Babalik na sana siya sa loob ng saktong papalabas naman si Xintia.
" Ang tagal mo"
Kunot noong sambit nito.
" Maraming tao sa c.r " nakangiting sambit niya.
Lumapit siya kay Xintia at kumapit sa braso nito.
" Kain tayo" Yaya nya rito.
Ngumiti ito at masayang nagpatianod sa kanya sa canteen.
Marami ang tao sa canteen ang lahat ay may kanya kanyang grupo at pinag-uusapan ang nangyari kanina.
Kaya maayos ang school na ito hindi kagaya ng ibang school na binubully ang mga hindi nila kalevel.
Sa school na to kapag mahirap ka wala silang pakialam para kang isang bagay na hindi naman nageexist sa paningin nila.
" Ako na ang bibili get a table " sambit sa kanya ni Xintia.
Inikot naman niya ang paningin sa paligid may table na available sana sa gilid.
Kaya lang ay may lalaki ng umupo roon.
Inikot pa niya ang paningin occupied talaga lahat ng upuan.
Mukhang yayayain nalang niya si Xintia sa ibang lugar.
Sa park nalang siguro sila kakain.
Lalakad na sana siya palapit kay Xintia ng may tumawag sa pangalan niya.
" Ella " tumingin siya sa pinanggalingan ng boses pero tanging busying mga tao lang ang nakita niya.
Pinagkibit balikat nalang niya ang narinig at maglalakad na sanang muli ng may tumawag uli sa kanya.
" Ella " nilingon nya uli ang parte kung saan narinig niya ang boses.
Napansin niya nakangiting nakaharap sa direksyon niya ang lalaki sa table na sana ay pupuntahan niya.
Tinaas pa nito ang kamay at kumaway sa kanya.
Kunot noong tinuro niya pa ang sarili para makasigurado siya ang kinakausap nito.
Nakangiting tumango ito sa kanya.
Lumingon naman siya kay Xintia at nang makitang namimili pa ito ng kakainin ay lumakad na siya palapit sa taong tumatawag sa kanya.
" Anong kaylangan mo?"
" Si Ella ka right? " nakangising sambit nito.
" Yes, bakit?"
" Sit here " tinuro nito ang upuan na available sa harapan nito.
Umupo naman siya sa tinuro nitong upuan.
" I'm Dwain " pakilala nito sa kanya.
" Then?"
Tanong niya.
May kinuha itong sa bag nito na isang brown envelope at inilahad sa kanya.
Nagtataka man ay kinuha niya ito at binuksan.
Nanlaki ang kanyang mga mata at kumabog ng sobra ang puso niya ng makita ang mga larawan nila ni Craze.
Merong nakahalik siya rito o di kaya ay nakaakbay si Craze sa kanya.
Mabilis niyang nilingon ang paligid at si Xintia nakahinga siya ng maluwag ng makitang busy pa ang lahat.
" Anong kaylangan mo?" Kinakabahan tanong niya.
Binalik kaagad niya sa envelop ang mga letrato.
" Simple lang naman ang kaylangan ko tulungan mo lang akong pakipaglapit kay Xintia "
Binaling nito ang tingin kay Xintia ganun din ang ginawa niya.
" Ayun lang"
" Yes I like her us a woman " nakangiting pang sambit nito.
Napangiti nalang siya ng mapansin na malakas talaga ang tama nito sa kaybigan niya.
Mukhang gusto lang siya nitong gawing tulay para makalapit kay Xintia.
" May kopya ka pa ba nito?"
Tanong niya sabay taas ng envelope.
" Wala na " maikling sagot nito habang hindi inaalis ang tingin kay Xintia.
Nakita naman niyang tapos ng bumili ang kaybigan at hinahanap na siya nito. Itinago naman niya ang envelope sa bag niya.
Mahirap na baka makita pa ni Xintia.
" Xintia " tawag niya rito sabay taas ng kanyang kamay.
Kaagad naman siya nitong nakita kaya naglakad na ito palapit sa kanila.
Sabagay kahit na nerdy look si Xintia hindi pa rin natatago ng brace at nerd glasses nito ang magandang mukha ng kaybigan.
" Sino sya ?" Tanong ni Xintia.
Binaba nito ang tray na hawak at umupo sa tabi niya.
Apat kasi ang upuan sa isang table.
" Dwain " maikling sagot niya.
Natulala na kasi ang lalaking gwapo sana kaya lang mukhang may saltik.
Inabot ni Xintia sa kanya ang isang spaghetti at burger.
" Ayos na ba yan?"
Tumango naman siya at nag-umpisa ng kumain.
Hindi muna siya magtatrabaho ngayon dadaan nalang siya sa cafe para magpaalam sa boss niya.
Pupuntahan niya si Craze miss na niya ang nobyo.
Habang nginunguya naman niya ang pagkain ay ramdam niya ang pag-kailang ni Xintia kaya sinipa niya ang lalaki na nasa tapat nila dahilan para lumingon ito sa kanya.
Pinanlakihan nya ito ng mata.
Mukha kasing ilang na ilang na si Xintia dito.
May saltik yata ang lalaking ito makwento nga to kay Craze para ito ang humarap sa sira ulong lalaking ito.