Chapter 11 - Kabanata 09

Kabanata 09

Crashed

Nasa alley na ako at naglalakad palapit sa eroplano nang marinig ang boses ni Lawrence sa humahangos. I looked at him curiously.

"Captain! Officer Villoso want to give this to you," hinihingal na saad nito sa akin. Halata sa itsura nito na malayo ang pinanggalingan.

"Where were you from? You panting so bad ei?" nakangiwing saad ko sabay tanggap sa bitbit nitong paper bag. "And what's this?"

"A-Ah... Of... Officer Villoso called me for that," nakangusong saad nito habang patuloy ang paghabol nito nang paghinga. Naawa na natatawa ko itong pinagmamasdan.

"Woah! It looks like I came from a marathon! Tsk! Your suitor really wants to impress you, huh?" Natawa nalang ako dahil sa kalaunang pagrereklamo nito.

"Thanks, Renz," sabay tapik ko sa balikat nito. Lawrence nodded at me. Sino rin ba kasi ang hindi hihingalin kung tatakbohin mo ang ground control room hanggang dito sa alley?

"By the way, have you seen Elisse?"

Naglalakad na ako palapit sa eroplano habang nakasunod naman sa akin si Lawrence.

"Ah...yeah. I saw her in the plane flight 334, wearing her complete uniform." Parang balewalang sagot nito sa akin. Agad akong nagtaka dahil sa narinig. I creased my forehead and turned back to face Lawrence.

"What is she doing in that plane? It's her day off?" nakakunot parin ang nuo ko.

"Uh! I overheard that they need more FA's in that plane. Substitute to Ms. Eligarle which is sick now. Major Captain Watson assigned Elisse there," kibit-balikat nito.

Dahan-dahan naman akong tumango kay Lawrence bago tuluyan ng sumakay sa eroplano. Maganda ang panahon ngayon at halos lahat ng eroplano ng airline ay nag-operate. Hindi naman ipagkakaila na kailangan talaga ng substitute tuwing may nagkakasakit. Hindi naman pweding pagtrabahoin iyong hindi maganda ang nararamdaman.

Napabuntong hininga ako bago naupo sa cockpit. We already rechecked the plane before we prepared ourselves for the flight.

Lawrence close his eyes when we're in the flight deck. Hinilot-hilot rin nito ang ulo 'saka bumuga ng hangin. I look at Lawrence with a knotted forehead.

"Hey, are you okay?" tanong ko rito at tumango naman ito ng mahina.

"Yeah. Just a mild headache, Captain," sagot nito sa akin at nanatiling nakapikit.

"You sure you're fine? I can ask for other co-pilot so you can take a rest," nag-aalalang saad ko pero umiling ito sa akin.

"There is no available pilots now, Captain. I already asked Major Captain Watson earlier, but he said, all planes will be operating today. The weather is in good condition. That's according to the head personnel in control tower," mahabang saad ni Lawrence sa akin.

Napatiim-bagang nalang ako at bumunga ng hangin dahil sa narinig. Tama nga ang iniisip ko. Hindi ko tuloy mapigiling wag mainis dahil parang sa araw na 'to, nararamdaman kong may ginawa si Amya sa nangyari sa kay Elisse at Lawrence. Kahit hindi naman ako sigurado.

"Okay, take a med before we takeoff. And rest for a while, we still have an hour," saad ko rito na agad naman ding tumayo at kumuha ng gamot at nagpahinga.

Malakas akong napabuntong hininga at nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Napailing nalang ako at iwinaksi na sa isipan ang mga hindi magandang bagay.

"Ladies and Gent's, flight A330 bound to New Jersey Departure Area. This is your Pilot Captain Maisha Arachne Granada speaking. I ask you to turn off and put away all your devices. We're ready to takeoff," I announced and started to maneuvered the plane.

Naging maayos ang pag-takeoff at paglanding namin sa New Jersey. But forty-two minutes after we land the plane in New Jersey's Departure area, I received a call from a control tower that makes me winched in anger. A flight 334 bound to Philippines crashed when it's about to takeoff.

How was that f*cking possible when the weather is good? Is it another technical problem?

Mas lalong umahon ang kaba ko nang maalala na lulan noon si Elisse, na kahit day off nito ay naka-duty.

Hindi na ako mapakali habang hinihintay ang oras pabalik sa Canada. Mas lalo akong kinain ng kaba habang tumatagal na nandito kami sa New Jersey. Gusto ko ng malaman kong kumusta si Elisse. Kung ano ba ang dahilan ng plane crash. Bakit nagkaganon?

Pero isa lang talaga ang pinagdududahan ko sa nangyaring ito! Alam kong hindi dapat ako mag-iisip at mang-aakusa dahil wala naman akong pruweba. Pero hindi ko maiwasan na mag-isip ng ganito. Lalo pa't napakalakas ng kutob ko. Nanlalamig ako at halos hindi na ako nakakapag-isip ng tama. Kinakain na naman ako ng takot ko na matagal ko nang pilit kinakalimutan.

"Captain, are you okay?" Tinanguhan ko si Lawrence dahil hindi ko na magawang ayusin ang pakiramdam ko.

"You're sweating bullets," dagdag nito. "And you're hands are shaking." Doon ko lang tiningnan ang mga kamay kong nakahawak sa monitor na nanginginig na pala. Pinagpapawisan rin ako ng grabe kahit na hindi naman mainit ang loob ng cockpit. Ilang beses akong umiling at bumuga ng hangin.

"I'm… fine." Tanging naging saad ko nalang at pumikit nang mariin para pakalmahin Ang sarili. Lawrence gave me a bottle of water na agad kong ipinagpasalamat.

----