Chereads / The Paramount Code / Chapter 5 - 2 | Youngblood

Chapter 5 - 2 | Youngblood

Alam ni Jacob na dapat siyang matuwa pagkatapos matanggap ang admission letter mula sa Faircastle High School, pero hindi niya mapigilang mawalan nang gana nang makita ang laman ng sulat. Ayaw niya naman kasi talagang tumuloy doon, at mas gusto niya pang bumalik na lang sa probinsiya at ipagpatuloy ang pag-aaral sa dati niyang pinapasukan. Iyon nga lang, wala siyang choice dahil gusto ng nanay niya na sa Faircastle na siya mag-aral.

Still, he felt relieved that he passed the entrance examination. Ayaw niya rin kasing ma-disappoint ang nanay niya na alam niyang pursigido na ibigay sa kanya ang lahat.

Pinisil ng ina ang mga pisngi niya. "Sabi ko na eh, sigurado talaga akong papasa ka! Proud na proud ako sa'yo, anak!"

Kahit sino naman kasing magulang ay talagang matutuwa kapag pumasa ang anak nila sa Faircastle High School. Kilala kasi ito sa napakahirap nitong entrance examination para sa mga incoming students. Everybody knows that Faircastle only takes the best and produces the best youngsters that will definitely excel in their respective careers.

Maliban doon, kakaiba rin ang pagkakahati ng mga estudyante. Kung ang iba ay hinihiwalay base sa mga strands na pinili nila o sa grades na meron sila, ang mga estudyante sa Faircastle High School ay nakagrupo base sa mga 'intelligences' na qualified sila. Ang entrance examination results ang susi para malaman kung saang intelligence division didiretso ang isang enrollee.

Habang binabasa ni Jacob ang sulat, napansin niya ang isang hindi pamilyar na term. "Interpersonal Intelligence Division... Ano 'yun?"

Tinawanan na lamang siya ng ina. "Hindi na 'yan importante, anak... Ang mahalaga, nakapasa ka." Bakas sa tinig nito ang pagka-proud sa achievement niya. "At dahil maganda ang mood ko, ano ang gusto mong kainin for dinner?"

Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Jacob. "Chicken at pizza!"

His mother smiled and poked his cheek. "Chicken and pizza it is... Sandali at magpapa-deliver na lang ako..."

Dumiretso ang ina sa kwarto nito para kunin ang phone niya upang maka-order na sila ng kakainin. Habang abala ang nanay niya sa pakikipag-usap sa tawag, umakyat si Jacob sa kwarto niya dala ang admission letter na natanggap niya. Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang naupo sa kama at binasa ang mga nakalagay sa sulat.

Habang iniisa-isa niya ang iba pang mga nakalagay sa loob ng envelope, doon niya napansin ang isa pang kulay asul na papel na nakasiksik sa loob.

It was a thicker piece of paper, and the letters are all written in gold and with a more refined font. Nakalagay rin sa itaas ng sulat ang official seal ng Faircastle High School, katulad ng iba pang official communication na nanggagaling doon.

"Placement Examination?" bulong ni Jacob sa sarili, "Hindi ba natatapos ang exam sa school na 'yun?"

Not much was written on the letter, but it did mention the schedule of the 'placement examination', his room and seat number, and some reminders. It was just a typical letter; nothing mysterious about it.

Pero dahil napukaw nito ang interes niya, agad siyang dumiretso sa harap ng laptop niya at sinearch ang tungkol sa placement examination na iyon. Dinala siya ng paghahanap niya sa official website ng Faircastle High School, sa mismong webpage na may nakasulat na The Paramount Class sa header.

Habang binabasa niya ang mga nakasulat na contents ng webpage, napagtanto ni Jacob na ang placement exam na iyon ang paraan para matukoy ang mga magiging miyembro ng Paramount. Para lang sa mga Grade 12 students ang exam, kaya qualified siyang mag-take.

Ang siste, tanging ang mga estudyante sa kada intelligence division na magkakaroon ng pinakamataas na puntos ang magiging qualified na maging miyembro ng Paramount. Sila rin ang magiging representative ng intelligence division nila sa pinakaimportanteng grupo ng mga estudyante sa Faircastle High School.

"...Being a member of the Paramount also comes with benefits and privileges, as well as supplemental after-school classes." Nagsalubong ang mga kilay ni Jacob habang umiiling-iling, "Magtitake ako ng exam para lang magpaiwan sa school? Sayang lang sa oras 'to..."

He hissed as he smirked, before closing the website and staring at the placement examination letter.

"Sabagay, wala namang mawawala sa 'kin..." Napakibit-balikat na lamang si Jacob, bago inilagay sa loob ng bag niya ang sulat.

********

Nakasandal ang ulo ni Jacob sa salamin ng bintana ng kotse habang hinahatid siya ng ina sa Faircastle High School. Ngayon ang araw ng placement examination, at isang linggo bago magsimula ang bagong academic year. Wala naman talaga sa isipan ni Jacob na seryosohin ang exam na iyon, kaya kalmado lamang siya at bahagya pang inaantok dahil inabot siya ng madaling araw sa paglalaro ng computer games.

"Basta galingan mo lang sa exam, anak..." ani sa kanya ng ina, "Malay mo makapasok ka sa Paramount, 'di ba?"

Natawa na lamang siya sa sinabi niyo. "Mama, himala na ngang nakalusot ako sa entrance exam eh. Siguradong mas mahirap ang placement examination nila..."

"Malay mo magkaroon ulit ng milagro..." May pang-aasar sa tinig nito habang sinusulyapan siya ng ina na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho, "Basta galingan mo na lang. Wala namang mawawala sa'yo eh. Sabi nila maraming benefits daw ang nakukuha ng mga nasa Paramount. Magkakaroon ka rin ng sarili mong dorm room. Hindi mo na kailangang makihati sa pinsan mo kapag nagkataon."

Jacob just wrinkled his nose, before leaning his head on the window again. "Sige po, Mama... Susubukan ko. Pero gaya nga ng sabi ninyo, hindi ako bobo pero hindi rin ako genius."

Natawa na lamang ang ina sa itinugon niya, bago nito itinuon ang pansin sa pagliko ng minamaneho niyang sasakyan sa unloading area sa tapat ng campus gates. "Dito na kita ibababa, anak... Kailangan ko nang pumasok sa trabaho eh. Good luck ha? Susunduin kita mamaya para sabay tayong mag-lunch, okay?"

Nakangiting tumango si Jacob. "Sige po, 'Ma."

Paglabas niya ng sasakyan, napansin niyang halos lahat ng mga estudyanteng pumapasok sa loob ng campus ay nakasuot ng mga uniporme nila. Ang mga lalaki ay nakasuot ng itim na suit sa ibabaw ng puting long sleeves at royal blue na neck tie, kapares ng itim na slacks. Ang mga babae naman ay nakasuot ng parehong pang-itaas, pero pinares naman ito sa isang kulay itim na palda na abot hanggang tuhod.

Doon naalala ni Jacob na nakalagay sa sulat na ang lahat ng mga estudyanteng kukuha ng placement examination ay required na isuot ang mga Type A uniforms nila, at tanging ang mga transferees na katulad niya ang exempted sa rule na iyon. May iilang mga transferees na pumapasok sa Faircastle campus na katulad niyang hindi nakasuot ng uniporme, kaya kahit paano ay hindi na siya nakaramdam ng pagkailang.

Nang makalampas si Jacob sa guard na chineck kung regular student ba siya o hindi, nakaramdam siya ng kung anong pwersa na tumama sa kanang balikat niya. Nang lumingon siya, tumama ang mga mata niya sa isang babaeng tumatakbo sa bandang kanan niya. Unti-unti na itong bumabagal dahil sa pagod, kaya sinundan niya ito ng tingin.

Habang pinapanood niya ito, nahulog mula sa bulsa ng babae ang isang kulay asul na wallet. Agad na tumakbo si Jacob para pulutin ito, bago hinabol ang babaeng estudyante na bumangga sa kanya kanina lamang.

Hindi na ito ganoon kabilis kaya naabutan agad ni Jacob ang estudyante. Inabot niya ang balikat nito at tinapik, dahilan para matigilan ang babae at mapilitan itong lingunin siya. Doon niya napansin na matangkad ang babaeng kaharap, kaya bahagya siyang na-intimidate kahit pa mas malaki pa rin siya rito.

"Nahulog 'yung wallet mo..." ani Jacob habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng kaharap.

She was definitely attractive, and her features are striking. She has long, wavy locks tied into a bun, with some hair on the front hanging loose to frame her face. Mapupungay ngunit expressive ang mga mata niya dahil sa mahahaba nitong pilikmata, at maganda ang pagiging tanned ng balat nito.

Kinuha ng babae ang wallet niya mula sa kamay ni Jacob, bago ito bahagyang tumango. Halatang nahihiya ito, kaya pinigilan ni Jacob ang pagtawa nang mabilis itong naglakad palayo sa kanya.

Nakangiting umiling-iling na lamang si Jacob habang isinasabay sa paglalakad niya ang panonood sa babae na unti-unti nang nawawala sa paningin niya.

Nang marating niya ang malawak na staircase papasok sa main building ng Faircastle, isang malakas na tunog mula sa makina ng motorsiklo ang umalingawngaw sa buong lugar. Siya, kabilang na ang mga estudyanteng naroon, ay naagaw agad ang atensyon lalo na nang makita nila ang paparating na lalaki na nakasakay sa isang big bike. Itinigil muna nito ang sinasakyan sa mismong tapat ng main building, bago tinanggal ang suot na itim na helmet.

Nakita ng ilang mga guro ang pagdating ng lalaki, na agad namang umiling-iling dahil sa ipinapakitang angas na estudyante.

Pinagmasdan ni Jacob ang may-ari ng big bike. The guy has caramel-colored hair, fair skin, and light brown eyes that look distant and disinterested. May mga piercings din ito sa magkabilang tenga, na lalong nagpaangas sa itsura nito.

Wala naman sanang pakialam si Jacob sa estudyante, pero nang makita niya ang paglapit ng isang lalaking faculty member dito ay hindi niya na napigilan pa ang sarili na manood at hintayin kung ano ang mangyayari.

Hindi niya naririnig ang pag-uusap sa pagitan ng dalawa, pero sigurado si Jacob na sermon ang tinatanggap ng maangas na estudyante mula sa faculty member na iyon. The student rolled his eyes before removing his black leather jacket, as well as the piercings on both of his ears. Kinuha iyon ng teacher mula sa kanya, kaya sa huli ay naiwan siyang nakasuot ng uniporme at may iritableng ekspresyon sa mukha.

Pinigilan ni Jacob ang pagsilay ng ngisi sa mukha niya, bago dumiretso sa harap ng isang malaking bulletin board kung saan naka-display ang mga room at seat numbers ng mga kukuha ng placement examination. May mapa rin na nakapaskil doon, na marahil ay para sa mga katulad niyang transferee.

Habang hinahanap ni Jacob sa mapa ang lokasyon ng assigned examination room niya, nakaramdam siya ng kirot sa kanang paa niya. Muntik na siyang mapamura, pero agad niyang pinigilan ang sarili nang mapagtantong isang malaking lalaki ang nakaapak sa paa niya. Wala siyang laban sa katabi na sa tantiya niya ay nasa 6 feet ang tangkad. Malaki rin ang pangangatawan nito, at alam niyang kaya siya nitong ibalibag anumang oras. May kakaibang yabang din na maaaninag sa mukha nito, at wala itong pakialam kung nahaharangan niya man ang ibang mas maliit na mga estudyante na naghahanap rin sa bulletin board.

Dahil ayaw niya nang maapakan pang muli, dumistansiya na lamang si Jacob. Hindi uubra ang katapangan niya kung ganoon kalaking lalaki ang hahamunin niya ng suntukan.

Pagkatapos mahanap ang lokasyon ng examination room, dumiretso na si Jacob sa isang building sa kaliwa ng main building kung saan siya nanggaling. Sa entrance, nakapwesto ang dalawang guro na kaharap ang dalawang pila ng mga estudyante. Doon nabibigyan ang mga kukuha ng exam ng mga lapis, erasers, at isang black card kung saan nakalagay ang room at seat number ng estudyante. Nakasulat din doon ang examinee number at intelligence division kung saan sila qualified o enrolled.

Base sa pagtatanong ni Jacob, kahit pa galing sa magkakaibang intelligence divisions ang mga estudyante sa bawat examination room, magkakaibang test questions ang makukuha nila. Kahit pa nakakalito ang sistema, pinili iyon ng Faircastle para maiwasan ang dayaan. All of them are mixed up with different students in different rooms, but their examinations will still depend on the intelligences where they excel the most as dictated by the results of their entrance examination.

Habang naghihintay si Jacob sa pila niya, isang babae na nasa kabilang linya ang nakasuot ng casual clothes at nakatayo sa tabi niya. She has long, dark auburn hair that matched the color of her eyes. May kakaibang aura ito, at taglay ang kalmado ngunit commanding na ekspresyon sa mukha na naging dahilan para ma-intimidate ang mga nakapalibot sa kanya, lalo na ang mga kalalakihan.

Pero kahit ganoon ay kinausap pa rin ni Jacob ang babae, "Hello... Transferee ka rin?"

Napalingon sa kanya ang babae at tumango. Mukhang hindi naman ito galit, at parang wala lang sa kanya ang mga bagay-bagay sa paligid.

"Saang intelligence division ka naging qualified?" tanong niyang muli.

"Intrapersonal," the girl replied as she waited on her line, "Ikaw?"

"Interpersonal."

She nodded, before grinning at him. "Mukhang magiging magkaklase tayo sa ilang subjects... See you around, then."

Hindi na nakasagot pa si Jacob sa sinabi ng babae dahil nasa harap na siya ng guro na nagbibigay ng mga kakailanganin nila sa examination. Nang ibinigay niya sa kaharap na lalaking teacher ang placement examination letter na natanggap niya, binigyan siya nito ng tatlong lapis, isang pambura, at ang black card. Nakasulat sa ibaba nito ang 'InterID', na sa tingin niya ay ang acronym para sa Interpersonal Intelligence Division kung saan siya nag-qualify.

Dala ang mga gamit, dumiretso si Jacob sa ikatlong palapag ng building at dumiretso sa Room 035. Hinanap niya ang kanyang assigned seat na nakapwesto sa pinakahuling row at malapit sa bintana.

Habang inaayos niya ang mga dalang lapis sa ibabaw ng desk niya, nakaramdam siya ng pagkalabit sa bandang kaliwa niya. Paglingon niya, isang lalaking nakasuot ng salamin at may malapad na ngiti ang bumungad sa kanya.

"Transferee ka pala... Saang division ka qualified?" tanong kay Jacob ng estudyanteng katabi.

"InterID..." Nakaramdam si Jacob ng pagkailang habang kausap ang lalaki na tila nag-uumapaw ang optimism sa katawan.

The bespectacled student nodded as he smiled, "Sa Visual-Spatial Intelligence Division ako nanggaling, kaya parang hindi tayo masyadong magkikita. Sayang naman..."

"Bakit naman sayang?"

"Mukhang okay ka kasing kasama eh," the smaller guy replied as he chuckled.

Kahit parehong naiilang at nalilito, tumango na lamang at nginitian ni Jacob ang kausap niya. Bahagya pa siyang nagpasalamat na hindi na pinahaba ng katabi ang pag-uusap nila dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot at kung paano niya masasabayan ang pagiging masayahin nito.

As the room started to fill up with more students, a tall and cynical-looking guy entered the room. Natahimik ang lahat sa loob ng silid na iyon nang lumapit ang matangkad na lalaki sa assigned seat nito na nakapwesto sa gitna. Ramdam ang pagiging arogante at masungit nito, at kulang na lang ay maging yelo ang sinumang matamaan ng malamig at matalim nitong titig.

It was like everyone in the room – except Jacob, of course – held their breaths as he entered. Hindi naman kasi kilala ni Jacob ang lalaki, kaya hindi niya na lang ito pinansin at sa halip ay pinaglaruan na lamang ang mga lapis na ibinigay sa kanya.

Nang makumpleto na ang mga estudyante sa Room 035, pumasok na ang lalaking proctor at nagsimula nang ipaliwanag ang placement examination sa kanilang lahat. Kahit pa hindi siya interesado sa pagiging miyembro ng Paramount, nakinig na lamang nang maigi si Jacob.

Once the explanation and the brief introduction to the Paramount Program was done, the proctor distributed the specific exam questions to each student. Jacob did not waste any time, and immediately started with his once he received it.

The placement examination lasted for three hours, and after the proctor signalled the end of the exams, the students started vacating their assigned rooms.

Paglabas ni Jacob sa school building, naabutan niya ang ina na naghihintay sa kanya sa parking area na nasa bandang kanan ng campus grounds ng Faircastle High School. Nakatayo ito sa tabi ng kotse at kinakawayan siya.

Napangiti siya at agad na naglakad nang mabilis papunta sa nanay niya, pero natigilan siya nang bigla siyang makaramdam ng kirot sa sentido niya. Huminga siya nang malalim, at agad na diniinan ng mga daliri ang bahagi ng ulo niya kung saan niya naramdaman ang sakit. Naisip niya na baka pagod at gutom lamang iyon, kaya umiling-iling na lamang siya at muling naglakad.

Nang itinuon ni Jacob ang tingin sa direksyon ng ina na naghihintay sa kanya, sigurado siyang nagiging doble na ang paningin niya. Unti-unting bumagal ang paglalakad niya nang maramdaman niyang tila gumagalaw ang lupang nilalakaran niya, pero napagtanto niyang nawawalan lamang talaga siya ng balanse.

Sa kalagitnaan ng paglalakad niya, nakarinig siya ng isang malakas at matalim na tunog na nagdala ng kakaibang sakit sa loob ng tenga at ulo niya. Natigilan siya at napatingin sa paligid upang tingnan kung ano ang reaksyon ng mga tao sa paligid niya sa malakas na tunog na iyon.

But at that moment, he felt confused when everybody seemed to be just fine. He then slowly realized that it was just him hearing the shrill noise that made him lose his balance and caused him immense pain inside his head.

Unti-unting pinuno ng takot ang sistema ni Jacob, at tila mas tumindi pa ang lakas ng tunog at ang sakit na nararamdaman niya. Gusto niyang makalapit sa ina na napansin na rin ang panghihina niya, pero nang sinubukan niya muling maglakad ay tila wala nang lakas ang mga tuhod niya.

Jacob tried his best to take another step towards his mother, but he heard another strong, ear-splitting sound that lasted even longer than the previous one. His body felt numb, and as his mother rushed towards him, his vision slowly turned to black.