Chapter 4 - Chapter 3

Nagising siya dahil sa liwanag na tumatagos sa silid ni Craze dinala siya nito sa kwarto matapos ng ginawa nilang kababalaghan sa sala.

Kipkip ang kumot ay tumayo siya para tumuloy sa cabinet nito.

Kumuha siya ng isang puting t-shirt na siyang isinuot niya.

Dahil sadyang mas matangkad sa kanya si Craze ay nagmukhang bistida ang puting t-shirt nito sa kanya.

Lumakad siya palabas ng silid at nag-tungo sa kusina kung saan ay nakaamoy siya ng mabangong amoy.

Mukhang nagluluto na si Mr. President.

Lumakad siya at lumapit rito

" Mr. ano yan?"

Tanong niya rito sabay tingin sa nilalagay nitong kanin sa plato.

" Your breakfast "

Kumuha siya ng kutsara at sumadok sa plato ng sinangag na may kung ano anong rekado.

Pagkatapos ay sinubo niya iyon at nginuya.

" Hmmmm ang sarap talagang kumain " nakapikit pang sambit niya.

Ang lalaki namang kanina lang ay nakatayo sa tabi niya ay nakayakap na ngayon sa kanyang likuran at hinahaplos ang kanyang tiyan.

" Anong ginagawa mo?"

" Gusto ko ng magkaanak" mahinang bulong nito sa tenga niya.

Binitawan naman niya ang kutsara at umikot paharap dito. Pinisil niya ang matangos nitong ilong.

" Mister bata pa ko hayaan mo muna akong grumaduate,  tama na munang maagang nacorrupt ang utak ko "

Ngumiti naman ito at binigyan siya ng isang halik sa labi.

" Gutom na ko " nakangusong sambit niya.

Nakangiting napailing ito at humiwalay sa kanya.

Humatak ito ng isang upuan at umupo roon.

Hinatak naman siya nito pakandong bago kinuha ang kutsara at sinubuan siya.

" Riz "

" Hmmm" patanong na sambit niya.

Puno kasi ng kanin ang bibig niya.

" They want me to go and live with them, my father needs me" mahinang sambit nito.

Ang puno ng sayang atmosphere nila ay napalitan ng kalungkutan.

Nilunok niya ang pagkain na nasa bibig niya.

" Kaylan?"

"I don't want to go " hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan siya sa batok.

" Pero kaylangan hindi ba?"

" Yes "

" Babalik ka naman hindi ba?"

" After two years "

Pinatong nito ang baba sa balikat niya.

Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.

" Hihintayin kita, hindi pa naman ako graduate non kaya nasa school pa ko "

" Are you sure "

" I love you Craze I can wait no matter how long "

" I promise Riz I will comeback "

" Tama na nga ang drama dali pakainin mo na ang baby mo "

Hinalikan siya nito sa pisngi bago inabot ang kutsara at pinakain siya.

Natapos ang buong almusal nila nang nasa ganon silang pusisyon pagkatapos ay pinako siya nito at sinamahang maligo sa c.r.

At bahala na kayong mag-isip kung anong ginawa nila sa loob.

" Riz" tawag nito sa kanya.

Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok.

Habang ito naman ay nag-aayos ng necktie. May meeting kasi itong dadaluhan ngayon.

Nilapitan nya ito at inayos ang tie nito.

" Ayan pogi ka na Craze "

" Your beautiful " mahinang bulong nito.

" I know "

Yumuko ito at binigyan siya ng isang halik sa labi.

" Saan kita ibaba?"

" Sa terminal ng jeep "

" Hindi ba pwedeng sa school na"

" Alam mo namang ayaw ko pa hindi ba Craze ayaw kong mapagusapan " ngumiti ito at hinalikan siyang muli.

Pagkatapos siyang halikan nito ay kinuha na nito ang bag niya at hinawakan ang kamay niya palabas ng silid.

Magkaholding hands sila papunta sa sasakyan nito.

Pinakawalan lang nito ang kamay niya ng buksan nito ang pinto at alalayan siyang pumasok sa loob.

Pagkatapos ay ito naman ang pumasok at umupo sa may driver sit.

Bago nito paandarin ang sasakyan ay kinabit muna nito ang seatbelt niya.

Nang masiguradong ayos na siya ay pinaandar na nito ang makina.

Nanatili lang siyang nakatingin sa labas at hindi kumikibo.

" Nandito na tayo"

Tinanggal niya ang seatbelt. Akmang lalabas na siya ng pigilan siya nito.

" You forgot something"

Napangiti siya ng ngumuso ito.

Lumapit siya rito at binigyan ito ng isang mabilis na halik.

" Magkita tayo mamaya "

" Sure "

Ngumiti siya at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.

Kumaway siya rito at hinintay na umandar ang sasakyan ng makalayo na ito ay duon palang  siya sumakay sa jeep na papunta sa school niya.

Malungkot man isipin na tago ang relasyon nila pero kaylangan ayaw niyang maakusahang golddigger o kung ano pa man.

Mahal niya si Craze sa kadahilanang mahal niya ito.

Mahal na mahal.