Chapter 12 - Kabanata 10

Kabanata 10

Suffers

My body is shaking in so much anger and trauma I'm feeling right now. Parang ang nangyari limang taon na ang nakaraan ay biglang bumalik sa aking isipan. Na ultimo nararamdaman ko noon ay katulad na katulad rin ang nararamdaman ko ngayon.

The feeling that you want to smash all the thing you see. You want to crush into pieces those people who's behind of that incidents. Yung kinain ng galit ang takot at sakit na meron ang puso mo. That you will think that revenge is the only way to at least lessen the burden you've feeling right now. Hindi ko tuluyang maipaliwanag ang totoong nararamdaman ko ngayon.

Malakas na suntok ang pinakawalan ko na tumama sa wall katabi ng pinto ng private room ni Elisse sa hospital. Kung saan naka-confine ang mga biktima ng plane crashed kahapon. Maraming tubo ang nakakabit sa katawan ni Elisse habang mahimbing itong natutulog. Sobrang naawa ako dito dahil sa hitsura nito ngayon.

Pagdating namin sa Canada ay madaling araw na. May mga police pa sa alley malapit sa eroplanong nadisgrasya at patuloy ang pag-iimbistiga. Pero kahit pagod na pagod dahil sa ilang oras na biyahe ay di ito dahilan para di ako dumiritso sa hospital dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Elisse. Kasabay kong dumiritso sa hospital si Lawrence, na hindi rin maganda ang pakiramdam.

"You can go ahead, Renz, I'm fine here. Susunod rin agad ako."

Pagkatapos tumango ay naunang lumabas ng hospital si Lawrence, na ipinagpasalamat ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Para akong bumalik sa panahong nasasaktan at nahihirapan ako. Sa panahong halos wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak at magmukmok nalang sa kwarto. Ni hindi ko magawang kausapin ng maayos ang pamilya ko sa mga panahong 'yon.

'Maisha, Adriel is gone.'

Napapikit ako nang mariin nang sumagi ulit ang mga katagang iyon sa isipan ko. I can clearly heard my mother's voice inside my head. I can clearly heard my sobs in that moment. And the feeling I had that time, was crystal clear to me now.

"It's already 4:00am, you should take a rest, Captain."

Sinipat ko lang si Alec na nakatayo sa gilid ko. Hindi na ako nagulat sa biglaang pagsulpot nito. Nakapamulsa ito at parang ina-antok na rin. Hindi ko man sadyain pero hindi ko alam kung bakit kusa na uminit ang ulo ko dahil sa presensya palang nito.

"What are you doing here?" malamig ang boses na tanong ko. Hindi ito umimik kaya nagsalita ulit ako.

"Would you please stay away from me. Stop showing your face to me! Because every time I saw you, I remember how I hate your girl so much," madiin na saad ko that makes Alec's eyes more gentle while clenching his jaw.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I can burst my anger without further ado, but I chose not to. Ayaw kong makita ninoman na mahina ako sa ganitong sitwasyon. Yes, I am so weak whenever I heard about plane crashes. It traumatized me. And I'm afraid that I'll stay like that forever.

"What did I do... this time?" Tanong nito sa marahang boses na para bang nasasaktan sa pang-aakusa ko. Pero nanatili ang masamang tingin ko dito.

"Just leave! I don't want to see you here," malamig na saad ko.

Alec tried to open his mouth to speak, but he closed it again. An unexplainable emotion shown in his eyes, but it vanish quickly. Yumuko ito at bahagyang tumango sa akin. Nagpakawala ito ng mahinang buntong hininga bago nag-angat muli nang tingin sa akin.

"Don't hide from your fears. Live it and learn to beat it," malumanay na saad nito sabay baling sa kamay ko. Doon ko lang napagtantong nanginginig pala ang mga 'yon. Trying to hide the real feelings I have right now.

"I don't need anyone else to tell me what to do. I can do it... alone."

"I'm sorry," he whispered like he only said it to his self. "I didn't mean to upset you," dagdag nito. "I... just want know if... you're okay. That's all. I'll go ahead."

Nang makaalis na si Alec 'saka lang tuluyang bumagsak ang luha ko. Parang nabawasan ang kanina ko pang pinipigilang bigat na nararamdaman. Ang sakit sakit lang na kailangan kong pigilan iyon para lang di ako matawag na mahina.

All this time, akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko nang tanggapin lahat. Akala ko kaya ko na lahat. Pero sa nangyaring aksidente ngayon, napagtanto kong nagtatago lang ang lahat ng ito sa puso ko. Na ang lahat ay akala ko lang.

I was afraid. I'm in pain. I'm suffering for all the things that happened years ago that leads me in this situation. Nangungulila ako at hanggang ngayon, patuloy na nangingibabaw ang nararamdaman kong 'yon.

The man I love the most, who told me that I'm worthy of true love and respect isn't here anymore, but remained inside my heart. And that was the most painful. He left me. He left me with so much pain.

Hindi ko parin pala iyon matanggap. Gaano man katagal iyon. Ilang taon man ang lumipas, mananatili iyong naka-ukit sa puso ko. Kahit anong kumbinsi man ang gawin ko, mangingibabaw at mangingibabaw pa rin iyon. Nasasaktan parin ako, hanggang ngayon.

---