Natapos ang klase sa normal na paraan.
Hindi rin niya napuntahan si Craze dahil ayaw siyang tantanan ng bagong kaybigan at heto nga sumama pa ito sa pinagtatrabahuhan niya.
" Ayos ka lang ba dito? "
" Yes don't mind me "
Iniwan nya itong nakapwesto sa table sa gilid habang siya ay tumuloy na sa locker room at nagpalit ng uniform.
" First time yata na may kasama kang kaybigan" napalingon siya sa kapareho niyang waiter na si Sara.
Nag-aayos din ito ng uniform.
" Oo nga, una na ko" paalam niya rito ng mauna siyang matapos mag-ayos.
" Ella order ng table 3 " kinuha naman niya ang tray na inabot sa cashier.
Pumunta siya sa table 3 kung saan ay may nakaupong lalaking nakasumbrero at nagbabasa ng libro.
Ibinaba niya ang kapeng inorder nito.
" This is your order sir " akmang aalis na siya ng hawakan siya nito sa kamay.
" May kaylangan pa po kayo?"
" I hate your new friend kinukuha ka niya sakin" binaba nito ang librong binabasa at tinignan siya sa mata.
Kagad niyang binaling ang tingin sa kaybigan pero busy rin itong nagbabasa ng libro sa gilid.
" Craze "
" I miss you hindi mo ko pinuntahan sa office ko "
" Text nalang kita ok baka may makakita pa satin"
" Riz " nakasimangot na sambit nito.
Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.
" May presentation pa kong gagawin mamaya duon nalang ako uuwi sa iyo ok wait for me "
" Alright hihintayin kita "
Ngumiti siya at tuluyan na itong iniwan sa pwesto nito.
Sa buong oras ng pagtatrabaho niya ay naramramdaman niya ang pagmamasid sa kanya ni Craze.
Hindi nito nilalayo ang tingin sa kanya.
At sa tuwing may kukunin siyang order sa isang lalaking costumer ay nararamdaman din niya ang pagiba ng aura nito.
May pagkaseloso talaga ang mokong.
Mabilis lang natapos ang duty niya kaya binalikan na niya ang kaybigan.
Binaba nito ang hawak na libro at tumingin sa kanya.
" Tapos ka na"
" Oo mag-aayos lang ako hintayin mo nalang ako sa labas "
" Sure " kinuha nito ang backpack na dala nito at lumakad na palabas ng cafe.
Nilapitan naman niya ang pwesto ni Craze ng makitang nakalabas na si Xintia.
" Mauna na kami Craze hintayin mo nalang ako sa bahay mo "
" I love you "
Mahinang bulong nito.
" I love you too " sagot niya rito.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumalik na siya sa locker room para mag-ayos.
Nang lumabas siya ay wala na si Craze sa pwesto nito.
Nagpaalam muna siya sa boss niya bago siya lumakad papunta sa labas.
Nadatnan niya si Xintia na naghihintay sa tabi ng isang itim na sasakyan.
" Tara na "
Sumakay ito sa likod ng sasakyan kaya sumunod na rin siya.
Tahimig lang sila sa loob ng sasakyan hanggang sa huminto sila sa isang malaking bahay.
Bumukas ang gate at pinasok ng driver ang sasakyan sa loob hanggang sa harapan ng bahay.
Lumabas na si Xintia kaya sumunod na rin siya rito.
Pumasok sila sa loob ng bahay at sinalubong sila ng isang magandang babae.
" Baby how's school?" Salubong nito kay Xintia.
" Ok lang mom by the way mom this is Ella my new friend " nakangiting pagpapakilala nito sa kanya.
" Hello po magandang araw po " magalang namang bati niya.
" Hello Ella "
" Mom pupunta lang kami sa room ko " hinawakan siya ni Xintia at inayang umakyat sa itaas.
Pagdating sa taas ay pumasok sila sa isang silid.
Sumalubong sa paningin niya ang isang malawak na kwarto na may king size bed.
Parang kasing laki rin ito ng kwarto ni Craze kaya lang simple lang ang bahay ni Craze hindi mo nga aakalaing mayaman ang nakatira.
" Magpapalit lang ako " paalam nito sa kanya.
Inikot naman niya ang paningin hanggang sa maagaw ang atensyon niya ng isang larawan na nasa table nito.
Hindi siya pwedeng magkamali si Craze ito.
Pinakatitigan niya ang larawan.
Mas bata ang boyfriend niya rito.
Nakangiti ito habang nakaakbay sa batang si Xintia.
" That's my brother" napalingon siya kay Xintia.
Bago na ang suot nitong damit.
" Nakita ko lang para kasing pamilyar"
" He owns the school" nakangiting sambit nito.
Kinuha nito sa kanya ang larawan at binalik sa pwesto nito kanina.
" Hindi ba sya umuuwi rito?" Tanong niya rito.
Mahirap na baka magkabukuhan pa.
" No he have his own house let's start"
Kinuha nito ang laptop nito at nagumpisa ng magtype.Habang siya naman ay nagbukas ng librong related sa topic nila.
Mukhang malelate sya ng uwi mamaya itetxt nya nalang si Craze wala namang pasok bukas kaya kahit na umagahin na siya ng uwi..