Napabuntong-hininga na lamang dahil sa pagkabagot si Jacob habang nakapangalumbaba at nakatingin sa bintana. Tapos na ang klase, pero kailangan niya pang manatili sa school building para sa after-school activities niya bilang miyembro ng Paramount.
Bakit ba kasi ako pa?
Paulit-ulit niyang tinatanong iyon sa sarili, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makuhang sagot. Iyon ang unang linya na agad lumitaw sa loob ng utak niya noong matanggap niya ang sulat na siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa placement examination ng Interpersonal Intelligence Division. Ang placement exam na iyon ang ginagamit ng Faircastle High School para piliin ang mga magiging miyembro ng Paramount Class - isang maliit na grupo ng mga estudyante na magkakaroon ng exclusive privileges, after-school activities, at supplemental classes.
Gamit ang mga daliri, sinalat ni Jacob ang disenyo ng phoenix na naka-etch sa brooch na ibinigay sa kanya sa registrar's office kaninang umaga. Ang brooch na iyon na gawa sa ginto at tanso ay espesyal, dahil kasali siya sa walong estudyante na may karapatang gumamit noon.
Napailing na lamang siya bago saglit na sinulyapan ang mga kasama sa silid na iyon, bago muling ibinaling ang tingin sa campus grounds. Mag-iisang linggo pa lamang siya sa Faircastle pagkatapos niyang mag-transfer doon bilang isang Grade 12 student. It was his first day in the Paramount Class as well, and it felt weird rather than exciting.
He heaved another sigh, now of frustration, while looking outside the window, feeling envious of the other students that are starting to leave their classes and going back to their dormitories. Dahil nga ginagawa lamang ang supplemental class at activities ng Paramount pagkatapos ng klase, kailangan niyang manatili doon kahit pa gusto niya nang umuwi. Hindi siya natutuwa, dahil mas gusto niyang bumalik na lamang sa dorm kung saan kasama niya sa kwarto ang pinsan na si Kevin na nasa Grade 11 at maglaro na lamang ng video games kasama ito.
Noong mga sandaling iyon, nagpapaliwanag sa harap ng klase si Mr. Daniel Arevalo, ang class adviser ng Paramount. Kahit gustuhin niya, hindi magawang mag-focus ni Jacob sa mga sinasabi nito. Iginala niya ang mga mata sa kwarto, at nakaramdam siya ng pagkailang dahil alam niyang hindi naman siya nababagay na maging miyembro ng grupong iyon. The other seven students - all selected from their own divisions after topping their respective placements tests - are either well-known because of their achievements or their family names. He was the odd one - isang simpleng estudyante mula sa isang middle-class na pamilya. Hindi naman siya athletic, at mas lalong hindi rin siya magaling sa arts o sa music. Hindi rin ganoon kaganda ang academic performance niya, and his extra-curricular activities are close to abysmal than impressive. But there he is, selected from hundreds and placed in a group of students that are way deserving and interesting than him.
Hindi basta maiaalis ni Jacob ang pagdududa sa placement exam na nangyari. Hindi niya alam kung ano ang milagrong nangyari at nakapasok siya sa Paramount, dahil hindi naman niya sineryoso ang pagsagot sa examination na iyon. Hindi niya naman kasi gusto na maging miyembro ng grupong iyon sa kabila ng mga pribilehiyo at bragging rights na maibibigay nito sa kanya.
Nang ikakabit niya na sana ang brooch sa knot ng royal blue necktie na suot niya, naagaw ang pansin niya ng disenyo nito. In the middle is the phoenix - the school's emblem. Nasa baba naman nakasulat ang Latin phrase na 'scientia est potentia', o 'knowledge is power' sa Ingles.
He felt every ridge and curve of the brooch with his fingertips, before sighing in defeat.
Ano pa ba ang magagawa ko? Andito na ako eh.
Nang itinuon niya na ang atensyon sa harap ng klase, naramdaman niya na para bang may nakatingin sa kanya sa bandang kanan niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Jacob, bago ibinaling ang tingin sa pinagmulan ng nararamdaman niyang titig. Doon ay sumalubong sa kanya ang mukha ng isang kasamahan niya sa Paramount. He doesn't look mad, but he doesn't look pleased either. His cold eyes, pale skin, and cynical expression made Jacob aware that the student seemed to not like him or his presence. Nakasama niya na ang lalaki sa iisang silid noong nag-take sila ng placement examination.
"...Of course, there are certain rules to follow. They are listed in this booklet. Your own copies will be given to you tomorrow, at ididiscuss din natin ang mga nakasulat dito bukas," ani ng class adviser, pertaining to the small black book he is holding with the school's official seal etched on the cover in gold-colored ink. "But the most important rule that you have to remember is to keep everything a secret. All the things that you learn from this class, all the activities we do, are considered confidential. Exclusive lang kasi para sa mga miyembro ng Paramount ang mga activities at after-school class na meron kayo."
Nakaramdam ng pagkalito at matinding interes si Jacob, Hindi niya maintindihan kung ano ang meron sa Paramount Program para maging ganoon ito ka-confidential.
Ano ba kasi ang big deal sa program na 'to? Parang ewan.
Nagsasalita pa sana si Mr. Arevalo nang biglang kumatok sa nakabukas na pinto si Ms. Helga Mariano, ang head administrator ng Faircastle High School. Despite looking so beautiful, she appears to be scary because of her austerity and cold personality. Katulad ni Mr. Arevalo, nasa mid-30s na rin ito, pero nagmumukha siyang mas matanda sa totoo niyang edad dahil na rin sa pag-uugaling ipinapakita nito sa lahat.
"The director is now waiting, Mr. Arevalo," she said, before leaving the room calmly.
Tumango ang class adviser ng Paramount, bago sila nito hinarap nang may malapad na ngiti sa mukha. "Guys, kailangan na nating bumaba... Hinihintay na tayo ng director."
Kahit nalilito, lumabas pa rin sina Jacob at ang mga kasama para bumaba sa campus grounds kung saan naghihintay ang school director ng Faircastle High School. Pinauna muna ni Jacob ang iba, bago sumunod sa grupo. Nakasabay niya sa dulo ng linya si Gwen - ang top student mula sa Intrapersonal Intelligence Division at kaklase niya sa ilang subjects.
Habang dinadaanan nila ang mga hallway at ang ibang mga classroom kasama sina Mr. Arevalo at Miss Mariano, mapapansin ang inggit at pagkamangha sa mga mata ng ibang mga estudyante. Everyone at Faircastle High School knew what it meant to be a part of the Paramount Class. Aside from being considered as the best students from their respective intelligence divisions, madami itong perks at may kakabit pang bragging rights.
Wearing the phoenix brooch is a way for everyone to know that a student is a member of the Paramount Class, and is entitled to special treatment and freedoms not all students at Faircastle High School can partake in.
Nang marating nila ang campus grounds, kausap ng school director na si Benjamin Alcantara ang isang lalaking may hawak na DSLR camera. May apat na upuan din na nakapwesto sa harap ng rebulto ni Dr. Robert Gleeson, ang founder ng Faircastle High School.
"William, Helga... " Nakangiting saad ng school director habang naglalakad papalapit sa kanila. He then focused his eyes on the eight of them, but averted his gaze quickly as to not intimidate them, "Interesting set of students... I am looking forward to witnessing their growth in the Paramount Program."
"From what I see," ani Mr. Arevalo na may malapad na ngiti sa mukha, "They're indeed going to be a remarkable bunch. Magkakaiba talaga silang lahat - from their personalities to their strengths, aside from the intelligences they excel in."
Tumango ang school director, bago sila iginiya papunta sa mga upuan. Naglakad naman palayo ang photographer at pumwesto sa harap nila habang hinihintay silang makapaghanda. Doon napagtanto ni Jacob na magpapakuha sila ng larawan kasama ang school director ng Faircastle.
Habang naghihintay sila ng instructions, pumwesto sa harap nila si Miss Mariano at naglabas ng isang piraso ng papel. "Vladimir Garcia, you're ranked first after the placement exam so you're going to sit on the school director's left side. Gwen Ortega, ikaw ang pangalawa, so your seat is going to be on the right side of Director Alcantara."
Pinanood ni Jacob ang pag-upo nina Vladimir at Gwen sa magkabilang upuan na pumapagitna sa nakaupo nang si Director Benjamin Alcantara. The guy who was giving him the glares earlier, who happens to be Vladimir, looked sarcastic and proud as he enjoyed his seat. Si Gwen naman, halatang hindi komportable sa pwesto. Kahit kasi hindi sila close, kaklase niya ang dalaga sa ilang subjects, at talagang kilala ito sa pagiging free-spirited at humble.
"Sketch Chua, ranked third... You're going to sit beside Vladimir," Miss Mariano continued with the arrangement, "Emma Dominguez, the fourth one, is going to sit beside Ortega. Yung iba naman tatayo sa likuran nila, with your standing order based on your rankings."
Habang nakapwesto na ang top four sa mga upuan, pumwesto naman si Jacob at ang tatlo pang miyembro ng Paramount sa likuran. The fifth student is a really tall girl with her blonde hair tied in a bun, at nakapwesto ito sa tabi ni Miss Mariano at nasa likuran ng ikaapat na miyembro. Pigil ang ngiti ni Jacob habang pinagmamasdan ang babae dahil ito ang estudyanteng nakabangga sa kanya noong araw ng placement exam. Kanina pa siya nito iniiwasan ng tingin, at halatang natatandaan siya nito.
Sa tabi ng babae nakatayo ang isang lalaking may mga piercings sa tenga, kasunod ng isa muling lalaki na athletic ang pangangatawan. Pareho niya na ring nakita ang dalawang lalaki noong araw ng placement exam, kaya bahagya siyang namangha na muli niya palang makikita ang mga estudyanteng nakaagaw ng pansin niya noong araw na iyon.
Dahil siya ang nasa ikawalong pwesto, napapagitnaan si Jacob ng malaking lalaki at ni Mr. Arevalo. Nang tumayo siya sa tabi ng ikapitong miyembro, bigla itong umatras kaya bahagya siyang nawalan ng balanse habang lumalayo para makaiwas sa malaking katawan nito. Dahil doon kaya bumangga ang likod niya sa katabing class adviser.
Nanlaki ang mga mata ni Jacob nang magtama ang mga mata nila ng guro. Dahil sa pagkapahiya kaya agad niya ring iniwas ang tingin dito.
"Sorry po, Mr. Arevalo..."
Tumawa na lamang ang class adviser habang umiiling-iling. "Sir Daniel na lang ang itawag mo sa 'kin. At huwag kang mag-alala, wala 'yun." Pagkatapos ay tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Now face the front... The photographer is waiting."
Isang alanganing ngiti ang lumitaw sa mukha ni Jacob habang sinusunod ang sinabi sa kanya ng class adviser nilang si Sir Daniel, bago humarap sa photograpther. He looked directly at the camera lens as he waited for the cue. Nagtatalo ang isip niya kung ngingiti ba siya o hindi, but ended up settling on a grin before the man holding the camera can even take the picture.
When the flash goes off, he sees the other students watching them, their gazes a mix of amazement and envy. Ang atensyon ng mga tao ay nakatuon sa kanila, at pakiramdam ni Jacob ay nahihirapan siyang huminga dahil sa pagkailang at paninibago. Pakiramdam niya ay hindi siya basta masasanay sa pagbabagong iyon, pero kailangan niya pa rin iyong tanggapin bilang miyembro ng Paramount.
At that moment, Jacob was unaware that a lot of things are going to change, and everything will never be the same again.