Chapter 8 - Kabanata 06

Kabanata 06

Courting

Tamad kong nilapag sa kama ang pilot cap ko bago pabagsak na nahiga sa kama. Ilang minuto kong pinahinga ang katawan sa kama bago umahon para makaligo at makapag-hapunan na.

Namataan ko si Lawrence na mag-isang naka-upo sa pandalawahang mesa kaya agad ko itong nilapitan. Nakapagbihis na rin ito at putting t'shirt nalang ang suot at isang cargo pants. Lutang ang pagka moreno ni Lawrence sa mga kalalakihang nandito sa loob ng restaurant. Bukod sa mga mestizo ang mga iyon, natatangi lang si Lawrence na moreno ang kulay na minana raw nito sa ina.

Isang buwan na ang nakalipas noong nag co-pilot si Alec sa akin. Balik na ulit si Lawrence sa pagiging co-pilot ko. At simula noong naging co-pilot ko si Alec naging mainit na ang tingin sa akin ng mga babaeng officers at flight stewardess. Madalas kong marinig ang usap-usapan na nakikipag-flirt daw ako kay Alec. But I don't give a damn. I'm too focused on my job and think for Adriel's case, to even take a peek to those who hates me.

"Mind if I sit here?" Agad na nag-angat nang tingin si Lawrence sa akin at malapad itong ngumiti. Tumayo pa ito at hinila ang upuan sa harapan.

"My pleasure, Captain," sabay ngiti nito ng malapad at iminwestra ang upuan.

"Thanks, Renz."

We talked a lot, mostly about work habang kumakain. Masayang kausap si Lawrence lalo na pagsumusubok itong magsalita ng Tagalog na bali-baliktad naman kaya tinatawanan ko ito.

"Captain, it's our day off tomorrow. Uhm... Are you busy or do you have a plan already?" napapakamot sa batok na tanong ni Lawrence sa akin matapos kaming kumain ng hapunan. Namumula pa ang pisngi nito at halatang nahihiya.

Lawrence is the only man I talked to most of the time. Nakasundo ko na ito dahil ito naman ang co-pilot ko at masaya itong kausap.

"Hmm... I don't know, Renz. Maybe I'll just stay in my room," sabay kibit ko ng balikat. I don't really have a plan yet.

"Oh! Magpahihinga nalang din ako siguro." Ngumiwi ako dahil sa sinabi ni Lawrence at tumango-tango pa ito na parang tamang 'yon nalang ang gawin niya bukas. I shrugged at him at di na nagsalita.

Kinapa ko ang bulsa ko para sana kuhanin ang cellphone pero hindi ko ito mahanap. Hindi ko naalalang dinala ko iyon sa kwarto ko.

"What is it, Captain?" Si Lawrence nang mapansing may hinahanap ako.

"Uh… I think I forgot my phone in the plane." Hindi siguradong saad ko. "Uhmm… I'll just get it," dagdag ko.

"Samahan na rin kita, Captain." Tumango ako kay Lawrence at tuluyan nang naglakad palabas ng restaurant at tinungo ang alley kung saan nakahimlay ang mga eroplano.

Dumiritso ako sa flight deck at nakitang nandoon nga ang cellphone ko, nakapatong sa monitor. Agad kong pinulot iyon at sumabay kay Lawrence palabas.

"Nandoon ba?"

"Yeah. Naiwan ko sa may monitor," saad ko habang nakasabay sa paglalakad ni Lawrence.

Kakababa lang namin sa eroplano. Hindi pa man ako nakakalayo sa alley nang makita ko na kakalapag lang ng eroplanong binabiyahe ni Alec. My heart beats in a crazy way just thinking about him.

Halos isang buwan ko na ring hindi ito nakaka-usap. Nagkikita lang kami tuwing nasa gym ako o kaya sa boxing ring. O kaya pag working hours at panay lang ang sulyap nito sa gawi ko.

These past few days, napapansin ko rin na madalas na magkasama si Officer Meyer at Alec. It's not that I gave my attention to those two, it's just that, lagi ko lang itong nakikita kung saan ako nagpupunta.

"Captain, hindi pa ba ikaw magpupunta sa building?"

Agad akong lumingon kay Lawrence at napangiwi dahil sa sinabi nito. Napaka-trying hard talaga nitong magtagalog. Naiirita ako dahil sa mali-mali nitong salita at the same time ay naaliw ako. Gusto raw talaga kasi nitong matutong magtagalog para maintidihan nito ang mga sinasabi ko tuwing nagtatagalog ako.

Nagtataka ako nitong tiningnan. Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nito tinatawag. Naglakad ito pabalik sa akin nang may pagtataka sa mukha.

"You're lumulutang again," nakangiting saad ni Lawrence kaya napailing nalang ako. Gusto kong humagalpak nang tawa dahil sa sinabi nito.

"Lumulutang?" taas-kilay kong tanong.

"Yeah. Spacing out?" inosente nitong nito na ikina-iling ko.

"D*mn! You're giving me a goosebumps. It's lutang, Lawrence, not lumulutang," natatawang pagtatama ko sa sinabi nito kaya napakamot ito sa ulo.

"Oh! That's it." Umiling nalang ako at naglakad.

"Let's go, I badly need a rest," aya ko kay Lawrence 'saka ito sumabay sa paglalakad ko.

Nakasalubong namin si Elisse lobby ng building at nagyaya itong magdinner. Inimbitahan namin si Lawrence but he refused at sinabing may gagawin pa itong importante. Kaya kahit tapos na akong kumain ay sinamahan ko nalang si Elisse.

"Why don't you remove your ring? I think that's the reason why you only have few suitors. They will think that you are some sort of in a relationship or engaged? Or whatsoever."

Ngumuso ako dahil sa sinabi ni Elisse. Tinitigan ko rin ang singsing na binigay sa akin ni Adriel noon. This ring really fits my finger.

"I don't have the courage to," pabuntong hiningang amin ko kay Elisse.

"Because you did not even try. Give yourself a chance to be happy."

Umiling ako. Minsan ko na ring naisipan na tanggalin itong singsing, pero binabalik ko rin kalaunan. Dahil feeling ko, may kulang sa akin pag hindi ko ito suot.

"Just try. I'll bet my ass, you will have the longest line of suitors her in QIA for sure!" Elisse' eyes sparkled in happiness as she mentioned some names of handsomest guys in airline according to her, including a man named Officer George, Grant, Lawrence, and of course, she will never forget the most devastating handsome in QIA, Flight Captain Alec Castriel Lazer.

I snorted after Elisse mentioned them.

"You know." Sabay kibit nito ng balikat. "If I were you, I'll definitely chose Captain Lazer. I mean, he's damn hot, no question about that. And surely, you will scream in bed under him!"

Tumili si Elisse matapos banggitin ang huling sinabi. Lumilingon tuloy sa gawi namin ang mga customer na nakarinig sa tili at tawa ni Elisse.

"Tss! You are poisoning my mind!" sita ko dahilan para mas lalo itong tumawa. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid. Tuwang-tuwa pa si Elisse dahil sa naging reaksiyon ko.

"But seriously! Haha… I really like Captain Lazer for you, Captain. Aside from you two are both pilots, I always napapansin that he has pagtingin for you."

Ngumiwi ako kay Elisse dahil sa pagiging conyo nito. Pero hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang sinabi nito.

"And he is single. Those girls na nali-link to him are just some sort of flings, you know." Elisse shrugged.

Ganoon ba kahalata si Alec, na kahit ibang tao ay napapansin ang kung anong meron ito?

"A Flight Captain. Has a cars, big houses, businesses. And has his own chopper if you don't know. A devastatingly handsome. Damn hot. With those muscles, biceps and triceps that will surely want you to plead him like 'Hey, spank me, Baby' or you can simply say 'Choke me, Daddy', ugh!"

Halos manindig ang balahibo ko sa paraan nang pagbanggit ni Elisse sa mga huling salita. Para itong nag-iimagine ng kung ano. Kung ano-anong senaryo rin sa kwarto ang pumasok sa isip ko!

"Tss! You're scary! And I don't have a plan tho."

"Ei? I wasn't informed that I must have a planner if I like someone huh."

Umismid ako kay Elisse pero tinawanan lang ako nito.

Kanina pa kami nagke-kwentuhan tungkol sa trabaho at sa mga lalaking nirereto nito sa akin. Tanging pag-iling nalang ang naging sagot ko. Ilang sandali lang ay napakunot nalang ang noo ko nang umismid si Elisse habang nakatingin sa likuran ko.

"Why?" I raised my left eyebrow to her and frowned.

"My mood changed in an instant every time I see Officer Meyer's slutty face. Sooo nakakairata!" I twisted my lips before I chuckled a bit at Elisse' thick accent in Tagalog. Inirapan naman ako nito kaya napailing nalang ulit ako.

"You really like his face that much ei?" I sarcastically commented that turned Elisse' face sour.

"Oh bitch! You've gotta kid'in me," sabay ikot nito ng mata na halatang iritang-irita.

I laughed a bit to Elisse pero napaseryoso rin nang makita ko Alec na umupo sa kabilang mesa malapit sa amin. Kasama nito si Amya na nakakapit sa braso nito. Capturing every customer's attention here in restaurant because of what she's wearing. A red deep v-neck dress, mid-thigh high with a slit in her left leg.

Sa isang buwang dumaan ay marami akong usap-usapan na naririnig about this two. Wala naman talaga akong paki-alam, pero some of those tsismis includes my name.

Imbes na pansinin pa ang titig ni Alec sa akin, ibinaling ko nalang ang atensyon sa pagkain. Samantalang si Elisse naman ay tahimik nang umiinum ng red wine. Ilang sandali pa ay napa-angat ang tingin ko kay Elisse dahil bigla itong napahagikgik at halatang kinikilig.

"You're damn creepy." Bumusangot si Elisse dahil sa sinabi ko pero agad ring gumuhit ang nang-aasar na ngiti sa mapupulang labi nito.

"And speaking of suitors…" ngumisi nang nakaka-asar si Elisse pero tinaasan ko ito ng kilay.

"Your prince charming is coming," Elisse whispered. I creased my forehead and turn my back to see if who's prince charming she's talking about.

"Good evening, ladies."

Bumungad sa paningin ko si Officer Grant Villoso with his bouquet of tulips, standing in front of us, looking so handsome in his stripe long sleeve that rolled up to his elbow, paired with a denim jeans. His messy blonde hair made him more hot. The small silver piercing in his right ear attracts him more.

Damn this kind of faces!

Naka-assigned pala itong si Officer Grant sa Ground Controllers kaya minsan ko lang itong nakikita. Napag-usapan din namin ito ni Elisse kanina. I didn't expect that he'll be here, huh.

"Ahh... ehem... ehem... good evening, Officer Grant."

Hagikhik ni Elisse ang pumukaw sa atensyon ko. Hindi ko namalayang napatagal pala ang titig ko kay Grant! I fake a cough before I smile at Grant and offer him a sit. Agad naman itong nagpasalamat sa akin.

"Uhm... flowers for you, Captain," saad nito sa akin.

Grant looks dazzling with his smile. Kagat-labi kong tinanggap ang bulaklak na bigay nito. I rolled my eyes to Elisse who's giggling, kaya mas lalo itong kinilig. Dahilan para matawa si Grant sa reaksyon nito.

"You're kinikilig!" Tili ni Elisse kaya tumawa si Grant dito.

Panay ang saway ko kay Elisse na tinatawanan naman ni Grant. Ginagatunggan nito ang pambubuskang ginagawa ni Elisse sa akin.

"Damn! You're blushing! Hahaha," ulit ni Elisse. Natigil lang ang hagikhik ni Elisse nang biglaang tumayo si Alec na nasa kabilang mesa at nagdulot pa iyon ng tunog, kaya napabaling kami sa pwesto ng dalawa.

Napatingin rin ang ibang customers na nakapansin sa biglaang pagtayo ni Alec. Diri-diritso ang lakad nito palabas sa restaurant at nakahabol naman si Amya dito.

"Alec! Wait!" tawag ni Amya pero di ito pinansin ni Alec. Nagtataka ko lang na tinanaw si Alec palabas hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng restaurant.

"FQ?" Nagkibit-balikat nalang ako nang tumingin sa akin si Elisse.

"What's FQ?" nagtatakang tanong ni Grant sa akin pero inginuso ko si Elisse kaya bumaling ito sa kaibigan.

"Flings quarrel," balewalang sagot nito kaya napa-iling nalang si Grant. Ipinagkibit balikat ko nalang din ang pag wa-walk out ni Alec sa isiping baka nag-away lang ang dalawa.

"You have your own terms with that, huh?" nakangising saad ni Grant kay Elisse na nagkibit lang ng balikat.

Alas nueve na nang napagpasyahan naming umuwi. Grant offer us a ride kaya sumabay nalang din kami dito. Medyo natagalan kami dahil nag-wine pa at nagke-kwentohan pa kanina sa restau, buti nalang at napansin ko ang oras.

"Thanks for the ride and for the flowers, Grant."

A small smile plastered on my face as I bit my lower lip. Elisse on the backseat was giggling kaya napailing nalang kami dito.

"You're always welcome, Captain."

Sabay kaming dalawa ni Elisse na sumakay ng elevator pa-akyat sa tamang palapag ng mga unit namin. Samantalang pi-nark pa muna ni Grant ang kanyang sasakyan kaya pina-una na kami nito. Elisse waved at me nang lumabas ito ng elevator. Humihikab na ako dahil sa antok at dahil na rin sa wine na ininum namin kanina.

The elevator stop on the right floor where my room was located. Halos mapatalon ako sa gulat dahil pagbukas ng elevator ay mukha ni Alec ang sumalubong sa akin. He's damn serious and look mad. His arctic blue eyes are more define now because of the unknown emotion. I gulped before I took a step out in the elevator. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa titig nito.

Napahigpit ang hawak ko bulaklak dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. I don't even know why I feel like this.

Alec stared at me darkly as I slowly walk towards him. My room was behind him, at naiilang ako. The way he madly look at my hand that holding the flower from Grant is like I'm holding a bad thing.

Problema nito sa buhay?

Pilit kong benaliwala ang kaba na naramdaman ko dahil sa titig nito.

Hindi paman ako nakakahakbang palampas dito ay nahawakan na ako nito sa palapulsuhan ko.

The heat from Alec's touch make my heart beats rapidly more. It's tingling and it sent shivers to my whole.

"Is Officer Villoso courting you?"

Nangangapa ako dahil sa diritsahang tanong ni Alec sa akin. Kunot na kunot ang noo na mas lalong nagpatingkad sa kagwapohang taglay nito. Umamba akong magsasalita pero hindi ko tinuloy. Umigting ang panga ni Alec, nagpipigil sa kung anomang dahilan.

"Quit staring, just answer me," pagsusungit nito.

Gusto kong umingos, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Parang hindi pa nagsi-sink-in sa akin ang tuno ng tanong nito. Ba't naman parang galit ito? Tsk!

"Is he, Maisha?" pag-ulit nito sa tanong. Ano namang paki-alam nito?

"You care?" Imbes ay 'yon ang lumabas sa bibig ko!

----