Chapter 19 - Kabanata 17

Kabanata 17

Stole

Sobrang bigat nang pakiramdam ko paggising kinabukasan. Hindi pa sana ako babangon kung 'di lang ako naiihi. But what make me panic is, I was only wearing a shirt! And it's not mine!

Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Ibinagsak ko ulit Ang katawan ko sa kama at mariin na pumikit para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Ilang sandali pa nang bahagyang humupa ang kirot ng ulo ko ay dahan-dahan akong bumangon at nilibot ang tingin sa paligid. Even the room is not familiar to me. The manly and luxurious theme in this room was never familiar, but the smell is. The smell of Millisime Imperial!

I'm hundred percent sure that this room was Alec's!

You can only see a black, gray and white color inside the room. The thick curtains are black and white too. Even the king size bed is.

Nilingon ko ang maliit na mesa sa loob ng kwarto at nakitang may pagkaing nakahanda doon. I hardly move my legs because of the soreness I'm feeling. I am not stupid not to realized what happened to me. But that doesn't mean na wala lang 'yon sa akin!

Paika-ika ang hakbang ko patungo sa bathroom. I saw a new pair of jumpsuit and a new Victoria Secret undergarments pagpasok ko palang. May bagong purple toothbrush rin na di pa nabubuksan at pambabaeng shampoo. Katabi iyon ng mga damit na inihanda sa akin ni Alec. Pabuntong hininga akong naligo at nag-ayos sa sarili.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong nilapitan ang bedside table. Tumunog ang tiyan ko nang na-amoy ko ang mabangong pangkain na nakahanda.

I looked at the wall clock dahil sa gutom na naramdaman ko at nakitang quarter to ten na pala! Napapikit nalang ako at nagpasyang umupo sa kama para maka-kain na.

Binasa ko ang note na nakadikit sa isang stem ng red rose na nakapatong sa mesa sa loob ng kwarto ni Alec na katabi nitong mga pagkain na nakahanda. May isang basong tubig rin at gamot sa mesa.

'Good morning, My Captain. I'm sorry if I leave without waking you up. Major Captain Watson wants me to report in the office. Take your meds and take some rest. Take care.

Love, Your Flight Captain

Napapikit nalang ako nang maalalang may duty nga pala ako ngayon. But it's too late, it's already quarter to ten!

Agad akong nagsend ng letter sa email ng office ng QIA at sinabing may sakit ako.

I finished my foods at lumabas na ng flat ni Alec. It was indeed a huge flat. From a luxurious buildings in Canada. I really thought it's Alec' room in Queen's Building, but I was wrong. It was Alec's own flat.

I blew a loud breath when I reached the lift and press the ground floor button. Agad akong nagpatawag ng taxi nang makarating sa lobby at nagpahatid sa Queen's Building.

Pagdating sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama at nagpahinga. Wala sa sariling binabalikan ang maiinit na tagpo namin ni Alec sa flat nito. Hindi ko tuloy maiwasang wag mapailing dahil sa nagawa.

How the hell I've done those things when I'm in the middle of mourning for my broken heart. Mourning because my trust went broke. Mourning because Adriel lied to me. He cheated on me. He fooled me. Mourning because of what I've discovered.

Nawala sa isipan ko lahat ng mga hinanakit ko kay Adriel sa mga oras na 'yon dahil sa nangyari. I threw away those things when Alec's lips landed on mine. When Alec's touch was all on me. When all of Alec's attention was stole by me.

He stole my hurtful thoughts by his sincere kisses. He stole me from my thoughts and he succeed!

Binalingan ko ang cellphone na nasa kama nang tumunog ito. It was an unregistered number calling. Wala sana akong balak na sagutin 'yon pero baka importante ito.

I crease my forehead as I heard the voice on the other line.

"Captain Granada speaking…" agad na bungad ko. Nanatiling tahimik ang kung sinumang nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang malalim na buntong hininga sa kabilang linya.

"Who's… "

"Be careful to the people surrounds you, they are not like what you think they are."

---