Nang imulat ni Jacob ang mga mata, bumungad sa kanya ang puting kisame at ang tinig ng mga tao na nasa paligid iya. Inilibot niya ang mga mata sa kinalalagyan niya, kaya napansin niya ang mga berdeng kurtina na nakapalibot sa kinahihigaan niyang kama. Naalala niyang nawalan siya ng malay kanina, kaya hindi na siya nagtaka na makita ang sarili sa ospital kung saan siya naroon ngayon.
Napaupo siya at hinawi ang isa sa mga malalaking kurtina para hanapin ang ina, pero ang unang tumambad sa kanya ay isa ring estudyante na nakaupo sa isang kama. May kalayuan ito sa pwesto niya, pero kitang-kita niya ang mukha nito habang chinicheck ng isang doktor ang mga mata nito.
Teka... Siya 'yung kasama ko sa exam room kanina...
Hindi siya maaaring magkamali dahil hindi naman madaling kalimutan ang itsura ng estudyanteng iyon. Malamig ang mga mata nito, maputla ang balat, at napaka-intimidating ng asta. Tandang-tanda niya pa kung paanong tila nanigas na parang yelo ang mga kasama niya sa examination room bago sila magsimula kanina.
Pinagmamasdan niya pa sana ang lalaki nang biglang lumitaw sa siwang na ginawa niya sa kurtina ang ina na may hawak na reseta. Agad niyang inilipat ang tingin dito.
"Hoy ikaw ha... Bawas-bawasan mo na 'yang kakalaro mo ng computer games hanggang madaling araw," pagsita sa kanya ng ina na naupo sa tabi niya, "Sabi ng doktor na tumingin sa'yo, baka daw dahil sa pagod kaya nangyari 'yun. Eh 'di ba nahuli kitang naglalaro kahit alas dos na ng umaga? Huwag kang magsisinungaling..."
Napakamot na lamang si Jacob dahil hindi niya naman maitatanggi iyon. "Sorry na po, 'Ma..."
"Wala kang dadalhing kung anong computer game sa dorm, ha? At kung pwede lang, kung ayaw mong maospital ulit, bawas-bawasan mo na ang paglalaro, okay?" Kahit naiinis ang ina, bakas ang pag-aalala nito sa kanya.
"Promise po, babawasan ko na ang paglalaro ng computer games..." pangako ni Jacob sa ina.
Habang ipinapaliwanag ng ina ang mga gamot na inireseta sa kanya, biglang sumagi sa isip ni Jacob ang nangyari kanina bago siya nawalan ng malay. Hindi niya basta makakalimutan ang malakas na tunog na halos magpadugo sa tenga niya, at sigurado siyang may kinalaman iyon sa panghihina niya.
"Mama, may narinig po ba kayong malakas na tunog bago ako nawalan ng malay?" tanong niya rito.
Umiling ang nanay niya, na tila naguguluhan sa mga sinasabi niya rito. "Wala naman... Bakit, may narinig ka bang tunog bago ka nahimatay?" Napabuntong-hininga ito at pinisil ang pisngi niya, "Yan kasi... Dahil 'yan sa kakalaro mo eh. Ipacheck na lang natin 'yang tenga mo bago tayo umalis, okay? Ikaw talagang bata ka... Pinag-aalala mo ako. Teka lang at tatawagin ko 'yung doktor..."
Nang maiwan siyang mag-isa sa pwesto niya ay muli niyang hinanap ang estudyanteng nakita niya, pero wala na ito sa kama kung saan ito nakaupo kanina lamang.
Napakibit-balikat na lamang si Jacob. Hindi niya na inabala ang sarili na isipin pa ang mga nangyari. Sa loob-loob niya, marahil ay nagkataon lamang ang lahat.
********
Matapos mailagay ni Jacob ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan, napansin niya ang ina na kanina pa siya pinagmamasdan. Bakas ang pinaghalong lungkot at pag-aalala sa mukha nito, na pilit ikinubli gamit ang isang ngiti.
Alam niya kung saan nanggagaling ang reaksyon ng ina, dahil ngayon ang araw ng paglipat niya sa dormitory ng Faircastle High School. Ilang araw na lang kasi bago magsimula ang pasukan, at kailangan niya nang lumipat doon para mabilis siyang makapag-adjust.
"Mama, hindi naman po ako mag-a-abroad," pang-aasar ni Jacob sa ina, "Hindi rin naman ako makukulong. Bakit po ganyan ang mukha niyo?"
Napabuntong-hininga ang nanay niya bago nito ginulo ang buhok niya. "Nakakalungkot lang kasi. Isipin mo, dinala pa kita rito para magkasama tayong dalawa, pero malalayo ka pa rin sa 'kin dahil sa dorm ka titira. Pasensya na ha? Kung magkasama kasi tayo lagi, hindi rin kita maaasikaso."
"Naiintindihan ko naman 'yun, Mama..." paninigurado niya rito. "Hindi naman ako galit sa inyo eh."
"Pero mas nasasanay ka na wala ako sa tabi mo. Buong pagkabata mo bihira tayong nagkakasama, tapos ngayong andito ka na sa Maynila, hindi pa rin kita masamahan."
"Si Mama talaga... Masyadong praning. Pwede mo pa rin naman akong makasama. Mas madali na nga ngayon eh, kasi malapit lang ang pinagtatrabahuhan mo sa Faircastle. Eh 'di pwede mo akong puntahan, 'di ba?" paglalambing niya sa ina.
Napailing na lamang habang tumatawa ang nanay niya, bago pinisil ang pisngi niya. Didiretso na sana ito sa driver's seat para sumakay sa kotse, nang bigla itong tumigil at muling lumapit kay Jacob. Inilabas nito mula sa bulsa ang isang barya.
"Para sa'yo 'yan, Jacob..." ani Julia sa kanya.
Pinagmasdan ni Jacob ang ibinigay sa kanyang barya ng ina. Mas malaki ito sa karaniwang barya, at may disenyo ng isang araw sa gitna. The sun's rays are all positioned at the bottom of the circle, and the ray in the center is the largest and is piercing through the sun.
"Ano po 'to, Mama?" tanong ni Jacob habang nilalaro sa kamay ang baryang iyon.
"Lucky charm 'yan ng Papa mo... Gusto kong dalhin mo 'yan. Ingatan mong mabuti 'yan, ha?"
"Bakit niyo po binibigay sa 'kin?"
"Wala lang... Gusto ko lang na hawak mo 'yan. Kung buhay ang Papa mo, ibibigay niya rin 'yan sa'yo... Pampaswerte niya 'yan eh," ani ng babae habang tumatawa. "Tsaka kapag dala mo 'yan, parang kasama mo na rin ang Papa mo, 'di ba?"
Kahit nalilito ay ngumiti at tumango na lamang si Jacob, bago itinago ang baryang iyon sa loob ng pitaka niya. Pagkatapos ay sumakay na silang mag-ina sa loob ng kotse at dumiretso sa Faircastle High School.
Mag-iisang oras din ang naging biyahe nila bago tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking building na katapat ng Faircastle campus. Sa tapat ng entrance ay naghihintay ang pinsan niyang si Kevin na nasa huling taon na nito sa junior high. Agad itong lumapit sa kanila at tumulong sa pagdadala ng mga gamit ni Jacob sa kwarto nito.
Nang dalawang maliliit na kahon na lamang ang natira sa mga gamit na ipapasok ni Jacob, nagpaalam na sa kanya ang ina. Niyakap siya nito nang mahigpit at nag-iwan ng ilang mga bilin, bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ng sasakyan ng ina, sabay na inakyat nina Jacob at Kevin ang mga natitirang gamit. May kalakihan ang kwarto na may isang double deck bed, dalawang study tables, isang malaking cabinet na may partition sa gitna, at sariling banyo. Ipinuwesto ni Kevin ang mga gamit ni Jacob sa tabi ng bakanteng study table, habang hinuhubad naman ni Jacob ang sapatos para maisuot na ang tsinelas niya.
"Kuya, 'yung kama na lang sa ibaba ang gamitin mo," ani ng nakababatang pinsan sa kanya.
"Sigurado ka? Baka dito mo ako pinapahiga kasi may nilagay ka rito para i-prank ako," biro niya rito.
"Hala, hindi naman ganun... Mas mabilis lang kasi ang data ng phone ko kapag nasa itaas ako," tugon ni Kevin habang nagkakamot.
Tumango-tango na lamang si Jacob habang inilalagay sa ilalim ng higaan niya ang sapatos na hinubad. "Siya nga pala... Bakit andito sa tapat ang dorm ng school? Bakit hindi na lang inilagay sa loob?"
"Ganun talaga eh... 'Yung dorm lang naman ng mga members ng Paramount ang nasa loob ng school. Granted kasi sila ng unlimited access sa facilities kaya doon na lang sila pinapwesto sa loob." All of a sudden, Kevin's eyes lit up as he sat beside him, "Kuya, hindi ba nag-take ka na ng placement exam? Kumusta naman?"
Jacob shrugged. "Hm, okay naman... Hindi ko naman kasi sineryoso 'yun. Ayoko namang maging member nun."
"Bakit naman hindi? Halos lahat ng mga estudyante dito, gustong makapasok dun. May mga review classes pa nga 'yan minsan eh. Tapos ikaw, hindi mo sineryoso..."
"Bakit ako magtitake ng exam para lang manatili ako sa school after classes? Sayang lang ang oras ko. Imbes na mag-stay ako dun, gagala na lang ako o kaya maglalaro ng computer games," tugon ni Jacob habang kinukuha ang admission letter niya mula sa bag. "Samahan mo na nga lang ako sa registrar."
Agad na tumango si Kevin. "Sige. Kukuha rin naman ako ng textbooks ko eh."
Dumiretso agad ang dalawa sa registrar para tapusin ang enrolment process ni Jacob. Mabilis lang naman ang sistema dahil karamihan sa mga importanteng bahagi ay nagawa na ni Jacob online, at tanging ang pagkuha na lamang ng Certificate of Enrolment ang kailangan niyang gawin.
Pagkatapos makuha ang slip ay dumiretso na sila sa isang malaking hall kung saan ibinibigay sa mga estudyante ang mga uniforms, name plates, identification cards, class schedule, at mga textbooks.
Kakaunti lamang ang mga estudyante sa hall na iyon dahil maaga pa, kaya hindi ganoon kahaba ang mga pila sa iba't ibang sections. Sinamahan muna ni Kevin si Jacob sa pila ng mga incoming students at transferees. Habang hinahanap ng staff ang para kay Jacob, biglang napuno ng bulong-bulungan ang hall.
Nagtaka ang magpinsan sa nangyayari, na parehong iginala ang mga mata sa buong lugar na iyon. Kung hindi mukhang intimidated ang ibang mga estudyante, ang iba naman ay kinikilig – lalo na ang mga babae.
"Ah, kaya pala..." biglang saad ni Kevin, "Ang weird talaga ng mga babae... Bakit ba gustong-gusto nila 'yung mga lalaking suplado?"
Nang itinuon ni Jacob ang tingin sa direksyon kung saan nakadirekta ang atensyon ng pinsan, doon niya nakita ang lalaking estudyante na nakasama niya sa examination room at nakita niya sa ospital. Dumiretso ito sa pila para sa mga kumukuha ng textbooks, quietly waiting for his turn.
"Kasama ko siya sa room nung placement exam..." ani Jacob, "Nung pumasok siya, ganito din ang naging reaksyon ng lahat. Ano bang meron sa kanya? Anak ba 'yan ng may-ari ng school?"
Umiling si Kevin bago umakbay sa pinsan niya habang bumubulong. "Hindi, pero sikat na sikat talaga siya dito sa Faircastle. Vladimir Garcia ang pangalan niya, at Grade 12 na rin siya katulad mo. Anak siya ng isang business tycoon."
"So nagkakaganyan silang lahat dahil lang marami siyang pera? Baka naman bully 'yan ah."
"Hindi naman siya bully, pero masungit talaga 'yan. Hindi rin siya namamansin kaya sobrang hirap niyang kausapin. Anak-mayaman siya, pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit sikat siya dito. Magmula kasi noong junior high siya, dito na siya nag-aaral, at palagi siyang Top 1 taun-taon. Walang mintis 'yan. Expected na nga ng lahat na makakapasok siya sa Paramount eh."
Tumango-tango si Jacob habang kinukuha mula sa isang staff ang mga gamit niya, "Sigurado na 'yun. Matalino siya eh."
Pagkatapos makuha ang mga uniform niya ay dumiretso na si Jacob at ang pinsang si Kevin sa pila para sa mga kumukuha ng textbooks. Nakapwesto si Kevin sa likod niya, habang nakapwesto naman siya sa likod ni Vladimir. Aminin man niya o hindi, bahagyang na-intimidate si Jacob sa presensya ng lalaking nakatayo sa harap niya. Kahit wala itong ginagawa ay hindi niya mapigilang manliit nang bahagya. Ibang klaseng karisma kasi ang mararamdaman mula kay Vladimir.
Habang nakapila sila, biglang dumating ang apat na malalaking lalaki na mga miyembro ng track and field team ng Faircastle High School base na rin sa nakasulat sa training uniform ng mga ito. Ang pinakamalaki sa kanila ay pumwesto sa mismong likod ni Kevin, kaya mas lalong nagsumiksik ang mas maliit na lalaki sa likod ni Jacob.
Panay ang tawanan ng apat na lalaki, at mas lalo itong lumakas nang pasimpleng itinulak ng pinakamalaki sa kanila si Kevin. Bumangga ito kay Jacob, dahilan para mawalan ng balanse ang huli at sumubsob sa likod ni Vladimir. Tumama ang katawan ni Jacob sa likod ng lalaking nasa harap, kaya bigla siya nitong nilingon.
Nanigas si Jacob dahil sa pag-aalala, lalo na nang mapansing magkasalubong ang mga kilay ni Vladimir.
"S-sorry... Hindi ko sinasadya," agad na saad ni Jacob, "Yung nasa likod kasi namin eh. Tinulak niya 'yung pinsan ko.
Pinagmasdan siya ni Vladimir mula ulo hanggang paa – na para bang hinuhusgahan siya nito gamit lamang ang tingin – bago nito ibinaling ang atensyon kay Kevin na iniiwas ang tingin sa lalaki. Pagkatapos ng ilang sandali ay inilipat na ni Vladimir ang tingin sa grupo ng mga miyembro ng track and field team.
Vladimir scoffed and smirked, with the aim to inflict insult. "Ganyan ba kababaw ang satisfaction mo, Nico? Pati mas maliit sa'yo, talagang papatulan mo. Ganyan talaga siguro ang nagagawa ng inferiority complex. How pathetic..."
Nawala ang ngisi sa mukha ng lalaking tinawag na Nico, at agad na tinugunan ng matalim na titig si Vladimir. "Hoy, hindi kita kinakausap ha. Bakit ka ba nakikialam diyan?"
"Kung hindi mo tinulak 'yang maliit na 'yan, hindi sana babangga sa 'kin itong isang 'to," tugon ni Vladimir na magkasunod na tinuro silang magpinsan. "Alam mo, kahit ilan pang estudyante ang i-bully mo, hindi tataas ang self-esteem mo. You look like a child staging a random tantrum to get his parents' attention."
Nico hissed as he tried to maintain his composure. "Ang yabang mo rin talaga, ano? Hindi porke matalino ka, pwede mo na akong insultuhin nang basta lang. Gusto mo, suntukan na lang tayo eh."
Napahinga nang malalim si Vladimir habang taglay ang isang kalmadong ekspresyon sa mukha, "Why would I waste my time and energy on you? Sa pakikipag-usap ko pa lang sa'yo, napapagod na ako kaagad. And I'm insulting you not because I'm smart, but because people like you are an easy target. You're just all brawn and no brain, Nico." Umiling-iling ito habang nakangisi, "At ano pa ba ang dapat asahan sa'yo? Of course you'd resort to violence... But I can't blame you, really. I mean – That's the only thing you're good at, right?"
Sisigaw na sana bilang ganti si Nico, pero tinawag na ng isang school staff ang atensyon ni Vladimir.
Jacob watched as Vladimir took his books calmly, as if nothing happened. Bago siya umalis, binigyan niya ng isang nang-aasar na tingin si Nico, bago ito lumipat sa kanya at binigyan siya ng isang malamig na tingin.
Pakiramdam ni Jacob ay may sasabihin pa sa kanya ang lalaki kaya hindi siya halos natinag sa kinatatayuan. Pero pinagmasdan lamang siya nito ng ilang segundo, umiling-iling, bago tuluyang umalis.
Sinundan ni Jacob ng tingin ang papalayong si Vladimir. Tandang-tanda niya pa noong una niya itong nakita sa placement examination. Hindi niya basta maiaalis sa isipan niya ang naging reaksyon ng mga estudyante noong pumasok ito sa examination room.
Everyone has the right to be intimidated by him. Vladimir exudes a certain kind of aura that makes anyone shut their mouths. Kahit ata sa hininga nito ay malalaman agad na matalino siya. Bawat galaw ni Vladimir ay nagsusumigaw kung gaano kataas ang tingin nito sa sarili at kung gaano ito ka-aware sa sarili nitong kakayahan.
Ang malamig ngunit matalim kung tumitig nitong mga mata, maputlang balat, matangos na ilong, at ang manipis nitong mga labi ang kumumpleto sa distinct nitong personalidad.
Hindi naman galit si Jacob sa lalaki, pero alam niyang dapat niya itong iwasan kung gusto niyang maging maayos ang pananatili niya sa Faircastle High School.
********
Pagkatapos kunin ang mga requirements mula sa supply hall ng Faircastle campus, naglakad na papunta sa exit ng grounds si Jacob. Iyon nga lang, hindi siya nakalabas agad nang mapansing wala na sa tabi niya ang pinsang si Kevin. Iginala niya ang mga mata sa paligid, hanggang sa makita niya itong naglalakad patungo sa isang malaking building.
"Kevin, saan ka ba pupunta?"
"Gusto ko lang makita 'yung Paramount Building," tugon ng nakababata niyang pinsan na halatang excited base na rin sa tono ng pananalita nito.
Napailing na lamang si Jacob bago ito sinundan. Wala na siyang choice, kaya sinamahan niya na lamang ang pinsan.
Dinala sila ng paglalakad sa tapat ng isang gusali na may apat na palapag. A mix of cream and royal blue graced the walls of the structure, with the school seal hanging on its façade. Sa tapat ng building, nakatayo ang isang malaking frame kung saan nakasabit ang isang tarpaulin. Nakalagay doon ang mga pangalan ng mga dating miyembro ng Paramount na kaka-graduate lang, pati na ang mga prestihiyosong unibersidad kung saan sila nakapasok.
Bakas ang pagkamangha sa mukha ni Kevin. "Iyan ang totoong dahilan kung bakit maraming estudyante ang gustong makapasok sa Paramount. Para kasing golden ticket 'yan, Kuya. Kapag nakalagay sa credentials mo na miyembro ka ng Paramount galing sa Faircastle High School, mismong mga universities na ang mag-aagawan para makuha ka. Kung sa international school ka mag-aaral at hindi mo kaya ang financial burden, posibleng tulungan ka pa ng administration ng Faircastle na makahanap ng sponsorship para sa mga gagastusin mo. Marami kasing koneksyon ang school na 'to eh, kaya madali nilang nagagawa 'yun."
Napangisi si Jacob, at pabirong siniko ang pinsan. "Hindi naman masyadong halata na gusto mong maging miyembro ng Paramount."
Napakamot na lamang si Kevin. "Kaya nga nag-aaral ako nang mabuti eh. Para kapag kumuha na ako ng placement exam, ako ang mag-top sa division kung saan ako mapupunta kapag senior high na ako."
Napangiti na lamang habang umiiling-iling si Jacob, bago itinuon ang tingin sa malaking building na para lamang sa mga miyembro ng Paramount.