Chapter 8 - Chapter 7

Nagising akong wala na sa tabi ko si Craze.

Tumayo ako at nagtuloy sa banyo para mag-ayos. Nagpalit na rin ako ng damit at naghilamos.

Pagkatapos kong maayos ang sarili ko ay lumabas na ko ng silid at nagtuloy sa sala ng bahay.

Nadatnan ko roon si Craze na nakabihis.

Nakatalikod ito habang nakatingin sa mga painting na nakasabit sa dingding. Nakapants ito at polong itim.

San pupunta ang lalaking to?

Kunot noong lumapit ako sa kanya.

Yinakap ko siya mula sa likuran.

" May lakad ka?" Tanong niya rito.

" Kaylangan ko ng umalis Riz "

May lungkot sa boses nito.

" Ngayon na ba yon"

" Yes kaylangan ako ng dad ko roon nagkaproblema kasi sa company namin roon" humarap ito sa kanya.

Hindi na niya napigilang umiyak.

Mamimiss niya si Craze.

Si Craze ang lagi niyang kasama kaya hindi niya alam ang gagawin kapag wala na ito.

" Don't cry Riz uuwi rin naman ako lagi kitang tatawagan "

" Mamimiss kita Craze "

" I know "

" Stop crying ok " pinunasan nito ang luha niya.

" Akala ko makakapagbonding tayo "

" Sorry Riz "

" Ayos lang Craze anong oras ang flight mo"

" Hinintay lang talaga kitang gumising I need to go I love you" binigyan siya nito ng mapusok na halik sa labi.

" I love you too Craze " sagot niya sa pagitan ng paghalik nito sa kanya.

Habol na niya ang hininga ng tigilan siya nito.

" Wait for me Riz "

Tumango siya at dinampian uli ito ng halik sa labi.

Humilay ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Hinatid niya ito sa labas.

Wala itong dalang gamit o kahit ano paman.

Hinalikan pa siya nito bago pumasok sa sasakyan nito.

Nanatili siya sa labas hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Craze.

" Bye Craze hihintayin kita " mahinang bulong niya.

Tumingala siya sa langit at nakita niya ang kadiliman roon.

Mukhang nakikidalamhati sa kanya ang langit.

Pano na siya wala na ang taong laging kasama niya.

Papasok na sana siya sa loob ng magring ang phone niya.

" Xintia " basa niya sa pangalan ng caller.

Kaagad naman niyang sinagot ang tawag.

" Ella " masiglang salubong nito sa kanya.

" Bakit?"

" Gusto mong mamasyal "

Mukhang tama ang tiyempo ng pagdating ni Xintia sa buhay niya.

Sinasalba talaga ng magkapatid na to ang malungkot niyang buhay.

" Saan ba?"

May sinabi ito sa kanyang isang mall na madalas nitong puntahan.

Gusto pa sana siya nitong sunduin pero tumanggi na siya.

Mahirap na baka magkabukuhan pa.

" Hihintayin kita "

" Sige " binaba na niya ang tawag at pumasok na sa loob ng bahay.

Mukhang ilang araw muna akong hindi pupunta dito baka lalo ko lang mamiss si Craze.

Nagpalit na siya ng pangalis at kinuha ang kanyang bag.

Sinara niya ang lahat ng dapat isara sa bahay bago siya umalis.

Ano kayang mangyayari sa buhay niya gayong wala na si Craze?

Maganda na rin siguro ito para masanay siyang hindi lang si Craze ang kasama niya palagi.

Kinuha niya ang payong sa bag at binuksan ng tuluyan ng pumatak ang ulan.

Tumingala siya sa langit at nakita niya ang isang lumilipad na eroplano.

I will see you again Craze I love you

Bulong niya sa sarili bago nilisan ang lugar.