Hindi alam ni Jacob kung bakit hindi niya maialis ang tingin sa official seal ng Faircastle High School na nakasabit sa pader sa loob ng opisina ng head administrator. Gawa iyon sa tanso at kasinlaki ng isang bilugang wall clock. It has an image of the phoenix and the Latin phrase, "scientia est potentia" etched on it.
Nang maalis ni Jacob ang atensyon sa official seal, ibinaling niya naman ang tingin sa ina na nakaupo sa tabi niya. Kitang-kita niya ang determinasyon nito na kumbinsihin ang head administrator na payagan siyang mag-take ng entrance exam.
Napabuntong-hininga ang school administrator, na mukhang nasa mid-30s na nito, nang makita ang grades niya sa pinanggalingan niyang school. Sa probinsiya kasi siya nag-aral hanggang sa tumuntong siya ng Grade 11. Pero ngayong Grade 12 na siya ay inilipat na siya ng ina sa Maynila.
"Ms. Vergara, I'm afraid your son's grades in his former school did not reach the average rating needed for him to be allowed to take the entrance exam... Pasensya na talaga."
Pilit na pinigilan ni Jacob ang pagsilay ng ngiti sa mukha niya. Hindi niya naman kasi gustong mag-aral sa Faircastle High School, pero hindi niya talaga alam kung bakit tila kumbinsido ang nanay niyang si Julia na ipinanganak siya para mag-aral sa eskwelahan na iyon.
Pero kahit ganoon ay hindi niya magawang mainis sa desisyon na iyon ng ina. After all, Faircastle High School is known for its unique educational system and as a home for lots of gifted students and a set of successful alumni.
Matapos mamatay ang tatay niya bago pa siya ipanganak, tanging ang nanay at lola niya na lamang ang nagtulungan para palakihin siya. Silang dalawa ang itinuring niyang mga magulang, na hindi naman nagkulang sa pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya.
Lumaki siya sa probinsiya kung saan siya pinalaki ng lola niya, habang ang nanay niya naman ay nagtatrabaho sa Maynila at nagpapadala ng pera upang meron silang pantustos. Ganoon ang naging sistema ng buhay ni Jacob, pero nagbago ang lahat ilang buwan pa lamang ang nakakaraan dahil sa pamamayapa ng kanyang lola dahil sa kumplikasyon dulot ng pneumonia.
Now that she is gone, no one is available to take care of him, so his mother decided to take him with her to the city and enrol him at Faircastle High School. Ilang bloke lamang ang layo nito sa bangko kung saan nagtatrabaho ang nanay niya kaya kahit pa kailangan niyang manatili sa school dormitory, malapit pa rin si Jacob sa inang si Julia.
Habang pinagmamasdan ni Jacob ang ina, napagtanto niyang hindi ito basta susuko sa harap ng head administrator. Kahit hindi niya ito nakakasama palagi, alam niya ang ugali nito, His mother is not going to take a 'no' for an answer. Ang pagiging matigas ang ulo at determinado ang ilan sa mga ugali na namana niya sa nanay niya, ayon na rin sa namayapa niyang lola.
Dahil sa ipinapakitang pagtanggi ng head administrator, napansin ni Jacob na nagbago na ang ekspresyon sa mukha ng nanay niya. He knew what is coming, so he swallowed loudly, and tried to hide his embarrassment as his mother started blabbering nonsense while trying her best to convince the stern-looking head administrator.
"0.5 points lang yun, Miss Mariano..." saad ng nanay niya na halatang umaarte, "Ma'am, gusto kong ibigay ang lahat sa anak ko... At alam kong ang eskwelahan niyo lang ang makapagbibigay sa kanya ng kalidad na edukasyon. I can assure you that he's a bright child. Mabilis po siyang matuto, at magaling sumunod sa instructions. Pwede niyo pong tanungin 'yung mga dati niyang teachers for reference –"
"Ms. Vergara, we have a very strict ruling here at Faircastle. We cannot –"
"Kung hindi man umabot sa required grade ang average ng anak ko, hindi ibig sabihin nun na hindi niya kayang ipasa ang entrance examination ninyo." Matalim ang titig na ibinibigay ng ina ni Jacob sa babaeng kaharap, at may kakaibang tunog ng pagbabanta sa paraan ng pagsasalita nito.
Nanlaki ang mga mata ni Jacob nang tingnan niya ang ina. Alam niyang palaban ito at hindi basta sumusuko, but he did not expect her to answer that way, especially to a person of authority in the school. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit gustong-gusto ng nanay niya na makapasok siya sa Faircastle, na para bang doon nakadepende ang buhay niya. Hindi niya lang kasi makuha ang punto ng ina lalo na't may iba namang mga eskwelahan na malapit sa tinitirhan nila.
Napansin ni Jacob na nag-iba na rin ang timpla ng mukha ng head administrator, at mukhang pinipigilan nito ang sarili na sagutin ang nanay niya. Kitang-kita niya ang malalim nitong paghinga, tanda na kinokontrol nito ang sarili.
Naghahanda na sana ng sasabihin si Miss Mariano, pero nang magsasalita na siya ay biglang umalingawngaw sa loob ng opisina ang isang buo at malalim na tinig.
"She has a point, Miss Mariano."
The head administrator's eyes shot up, and she immediately focused her attention on the doorway. Napatingin din si Jacob at ang kanyang ina sa pinanggalingan ng tunog, kung saan nakita nila ang isang pamilyar na mukha. Nasa early 40s na ang lalaki, mga anim na talampakan ang taas, naka-brush up ang buhok, at sobrang masculine ang facial features. He was wearing a suit that fitted him perfectly, and the build of his body shows that he is taking care of himself very well.
Pumasok ang lalaki sa opisina at pumwesto sa tabi ng mesa ni Miss Mariano habang pinagmamasdan si Jacob, "Just because he barely reached the grade required, doesn't mean that he cannot pass the entrance examination. Bigyan mo siya ng pagkakataon, Helga. Don't be so uptight."
"I don't want to sound disrespectful or anything, pero iyon kasi ang protocol, Director Alcantara. We have always followed the rules, and if this boy doesn't have the required grade, we cannot let him take the exam," Miss Mariano replied firmly.
Doon napagtanto ni Jacob kung bakit pamilyar sa kanya ang bagong-dating na lalaki. Iyon pala ang school director ng Faircastle High School na si Benjamin Alcantara. Nang tingnan niyang muli ang lalaki, bahagya siyang napahiya nang mapagtantong nakatingin din pala ito sa kanya at tila inoobserbahan siya.
Nginitian siya ng school director, bago nito ibinalik ang tingin kay Miss Mariano. "Every child is intelligent, Helga. Hindi natin sila dapat i-discriminate dahil sa grades nila, kasi doon minsan nagsisimula ang self-doubt ng mga estudyante. Sure, importante din naman talaga ang grades... But the only way for these students to unleash their full potential is for them to harness their own strengths and make use of it. This is why I enforced the Multiple Intelligences Division Program in this school, to give these youths a chance to know their potentials and find their strong points so that they can understand and improve them."
Hindi nakasagot pa si Miss Mariano, na napanbuntong-hininga na lamang, tanda ng pagsuko niya kay Director Alcantara. Bahagyang tumawa ang lalaki, bago kumuha ng application form mula sa isang asul na folder na nakalagay sa mesa ng head administrator.
Pagkatapos niyang kunin ang papel ay ibinaling niya ang tingin kay Jacob at sa nanay nito na bakas pa rin ang gulat at pagtataka sa mukha. "Will you come with me, Miss –"
"Vergara," agad na tugon ni Julia bago hinawakan ang kamay ng anak, "At ito po ang anak ko, si Jacob."
Napangiti at tumango si Director Alcantara, bago niya isinama ang mag-ina palabas ng opisina ng head administrator. Habang naglalakad sila sa hallway, ramdam ni Jacob ang lakas ng tibok ng puso niya. Parang hindi siya mapakali habang kasama niya ang mismong director ng school na balak niyang pasukan. Siguro ay dahil intimidated siya sa presensiya nito. Kahit kasi nakangiti ito, meron itong aura ng authority na bumabalot sa kanya.
As they turned on a corner, they finally saw the school director's office which is located at the end of the hallway on the school main building's second floor.
Binuksan ng direktor ng Faircastle ang opisina niya at pinapasok silang mag-ina sa loob. "Take a seat... Would you want some drinks?"
Hindi alam ni Jacob kung ano ang sasabihin kaya hinayaan niya na lamang ang ina na magsalita habang siya naman ay naupo na lamang sa isang cushioned seat at pinagmasdan ang malaking opisina ni Director Alcantara. Tumanggi ang nanay niya sa inaalok nitong inumin dahil halatang intimidated din ito pero sinusubukan pa ring magmukhang kalmado.
Tumango ang school director, bago naglakad sa office chair nito na nakapwesto sa kabilang dako ng mahogany table para makapagsimula na silang mag-usap.
While the two adults in the room talked, Jacob's eyes are moving all over the room. Sa pader na nasa likod ng upuan ng school director ay nakasabit rin ang official seal ng Faircastle, at katulad ito ng nakita niya sa loob ng opisina ng head administrator kanina. May malaking bookshelf sa bandang kaliwa ng silid, na katabi ng malaking bintana na natatakpan ng isang kulay-maroon na kurtina na may mga disenyong gintong fleur-de-lis sa bandang laylayan nito.
There is nothing much inside the room aside from the usual things you can see in an office, but Jacob just can't seem to get his eyes away from the school's official seal. Siguro ay dahil interesado siya sa disenyo nito.
"...So Jacob, how do you like this school?"
Jacob didn't quite pick that up, so he was startled as he was confused. "Uh... S-sorry po... Ano po ulit 'yung tanong ninyo, Sir –"
"Director Alcantara," ani ng lalaki habang bahagyang tumatawa, "You can call me that."
"Pasensiya na po, Director Alcantara..." muli niyang paghingi ng tawad. Pakiramdam niya kasi, iyon na lamang ang pinakamaigi niyang sabihin dahil wala talaga siyang maisip na isasagot sa tanong ng school director.
"You know, I see potential in you, Mr. Vergara," anito bago lumiyad sa office chair nito na komportableng tinginan, "Alam mo, nung bata pa ako... Mababa ang grades ko. Hindi hamak na mas okay pa 'yung sa'yo, sa totoo lang... But my parents – they believed that I am way more than my grades... Kahit hindi ako nagta-top sa klase, I can still become who I want to be. And look where I am now..." Ngumiti ito bago inilipat ang tingin sa glass plate na nasa mesa niya kung saan naka-etch ang pangalan niya at posisyon bilang school director, "No one would have expected that the weird and skinny seven-year-old boy would become Faircastle High School's director."
Ngumiti pabalik ang nanay ni Jacob habang tumatango. "Iyan nga rin po ang mindset ko dito kay Jacob. Hindi ako nag-o-obssess sa grades niya, kasi ang totoong potensiyal ng isang tao, hindi naman kayang masukat ng kahit anong grading system."
The school director smiled with his eyes, before handing the application form to Jacob. "Take this, young man. Galingan mo sa special entrance exam mo as a transferee. Alam kong magkikita tayo ulit, Mr. Vergara."
Pinagmasdan ni Jacob ang piraso ng papel na nasa mga kamay niya, bago ibinaling ang tingin sa lalaking nakangiti sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kung ano ang dapat niyang maging reaksyon, pero isa lang ang sigurado niya.
Hindi pa iyon ang huling beses na makikita niya ang school director ng Faircastle High School.
********
"May problema ba, anak?"
Napatingin si Jacob sa pinanggalingan ng tinig. Bahagya siyang napangiti nang makita ang ina na nakatayo sa pintuan at pinagmamasdan siya. Umiling-iling ito, bago naupo sa sahig sa tabi niya. Itinigil niya muna ang video game na nilalaro at inilapag ang game controller na hawak niya sa sahig.
"Iniisip ko lang 'yung resulta ng entrance examination, 'Ma..." tugon ni Jacob, "Baka hindi ako makapasa..."
"Bakit naman hindi ka papasa? Anak, alam kong hindi ka nga genius, pero hindi ka naman bobo... Sigurado akong makakapasa ka dun." Pagkatapos ay inakbayan siya ng ina na marahang tumatawa, "Alam kong ayaw mong mag-aral dun... But it's a good school. Magugustuhan mo rin sa Faircastle kapag nagtagal. Tsaka huwag ka ngang praning. Hindi ka pa nga nagtitake ng exam eh."
"Parang ang weird lang po kasi. Namimiss ko na rin kasi 'yung dati kong school, tsaka 'yung mga kaibigan ko doon," pag-amin niya sa ina.
"Everything seems weird when it's new," his mother smiled and poked his cheek. "Naninibago ka lang kasi kaya ganyan ang nararamdaman mo. Pero masasanay ka rin."
Tahimik na tumango si Jacob, bago muling kinuha ang game controller. Magsisimula na sana siyang maglaro ulit, nang biglang magsalita muli ang nanay niya.
"Alam kong hindi tayo close, at alam kong namimiss mo rin ang lola mo..." May bahid ng lungkot ang tinig nito, "Pero andito na tayo, anak... Wala naman kasi akong mapapag-iwanan sa'yo doon sa probinsiya eh." Hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil, "Sana huwag kang magtampo sa akin kasi dinala nga kita dito sa Maynila, pero hindi rin tayo magkakasama dahil titira ka sa dorm... Kung dito ka kasi sa bahay magsistay, walang mag-aasikaso sa'yo. Pero promise ko, babawi ako... Kapag bakasyon, magtatravel tayong dalawa. Basta babawi ako sa'yo..."
Napatingin si Jacob sa ina, bago lumitaw ang isang maliit na ngiti sa mukha niya. Wala naman siyang galit sa ina, pero hindi lang talaga siya close dito dahil hindi naman ito ang nagpalaki sa kanya. Naiintindihan niya ang pagsasakripisyo at pagtatrabaho nito sa Maynila para mabigyan siya ng magandang buhay, at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na mapagtanim ng sama ng loob.
"Hindi naman ako nagtatampo sa'yo, 'Ma... Siguro naninibago lang po talaga ako..." paninigurado ni Jacob sa ina na halatang pinipigilan ang pagsilay ng lungkot sa mukha, "Basta kapag nakapasa ako sa Faircastle, hindi ko sasayangin ang sakripisyo ninyo para sa akin..."
Napangiti ito at pinisil ang pisngi niya, "Alam mo Jacob, kung nakikita ka lang ng Papa mo ngayon, paniguradong proud na proud 'yun sa'yo..." Pagkatapos ay napabuntong-hininga ito at pinagmasdan na lamang ang mukha niya, "Kamukhang-kamukha mo talaga ang Papa mo... Ilong ko lang ata ang nakuha mo sa akin..."
Bahagyang natawa si Jacob sa sinabi ng ina. He frequently gets that, not just from his mother or their relatives, but from everyone who knows his father. Halos lahat talaga sa itsura niya ay nakuha niya sa ama. Magmula sa kulay ng buhok, sa kulay-kapeng mga mata, sa hugis ng mukha, hanggang sa tangkad nito at pangangatawan.
Namatay sa isang sunog ang tatay ni Jacob bago pa man siya maipanganak, kaya nakumpirma niya lamang ang pagkakahawig nila sa mga larawan nito na pinakaiingatan ng lola at nanay niya.
Pero habang tumatanda siya ay iniiwasan niya nang tingnan ang mga larawan ng ama. Hindi niya alam kung nalulungkot ba siya dahil hanggang doon niya na lamang ito masisilayan, o dahil nagiguilty siya sa dahilang hindi niya naman hinahanap-hanap ang presensya nito sa buhay niya. After all, there's nothing to miss about him when he wasn't even there from the beginning.
Napahinga nang malalim ang ina at humawak sa balikat niya habang tumatayo ito mula sa sahig. Palabas na sana ito ng kwarto niya, nang bigla itong matigilan na para bang meron siyang naalala. "Ay, siyanga pala... Tapos ka na bang magfill-up ng application form? Tapusin mo na 'yun ngayon para madala ko na sa Faircastle bukas bago ako pumasok sa trabaho. Para naman mabigyan ka na agad ng schedule para sa special entrance examination mo..."
"Gagawin ko na po, 'Ma..." Tumayo na rin si Jacob mula sa pagkakaupo sa sahig at dumiretso sa study table niya. Kinuha niya ang application form na nakapatong sa mesa at naupo sa gilid ng kama.
Nakangiting tumango ang nanay niya bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Nang mag-isa na lamang si Jacob sa silid, pinagmasdan niya ang mga laman ng piraso ng papel na iyon. Pagkatapos niyang matukoy ang mga bahaging dapat niyang punan, napunta ang atensyon niya sa pinakataas na bahagi ng application form. Nakalagay doon ang official seal ng Faircastle, at hindi niya na naman maialis ang titig niya doon sa hindi niya malamang dahilan.
Jacob's brows met on its ends, and he started to get annoyed at himself for getting so drawn towards the school's official symbol. Pabulong niyang minura ang sarili, bago lumipat sa study table at tuluyan nang sinulatan ang application form na hawak.