Pagdating niya sa room ay may kanya kanyang ginagawa ang mga kaklase niya.
" Look Patrice " sambit pa ng isa habang may pinapakita sa cellphone nitong halatang mamahalin.
Naglakad na siya papunta sa upuan niya ng mapansing may babaeng nakaupo sa katabing upuan niya.
Nakasalamin ito ng makapal.
A typical nerd look.
" Hello " mahinang bati nito ng makalapit na siya sa upuan niya.
" Hello "
" Ako nga pala si Xintia " inilahad nito ang kamay sa kanya.
First time na may nageffort na makipagkilala sa kanya.
" Ella " sagot niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
" Transferee ka?" Dugtong niya ng maayos na niya ang sarili sa kanyang upuan.
" Yes "
" Ok "
Hindi nya alam kung ano pa ang susunod na sasabihin.
Maliban kasi kay Craze ay wala na siyang iba pang kalapit sa lugar na ito.
Kaya hindi siya sanay na makipag-usap sa iba.
" Good morning class " napalingon sila sa kanilang guro.
May dala itong isang papel.
Tumahimig naman ang lahat at nagsipagbalik sa ayos nila.
" Good morning ma'am " sabay sabay na bati ng lahat.
" Class listen I already have your official list at may inihanda akong gawain sa inyo, you will do a presentation about a certain topic and I will group you in pair " paliwanag ng teacher nila.
" Ma'am " napalingon siya sa kaklase niyang nakaupo sa harapan.
" Yes " sagot naman ng teacher nila.
" Pwede bang kami na ang mamili ng partner namin"
" Sure you can start your collaboration lalabas lang ako saglit " pagkatapos noon ay umalis na ang kanilang guro.
Nagsimula namang mag-ingay ang mga kaklase niya.
Nang maramdaman niyang may kumalabit naman sa gilid niya.
Kunot noong nilingon niya ito.
Sinalubong siya nito ng isang ngiti kung saan ay lumitaw ang brace nito.
" Pwede bang tayo nalang ang partner sa presentation "
" Ok " tipid na sagot niya.
Lalong lumawak ang ngiti nito at inilapit pa lalo sa kanya ang upuan nito.
" Anong topic natin?"
Kinuha niya ang libro sa subject na iyon at inistart na ilipat sa iba't ibang pahina.
" Ikaw saan ka ba mas nadadalian ?" Balik tanong niya.
Kinuha nito ang libro sa kanya at ito na ang naghanap ng topic nila.
Kinuha nya naman ang cellphone niya at nagcompose ng message.
To: Craze
I have a new friend😊😊😊
Send.....
Pagkasend ng message niya ay ibabalik na sana niya iyon sa bag niya ng tumunog itong muli.
From: Craze
That's good love you
Napangiti siya sa message na sinend nito.
May pagkasweet talaga ang boyfriend niya.
" Ella "
Napalingon siya rito ng tawagin nito ang pangalan niya.
Tinaas nito ang librong hawak at pinakita sa kanya ang title ng topic na napili nito.
" Kaylan natin sisimulan?"
" You can go in our house after class "
" May work kasi ako "
" After work I can wait " nakangiti pa rin ito sa kanya.
" Ok "
" Can I get your number " inabot nito ang cellphone nito sa kanya.
Kaagad naman niyang kinuha at tinipa ang numero niya roon.
Pagkatapos ay binalik niya ang cellphone rito.
" I will call you, save my number " sambit nito.
May tinipa ito sa cellphone nito.
Maya maya lang ay tumunog na ang cellphone niya.
Kinuha niya iyon at sinave ang number nito ng huminto na sa pagring ang cellphone niya.
" Class nakapili na ba kayo ng topic at kapair nyo "
Sambit muli ng guro nila.
Hindi niya napansin ang pagpasok nitong muli.
" Yes ma'am " sabay sabay na sagot ng mga kaklase niya.
" Isulat nyo sa 1/4 sheet of paper ang pangalan nyo at topic na napili nyo "
Hindi na siya nagabala pang kumuha ng papel dahil nakita niyang aktibo ng nagsulat ang katabi niya.
Ito na rin ang nagpasa ng topic nila.
Mukhang magkakaroon na siya ng kasama araw araw..
May nagbago din kahit papano sa school year niya.