Kabanata 05
Heart's Desires
Hindi ako makatingin ng diritso kay Alec habang kumakain. Sobrang nahihiya parin ako dahil sa hindi ko namalayan kung ano ang sinabi ko kanina. Para akong sinapok nang ma-realize ko ang sinabi, when Alec smirked at me.
Panay ang sulyap ko kay Alec habang patuloy lang naman ito sa pagkain. There's a grin plastered on his handsome face. Halata sa mukha nito na nasisiyahan ito sa sinabi ko kanina.
Tss! Nakakainis!
Tinarayan ko pa ito kanina pagkatapos kong sabihing 'my heart beats so fast'. Makabawi man lang ako sa pagkapahiya. Nauna na rin akong pumasok sa restaurant at inis na nilapag ang pilot cap ko sa mesa.
Bago ako umupo at humilig sa upuan at pumikit ay naramdaman ko na ang pag-upo ni Alec sa harap ko at sa pagtawag nito sa waiter.
"What do you want us to do after eating, Captain?"
Napaubo ako dahil sa biglaang pagsasalita ni Alec. Kaya agad naman ako nitong inabotan ng tubig. Isang masamang tingin ang ibinigay ko rito.
"What? I didn't do anything. I'm just asking ei?" depensa agad nito.
"You can do what you want. I'll mind my own," sabay irap ko.
"And will you please..." huminga muna ako ng malalim dahil mas lalo lang akong naiinis dito.
"Please... wag kang manggugulat! Aatakihin ako sa puso ng wala sa oras ng dahil sayo!" Alec put his hands up, surrendering to me, kaya pina-ikot ko ang mata rito dahilan para matawa ito.
"I'm sorry, Captain. I didn't mean it. Sobrang magugulatin mo," natatawang saad nito. "I just want to know if what will you do after here?" I blew a loud breathe, calming myself down.
"I'll take a rest in my cabin. On. My. Own," pagdidiin ko bago uminum ng soda. Tumango naman sa akin si Alec bago natatawa itong ininum ang juice na nasa harapan.
"Quit smiling, you looked like an idiot." Naiinis na saway ko. Alec laugh that make some customers looked at our direction.
"A handsome idiot, huh," natatawa parin ito. "Avoid drinking coffee, Captain, masyado kang magugulatin, drink some milk instead," umingos ako dahil sa sinabi nito.
"Tss! I'm not a baby."
"But you can be my baby." Lumaki yata ang butas ng ilong ko dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig nitong si Alec.
"Baby your ass."
"Hey…"
"And shut up, we're not close," asik ko.
"Outch! You're hurting me," natatawa pa ito habang hinahaplos kuno ang puso at hindi ko nalang ito pinansin.
Pagkatapos kumain ay agad na akong dumiritso sa eroplano. Ilang sandali pa lang nang umakyat ako, narinig ko na ang mga yapak palapit sa mga cabin. Tumigil ako sa may pintoan ng cabin ko para tingnan kung sino ang pumasok. Thinking that maybe it's the crews too. Pero nang malapit na ang tunog, napamura nalang ako sa isipan. Alec is wearing his famous smirk while walking towards me.
"You really love getting into my nerves, don't you?" naiinis na asik ko.
"Tsk! Wala nga akong ginagawa, Captain."
"And you expect me to believe it? What are you doing here then?" kunot-noong hamon ko kay Alec nang magkalapit na. I inhaled his Millisime Imperial perfume by Creed that mixed in the air. Halos mapapikit pa ako dahil sa sobrang bango ng amoy nito. His perfume is one of my brother's favorite perfume.
"Hmm... I'm going to have my rest too." Alec shrugged his shoulder and smile at me innocently.
"Then why are you here?" taas-kilay na tanong ko, huli na nang marealize ang tanong nang sumimangot ito.
"Unless you forgot, we have the same plane, Captain," may pang-aasar sa boses na sagot nito. Ngali-ngali ko itong sapukin kung hindi ko lang napigilan ang sarili.
'Patience Maisha. Patience,' paalala ko sa sarili. Inirapan ko nalang ito at tuluyan nang binuksan ang cabin, pero agad naman ako nitong pinigilan.
"Ang sungit naman nito. Go ahead, take your time in resting. And stop rolling your eyes Captain, it makes you more beautiful." Alec even winked at me before he turn around to open the door of his own cabin.
"Stop it, it's not funny."
"What? All girls want to be with me because they're enjoying my company. Tapos sasabihin mong hindi ka natutuwa? That's outch ha." Tinaasan ko ito ng kilay.
"Well, I'm not a girl, I am a lady, so I won't enjoy."
"My lady then."
"You wish."
"Napakasungit. Take a rest, I'll take mine too."
"You can take yours, I don't care."
"You're so masungit. I'll go ahead." Alec winked at me saka ito tuluyang pumasok.
Napasapo nalang ako sa noo dahil sa kung ano-ano nalang ang ginagawa ni Alec. And I won't deny that it affects me.
But no matter how it affects me, no one will replace to the man who owned my heart even before.
My Adriel. The only man my heart desires from the very beginning.
---