sa mga mata nito.

"I know our feelings are not mutual. I just tried my luck though," natatawang saad nito.

"I'm sorry, Grant."

"Don't be, Captain. I understand you. It hurts. But I already know that you like someone else."

Matapos ang usapan namin ni Grant ay agad na itong nagpaalam na pupunta na sa ground control room. Napabuntong hininga nalang ako dahil parang gumaan ang dibdib ko matapos ang usapan namin ni Grant. Ayaw kong umasa siya at sa huli ay masasaktan ko lang. He's a good man. I know he can find a woman who can love him back. And it's not me.

---