Chapter 9 - Chapter 8

" anong ginagawa mo?"

Nakangiting dinidikitan niya ng desenyo ang ginawa niyang scrapbook.

Isang taon na rin pala ang lumipas mula ng umalis si Craze.

Inalis niya ang tingin sa ginagawa niya at nilingon ang cellphone niya kung saan ay kavideo call niya ang nobyo.

" Anniversary ng friendship namin ni Xintia "

" Don't bother to make some effort kahit ano naman tinatanggap non"

" Compilation lang ng mga photos naming dalawa"

" Kaya mahal na mahal kita Riz you always appreciate others "

" Love you too " pabirong sagot niya sa nobyo.

Napangiti naman ito at napailing nalang sa kakulitan niya.

" Riz I have a surprise to you"

" Ano?"

" Di na yon surprise kung sasabihin ko I call you later I love you"

" I love you too "

Pinatay na nito ang call at binalikan naman niya ang ginagawa.

Malapit na siyang matapos ng tumunog ang phone niya.

Message galing kay Craze.

Inopen nya iyon at bumungad sa kanya ang isang screenshot photo.

Napangiti siya ng mabasa ang conversation.

Craze:  I will ruin other person surprised, she really like you Riz.

Pahabol na message ni Craze.

Napaiyak siya sa conversation ng magkapatid.

First time niyang maexperience na iappreciate ng ibang tao lalo na kung friendship ang pinag-uusapan.

Hindi lang pala siya ang may ibibigay sa kaybigan.

May hinanda itong sorpresa para sa kanya.

Ibaback na sana niya ang message ni Craze ng nagpop up ang profile ni Xintia.

Xintia: Ella pwede ka bang pumunta sa bahay?

Napangiti siya at nagtipa ng sagot.

Sure replay niya sa kaybigan.

Binaba na niya ang phone at pumunta sa lalagyan niya ng damit.

Kumuha lang siya ng simpleng t-shirt at pantalon.

Pagkatapos ay nagtuloy na siya sa banyo para ayusan ang sarili.

Nangmasiguradong ayos na siya ay lumabas na siya at kinuha ang bag niya pati na ang ginawang scrapbook.

Nilock niya ang pinto ng apartment niya at nagabang nang masasakyan papunta sa bahay nila Xintia.

Dahil may kalapitan lang ang bahay ng mga ito ay nakarating kaagad siya roon.

Nagdorbell siya sa gate ng bahay at kaagad naman siyang pinagbuksan.

Pinapasok siya ng isang kasambahay.

Pagdating sa loob ay sinalubong siya ng katahimikan.

" Asan po si Xintia?" Tanong niya sa kasambahay.

Giniya naman siya nito sa kwarto ni Xintia.

Natatawa nalang siya sa kanyang sarili.

Yung message kasi na sinend sa kanya ni Craze ay naglalaman ng buong sorpresa ni Xintia.

Pati ang regalong ibibigay nito sa kanya ay sinabi rin nito kay Craze.

Ganon ka close ang magkapatid ang sikreto lang siguro ni Craze dito ay ang relasyong meron sila.

Kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.

Madilim ang buong silid ni Xintia.

" Xintia " tawag nya rito.

Sakto namang bumukas ang ilaw at bumungad sa kanyang paningin ang mga picture nilang nakasabit sa buong paligid ng silid.

Nakakatuwang isipin na kahit alam nya na ang gagawin ng kaybigan ay hindi niya pa rin maiwasang mapaiyak.

Ngayon lang may gumawa sa kanya ng ganito.

Kahit na may pagkasweet si Craze ay never pa nitong nagawa sa kanya ang ganitong bagay.

Hawak hawak ni Xintia ang isang cake na may picture nilang dalawa.

" Happy Birthday to us, Happy Birthday to us "

Kanta nito habang papalapit sa kanya.

Huminto ito sa mismong harapan niya.

" Ikaw ang naging unang matalik kong kaybigan Ella, one year na ang lumipas mula ng kausapin mo ko at maging partner tayo sa presentation I love you friend thank you sa friendship "

Pinunasan niya ang kanyang luha.

" Mahal din kita Xintia maraming maraming salamat at kinausap mo ko ng araw na iyon thank you "

" Let's blow the candle "

Sabay nilang hinipan ang kandila.

Pagkatapos ay itinabi naman iyon ni Xintia sa table na naroroon.

" May gift ako sayo"

Imporma nito sa kanya.

Isa pang nakakatuwang bagay ang nalaman niya sa message ni Craze.

" Tsaran " sambit nito sabay labas ng isang scrapbook.

" Xintia " inilabas din niya ang scrapbook na ginawa niya.

Nanlalaki ang mga matang kinuha nito ang scrapbook na binigay niya. Ganon din ang ginawa niya sa scrapbook na inabot nito.

" Thank you Ella, itatago ko ito "

" Ganon din ang gagawin ko dito "

" Tara kainin na natin yung cake ako ang nagbake niyan "

Masayang pinagsaluhan nila ang cake na hinanda nito.

Napakasayang isipin na malaki ang pagbabagong ibinigay ng magkapatid na ito sa buhay niya.

Pagbabagong ikinasisiya niyang maranasan.