Chapter 20 - Kabanata 18

Kabanata 18

Call

Buong araw nasa loob lang ako ng unit ko. Not planning to go out. Paulit-ulit kong inisip ang sinabi ng tumawag sa akin kanina, at iniisip ko rin ang nangyari kagabi sa bar.

I don't understand how I'm going to react if Alec want to talk about it. I was so heartbroken, but I poured it all last night. I don't know if I'm still heartbroken. Dahil ang tanging laman ng isip ko ngayon ay ang mga bagay na dapat ay 'di ko ginawa.

Kanina, walang bakas ni Alec ang namataan ko pagbalik dito sa building. I don't even see Lawrence and Aida. Ang sabi ng nasa lobby kanina, bumiyahe raw ang eroplanong pinapalipad ko. I wonder who maneuvered the plane?

Alas sais na ng gabi kaya napagpasyahan ko nalang na bumangon at magluto para sa dinner. Masakit parin ang katawan ko dahil sa nangyari pero medyo mas okay na 'yon kesa noong pag-gising ko.

Nagluluto ako ng pasta nang biglang nag ring ang cellphone ko na nasa kwarto. Agad kong hininaan ang stove para sagutin ang tawag. It's my mom. Agad ko itong sinagot at ni-loud speak para habang kausap ko ay nagluluto ako.

"Hello, Ara, kumusta kana?" Iyon agad ang bungad ni Mommy. I smile a bit because of my mom's happy voice.

"I'm fine, Mom. How are you? How's Davin?" sunod-sunod na tanong ko dahilan ng mahinang pagtawa ni Mommy. I miss her laugh, so much.

"I'm fine, Ara. And Davin? My goodness! He's a chick-magnet! Call your brother sometimes, hija and scold him. Na e-stress ako doon!" natawa nalang ako sa reklamo ni Mommy. Hindi na bago sa akin ang pagrereklamo ni Mommy tungkol sa kapatid ko.

Davin Rurik III is my younger brother. He's now 19 years old, almost a decade younger than me. Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng dumidikit dito dahil 'di naman maipagkakailang gwapo ang kapatid ko. Matalino at magaling pagdating sa mga babae. He has the looks, the money, the brain and charms.

Namana ni Davin ang soft features ni Mommy kaya marami ang nahuhumaling dito. Inosente ang mukha, pero sa likod ng inosenting mukhang iyon ay ang pagiging mapaglaro sa mga babae. While I'm the girl version of Mr. Davin Rurik Granada II, our father. I have the strong features copied from my father's. Kung kaya't nagmumukha akong mataray at ma-attitude kahit wala pa man akong sinasabi.

"Let him be, Mom, he's old and... you know, a teenager wants to explore," natatawa kong saad. I heard Mom's groan on the other line kaya mas natawa pa ako lalo.

"Surely, hija, I can have a grandchild from your brother so early! Last day, I saw him with a girl at the mall. Then yesterday, it's a different girl. My God! I already have wrinkles," patuloy na reklamo ni Mommy, pero ang isip ko nanatili na sa sinabi nitong tungkol sa apo.

If Adriel wasn't die, I'm sure we already have a son or a daughter now.

May kurot na namang gumuhit sa puso ko dahil sa naisip. Having a child is one of our main plan. Adriel is fond of kids, and so as me.

Before, every time Adriel went home, we always visit the orphanage to donate and play with the kids. Natigil lang iyon noong namatay si Adriel. Pero patuloy parin naman akong nagdo-donate. Hindi na nga lang ako nagpupupunta. Dahil tuwing ginagawa ko iyon, umiiyak lang ako sa orphanage.

"Hija? Ara, are you still there?" Napukaw ang malalim na pag-iisip ko dahil sa nag-aalalang boses ni Mommy.

"Ah... yes, Mom. What is it again?" I sighed dahil sa kawalan ng konsentrasyon kay Mommy.

"Are you okay?" Halata sa boses ni Mommy ang pag aalala sa akin dahil sa biglang pagtahimik ko. I blew a loud breathe and swallowed the bile in my throat and nod as if he saw it.

"Yes, Mom. I'm okay. Anyway, how's dad doing?" pahabol na lang na tanong ko.

A lone tear fell from my eyes but I wiped it off. Trying to stop it and focus on my mother. I don't want her to get worried.

"He's doing fine, hija. Medyo busy sa company dahil minsan lang tumutulong ang kapatid mo sa kanya." Muli na namang nagreklamo si Mommy tungkol sa pagiging sakit sa ulo ni Davin. Ilang minuto rin itong nagreklamo at tanging pag-iling nalang ang nagawa ko.

"Nah... Ahh... My, I'll call you when it's my vacant, okay? I still have things to do. And don't worry about Davin. I'll call him. Tell daddy too that I missed him and I love him so much---I love you Mom," paalam ko.

"Okay. Take care always, hija. Always. Okay? I'll send your I love you to your dad too. And I love you so, so much, anak," madamdamin na sagot ni Mommy bago pinatay ang tawag.

Mas lalo akong nakaramdam nang lungkot at pangungulila dahil sa pagtawag ni Mommy. Wala pa akong planong sabihin sa kanila kung ano ang nalaman ko. My mom admired Adriel so much dahil sa pagiging gentleman, sweet, responsible, loyal and lovable nito sa akin. His my ideal man, the reason why my mom and dad like Adriel for me. I don't want to ruin my mom's impression and trust to my late fiancé.

Five years had passed and I'm still recovering and mourned for losing Adriel. Hindi ko pa kayang kalimutan ang mga iyon. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay titira ako sa dalawang magkaibang mundo. Okay lang sa akin. Kakayanin ko ang sakit na dulot no'n.

If living in grief can lessen the pain, I will definitely live there.

Grief is like living two lives. One is where you pretend that everything's alright. And the other one is where your heart silently screams in pain. And yes, I'm still living in this two lives.

----